Sunday, February 20, 2011

A Crepeeey Weekend

Usapang pagkain to. Wala lang ako maisip na title e. Hihihi!

Wala to sa plano because I'm actually preparing myself to have a pretty nice bod to expose this summer. Naks! (As if may karapatan hahaha!) I noticed some ingredients on my fridge were about to expire. Kesa sila ang masira... e si diet na lang. Medyo may kamahalan din kasi. I made two types or crepe. Langka and Mango. The raw fruits alone e nakakademonyo na kumbaga. Two of my favorites. This is actually the first time I will share a dessert recipe. Chaka na yung iba, baka mas maging yummy na ang blog ko kesa sakin. hahahaha! joke. Presenting my very own mango and langka crepes..





O diba ang saya? I just drizzled it with malapit ng maexpire na chocolate syrup and whipped cream. It would
be better if you will top it with langka. Or yung whipped cream na may shape shape sa end ng tube. Mas cute. Wala ako nun e. hihihih!

Ready ka na ba gumawa ng version mo? Charaaaan!


INGREDIENTS
Batter:
1 cup all-purpose flour
1/4 cup confectioners' sugar
2 eggs
1 cup milk
3 tablespoons butter, melted
1 teaspoon vanilla extract
1/4 teaspoon salt

Filling:
1/4 cup butter
1/4 cup packed brown sugar
1/4 teaspoon ground cinnamon
1/4 teaspoon ground nutmeg
1/4 cup half-and-half cream
½ kilo of chopped jackfruit
1 1/2 cups whipped heavy cream

Directions
1. Sift flour and powdered sugar into a mixing bowl. Add eggs, milk, butter, vanilla, and salt; beat until smooth.
2. Heat a lightly greased 6 inch skillet. Add about 3 tablespoons batter. Tilt skillet so that batter spreads to almost cover the bottom of skillet. Cook until lightly browned; turn and brown the other side. Repeat process with remaining batter, grease skillet as needed.
3. Melt 1/4 cup butter in a large skillet. Stir in brown sugar, 1/4 teaspoon cinnamon and nutmeg. Stir in cream and cook until slightly thickened. Add the chopped jackfruit to skillet; cook for 2 to 3 minutes, spooning sauce over them. Remove from heat.
4. Put the filling inside each crepe then roll it. Place on serving platter.

Dahil maarte nga ako, may mango din. Same procedure lang kung pano ko ginawa yung sa jackfruit.


Enjoooy and have a yummy weekend too!

Sunday, February 13, 2011

10,000,000 signatures to save the Last Frontier


Can't we give just a minute or two for this campaign? Your vote can make a difference. Log on to http://www.no2mininginpalawan.com/

First time I saw this place, I promised myself, kahit mag dildil pa ko ng asin, I will show it to my future children. But as much as I wanted to share this breath-taking beauty to the next generation, it is becoming absurd as this mining can burst that huge bubble in my head. Kaya natin to guys. As of today, 32k pa lang and counting. We still have a long way to go.

Friday, February 11, 2011

Bad Day

As always.. I'm busy (pero nakuha pang mag blog). Sayang naman siya kung hindi gagamitin. I mean, come on! At least may natitira pa pala diba? Dapat ipagpasalamat. I'm just sick and tired of this daily habit of going home late and going to the office ng hindi pa sumisikat ang araw. Gusto ko lang ishare bakit ba. Moment ko to.

8:30 to 5:30 - normal hours. It's already past 8:00 PM. My workstation is still alive and kicking. No signs of going home whatsoever. 

Officemate: "Anong oras ka uuwi?"
Me: "Mga 9 siguro."
Officemate: "Ay naku 10 yan.. hindi na kita aantayin. Bye!"

Badtrip. Panalo siya. Lagi. Dumadating sa point na pinagpupustahan na ang oras ng uwi ko. To catch the last trip of MRT North Bound or the Shuttle service sa baba ng MRT, I have to leave the office at around 9:45. Kaya para akong laging nakikipag amazing race sa mga tao sa walkway. Nakakasawa na. If it's already 10, I should ride the bus going to Cubao dahil alanganin na si MRT. Masasaraduhan ako. Sayang ang effort.

Last night, sabi ko sa sarili ko lalabas ako ng 8pm para mag dinner dahil alam kong gagabihin na naman ako. Fail. Nakalimutan kong kumain.

10:05 pm. I decided to go home. Kumukulo na ang tiyan ko. Dumaan pa tuloy ako kay Jollibee para mag take out ng burger fries meal. I don't care if someone I know would see me eating while walking along Ayala Avenue. Isa pa, hindi mangyayaring may makakakilala sakin. Nakauwi na lahat. I should've taken the bus, but I did not.. hoping my MRT or shuttle service would wait for me. Nag jeep na ko papunta dun.

Pagkababa sa jeep, I ran as fast as I could. Walang pamilyar. Wala na ang kaibigan kong dispatcher. Nakauwi na siguro. Hindi na ko nag aksaya ng oras. Tumakbo ulit ako para sa MRT. Badtrip. Sira ang escalator. Kesehodang Ponsyo Pilato pang makabangga ko sa hagdan. Kalimutan na ang poise na yan. Pag akyat ko, bumungad ang dalawang guard... isinasara na ang gate. "Wala na ma'am. Kaka-alis lang ng last trip e." Wala na kong nagawa. I even saw some people na naka pasok pa e. Ilang steps na lang e. Kung kumain sana ako nung alas 8, hindi na sana ako dumaan pa sa Jollibee.. kung hindi siguro ako dumaan pa sa babang terminal baka naka-abot pa ko. Nakakalungkot talaga. Mahihiya na ang taong grasa sa ichura ko.

Nag bus ako. Ginawa nyang parking lot ang EDSA at Ortigas. Nakauwi ako ng 12:30am.

Kinabukasan, 8:41 ang time in ko. Hanggang 8:40 lang ang grace period. Hay! Kelan kaya matatapos ang kamalasang to? 


Ang boring ng post na to. Halatang masabi lang na may naisulat. Hahaha! Sha! Papasok pa ko ng weekends. Kuracha mode super ON.