Thai movie siya. First time I saw the trailer on FB, it caught me big time. I saw myself in her way back in highschool. Ganun na ganun promise. Then I told my officemates about it. Isa lang reaksyon nila "Weeeeeeeeh!? Di nga?!?!?!" Sa katarayan ko daw kasi ngayon, never nilang nakita na may ganun akong nakatagong personality. I don't know if I should take it as a compliment. Hahaha! Kung siguro kasama ko yung dati kong friend malamang nasabihan na ko nun ng "ang kati mo rin e no!" hahah! Bad baklita.
Then I started to reminisce my so called, pardon me for the term, 'kalandian'. If you're going to watch the movie, lahat yun nagawa ko except lang na nagtapat ako sa kanya with matching love letter pa. Haller! Dalagang pilipina to no.
Ayokong mag name drop dahil friend ko siya sa FB, which I will share this post eventually. Hindi ko na balak sabihin sa kanya. Iba na standards ko ngayon e hahahaha! Charot! Kabatch siya nung kuya ko. Elementary pa lang magkasama na kami sa iisang eskwelahan. Pera, pagkain at laruan lang ang nasa isip ko nung bata ako kaya dedma siya. Malay ko naman magiging machete pala siya paglaki namin. Kung alam ko lang di sana dinamba ko na siya noon pa. First year high school ako nung narealize ko ang yummy pala niya.
Lunch break. Me and my fans.. I mean friends hang out near their tambayan. Oo supportive ang friends ko, Isa sa kanila ang nakakuha ng number niya sa bahay. Ibang klase diba? High-end stalker. hahahaha! Marinig ko lang ang boses niya masaya na ko. Nauso ang caller ID kaya natigil ang pagpprank call ko sa kanya. Hahaha! Jessica pa nga ang ginagamit kong alias e. Isa sa mga friends ko ang ka-service niya kaya natunton ko ang bahay nila. Minsan, I had the opportunity to sneak in to their classroom. Wala kaming locker nun kaya iniiwan lang ang gamit sa upuan. Pumilas ako ng isang papel sa notebook niya. Just to have something to look at kahit sa pagtulog. Lam mo yun... ayiiiiii! hahaha!
Naging crush ko siya from first year to .... ewan ko kung kelan natigil ang kahibangan ko sa kanya. Naging ex-crush ko na siya nung nalaman kong naging sila nung maharot kong classmate. Langya! Pilit akong nagpapacute tapos ganun pala mga tipo niya. Pakawala. Eventually hindi pa kami nakaka-graduate ng high-school e nag-break din sila. Buti nga. Ang nakakatuwa pinagpamigayan nung ex niya mga pictures niya sa classroom. Siyempre naki-agaw ako. Well at least hindi na kapirasong papel ang tititigan ko gabi gabi. hahahaha!
Meron lang akong isang forgettable unforgettable moment. Dahil sa ka-clumsihan ko nadapa ako eskasto empunto sabay litaw siya sa may hagdan kung san ako nadapa.. Hinahabol kasi ako nung classmate kong bakla ng eraser na kakabura pa lang sa blackboard. Namula ako. Freeze. Mahihiya ang makopa sa kin. Kung bakit ba hindi ko pa maitayo ang sarili ko. Nilapitan niya ako at tinulungan makatayo sabay tanong ng "okay ka lang ba? may masakit ba sa iyo?". Char! Wish ko lang no... sana nga ganun ang nangyari. Pinagtawanan niya lang ako sabay alis. LQ na kami.

Hanggang ngayon sinisilip silip ko pa rin siya sa FB. Wala lang. Pero naka recover na ko no. Ilang taon na kaya yun. Isa pa may girlfriend na ang mokong. Baka pag nakita niya ko e magulo pa buhay pag-ibig nila. Hahahah! Naguumapaw sa confidence. hahaha! Teka. This is supposed to be a movie review e. Bat ako ang naging subject. Just watch the film guys. Two thumbs up. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako.
Alam kong kating kati ka ng panoorin ang buong film. Eto link Full with Eng Sub. Enjoy and be in love once again.