Naks! First time ko magke-create ng write up para sa accommodation. Feeling sponsored lang. hahaha! Anyway, I don't want to make a career out of blogging as of now. This is just my outlet from the toxic world of IT. But since I really loved the place, and my friends have just made a lot of unforgettable moments here, I might as well share it to everyone.
Dahil last leg na to.. please check out muna all the other entries kung gustong makarelate...
Citadel Inn is located in Baranggay Tawala, Panglao, Bohol. It's just a 5 minutes walk from Alona Beach. At hindi siya beach front ok? If you're a person na gustong sinasampal ng malalakas na hangin at ginigising ng tunog ng alon sa dagat, I would not recommend the place. Bentilador at tubig sa banyo lang ang maririnig mo pag sa Citadel ka nag stay.. For me, 5 minutes won't hurt. It gave us window time to chat while we're heading to the beach.. which is good. Habulang baboy kayo if you want. If you're interested to know more about it.. Ito siya..
O yan.. para madali ang buhay |
Nung first day namin, we arrived there around 9pm. We were surprised to see such a beautiful mansion. Yep. Mansion siya talaga. Sampung kwarto kaya. I learned it was actually a house before then naging business na nila. Extension to the max. I regretted I never took a picture of Citadel that night.. Sobrang pagod lang sa day tour. Isa pa, as if naman keri ng point and shoot ang night mode. Ubos na battery ko nun, wala pa ring matino. hahah! Anyway highway, ito na lang ang maibabahagi kong picture na nanenok ko lang din sa internet.
At hindi siya night shot.. hihihi! Wala ko makita e. |
I never expected na ganun siya ka-nice sa personal. Imagine.. P1250.00 lang ang fan room nila per night for 6 pax na. Meaning almost 208 lang ang per person. WTF! mapapamura ka talaga. May kasama pang breakfast yan. Bacon and mashed potato... Joke! Walang breakfast no! Grabe ano yan? Evacuation area? Taob ang food feeding program pag meron pa nun. ASA! hahaha!!
For the first night, we tried ipa-on yung aircon. Pa-experience lang. hahah! Kaya lang, medyo hindi kami nasiyahan. Parang same lang ng lamig ke may aircon o wala. 2000.00 ang charge. So we chose na mag fan room na lang for the rest of our stay. Itigil na ang pagpapanggap na mayaman.
What we loved about Citadel? Aside from it's cheap, you feel like you're just at home. As I've mentioned in my previous Bohol entries, we were able to use their kitchen for free. I cooked meals for my friends. Because of that, we saved a lot. Another plus plus points. Malapit lang din ang Rona's corner na parang mini grocery store. I thank the owners for being so friendly to us. May isang instance kasi, magsasara na sila kahit maaga pa..(medyo may edad na kasi). Gusto namin ng Tanduay Ice but I forgot to bring enough money. Inantay nila kami. Another day, yung asawa naman niya ang nag asikaso samin. Siya pa nagbibitbit ng mga grocery items habang naglilibot kami sa tindahan nila.
May common living room din si Citadel for all guests. However, common lang din ang bathroom. Though they do have 2 sets each floor and off peak pa ang July kaya solo namin ang restroom sa first floor.
May common living room din si Citadel for all guests. However, common lang din ang bathroom. Though they do have 2 sets each floor and off peak pa ang July kaya solo namin ang restroom sa first floor.
The succeeding pictures were taken by Jeneson Leyva. Lufet mo bro! Uwian na yan at wala ako sa eksena. Nandun ako mag isa sa room. Habang pinagpapawisan ako kaka-compute kung magkano ang damage naming lahat, hayan sila at picturan ng picturan sa labas. Naka-off shoulder pa kong lumabas para sana magpapicture din sa SLR na yan chaka naman sinabing bilisan na at baka kami maiwan ng pleyn.. Friends ko kayo no? hmp!
Ito na ang bunga ng kanilang pagtataksil...
naks! may ari? |
Yan yung sinasabi kong salas nila. I just love the color. Yan din ang gagawin kong theme sa bago kong kwarto. Excited na ko. Ok going back.. The stairs will lead you to the kitchen area. You will be amazed by the man made forest murals painted on the wall. Forgive me at wala na naman akong picture.
Reception area |
They also have friendly staff. Kahit maglakwatsa ka magdamag siguradong may magbubukas pa rin ng pinto pagkatok mo. Wag lang matatakot kung mamula mulang mata ni kuya ang tatambad. Senysa na.. puyat lang siya. hahaha! Nabiktima ako minsan.
Parating malinis ang restroom. Actually malaking factor yan for me. Ako na sakitin at allergic sa dumi.
Parating malinis ang restroom. Actually malaking factor yan for me. Ako na sakitin at allergic sa dumi.
Apo jukay? |
This is also part of receiving area.
Buddang malnourish |
A room full of paintings. Unfortunately, I did not have time to check who made it. I don't usually appreciate paintings. But those were great. Well, I just based it on colors that's all. No other reason. Maarte lang ako pero hindi ako pwede sa mga art gallery. Babatukan ako ng may gawa pag sinabi kong sperm cell na iba't ibang kulay ang nakikita ko sa picture tapos yun pala nuknukan ng lalim ang perception nila. Yung ganun ba.. Nakakahiya kaya.
We also have bar counter at home pero hindi sing ganda nito |
Trivia lang: If I'm in a mall, you can find me most probably in Home World, Ace Hardware or in any portion which has something to do with home appliances, furniture and accessories. Ang weird ko no? hihihi! Tamad kasi ko mamili ng personal things like clothes, bags, shoes. Usually, I would buy what they put on mannequin. If it's not the best, they won't hang it there right? para mabilis. Pero with the home thingy, I find it lovely. Para siyang goal for me. Na dapat may ganun din ako someday. Anyway, mahaba na ang triviang ito.
Moving on..
"Ang ganda nga ng view" -bilbil |
My favorite.. Parang commercial lang ng nescafe |
Since we did not hire someone para magpahatid sa airport.. naghanap na lang kami ng masasakyan sa labas. Another set of tricycle drivers. We chose not to deal with them anymore. Sakto may dumaang bus with the sign "Tagbilaran". Yun na! We we so amazed how they maximized the bus. Ang arrangement kasi, hiwa-hiwalay kami. Unang pasahero e. Gusto lahat sa bintana.
L-R: Rachelle, EJ na dala ang envelope ng degree of fear management, Karen, Jeneson & Mich |
At wala na naman ako sa picture siyempre.. Anyway, ganyan ang eksena sa simula. Mantakin mong nagkasya ang labinlimang katao simula sa pwesto nila Rachelle hanggang sa likod. I was located near the passenger entrance. Nagtataka ako kung pano pa nakakapasok ang tao samantalang puno na. Usisera ako so nilingon ko sila, biglang may hinugot si kuya konduktor sa gilid ko. Mini bangko na nilalagay sa gitna at nagdudugtong sa dalawang upuan.. hahaha! Galeng. Only in the Philippines. Hindi pa diyan nagtatapos yan.
Bayaran na. I heard my phone rang. Si EJ lang pala. Pwede naman akong sigawan bat kailangan tumawag pa. Sabi niya, may natira pa ba sa pera namin at ibabayad daw niya. I replied "wala" pero ako muna ang taya. Tutal lagi naman nasa may pinto yung batang konduktor. By the way, P 25.00 lang each. Mura kesa nagrent kami ng sasakyan.
Ang tagal ng biyahe. Ni hindi ata ako nakaramdam na nag-tricera si kuya driver. Bothered kami pag may bumaba. Lalo na pag galing sa kalikod likudan ng bus. Lahat ng naka-halang damay damay. hahah! In fairness, isa lang ang destination naming lahat. After an hour nakarating na kami sa town proper. Sabay sabay din naghulasan ang mga tao. Kaya pala ok lang ang ganung diskarte. That's the time I was able to ask EJ. Sabi ko "Pano ka siningil? e hindi naman kasya ang konduktor sa sobrang sikip?" Naloka ako sa sagot niya..
EJ: "Galing siya sa labas. Nakasabit habang umaandar. Pati ako nagulat e. hahaha!"
Bayaran na. I heard my phone rang. Si EJ lang pala. Pwede naman akong sigawan bat kailangan tumawag pa. Sabi niya, may natira pa ba sa pera namin at ibabayad daw niya. I replied "wala" pero ako muna ang taya. Tutal lagi naman nasa may pinto yung batang konduktor. By the way, P 25.00 lang each. Mura kesa nagrent kami ng sasakyan.
Ang tagal ng biyahe. Ni hindi ata ako nakaramdam na nag-tricera si kuya driver. Bothered kami pag may bumaba. Lalo na pag galing sa kalikod likudan ng bus. Lahat ng naka-halang damay damay. hahah! In fairness, isa lang ang destination naming lahat. After an hour nakarating na kami sa town proper. Sabay sabay din naghulasan ang mga tao. Kaya pala ok lang ang ganung diskarte. That's the time I was able to ask EJ. Sabi ko "Pano ka siningil? e hindi naman kasya ang konduktor sa sobrang sikip?" Naloka ako sa sagot niya..
EJ: "Galing siya sa labas. Nakasabit habang umaandar. Pati ako nagulat e. hahaha!"
May future sa "Jeepers Creepers" ang batang yun. hahahah!
We just took our brunch in Mcdo and decided to buy our pasalubong sa isang mall dun. At least pag sa mall may expiration na naka-lagay. Safe na rin. Surprisingly, nung iiwan na namin bagahe namin sa loob, hindi daw pwede. Sa may parking daw kami pumunta. Weird. Yun pala may bayad pag ganung naglalakihang maleta na. The good thing is.. consumable siya. At least siguradong may kita sila. Panalo sa diskarte. For us, ok lang. Talaga naman mamimili kami dun e.
We headed to the airport via tricycle. P10.00 each lang. Buti na lang talaga kasama namin si Michelle na Boholana at alam ang pasikot sikot. You saved the day girl. Finally nasa airport na kami. As usual, late kami. May naka-lagay talaga sa bag tag na malaking "LATE" hahaha! Ipangalandakan ba?
Photo op with our Pilot Arnold Alcantara & uhm Arn Arn?... sorry I forgot |
Surprisingly, Sir Arnold is the father of Michelle's Cousin's classmate (tama ba ko Mich?) hahaha! Ah ewan. Naconfirm lang niya yan when we were in Manila. Ni-research talaga ng gaga. hahaha! Pilot amazes her. Lagi yan. Pag may flight siya nagpapapicture siya sa tabi nila. Kahit sino pang pilot yan.
EJ on FB: Bakit ikaw lang ang hindi ma-oily sa pic? Me: Kaya ko nga ni-like diba? |
We bid our last goodbye..
Bye Bohol! Until next Seat Sale! hahaha! I will definitely be back in your arms.
Bohol Itinerary:
Arrival 1:00 pm
Day 1
1:30pm to 6:30pm- Countryside tour:
Mag Aso Falls
Baclayon Church
Prony the Python
Tarsier Sanctuary
Man made forest
Chocolate Hills
6: 30pm start of Loboc River Night Cruise with Buffet Dinner
9:00pm lights out
Day2 - 7:00am - Pick up
9:00am - Experienced Suislide and Plunge at EAT Danao
12:30pm - Bohol Bee Farm for lunch
2:30pm - Hinagdanan Cave
4:30pm - Free time
Day3 - 5:30am wake up call
6:00pm Pamilacan Island for dolphin spotting
9:00pm Balicasag Island for snorkeling
10:30am side trip at Virgin island
12:00pm ate lunch at Alona beach and slept
2:00pm Panglao Island Nature Resort
6:30pm - Buffet dinner at PINR
Day 4 - uwian na
Day 4 Expenses:
Bus fare going to Tagbilaran - P25.00
Mcdo Happy Meal - around 100.00 each
Tricycle to the airport - 10.00 each
Airport fee - 20.00 each
Total Expenses: 155.00 each per person
I just spent a total of P5941.00 (pasalubong excluded) for my 4 days stay in Bohol. Partida naka-dalawang buffet meal pa yan ha. Check out other entries if you wish to see the cost breakdown.
Just got the second pic on the net. Click here for the source. Check out Citadel Alona Inn 's website for more info.
24 comments:
Mukhang OK sa Citadel ah, mura lang! May family trip kami mukhang swak toh, mga 20 persons kami eh! :)
grabe. ang mura naman sa Citadel Inn. ang ganda pa.
Citadel looks so nice! Tsaka ganda ng colors ng interior. Mura pa. This is Pinay Travel Junkie, ibang blog ko ito. Lol.
Loser ako.. everytime na nasa eroplano na ako nakapatay ang camera kasi buong akala ko.. BAWAL! tsk!
@marx - yep! may naabutan nga kami dun family nung paalis na kami. as in ang dami, dinumog ang citadel. hahah!
@PackUpAndDrift - I highly recommend it. Super sulit.
@gay - Uu. Ngayon lang kami naaliw magpictorial sa isang Inn. Pwede ka umorder sa kanila ng food pero may kamahalan. Anyway, malapit lang mga kainan, dun sa alona. dun na lang dumayo.
@marx - hahah! sino namang may sabing bawal? Dami nga nagpipicture e. May certain period lang na bawal i-on ang electronic device, sa take off and landing portion ang alam ko. pero the rest of the trip pwede na.
Gusto kong magsave ng money and go there! Seems you enjoyed your Bohol trip :)
Bakit @marx ung isa, kay empi dapat! Adik ka! :)
galing ng review ah....ang bonggels naman ng Citadel swak swak sa budget:)
Happy blogging!
parang sponsored trip nga lang talaga! aminin mo na, binayaran ka! haha. joke.
saya tignan nito kura. teka, 'kura' ba talaga pangalan mo? hehe pasensya. :)
but great shots sa eroplano, hope to do the same kapag nasa himpapawid uli ako! :D
I like the lobby and the paintings! ang artsy! will keep this in mind when I hit Bohol. thanks for sharing! natawa ako sa intro. panalo! hehe ganda din ng aerial shot girl! =)
@Krizzia - I super enjoy Bohol. lalo na I'm with my closest friends. thanks for dropping by
@marX - o yan para sayo na talaga yan. hahah! e kasi marcopaolo siya e. sensha na. na-eXcite lang ako kakasulat ng X. lol!
@Sunny toast - yup! I never thought it would be that cheap. =)
@Ed - wish ko lang. hahah! hindi pa ko high-end blogger like you no.
Maricar here! I'll add you on FB don't worry. char! hihi! kung san mang galing ang kura.. mahabang kwento. ^_^
@gael - I'm sure you'll love it. thanks! naku chamba lang yang aerial shots. maganda lang talaga sa bohol. hihihi!
bat puro Alona beach ang entry nyo?lalo yuloy akong naiingget kasi di namin pinutahan yan dati.sa bee farm lang at sa kabilang side ng Panglao kami.parang gusto ko tuloy bumalik sa Panglao.hehehe
nice find! ang mura nga! next time sa alona area na din ako, daming options mas mura pa.
ikaw na ang sume-series!
dont tell me bibili kna din ng bahay? housing loan sa pag-ibig? lesgow!
haha.. Laughtrip aq dito te' pagaya ko ng itinerary ha!
Ikaw na ,ay ZAC! pahitch nman at paexperience one time lang. Ano bang mga kumikitang kabuhayan natin jan?? Hihihi congrats te.. More blessing!
pahitch nman at paexperience one time lang. Ano bang mga kumikitang kabuhayan natin jan?? Hihihi congrats te.. More blessing!
@pusang kalye - parang boracay yung alona dahil sa dami ng establishments pero hindi ganong kalinis yung dagat nung pumunta kami. Anyway, hindi nman talaga namin binalak maligo nun dun at puro sa PINR at Balicasag ang basaan blues.
@chyng - hahaha! hindi naman. wala ng bibilhin si boylet kung pati house and lot e ako na rin. sinuswerte siya masyado. lol!
@shey - still don't know how to drive. ako ang natatakot para sa mga taong nakahalang. hahahah!
magbo-bohol na rin ako early september, feeling ko ala pa kong alam sa pupuntahan ko waah! =(
@christian - copy mo na lang itinerary ko. yun nga lang kailangan mo basahin lahat ng entries. hahah! sinadya ko talaga paghiwahiwalayin. lol!
Hi! Ask ko lang kung kumusta ang traffic to and from EAT Danao? Gusto ko kasi isama yun sa ibang destination in one day. Salamat!
hi! thanks sa info. sa citadel kami mgstay s january. :)
hi! thanks sa info. sa citadel kami mgstay s january. :) kaya lang, ngpabook kami online. tpos tinext lang nila ung details like account number. gnun din po ba ginawa niyo? kasi iniisip ko din kung magdedeposit ako tpos wala nmn pla. thanks! :)
yes. pinagdeposit din ako before ng 50% of the total bill. For reservation yun. It's just an assurance on their side that you're coming on that day. May I know the account name? I'll try my best to remember if we're the same.
thanks for dropping by!
Danao? hmm. we allotted one day for that. Walang traffic. Malayo lang siya talaga. hihihi! That really depends on you. Marami kasi attraction sa Danao. May caving pa dun, may water tubing (prang water rafting pero sa interior ng gulong kayo nakasakay. hihihi!)
Citadel tourist services. excited na tuloy ako mag bohol dahil sa blog mo. :)
Hi! Gusto ko lng magthank you. ang daming natulong ng blog mo. sa citadel kami ngstay and si Kuya Jr din nagtour sa amin. Thanks talaga! :)
Ikaw? Anong say mo?