Sunday, June 20, 2010

Batang Isip

I've been writing a lot of travel experiences these past few months. Hindi na summer ngaun (sabi ng walang kapag-a-pag-asang PAGASA), at ubos na rin ang pera ko. Naisip ko lang, siguro it's time na tungkol naman sa buhay ko ang iku-kwento ko. Para cute. Gamit lang ang garampot kong ala-ala, hindi ko kailangang ng masyadong effort. At dahil pasukan na, mga bata ang nagkalat sa daan.. minabuti kong magsulat ng tungkol sa masasayang araw ng buhay ko... ang aking kabataan. Ok! flashback...


Nung bata pa ako...

  • marunong akong manghuli ng bulaka.. palakang hindi pa finally developed kaya may parteng butete pa rin. Maliliit lang ito. Una, mangunguha ka ng suso sa kanal.. siyempre magtatago ito sa bahay nya. Ilalagay mo sa isang malaking bato... tapos pag lumalabas na ulit ang pinkish nyang laman... gamit ang isa pang malaking bato... chaka mo sya pipisatin ng bonggang bongga.. para tragic ang dating. Mahirap kasi pag "killing me softly". Parusa yun. Tanggalin ang basag na shell. Tapos, kukuha ka ng patpat na may pisi.. dun mo itatali ang pisat na lamang-loob ng suso. Isawsaw mo lang ito sa kanal na masukal ngunit hindi mabaho at maitim. Maraming ganyan sa probinsya. Yung tipong mahihiya ang mineral water sa sobrang linaw nya. Habaan ang pasensya.. maya maya may kakagat na dyan promise. Kung suswertihin, palaka na mismo ang mahuhuli mo. Be ready.
  • hindi ako mahilig sa gatas.. kape ang favorite ko... kape sa mangkok. Sabi nila masama ang kape sa bata.. masyado na sigurong late to at hindi na naagapan ng nanay ko. Hindi na ko nabubuhay kung walang kape. Oh and yeah, "Baracko" in particular. Siguro mahal ang gatas nung araw. Bakit sa mangkok? Hindi kasi uso ang baso sa probinsya namin. Nilalabas lang nila ang mga magaganda nilang utensils pag piyesta.  Minsan pag tinatanong nila ako kung bakit ang tangkad tangkad ko, hindi ko alam ang isasagot ko. Ngayon ko lang naisip...
  • kumakain ako na nakataas ang isang paa. Natutunan ko yan sa nasira kong Mamay (my lolo). Mahilig umupo si Mamay sa edge ng bangko. Minsan naalala ko pa nung kumain kami at umupo sa mahabang bangkong yun.. kuya ko sa kabila, ako sa gitna, at si Mamay sa kabilang dulo. Nauna akong natapos, maya maya sumunod ang kuya ko, pag-alis nya, natuwad ang bangko. Ayun nahulog ang kumakain kong Mamay... pinigilan kong tumawa promise. Hindi ko po sinasadya... patawad. FYI, hindi naman yun ang ikinamatay nya.. wag OA.
  • kahit babae ako, para akong barako kung kumilos. Mahilig ako maglambitin sa mga bakal at puno. With matching sigaw pa kung sinong character ang pino-portray. Bongga diba?Minsan naalala ko, naging "Shaider" ako at naglambitin sa bakal na swing ng kapit bahay namin... namali ang bagsak ko. Ayun, nabali ang kaliwang kamay ko at kinailangan sementuhan. Dun ko naalala, ako nga pala si Annie.. Saya no?
  • mahilig akong magyapak. Minsan na kong naniwalang papasukin ng worm ang paa ko sabi ng mga native sa probinsya namin (hahha! native talaga e no). Kahit ilang beses pa akong takutin, walang habas ko pa rin tong ginagawa. Masarap sa pakiramdam pag walang sapin ang paa at itinatapak sa kahoy na sahig diba? aminin... Naniwala lang ako sa pananakot nila nung minsan napoo-poo ako. hahahaha! alam na...
  • manunupot ang number one panakot sakin pag nahuhuli akong nasa lansangan pagpatak ng alas sais ng gabi. Sila daw yung mga kampon ng kadiliman na nangunguha ng bata at isinisilid sa sako... iniaalay sa tulay pagkatapos. Matibay daw kasi ang dugo ng bata. Fresh pa.
  • natakot din ako sa bayugo. Sabi ng matatanda, bawal na bawal na lumalagpas ang unan mo sa unan ng mas nakatatanda sayo. Kundi kakatukin ka sa ulo ng bayugo. Tinanong ko ang nanay ko kung ano ang ichura niya. Sabi nya wala daw nakakakita sa kanya.. pero kulay pula daw siya kwento sa kanya ng lolo ko. So close sila ng lolo ko ganun?! Siya lang pwede makakita?!
  • naniniwala akong bawal makakita ng pula ang baka at kalabaw dahil susugurin ka nila. Kaya kung ang suot mo ay may bahid ng pula, hindi ka pwedeng magpakita sa kanila. Goodluck sayo.
  • achuete ang ginagawa kong cutics. Cutics ang tawag sa nailpolish nung kabataan ko. Hindi ko alam kung yan pa rin hanggang ngayon.
  • kapag may nakikita akong naglilipstick... pag natapos na, nakikita ko na lang ang sarili kong naka-nganga at naka-nguso din.
  • sinasanto ko ang PISO.. pag may nag-alok sakin nito, gagawin ko lahat ang gustong ipagawa sakin. Kahit nagmumuka na kong manikang de-susi.
  • sinasabuyan ko ng asin ang mga asong nag ma-make love sa kalye.
  • mahilig akong magtampisaw sa baha. Galisin na kung galisin, ayos lang. Ang saya naman. Minsan inaantay pa namin na may dumaan na sasakyan para masabuyan kami. =)
  • uso ang pangangaluluwa samin. Hindi ito ghost hunting gaya ng nasa isip nyo ngayon. Ito ang caroling pag araw ng patay. In fairness kabisado ko pa rin until now.. Kaya hindi lang pasko ang hinihintay naming mga bata, pati Nov 1... Two time Bigtime!
  • natuto din akong magsugal sa perya... color game. At maniniwala ba kayong napalago ko ng sixty pesos ang pisong puhunan na ibinigay ng tiyahin ko? Elibs na? =) Minsan pag natatalo ako, lumilipat ako dun sa tig bebente singko lang na taya. Yung ihulog mo sa mga square square tapos makakakuha ka ng delata, tupperware, baso at kung ano ano pa. At least magagamit ko. Minsan nakakapag-uwi naman ako kahit papano. Pero madalang, dinadaya kasi ako ng bangkero... hindi daw sakto sa loob ng kahon. Minsan, pag wala na talaga, kapit na ko sa patalim, maghahanap ako ng kamag-anak na nandun din at manghihingi ako ng puhunan. hehehe! Ni isang kusing, wala ng nakabalik sa kanila.


  • nakahithit na ko ng yosi. Yung magaling kong tiyahin ang may sala. Ang pina-tira pa sakin yung brown na yosi na kinakain nila afterwards... pinahithit ba naman sakin e diba matapang yung ganung flavor? Inubo ako ng walang habas. Kaya isinumpa ko nun sa sarili ko na hinding hindi na ko magyoyosi. Na-realize ko, kung may anak kayong ayaw nyong magkaron ng bisyo paglaki, try nyo din gawin kung anong ginawa ng tiyahin ko sa kin. Effective.


  • nakainom na din ako ng Fundador. Peer pressure lang nung pinsan ko. Try daw namin. Kahit pa ayoko, hindi ako nakapalag kasi siya yung isa sa mga pinsan kong ni minsan hindi pumasok sa isip kong susubok ng ganun. e ako pang maharot ang hindi papayag? Dalawang lagok lang yun pero iba ang epekto sakin. Nagkasakit ako. Nilagnat. Lashing na pala ako. Isinumpa ko na rin na hinding hindi na ko iinom nun. Yun fundador lang, pero ibang drinks oo.. hehehe! hindi pa rin nadala.


Tunay ngang kakaiba ang kabataan ko. Jampacked. Brutal. Maka-mundo. Mayaman. Totoo. I must say, ma-swerte pa rin ako at naranasan ko ang mga bagay na yan. Kung ano man ako ngayon, utang ko yan sa magulang ko at tiyahin kong nag-alaga sakin. Hindi dahil sa pananakot nila na ikina-trauma ko ng bongga (LOL!), kundi dahil hinayaan nila ako. Kapag ikinukwento ko yan sa mga kaibigan ko, ewan ko pero may inggit factor daw sila. Kaya ishina-share ko din yan sa inyo. =) Happy weekend!

Monday, June 14, 2010

Road Trip to Subic

Yes its a long weekend again! At dahil kaladkarin nga ako I decided to join my Tito of Bulacan on their road trip to Bataan daw. Swimming galore ulit. He had purchased a new bus and syempre it should pass a test drive. So this is it.. dala ang garampot na pera, (because I know hindi nya kami matitiis na pagbayarin.. hahaha!) we went. 7:30am call time, 6:30 pa lang nasa garahe na kami. Naisip ko, kung sa office lagi akong ganito, hindi ba dapat I deserve a reward? Pero pag late ka naman, para anlaki ng kasalanan mo, kalevel mo ang mamamatay tao...ganun!

Anyway.. hindi na ko magtataka kung past 8am na kami umalis dahil never in my entire life na nangyari yun. Kala ko konti lang ang sasama.. believe it or not, napuno ang bus. Ganun na pala karami ang angkan namin. So this is not just a family outing, I call it "Sangkalahian" outing dahil nuknukan kami ng dami. By the way, hindi ako na-brief na hindi pala aircon ang sasakyan namin kaya yun, nanlilimahid kami. But the bus is way much better than other ordinary bus na nakikita mo sa EDSA. I'm saying this not because my tito owns it... but because nilibre nya kami. hahaha! joke lang! Nga pala, wala rin nakaka-alam ni isa samin na nandun kung san kami pupunta exactly. I've been asking kung san ba kami sa Bataan kasi magre-research na ko ng mga itinerary para hindi sayang ang lakad. Tahimik lang sila. Hindi ko lam kung pinagloloko ba ko. We passed by Dinalupihan pero parang wala akong naaaninag na dagat kaya hindi pa rin tumitigil ang bus. Ito pa ha.. non-stop siya promise... walang ihi ihi. Masyado atang excited yung bago nilang driver, nagpapakitang gilas. Kaya kahit nag-aasin na ang wiwi mo balewala sa kanya. Hanggang sa nakarating na kami ng Olongapo Proper. It's already 11:30am... and I'm hungry. We saw Ocean Bay View (?). One of my cousins said, it's the nicest yet cheapest of all resort that can be found along the way. Bigla ako nabuhayan ng loob.. Kahit pa mataas na ang standards ko when it comes to beaches, pwede na rin yung mga cheap kung maganda naman talaga. Parang nabingi ata ang mga tito ko at hindi pinara yung bus. Ok sige palagpasin natin baka marami pa naman maganda.
After 7 minutes drive, biglang nagstop yung bus. Sabi nung driver nandito na daw kami. First thing we've done, dumungaw sa labas at hanapin ang magandang resort na naghihintay sa amin. Left? wala. Right? wala. Ok wala. Wala akong makitang maganda ate Charo. Kinakabahan na ko at this very moment. Bumaba yung driver at pumasok sa eskenitang maliit. Naaninag ko yung bulok bulok na cottage na kinulayan ng blue green ang fences. Parang perya lang. Kitang kita rin sa labas ang maruming pangpang. I was disappointed pero knowing them, papatulan nila yung ganung klase. True enough. Nung inaya na kaming bumaba parang dumikit ang pwet ko sa kinauupuan nya. No choice. Hindi kinaya ng powers naming maaarte ang powers nila kaya go na lang.



First Glance... Ok may flag... and I'm not impressed at all
Under that port is where we spent so much of our time. Bukod sa yan lang ang medyo magandang view na makikita mo, e ayaw din naman naming umitim. Another reason is that, it would make it appear as if dyan kami nagstay at hindi sa may chakang kubo.
I can't imagine na makakaligo ako sa dagat ng basura.. its super overwhelming. Eto ang panalo, We enjoyed the waves there, can you believe it? Nakakatawa nga lang kasi kasama mo ang mga pampers na gamit na, balat ng chichirya, kendi atbp. Matutuwa ang basurero sa dami. Imbes na maimbyerna kami, nagbibiruan na lang kami pag may lumulutang lutang na dumi. Minsan nagbabatuhan pa nga. I reminisce the old times nung mga bata pa kami. May sapa kasi near our lolo's house kaya we can swim whenever we want, at ganun din ang eksena. Kaya I can say, hindi lang si Manny ang nakaligo sa dagat ng basura... kami din!

We had fun taking pictures in this place. Para ka lang nasa barko.

They also rented a jetski. Ang saya kasi halos lahat kami dun first timer. Sayang hindi ako umabot sa oras e. 1300 half an hour. Sa dami naming gustong mag-attempt, hindi na ko nakasama kaya nagpose na lang ako. Astig!


All in all, this trip is a good one. I realize, kahit gano pa ka-pangit ang lugar, as long as you are with the right people, it will be an amazing experience. Sana next Kalahian Outing namin sa Bora na! Yuhuuu!!

Monday, May 31, 2010

Tan Is In: Dora goes to Nagsasa-Capones-Anawangin


Though I’ve heard and read a lot about these islands I’ve been to, still I’ll share my own experience as if no one has ever done it. As what my blog description says “Magsusulat ako whether you like it or else” Enjoy reading!

2 months ago when I texted Mang Johnny (09202224687), a bangkero there referred by my friend Chyng. Hindi ako excited. Hindi talaga promise. I asked my cousins to prepare super ahead of time kasi alam ko na ugali nila. Hahaha! Hindi ako nagkamali. Sa tinagal tagal ng preparation - Ako, my brother Kevin, my cousin Ate Vane and her boo Eugene lang ang natuloy.

We took the 6:30am first trip sa Victory Liner Cubao bound to Iba, Zambales. It will cost you P 261.00 each. Hindi na bago ang Anawangin at marami na kau makakasabay. Kaya be sure to go at the terminal early. Wala kasing reservation ultimo day before.

4 hours ang biyahe. Nakakapagod na agad. Pina-sundo kami ni Mang Johnny sa tricycle papuntang San Miguel Port na dinadrive ng yummy tricycle driver. P20.00 each. Ang cute ni kuya promise. Muka siyang artista. Anyway, so much for my kalandian. Back to the story.. Our bangkero is Kuya Edgar kasi may hinatid na si Mang Johnny. May nauna kasi samin. Hmp!


Our boat is waiting..

Goodbye lupa!


First time ni Ate Vane sa dagat believe it or not. Kaya sabi ko mag wish na sya at halikan nya ang buhangin. Takot na takot sya sa waves pero biglang ang ingay ingay at hiyaw na ng hiyaw nung nasa laot na kami to the point na nakaka-hiya na. hahaha! Peace Cuz! Wala masyadong waves nung papunta. Na-bore tuloy ako. Gusto ko pa naman makita ang reaksyon ng first timer kong pinsan. 1 hour ang papunta ng Anawangin. By the way, its a necessity to wear shades while sailing. It doesn't only protest your eyes from the sun but also sa super salty water na tipong mukang mag-aasin sa muka mo pag pinatagal mo ng 1 minuto. Pwede rin mag-goggles ka para cute.


Finally we landed safely... (airpleyn?) Hello Anawangin Cove!


Strike a pose








We stayed there mga 30 minutes para magpicture taking. Super dami na ng tao. 1500 ang bayad sa bangka dito plus the island hopping to Capones and Camara, but if you opted to go to Nagsasa, you will add P 500. Gagastos na rin lang, isagad na natin. Anyway, Nagsasa is a way much better than Anawangin. And you will be able to visit both pa.
Less than an hour ang boat ride to Nagsasa Cove... this time makapigil hininga na sya lalo na when we passed by Capones.

Yes here we are! Magpakasawa sa Nagsasa


Wala akong ibang masabi kundi WOW! It’s a pleasure to be a Pinay if you see na meron tayong ganitong kagandang lugar. The water is so clear and tempting. Mountains and Pine trees are everywhere. Hay! Tataas na naman ang standard ko sa mga beaches dahil dito. Mas konti ang tao at malalayo ang pagitan ng mga hut.



Before Kuya Edgar left us, he insisted to build our tent. Pagod na din kasi kami at bakas siguro sa mukha namin na hindi pa kami nakahawak niyan ni minsan. Ok kailangan ko na naman magpaka-tryin hard. We ate our lunch together with Kuya Edgar. We brought Adobo kasi matagal ang buhay niya. Rice? Bumili kami ng luto at hindi para may pang dinner din kami. Syempre hindi din mawawala ang sandamakmak na chichirya't delata at walang kamatayang cup noodles at tinapay. Bring enough water kasi kami muntik na kaming naubusan.



Mr. Crab! (high pitch)


Bluer than Blue


Our Kubo




Would you believe may Halo Halo sa Island na walang kuryente?! ibig sabihin halos dalawang oras pa ang binibiyahe nyan mula sa lupa ng San Miguel kaya sulit na sulit na ang P30.00 mo


yummy! Wala naman ang nanay ko na pumupigil sakin kumain ng mga nakakataba kaya go lang!


It's getting hotter!



Kulitan Moments



When the River meets the Sea


Yes Chyng you're right.. parang ngang Birch Tree. Baka na lang ang kulang


Batanes o Zambales?


Lipad Dora Lipad!


This is my moment



I can't sleep on the tent. Na-stress ako actually dahil sa sobrang init. So I tried sleeping sa may papag. Mga 30 minutes na kong nagmumuntik muntikanang mahulog sa kinahihigaan ko ng mamalayan kong nag-aalisan na ang kasama ko. Naka swim wear na sila. So i joined them. Low tide nun kaya kahit ga-milya na ang layo namin, hanggang bewang pa rin. I love this beach. This is the best for me so far.

My brother sa kauna-unahang pagkakataon, may matinong picture



Parang 9 waves lang



Moises ikaw ba yan?
 


Its my first time here, at ang sumpa ko tumatalab na naman.. may dalaw na naman ako at 2nd day pa (girl thing). Inaabangan ko na lang si “Ting” ang pating na lapain ako anytime habang naliligo. I googled it syempre. Sabi “It can detect one drop of blood in a million drops of water (25 gallons or 100 liters) and can smell blood 0.25 mile (0.4 km) away. Kaya binalak kong gumawa ng Last Will and Testament bago ako umalis. Awa naman ni Bro, mukang may sipon din ang mga pating sa mga oras na un.







My tanned tsinelas... naiwan ko sya somewhere. I'm ready to let him go kasi andami na niyang napuntahan pero naisip ko may island hopping pa pala kinabukasan kaya hinanap ko pa rin sya. Ganyan na ang kulay niya nung nakita ko.


Gabi na. My brother and I are first timers sa mga camping na yan. Yes we can cook but how to make a fire out of dried leaves and twigs - malaking problema yan. Dahil hobby ng kapatid kong mamulot ng sungot sungot, ginamit nya yan sa pangangahoy. Match? Ready. Dried Sungot? Ready. Kaldero with bigas? Ready. Ako? hindi. Mga 20 minutes na naming sinusubukan magpa-apoy at lagi pa rin kami namamatayan. Finally, Eugene and Ate Vane arrived. Galing sila sa pagmomoment nila ng makita nila kami na halos maubusan na hangin kaiihip sa baga. Hindi ako umamin nung tinanong nya ko kung kanina pa kami. Ulitin na lang daw namin. Dapat pala huhukayin mo yung lupa para may hangin na pinapasukan yung apoy. Maglalagay ka muna ng base - eto yung mga malalaking kahoy. Tapos chaka na yung mga sungot. Finally nakabuo na sya ng "STABLE" na apoy. Nagulat sya kasi ambilis kumulo. Sabi nya "ibig sabihin, kanina nyo pa yan ginagawa?!" hindi na ko umimik sa kahihiyan. hahaha!



Sige Eugene! Kaya mo na yan ha...


After naming makaluto syempre kakain na. Wala kaming magic lampara unlike dun sa ibang mga group. So we did an improvise yet very creative one. Viand? Adobo again plus 2 can of century tuna.

Our Magic Lamp made of Candle and kaputol na bote ng Sprite

Kala nyo sunrise lang ang nag-eexist? May moon rise din. Nagtatago siya sa bundok nung gabi and finally lumitaw na rin sya. Full moon pa. Picture? hindi ko na napicturan dahil naghihinalo na ang camera ko. Marami pa syang kailangan trabahuhin bukas kaya pinatulog ko na.


Good Morning high tide! High nya talaga as in


Twilight setting

8am ang oras ng dating ni Kuya Edgar para sunduin kami. Akala ko maaga na ang ganung oras. E halos kami na lang ang naiwan sa island. 5:30 pa lang nag-aalisan na sila. Walang kamatayan cup noodles ang kinain namin at isang loaf ng Gardenia. Inulan kami at pinasok ng tubig ang mga tent. Naliligo silang 3 sa dagat nung nangyari yun. Ang cute nagkaron ng rainbow but too bad I wasn't able to capture it. That's the advantage of having an SLR camera - nothing is impossible sa konting ikot lang ng lens.





The Late Kuya Edgar

Ok Island hopping na. Next stop, Capones Island. Medyo maalon when we left Nagsasa. It was around 9am na. Ilang beses hininto ni kuya yung bangka kasi mahirap daw kalabanin ang alon. Scary talaga nung una until we get used to it.


Wavy Island of Capones



We failed to "daong" sa may light house. Super maalon kasi chaka high tide nun, wala na halos makitang pangpang kaya dito na lang kami umakyat

Define Clear Water




Hindi pa hustler sa photography ang mga kasama ko kaya hindi nila mahuli huli ang wave kaya ako na lang ang nagpicture sa kanila habang nakatungtong sa rock na to. Nga pala, hindi din sila ang may ari ng blog na ito kaya sa facebook nyo na lang tingnan. hahahaah!







Beautiful Rock Formation


The other side



Top View



Ang mabahong Camara Island. hahaha! Wala pang 15 minutes umalis na kami. Wala tong binatbat sa mga ibang island





Uwian na! Sa wakas at buhay kaming lahat. I'm proud to say ako na naman ang nag-organize ng lakad na to. kahit pa iilan lang kami, at least natuloy. Kawalan ng mga hindi sumama. Hmp!


Toy boat.. gusto ko sana iuwi e kaya lang baka lunurin ako ng mga bangkero at inagawan ko pa ang anak nila.

Malaki na ang P1500.00 para sa trip na to kung marami kang katakawan. Kaya sulit na sulit. Mang Johnny charged us P2000.00 para sa boat. P600.00 para sa 2 tent.



Our souvenir? sagwan from kuya Edgar
It's been a wonderful two days of my life! Sana maulit! Bye for now!