Saturday, May 22, 2010

Tagaytay meets San Mateo: A hike to Timberland Heights

It was a month ago when I last drove my bike. If you're asking what happened to my diet drama, honestly... I failed to do that stupid daily dose. Last week I saw my officemate's new bike. Surprisingly, nainggit ako. Coz I saw the improvement in him. Dati, tinutukso ko syang butete dahil tiyan ang laging napapansin sa payat na katawan na meron sya. Naisip ko nga dati baka constipated lang o kaya kailangan lang i-combantrin (wag magreact.. mahahalata ka. Peace! Hahaha!). Aba, ngayon umiimpis na. Kaya positibo ako sa kakayanan ng bike. I decided to look for a place to start off. I saw the invites in Facebook and in one Sports Apparel shop in Glorietta.. Bike and Run race event in Timberland Heights, San Mateo Rizal. Intriguing. This subdivision is only a 10-minute drive lang from our house according sa lakwachero kong kapatid. I was a resident of this town for 20 years and I never saw any tourist spot there ever. Hindi ko alam na may lugar pala samin na dinadayo na ng mga taga Manila. I'm not planning to go overboard in this sport. Intrigera lang talaga ako kaya gusto ko siyang makita.

If you happen to pass by Quezon Circle, you can already see signs on how to go there. Diretso diretsohin nyo lang ang Commonwealth and you'll see ang OA sa dami ng signs. Parang Blues Clues lang. Turn right if you see Sandigan Bayan. Tapos... kaya nyo na yan. Malalaki na kau. Hahahaa! (tinamad) Basta marunong ka magbasa, makakarating ka dun. I promise!

Dahil sa pagbbrain wash ng magaling kong tatay na takot na takot mag bike pababa, e hindi na ko pinagdala ng bike ;( Mahirap daw kasi pag may buhat papunta dahil sigurado daw na hindi kakayanin ng malalaki kong binti ang tarik. Hindi rin naman ako pwede mag free fall pababa kasi baka mauna ang ulo ko kesa sa bike. So I end up walking. 5:45am when we left our house. Hindi pa masyado sumisikat ang araw. We passed by a cemetery that I kwento last March. 6:00am kasi ang bukas ng lagusan papunta sa Timberland.

May nakasabay kaming mag-ama. Clap clap talaga ako sa bata.. ang taas ng energy level nya. Pag naiiwan ang daddy nya, aba binabalikan pa pababa chaka ulit siya aakyat. Ang hirap kaya. After nung cemetery, wala na halos kapatagan. 95% pataas na. Hindi lang sya basta mataas, super curvaceous curves, bonggang slopes at mga accident prone areas pa ang nagkalat.

After 45 minutes walk.. Exhausted

At last we're on top. Sabi nila sa website.. it's 250 to 450 meters above sea level. whew!

See the black layer on top of the buildings and houses? Polusyon yan.

yipii! eto na ang sign na malapit na kami... mga flags. Parang resort lang.


Here it is! An hour walk.... nakakapagod talaga. But I'm proud to say 1 beses lang ako umupo at nagpahinga. I can be a sporty type too. hehee! kaya ko pala.

They are trying to promote eco-tourism kaya ayan.. mukang may eco park II sa taas ng bundok. Relaxing... mas ok sana kung may nadala kong pera. (Naiwan ko sya promise. Kaya puro tubig lang ang meron kami) Take note: sa labas pa lang to ng subdivision..




We used to have this "masukal at lawitlawit thing" sa bahay. Pero dahil muka ng gubat ang bahay namin, pinutol na siya.




Trapped cute green frog



The Fish pond where I saw the frog. Wait! Is there such thing as "frogging" for catching frogs while using a "frogging rod" ? Just wondering..











Timerland Gate
Hindi na kami pumasok.. unang una, nakalimutan ko nga ang pera ko so wala din kami mabibili dun; 2nd, inabutan na kami ng matinding sikat ng araw; 3rd, hindi naman ako naka-ayos para mag-panggap na buyer ng bahay dun. 4th, may next time pa naman e, chaka na. 5th, tinatamad na ko. keri? So umuwi na kami...

Mommy long legs


Super scary curve



We passed by this columbary.. ganyan lang sya. Hindi ko alam kung Sagada inspired ba na mag lagay ng bangkay sa bundok..
Nakabalik ako samin ng 8:15 am na. Mga 20 minutes lang ang itinagal namin sa taas. This place is highly recommended sa mga Bikers and Runners. It's really not that easy. Kahit mukang amasona ang katawan ko, nahirapan talaga ako ng bongga. Kaya hindi ko na to uulitin. Haahah! Joke! Pag may sasakyan na ko, then that's the time for "next time". Naintindihan nyo ba? pwes ako hindi. Para naman sa mahilig lang mag sight-seeing, wala naman masyado makikita kaya kung hindi rin lang kayo sporty type, e wag na mag-maganda. O sya. OT pa ko e.. Hanggang sa muli! Paalam!
Check out their site for more details: http://www.timberlandheights.com/


4 comments:

Chyng said...

wow, hanga ako sayo. pag determined tlga, walang hindi kaya! go!

Kura said...

hehehe! nag search ako kung mgkano ang membership pra makapasok sa exclusive sports club sa mismong subd, nakakagulantang na 2000 "EVERY MONTH". at dapat din may share ka na worth 580,000. nakakaloka! puro anak mayaman lang ang pwede dito. check this site http://www.explorephilippines.net/forums/showthread.php?t=241 if you have time. yan yung features nila

Tom D' Biker said...

Thanks for visiting my blog.

Talagang mahal ang membership dyan sa Timberland Clubhouse. Para makapasok ka, kelangan member ka o kasama ka ng member.

Pero kung papasok ka lang sa subdivision, mag-iiwan ka lang ng ID sa guard.

Kura said...

I already asked a friend. Member pala siya kasi I saw their pix on FB, 600,000 nga ang lifetime membership for the whole family. whew! maggagala na lang siguro ako sa subdivision. thanks for the info. Akala ko totally walang ibang pwedeng pumasok e. thanks a lot talaga! have a nice day!