It's been a while since I last shared a few bits of my childhood years. Madalas ko siyang ikwento because I really enjoyed that phase of my life. I grew up in the province kaya walang kalatoy-latoy ang kwento ng mga batang manilenyo sakin. lol! Gusto ko sana ikwento lahat kaya lang baka mainggit kayo kaya portion na lang. Charotlot de leon! hahah!
Kakasabi ko lang na sa probinsiya ako lumaki pero ang kwentong ito ay nung ipinatapon na ko sa Dapitan at ikinulong ng mga gwardiya sibil upan makadaupang palad ang mga damuhong prayle. :) Chos! hahah! Dinala na ko sa Manila ng parents ko para mag-aral. At naranasan kong makisalamuha sa mga mahaharot at spoiled brat na teenyboppers. Imbyernadette Sembrano araw araw! Hay!
I was in 4th grade when I first joined my classmates sa field trip. Ang hindi raw kasi sumama maiiwan sa school at maggagawa ng project na sobrang hirap at tipong hindi mo na gugustuhing maiwan pa kahit kelan. Kaya kahit amoy pa lang ng bus sukang suka na ko, pinilit kong sumama baon baon ang sang-katerbang plastic(in case of emergency) at white flower ointment. I really can't image myself I will end up as lakwatsera today. hihihi!
The whole class will occupy 1 bus each. At dahil Azucarera de La Carlota aketch, dun ako lagi sa may unahan. Kulang na lang ikandong ako sa drayber. Ayaw nila akong katabi. hahaha! Daig ko pa ang may ketong. Leche sila!
I belong to the first group believe it or not |
Introvert ako nun kaya hilig ko lang mag-observe sa mga kalokohan ng iba. Hindi ko feel makisali at hindi naman ikagaganda ng buhay ko ang pinag-gagawa nila. Bitter Ocampo? hahah!
1. Uso pa ang walkman nun. At dahil bawal siya sa school, sikat na sikat ka pag meron ka nun sa fieldtrip. May nadekwat ako sa bahay. Luma siya at tipong hindi na pwedeng ipagmalaki pero gumagana pa naman. Ayun dinumog pa rin ako. Ang bababaw ng kaligayahan... sabi ko sa sarili ko. hahaha! Moment in time yun.. Make it shine. :)
2. Paramihan ng baon. Dumating ang mga classmate ko na halos hindi magkanda-dala sa dami ng dalang plastic bag, coleman at lunchbox. Huli ko ng nalaman na pinababaunan din nila ang mga teacher namin. Alam na alam mo kung sino ang mga nagigipit sa grade.
3. Uso ang pringles. Lahat ata ng bata pinapabaunan ng ganun at pinagpapasapasahan sa bus. Sabi ng nanay ko uso din naman ang peewee. Kaya peewee na lang ang sa akin. Well at least daw wala akong kaagaw at kahit ata ipasa ko sa iba yun e makakabalik pa rin siya ng kumpleto ang laman. hihihi! Ang galing ng convincing powers ni mama. Nakalimutan kong ang presyo ng pringles ay katumbas ng tone-toneladang peewee.
4. Kapag nasa highway na, hindi ko maintindihan kung bakit binebelatan ng mga baliw kong kaklase ang mga tao sa kabilang bus. Parang mga na-ita at ngayon lang nakalabas ng lungga nila.
5. Tayo sila ng tayo at lakad ng lakad sa bus. Pa-Impress Schuck?!?! Gustong maging kundoktora paglaki?!
6. Sadista ang mga teacher ko. Binibigyan pa rin kami ng assignment habang nasa fieldtrip. hihihi! Isulat lahat ng makikita at matututunan mo. Kaya paglabas pa lang ng school grounds, makikita mo na na may Don Pids School Supplies, Pagcor Inc, Guard Post, Aling Meding Sari Sari Store, Fish ball cart, Waiting Shade, Pedicab, Pedicab Driver, poopoo, weewee (char. hahah!) on their notebooks. Literal lang?! hahah!
7. Pumunta kami sa Enchanted Kingdom. yihiii! Perstaym ko yun. Sabi ng mga teachers bawal daw sakyan ang Jungle Log Jam at Space Shuttle kundi principal's office kami. Nagtiis kami na wag itong sakyan at hiluhin na lang ang mga sarili sa flying fiesta, chubibo at carousel. Nainis kami ng makita naming basang-basa ang damit ng adviser namin sa katanghaliang tapat.
8. Hindi pwedeng hindi ka uuwi ng walang souvenir kundi mamamatay ka sa inggit sa mga kaklase mo. Mayayaman ang mga brat na yun. Niransak nila ang souvenir shop ng EK na parang yun na ang una't huling bisita nila dun.
9. May class president na lagi kang sasawayin pag wala ka na sa katinuan
mo. Ke Field trip pa yan o hindi, damang dama pa rin niya ang posisyon.
Hmp!
Siya rin ang naaatasang magbilang ng mga kaklase pag pabalik na sa bus.
Na-bother talaga kami noon kasi may nawala kaming classmate. Kami na
lang naiwan sa parking. Nakabalik siya after 10,000 years AD.
10. Habang pauwi, kahit nadaanan na ang bahay mo, hindi ka pa rin ibababa ng bus. Matanggal na ang litid mo sa leeg kaka-para. Pagoda Tragedy na nga, pasaway pa si manong. Dapat daw sa school ang babaan ng lahat. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang rason kung bakit ganun ang trip niya.
If I sound bitter, that would be because I am. Hahah! Chos Groban! Di naman masyado. I'm not sure if other kids experienced it in the other schools they're in. Kanya kanyang trip yan e. Kanya kanyang level ng ka-weirduhan. lol!
Yey! I'm excited for my next trip this weekend. For now, ganito na lang muna. hihihi! Wala na kong backlogs e. Sana magustuhan nyo. If I know may mga nakaka-relate din. Lalo na kung ka-schoolmate kita. hahah!
18 comments:
wahahaha, wow gwardiya sibil! parang aklat lang ng Noli Me Tangere na aking binasa noong ako'y nasa ikatlong taon sa mataas na paaralan.
ewan, nosebleed na ako kura! sa ibang parts, parang skip skip lang yung utak ko na magbasa. bwahahaha
hahahaha panalo!!! nagflashback tuloy yung mga field trip days ko. Gusto ko yung field trip sa planta ng coke. :P
Mabuhay ang mga normal ones!
laugh trip! brings back the memories of my grade school and high school field trip days... hahaha!!!
inggit ako... di ako maka-relate eh... di ako pinapayagan ng parents ko sa field trip eh so parati akong gagawa ng project... (loser ko lang)
wahahah:))) natatawa ako kasi nakakarelate ako :D PA follow back naman please?
hahaha.. ramdam na ramdam kita.. dahil nakarelate ako sa mga sinulat mo.. hehehe.. madalas sa harap din ako umuupo dahil nagkakalat din ako ng lagim sa hilo.. hehehe..
Ngek! nasa field trip na may assignment pa? hehe! Ang pinaka gusto ko sa napuntahan ko nung field trip days namin e yung planetarium.
Hahaha...
Natawa ako sa #7.
Sumama ka na sa June 16, tara na!
Hahaha...
Natawa ako sa #7.
Sumama ka na sa June 16, tara na!
Amputa! Oops. Ikaw kasi Ate. Grabe mo kong pinatawa. Para na akong tanga dito. Benta sakin tong post na to. Especially si Charotlot De Leon. Impress Schuck. At Chos Groban. Hahaha, ikaw na!
teh! bakit ngayon lang ako nakapadpad sa blog mo? at nagsisisi akong hndi ako mxdo palabasa ng blog kahit ng bagets..hahaha! Pinawi mo ang bored kong tanghali, hahaha
anyway, aliw na aliw ako! sarap basahin, very natural. Katuwa yung maraming celebrity na involve, haha Charotlot De Leon. Impress Schuck. At Chos Groban, Imberyadette Sembrano at Bitter Ocampo. haha!
relate na relate ako sa PEEWEE!haha
hope to meet you ;)
@ed - di ka ba naka-relate? sorry naman. purong salitang Victoria Bekiham ang naisingit ko. lol!
@josiah - ah yung may drink all you can. magkaka-diabetes ka na sa dami. hahah! never been to coke factory. ako na ang pinaka-loser na bata. hahah! Grade two ata yung mga batchmates ko nung pumunta sila.
@mervs - hahaha! dati na tayong naturuang maglakwatsa. ^_^
@jessie - nyahaha! bakit naman? kahit maraming pasaway sa fieldtrip hindi maipagkakailang, isa to sa highlights ng elementary at HS days. hihihi!
@vanessa - thanks. buti nag-enjoy ka. hihihI! sa uulitin
@gepay - apir tayo dyan! ilang taon din ata akong ganun hanggang sa nasanay na kaso hindi ko pa rin naranasang umupo sa dulo ng bus nun.
@anney - korek! planetarium? hindi ata ako familiar. try ko siyang puntahan one of these days. Science centrum lang kami lagi tapos museo pambata tapos national museum tapos intramuros
@-marx - ay kung ililibre mo ko sama ako. hahaha! '
@enchong - nyahahah! napapamura sa saya. nakakatuwa naman reaksyon mo. Mahirap ng makasama ang beki friends. daming natututunan. lol!
@darwin - salamat sa pagbisita. stalker ako sa blog mo noon tapos hindi ka na nagblog for quite awhile. we've met before would you believe? Introvert nga kasi ako kaya matandain ako. hahaha! sa Imprint. nagpapicture pa nga kami nun sayo. nakakadiri pa ichura ko at may pimple sa ilong. badtrip. Pang rudolph lang.
i love it!!! The president and yung mga brats na kung makabili ng pasalubong prang first and last nila!!! hahaha aliw na aliw ako sa pagbasa! :P Anyway ui i belong to the 3rd part. dun ako nakaupo sa dulo and tama nga kami ung pinakamaingay sa bus! hahaha ps: ni share ko ung photo at tinag ko ung highschool classmates ko hahahaha
samin dati bawal ang humpy dumoy! hihi
i'm inspired, andami kong tawa :)
gagaw ako ng version ko nito :)
hahaha!!! nakakamiss ang mag fieldtrip.. san naman ang trip this weekend.. :P
kayo yung magkakasama nina Chyng sa picture sa Imprints ng Dispatch sa Cubao X? OhMy God!hahaha
tinamad na rin kasi ako magblog, nagkakaroon lang ng update yung pag may bayad! syempre hindi ko tatanggihan ang pera di ba!haha
Hahaha...tawa ko ng tawang mag isa..
Nice blog.
Ikaw? Anong say mo?