Saturday, July 9, 2011

EAT Danao: A Proud Plunge Survivor

I never thought I was able to convince myself to do this death-defying act.  Now I can finally say "It is me already! (ako na talaga!)" hihihi! Pero bago yan..sesegway muna ako ok?

I already posted our Countryside tour. You might want to check it out. Click here.

We left Citadel Inn at around 7am with almost an empty stomach. We have bread though. We bought it the night before. Pero honestly, I don't like bread every morning. Para akong kumakain ng bubble gum. Nakababad lang siya sa bibig unless may panulak akong kape. hahaha! Para akong bungal na sinasawsaw ang tinapay sa kape. 

From Alona Beach, it's a 2-hour drive to Danao. Scary gutumin mga friends ko. Promise. Kaya when we passed by sari sari store, sandamakmak na Popsy chichirya(only available in Bohol) at Ding dong ang binili. We suggested Kuya driver to put up a mini sari sari store sa sasakyan para sa mga pasaherong tulad namin. Naaliw siya at naki picture din. Ipakita niya daw kay cool RJ, our contact and the owner of ehem ..Innova, Altis, Van lang naman. And he's only 28 years old mind you. Hmmm... Prospect. hahahaha! lol!

Anyway, ito na ang kinahinatnan ng katakawan namin.



Finally we arrived there around 9am. Tense na ko. hahah! I've been browsing for a video on youtube so I know what to expect. Sobrang mixed emotions. Hindi ko na actually alam kung ano ba ang finill-up-an ko nung may binigay na papel. I hate "what ifs" kaya I decided to do it. Ni hindi ko na rin nakuhang magpicture sa mga banner ng EAT Danao. I paid for Plunge and Suislide. Binayad ko na rin friends ko sa Suislide para wala ng atrasan. hihihi! Gusto ko sana mag Sky ride para lahat kami magkakasama sa bangin pero ayaw nila. Mas matagal kasi siya at siguradong lilipad ang mga utak namin kakaisip na yun ang ikakamatay naming lahat. Siguradong gagana ng bonggang bongga ang mumunti kong mental ability. Torture. hahahaha!


Malaking tulong na malayo ang reception area sa viewing deck ng EAT Danao. hahahaha! I won't be able to back out kasi nauna na kong nagbayad. hahah!

Sinilip ko na ang mahiwagang bangin. Uhmm... 200M deep. That's equivalent to 60-storey high building lang naman. Para kang tumalon sa PBCOM tower. A person would have to do a 45m free fall bago mo maexperience magswing sa kabilang bundok (OA lang. hahaha!). Ang pagswing ay depende sa katabaan mo. Basta that's equivalent to 70M longer. 


Kung sa Bukidnon ang Longest, ito ata ang Deepest. Koma lang ang aabutin mo sa Bukidnon e, dito.. hindi ka na makikilala. Sabog kung sabog. Kaya for first timer and with phobia on heights like Karen and Rachelle, I know the feeling.



Good thing we arrived there early. Pwede pang mag-inarte sa pila. Isa pa, wala rin masyadong makakarinig ng tili ni Jeneson at EJ if ever. hahaha! Peace guys.

While we were watching a girl ready to be launched anytime, para kaming pinasakan ng busal sa bibig. Walang umiimik. Hahaha! Someone broke the ice nung sinabing "Uhmm.. naglalawa na ang kamay ko." I checked mine... uu nga. hahah! lahat kami. Nakaka-stress talaga. Makapigil hininga talaga nung nag 45m drop. Parang pendulum lang na winawasiwas sa bangin. Ayoko muna mag Plunge. Suislide na lang. Warm up.

So hindi naman masyadong halatang nagdadasal na no? lol!

EJ: "Hoy Karot! baka mabingi ako sa sigaw mo ha. Umayos ka!"
Karen: "Oy hindi a. Baka ikaw pa nga mas maingay sakin e."

Tingnan ang sumunod na larawan. hahah! Alam nyo na kung sino ang maingay sa kanila.


Ano ba yun... Ga-ruler pa lang ang lalim niyan o.. hahaha! Mich and Jeneson was with me when I went to CDO kaya walang MMK na naganap. They loved it. Rachelle however, though we tried Tagaytay Zipline before, and it was also our first time then, she's still afraid. I was planning of doing it alone like I always do, but I saw her crying (at medyo nagiging cause of delay na. hahaha!) so I went with her. Good thing we had to do it twice, shempre babalik sa pinanggalingan. Ang hirap kayang babain ng bangin. I finally convinced her to do it by herself. Sabi ko hindi maganda sa picture pag may kasama. Hindi ako  siya makakapag-pose ng maayos. hahahha!
 
Finished Product (hihihi! naka limang pose ata ako. sabi kasi sa gitna pa simulan na pagpopose. whew!)
I envy Jeneson at first when I saw him brought the cam while doing it. Pakanta kanta pa siya ng Balik sa Bohol Balik. hahaha! Then I realize after, if I have it, I won't be able to appreciate it more since I'm not looking at the cliff with a naked eye. Panay ang tingin ko sa camera nun for sure. I agree with my blogger friends, never bring a camera unless you want to do it again. Kaya I availed the picture above. Anyway, it's only 50.00 (+ courage I had + unforgettable experience that I will share to everyone.) Char! Make sense isn't it?

What I don't like about this ride? Ambabaho namin after. Shit! Amoy Anghit! Nakakainis.Wala pa naman kaming baong damit.

Wala naman na kong ibang binayaran kaya obviously, Plunge time na. EJ was the first one. Bigla akong naduwag. hahah! Sinabi na lang namin na lalaki naman siya kaya dapat siya mauna. Pero actually ich-check ko lang kung buhay pa siya after.


EJ .. (Do you agree na may resemblance sila ni Luis Manzano?)
Pictures before doing this act is seriously necessary. We never know what will happen after. Ala-ala ng matinong ichura. We were shocked when we saw him being tied upside down. What The F! Adik ka talaga!

O diba? Prang pinapalitan lang ng pampers! hahah! Joshuang Joshua!
Tarsier pose

Sobrang naexcite lahat ng tao sa mangyayari sa kanya. hahah! The normal way of doing it kasi is in sitting position. I don't know where he got the idea. O gusto lang talaga magpasikat ng adik na to. hahah! Ikaw na EJ! Tumbling talaga kami sa tindi ng courage mo. When he was launched, everyone.. kahit hindi namin kasama, nakisigaw sa kanya. Parang feeling namin kami yung nakabiyabit dun. hahah! Naka swing na't lahat humihiyaw pa rin siya. lol! Laugh trip talaga.

Hanggang dyan ba naman EJ!? hahaha! Babuy mo! lol!

Watch this clip to witness this horrifying act.. hahah!





Karen is up next. Speechless kami..... pati siya. hahah! Ni wala kaming narinig kahit anong ingay nung binagsak siya. Nakaka loka! Hindi ko alam kung na-bored ba o talaga lang wala siyang nasabi sa sobrang takot. hahaha! Pero anyway girl, be proud of yourself, ikaw na ang first timer na matapang. Buti hindi ka nag-ihi unlike yung kinwento ni kuya driver na basang basa ang short after. lol!




Shempre ako na. I was surprised na halos more of excitement na ang nararamdaman ko nung mga oras na yun kesa sa takot. Well, siguro dahil nakita kong alive and kicking naman sina EJ at Karen after iwasiwas sa bangin. Safe siya. I just have to enjoy the moment.

When the gears were being set up on my head and body,
Me: Kuya hindi ba nakakabaog yan? Parang ang sikip kasi.
Nagsmile lang si kuya sarap batukan.. Lecheng yun, baka nga totoo. hahaha!


Me: Check mo nga Rachelle yung buhok ko... Nagulo ata e. Ok pa ba?
Rachelle: Adik ka! Yan pa iniisip mo ngayon?!?!?
Me: E baka kasi hindi maayos, pangit kaya sa picture



Ayan at nakuha ko pang ngumiti. hihihi! Ang taba ko potek!


I'll be launched anytime. Masaya ako niyan promise.

Narinig ko na lang si kuyang sumigaw ng "Bombs away!" 2 seconds lang yun, pero pakiramdam ko talaga ang tagal tagal bago ako matapos sa free fall part. Nandun na kagad ako sa kabila. Pakiramdam ko naiwan sa taas ang puso ko. "Kuya pakibato nga dito! hahah!"

There I was!


I never told my friends that I felt a teardrop nung humina na yung pag swing. Pero konti lang naman yun, pinahid ko lang pag nagsswing at hindi nakaharap sa kanila. Then I thought about it, akalain mong may kinatatakutan pa rin pala ako. But I'm happy and oh so proud I did it. Sabi ko nga, ayoko ng "what ifs". Siguradong inggit na inggit ako kina EJ kung hindi ko yun ginawa. Nung dinadahan dahan ako iakyat, parang mas natakot ako. Nakakalula. Napakabagal kasi. Unlike yung unang bagsak.

Tinatanong ako ni kuya kung ano daw pakiramdam...
Kuya: Kmusta mam? ok ba?
Me: Oo kuya. Ang sarap. Uulitin ko yan.
Kuya: Pwede naman po e. Ikaw ulit.
Me: E wala na kong budget. Libre ba?
Kuya: Opo libre. Wala lang harness. Kumapit ka na lang ng mahigpit sa lubid.
Bwisit! hahahah!

We got the certificate with a degree on Fear Management. Natawa talaga ako. Ipapaskil namin sa office. Hindi na naman nagpatalo si joshuang EJ, dun daw niya ilalagay sa bulletin board, dun sa may Business Permit portion para kitang kita ng lahat. hahah! I'll post it soon.

After that, we decided to leave and went to Bohol Bee Farm for lunch. The rest chose not to try the Plunge. Keri lang yan guys. At least you have something to look forward to when you get back in Bohol. Siguro you'll have the courage by that time. 

Expenses Breakdown:
Innova Rental (EAT Danao/Hinagdanan/Bohol Bee Farm): 3200.00/6 = 533.33
Danao Parking: 10.00/6 = 1.6
Danao Entrance: 150/6 = 25.00
Suislide Zipline: 2100/6 = 350
The Plunge: 700 each
-------------------------------
Total per person: 1609.93

Please contact Kuya RJ for Van, Altis, Innova Rental - 09077119727. Thanks for sharing Chyng! If you want to try other activities in Danao, here it is:
  • Plunge – P700 per person
  • Sky Ride – P250 per person
  • Caving - P350.00/person (minimum of 5 persons)
  • River Tubing - P200.00/person
  • Kayaking - P200.00/person
  • River/Mountain Trekking/Hiking - P200.00/person
  • Wall Climbing - P100.00/person
  • Rappel (60m) - P600.00/person (Minimum of 5 pax)
  • Rappel w/ root climbing - P400.00/person
  • Suislide - P350.00/person
  • Tent Rental @ 200.00/rented tent, then 100.00/own tent
  • Camping - P25 per camper
  • Village Tour - P200.00/person
  • Ziplet @ 100.00/pax
Check out their website for more details.

Bohol Bee Farm and Hinagdanan Cave is up next! Stay tuned!

18 comments:

Chyng said...

sobrang bilis ng drop? katakot.. hehe
you already tlga!!

nyabach0i said...

scary shit naman yung sloped na zip line! baka hindi pa ako tapos matakot nasa baba na ako. helpful talaga to i swear! pupunta ako sa bohol ng seftembah!

Shey Malindog said...

ayiieeee.. Ikaw na te', the best ka!
Nanlalamig ung paa at kamay ko habang binabasa to. Eh dahil OT mode ngaun kaya iilan lang kme sa opis tapos bigla akong napatawa ng malakas kay EJ..(hihi close kame??) nong nka diaper position sya. Super like ko this entry.. Lol un si kuya, dpat ask mo sya te kung na try na nya mag plunge ng walang harness.. muhahaha!

Clapclapclap..wagi ka!

John Marx Velasco said...

Habang binabasa ko toh, kinakabahan ako! Hahaha! Nakakatakot!

Kura said...

@chyng - oo ang sakit sa bangs. hahah! hindi ko nameet si kuya RJ pero nakarating ako sa bahay nila. Tulog pa ata.

@nyabach0i - you'll enjoy Bohol. and yes tama ka.. Hindi ka pa tapos matakot, naka free fall ka na. hahaha! Try it ha. Sarap ng feeling after.

@shey - naku oo. Hindi ako nahirapan iadjust si EJ sa iba kong friends. para kasing hunyango yan, kahit san mo idikit pwede.

@marx - hahah! ganun ba? pati ako e. nanlalamig ako pag naaalala ko siya. pero hindi talaga ako nagsisi at sinubukan ko. If punta ka ng bohol don't miss it.

Pack up and Drift said...

gusto ko ding ma experience to. wah!! extreme!!

pamatayhomesick said...

ayos.. parang pelikula ni sam at kc....:)

Ed said...

prior to my bungy, i wanted to try the plunge (we were in Bohol a week before my HK-Macau trip) per di kami natuloy kasi sight-seeing yung gusto ng mga kasama ko. eh nagsightseeing na kasi ako before. kaso wala akong magawa kasi majority sa kanila first time pa sa bohol. Sigurado ako na when I get back. mag EAT danao na talaga ako at ang Plunge ang uunahin ko! --- antapang kong pakinggan di ba? pero di talaga! kahit may mas malala pa jan, andun pa rin ang takot sa unknown. haha!

i've been smiling reading this blog entry from the start to finish. panay tawa ko sa mga sidecomments mo! bwahahahah (pasensya na talaga, mukhang sa sidecomments talaga ako napapacomment)

pero bwisit din yung sagot ng kuya sa sinabi mong gusto mong ulitin. hahaha.

Kura said...

hihihi! ay anu ba yun.. haha! ok lang, the fact that you're reading my entries, masaya na ko. Tapos nag leave ka pa ng message. Wapak!

Hindi kaya ma bored ka na dun? kasi nakapag-bumby jumping ka na e. Sabi nung friend kong mukang pinapalitan ng pampers.. super sarap daw ng feeling pag upside down. Pero ayoko pa rin gawin. hahah! pero pag inofferan ako ng milyon magddalawang isip ako. hahah!

JeffZ said...

hmmm mapapacomment sana ako sa blog post eh.. pero parang sa iba ako magcocomment..



♥♥♥AYIIIIIIIIII..♥♥♥


haha.. (in reference sa comment mo at comment ni Ed.. lol) haha

Kura said...

@jeff - nakup! wag ka nga! inggit ka naman! hahah! yaan mo magcocomment din ako ng ganyan sa blog mo. hahha! naaliw lang ako sa mga sikat na blogger na napapadpad at napapacomment pa. malisyosong to! hahahah!

JeffZ said...

hahaha at hinahanap ko talaga tong comment ko na to kasi naalala ko lang bigla.. at curious ako sa reaction mo.. wehehehe

bungee jump kayo ng sabay.. ayiiiiiii.... lol :P

ano tsong, pwede ba Ed?.. lol haha

Kura said...

hahah! hindi ka maka-move on? lol!
natawa ko sa last sentence.. konti na lang bugaw ka na. hahah! dagdagan mo na lang ng presyo sa huli. hahaha! adik!

Nicole said...

ang galing mo girl! ang lakas ng loob ninyo. hindi ko ata kakayanin yan, pero gusto kong ma-try! Haha!

Nicole said...

pa isa pa, haha! Bakit wala kang video? Hehe!

Kura said...

try it nicole. Mawiwili ka after. Nakakatakot talaga siya at first kasi ramdam mo ang free fall e. Pero masarap pag nakapag swing ka na sa kabilang baryo. hahah! Charot.

lakbay philippines said...

i had fun here too! the plunge was uber scaaarrryyy!! hahaha

Trip@dora said...

Hi Maricar!

Had fun reading your entry. i was laughing all throughout. Parang naririnig ko ang kwento mo instead of reading it. excited for november :)