Wednesday, January 16, 2013

Boracay at last

At hindi ako nag two piece. Baka mabawasan na naman ang 58 followers ko. hahah! Hindi ko maintindihan bakit minsan nagiging 57 sila tapos babalik ng 58 one day. Make up your mind teh. hihihi! Joke lang.

Anyway, sa tamad kong to hindi na ko dapat magtaka. Well, eto na nga ako ulit. I went to Boracay for the first time August 2012. It was also the first time for my mom, brother and my balik bayan cousin.

Ate Ren came all the way from Baguio to Manila and took the earliest flight. It would have been better if I book her in Clark hub. Lagarista lang ang peg? Tinalo niya ang 24 hour shift. hahah! Ang worst pa dun, no vacant room in Tans Guesthouse where I made the reservation. I thought they have receiving area where guest can stay temporarily waiting for their rooms to be available. They gave her monoblock instead. Na-sad ako talaga.

Wala naman ako magawa dahil  2pm  pa ang check in. Kaya ayun, damang dama niya ang awkwardness ng paglalakad sa beach ng naka jeans. lol!

Delayed flight namin. We arrived in Kalibo Airport at 8:41PM. E dapat 7:25PM yun e. Hay naku. Ayoko pa naman mag dagat pag gabi. My mom went to the comfort room. I approached the information desk of  Southwest Tours malapit sa labas ng airport. I don't know how they recognized me. Hihinga pa lang sana ako para magpakilala, sinabi agad ni kuya ang pangalan ko. They gave me a sticker with note "TANS". Fieldtrip?! May ID talaga? ^_^ Then my mom arrived. There were only 5 people inside the bus. 2 guests arrived after us then the bus left. Bumawi ako ng tulog. Tapos narealize ko...

..ganito pala ang pinagdadaanan ng mga kapwa ko artista. Chos!                                                                                                                                           
After 40 min, we're already at Jetty Port. Yes. Ganung katagal. Yung 5 taong nabanggit ko kanina, ninamnam ang stop over. Surprisingly, kahit napaka-onti namin, bumiyahe pa rin yung malaking boat. Amazing! Kala ko before, motorbangka lang. Nagulat ako kasi ka-level niya ang mga fast craft. Nakatulog ako sa Tans agad agad.

Pagkagising ko, ito na ang tumambad... yihii!

Good Morning Boracay!!
Finally


Hindi nagpakabog...

Jump Jump Jump!
We tried Jonah's shake. Naintriga ako e. Mahilig din naman ako sa shake shake na yan kaya it's not surprising na nagustuhan ko naman siya. I ordered mango banana chorva. Di ko na matandaan. haha! Just a tip though, dahil 80.00+ ang isang order (2 kilo na ng mangga yun), kailangan sulitin. Mas malaki ng 1/4 ang lalagyan ng dine in kesa pag ti-nake out (ti-nake out?! lol!). Masyado atang mahal ang basyo (yung 12ml ng Absolute Drinking Water) kaya binabawi nila sa dami. hhihi! Naisip pa yun e no. Going back..


Wala kaming ginawa sa first and second day. Tamang tambay lang since we're waiting for my younger brother to arrive on the third day. Magta-tantrums daw siya pag may ginawa kami ng hindi siya kasama.

Sunset's a beauty
Boracay is more that just a beach. Kahit pa ubod ako ng kuripot, I won't leave Boracay without trying these "classic" activities. You'll be surprised how much discount we have availed dahil sa galing ni mother mag haggle. May gana siyang mag drama nung araw na yun. Pero bago ang lahat, maumay muna kayo sa pictures. Overload na to..

By the way, hindi sa may white beach area ang activities. Dun pala siya nagaganap sa maburak, masukal at ma-grasang dagat sa likod ng Boracay Island. Ang dugyot tuloy ng paa ko at panay langis. Pwede na kong silaban. hahah!

(Frm L to R) My Cousin Ren, Me, Mother,  My younger brother Kevin

My mom having fun riding a speed boat
Speed boat pa lang quota na. Actually na enjoy ko din yung portion na yun. We chose Bluebird Water Activities by the way. But there are popular ones, like Diamond Water Sports. Hindi ko alam kung ano ba ang difference.

Briefing muna. Tinuro lang yung mga sign language achuchuchu... 



I remember when I was chatting with Carla of Blissfulguro.com, I told her the discounted rate that we have availed for helmet diving, she was shocked and told me "Ang mura naman nun! hindi kaya compressor lang ang gamit nung nakuha mo?!?! hahah!" Actually hindi ko talaga alam. lol! Napaisip din ako. But we're alive. I never felt any pain or nausea after. Kung compressor man yun o hindi, misteryo pa rin. hahah! malay ko kung san nila sinaksak ang hangin ko pagkalubog no! ^_^


excitement + takot = pilit na ngiti ^_^

tsismisan pa rin (me, mother, ate Ren)
Take a look on ate Ren's waist. Kinailangan lagyan ng pampabigat. hahah! May gravity issues siyang kinakaharap nun. lol!

parang may sakit lang. hahah!

Every 3 minutes, we were being asked by the photographer using the sign language they taught earlier. My cousin made an "UP" sign (raise your thumb) so she was assisted by the guide para umahon na. Then my mom was next. I was confused by the "UP" sign or "OK" sign. Ayoko pa sana umahon pero yung "UP" sign yung nagawa ko. Ang shongak lang. hahah! Feeling ko wala pang 10 minutes yun e. Naisip kong magpumiglas sa kamay ni kuya pero hindi na lang. Tinatamad ako.

We proceeded with island hopping/fish feeding/snorkeling. Natuwa na ko. hihiih! May sa Agua Bendita ako e. Hayok sa tubig. I was not disappointed in fairness. Everyone was delighted when the school of fish bite into their bread. Mga uto-utong isda yan. hahaha! Kala ko walang ganun sa Boracay because all you can see is white sand without corals and fishes.





The corals were not that abundant. Mostly, patay na. Pero buhay na buhay naman at nangingisay ngisay pa ang mga isda na yan habang kinakain ang bread. hihihi!

Bisaklat
Ichura ko naman. Hindi ko matandaan kung sino kumuha nito. Pero mas marami ang nagbabasa ng FB kaya dito na lang siya ipost.

We didn't dock on the Crystal Cave. 200.00 per pax dun e. No way. Buti kung Sagada level ang rock formation dun. We just contented ourselves in this island with mini cave din. Pwede na yun. Actually, mas gusto ko pa nga ang beach dito. Tahimik. Ang lakas talaga ng dating sakin ng mga secluded beach.





mini rock formation
Napapraning talaga ako sa mga tumutulo sa cave. hahah! Feeling ko wiwi ng bat. Kaya kada patak, automatic amoy agad. lol! mapanghi din ba ang wiwi ng bat?! Mga Taong Tabon... paki sagot.

The weather changed it's mood. Sadly, dinelubyo kami ng slight lang naman. Sabi ko nga sa nanay ko, bakit ba pag ako lang umaalis, kahit may bagyo sa Philippine Area of Responsibility, hindi naman ako affected. Bakit pag siya kasama ko laging may mga ganitong eksena. hahah!




We took our lunch on/in (lecheng conjunction yan!) this island. Sorry I forgot the name. That's also where we found the sand castles. We've been searching for it sa main land. Wala na daw talaga dun sabi nung guide. Hindi ko alam kung totoo ba yun o sinasabi niya lang yun para dito kami magpapicture at mabiyayaan siya ng bente. hahah! Uto uto naman kami.

The sun's up again and we're ready for another adventure. This time parasail naman. Woot woot! I was supposed to join them pero napigilan ako ng bulsa ko. hahah! Hindi naman mawawala ang Boracay e. Next time na lang ako. hihihi!

 
I asked them kung ano pakiramdam ng nasa taas.. hindi na sila makasagot. Namumutla na. hahaha!

may shark daw. lol!
I had fun seeing them panicked. bwahahaha! Wagas ang tawa namin ni mother. Ang bruha lang. Pagkatapos ng shot na to, hindi na nabuhay si D10 ko. huhuhu! bwisit na karma yan. Agad agad talaga?! Nalaman ko na weakness pala niya ang super zoom. After some time, ok na siya ulit. Whew!

Next na ang fly fish. hihihi! I super love it. Takot na takot din ako at the same time. Hindi dahil takot ako mabagsak sa tubig, kundi baka madaganan ako ng nanay ko if ever makabitaw siya. Dun ako na-bother. hahah! Eto ang position namin..

My brother, mom in front, I was at the back, ate ren on the other side.
Pag nakabitaw ang nanay ko, yari ako! hahah! Kaya binantaan ko talaga siya..

My cousin almost fell. hahah! Nakikita ko na siya sa rurok ng fly fish. hahah! Naiimagine kong humalalakhak ang driver ng speed boat habang isa isang nahuhulog ang paa niya sa dagat. Pero hindi nagtagumpay si kuya dahil umayaw na si cousin. hahah! My mom enjoyed it. Hindi ko inexpect yun. Akala ko siya ang unang aayaw. Well siguro dahil alam niyang sakin siya babagsak kaya ok lang mahulog. hahah! I want to go back to Boracay just because of the Fly fish. Yun lang.

Up up and away (kailangan ng microscope para makita ito)



Next, ATV. First time namin lahat. Buti at matic naman pala to. Keri boom boom.


Wagi ang outfit ni mother
After 10 mins, we were forced instructed to stop and hike to a tower where we could see the whole Boracay and nearby islands. Sabi ko hindi namin feel. Mas gusto namin mag drive ng mag drive. Anyway we paid for 30 minutes naman e. Sabi ba naman ni kuya hindi mam. Kailangan niyo pong ubusin ang oras niyo sa taas. I hate him!



model, 18 years old, single, but no longer available

View from the top

I'll post a separate entry for Tans guesthouse.

O eto na ang kaabang abang na breakdown:


Helmet Diving - P180.00 per pax (with CD of pix and vid)
Island Hopping/Snorkeling - P1000.00 per boat (free snorkel set for 3 pax)
Parasail - P700.00 per pax
ATV - P350.00 per pax
Fly fish - P350.00 per pax
Entrance fee for island with Sand Castles - 100.00 per pax

Contact Kuya Noel 09086098830. Siya ang salarin sa murang Boracay Adventure na yan. For the three of us, my mom, bro and I, I bought the round trip tickets last December 9, 2011 amounting to P864.00 each. It's almost a year of waiting. hahaha! And it's worth it. For the accommodation naman, we booked in Tans Guesthouse 2 months before for only 10,800 for 4 nights. They have on going Rainy Days promo that time. Feel free to check their website. Since we're four, a total of P2,700 per pax. The accomodation details are as follows:

ROUND TRIP TRANSFER (from Kalibo airport)
DOUBLE DELUXE (2 QUEEN SIZE BED)
CABLE TV
HOT AND COLD SHOWER
MINI REF
AIRCON
FREE WIFI
SET BREAKFAST DAILY

Ang cheap diba? Sa mga nag-abang, at tinamad din na i-unfollow ako, forgive me for my laziness. Narealize kong kailangan ko pala ang blog ko sa future business ko. Hmm.. Malay mo DOTCOM na ko next month. Chos!





20 comments:

nyabach0i said...

ang macho nung isang lalake sa pic!

Nicole said...

ang mura naman ng helmet diving!! :)

iamjessiegarcia said...

Nice! buti kasama si mother at si brotha...

John Marx Velasco said...

Penge ng contacts mo for those activities.

ivanlakwatsero said...

sarap naman ng familiy bonding nyo.. natatawa tlga ako sa mga pose ni mother :)

sana mapuntahan ko na din ang boracay.. at sana mura lang din ang mga gastusin :)

blissfulguro said...

uuuyyyyy... how's life? ##from death

compressor nga confirmed! haha. ang hot ni utol! pumapatol ba yan sa 11 years older? sagot ko allowance (pwera tuition)

matry nga yang fly fish na yan!

Lakbay Diva said...

ang ganda talaga ng beach ng boracay!

Drew said...

Nakakamiss ang mga patawa mo hehe!

Micamyx|Senyorita said...

Hahaha intro pa lang tawang-tawa na ako sayo teh. Kalurkey!

Naalala ko sa reef walking cheverloo nadale yung tenga ko kaya ayoko nang umulit dyan =)) Saya ng family trip!

SunnyToast said...

ka miss mag bora tuloy!

eMPi said...

ang saya saya naman! di pa ako nakapunta dyan. :D

KULAPITOT said...

i like it! extreme adventures!

soloflightEd said...

nastress ako sa helmet diving kasi ampangit ng pagkakuha ng picture ng guide. haha. i kept giving hand signals to the guide na dapat landscape ang photo, not portrait shot. eh malay naman nya kung ano-anong hand signals ang ibig kong sabihin. ako na ang may sariling mundo. lol

natawa na naman ako sa post na toh. haha. artistahin talaga sa bus. hahaha.

daming activities na nagawa nyo sa boracay! glad na nakapagblog ka na uli Kura! :)

Unknown said...

Benta ang post mong to pero mukhang bebenta rin si Brother...hehehe!

chyngreyes.com said...

wala bang mas mura sa tans? hehe

C.A. | Adventurous Feet said...

ang ganda ng mga photos mo panalo! specially ung sunset. best beach talaga ang boracay!

Mitch said...

Baliw daw ko sabi ng ate habang tawa ng tawa sa adventure mo na to. naririnig pala niya kong humahagikgik!

Ang mura, PANGARAP ko talaga to i try. Kahit sa subic meron nung para -sailing kahit nakakalula.! Worth the price siguro.

2 thumbs up!

Single ko sabihin mo sa brod mo. charot! hehe

Kit | Boracay Real Estate said...

Mura nga, pero siguro dahil na din di naman peak season during that time kaya medjo mura... pero the best talaga ang boracay, kahit bumabagyo, hehe!

Diana Jane Cervantes said...

Kanino kayo kumuha ng helmet diving? Ang mura naman haha. Please let me know, I get my Boracay packages kasi sa www.boracaygo.com and walang naka include na helmet diving.

Anonymous said...

聊天室 , 全球随机视频网 , 台湾辣妹视讯聊天室 , 台湾甜心聊天室 , 聊天室你懂的 , 真爱旅舍 , 9158多人视频 , 美女主播聊天室 , 抠抠视频秀 , 瞳孔聊天室