This is one of the reasons why I chose to spend a day in Bacolod. Before, my birthday wouldn't be complete without a chocolate cake. I really thought naka-graduate na ko sa ganung klase ng celebration. I was wrong. Hihihi! Sensiya na, hindi maikukubli ang katakawan. lol! Marami na kong naririnig na papuri sayo Bruhang Calea. Oras mo na! hahah! (parang mang-aambush lang)
Calea can be found along Lacson Street near L' Fisher Hotel and Saltimboca Inn. Magkakapit-bahay lang yan. Actually they also have a branch in Robinson's Bacolod but Lacson is just within our vicinity. Lalayo pa ba kami?
That's my mom! Excited lang? |
First thing I noticed, they have excellent exterior and interior design. Isa pa, amoy mayaman at hindi ganong crowded given that it's lunch time and people should come rushing for desserts. Anyway, pabor sakin. Ayokong kumakain sa lugar na first time ko lang at maraming tao. May phobia ako sa pag-order. Sesegway lang ako saglit, pigilan ang tumutulong laway ok? lol!
Before, I tried to eat sa isa sa mga fine dining restaurant sa Greenbelt. Social Climber mode. I asked for the menu. Bothered ako dahil konti lang ang alam kong familiar na pagkain. If I had a choice aatras na ko e, kaya lang nabigyan na kami ng complimentary drinks sa goblet (na hirap na hirap pa kong hawakan). Yung ibang pagkain, alam ko naman, kaya lang I don't know how to pronounce it so pano ako oorder?!? hahah! Pambihira! Kakain na lang pahihirapan pa ko. hahah! Tahimik kami ng friend ko at nakikinig sa kabilang table na may umoorder din. Eavesdropping. Baka keri nila sabihin ng maayos at makatulong saming mga may speech deficiency. Pero bingi talaga kami kaya useless. So we ended up with...
Me: "Uhmm... can I have this one? and that one.. and also that one"
Ayun nagmistulang turo turo ang menu. hahaha! Kaya simula nun, I always ask for the best selling ones na lang para ang waiter na lang bahalang magka-pili-pilipit ang dila. hahah! Hmp!
Going back, nakita ko na ang cakes nila and I was so impressed ichura pa lang alam ko ng masarap... very pleasing to my eyes.
Tingnan niyo naman, parang walang kabawas bawas lahat. Inantay talaga ako. hahaha! Joke.
Sinimulan ko ng ilabas ang kodigo na kinuha ko sa blog ni Marx. hahah! A lady who's taking our order noticed me and smiled.
Me: "Isang order nga pong.. White Chocolate Uhm..." (sabay silip sa kodigo) ".. ah cheesecake"
Lady: "Hihihi! Uhm.. Sige mam akina lang po yung listahan niyo. Ako na ang bahala."Whew! Paksiyet. Napahiya pa ko. hahaha! But thanks to her. Sayang I forgot to ask for her name.
Pagkadating ng order, mangani-ngani kong pitpitin ang kamay ni mama dahil gusto na niyang kainin agad ng hindi pa napipicturan. hahah!Actually, I almost forgot that I have to blog this once in a blue moon chibugan galore. Salamat sa flash ng camera sa likod ng table namin. When our order was served, gusto ko ng sagpangin agad lahat. hahah! Rawwr!
Choco Mud Pie (it's muddy indeed) |
Mama, kahit gano ka pa ka-behave sa picture, hindi maipagkakailang may mantsa na ang tinidor. Halatang hindi nakapag-pigil. hahaha!
Get your camera ready after eating this. Panalo ang moment. Sabit sabit at namumulaklak sa tinga ng chocolate bits. hihihi!
White Chocolate Cheesecake |
Wala talaga akong ka-talent talent sa food presentation. Hahah! Pauso ko lang ang "pahid" strawberry syrup. Nakita ko lang sa mga Junior Master Chef pag kinakalat nila yung sauce ng mga pagkain bago ipa-taste test sa judges. hahah! Fail.
Chocolate Cake (Obviously) |
I should have brought a candle with my age on top of the cake slices. With matching party hats tapos si mama ang kakanta ng happy birthday. hihihi! Sayang.
Walang kaabog-abog, we dug in. And it's oh so yummy talaga. Worth it ang side trip. As usual, cakes should be partnered with brewed coffee so we ordered 2 cups. Yun ata yung pinakamura. Wag ng haluan ng sugar dahil wala ka rin naman malalasahan sa tamis ng cakes. Among those, I must say Chocolate Cake pa rin ang nagwagi for me. Ang bias lang e no. Hahah! Hindi ko alam kung psychological din ba yun. Good thing my mom love the rest. That's what I like about her. Walang nasasayang. Siya ang tiga-ubos ng tira tira ko. hahaha! Peace Ma! Madali kasi ako maumay sa sweets.
Ang classic dun.. cake price ranges from 85.00 to 100.00 only. If Bacolod was our last stop, I would definitely bring home a box of chocolate cake.
I felt a pound was added to my butanding body weight. (..and I never felt guilty.)
Thank you mama at hindi mo binitiwan ang mga katagang "Pwedeng Tumingin, Bawal Tumikim" sa mga oras na yun. hihihi! Hanggang sa susunod na food trip!
Up next, ang paghahanap sa nawawalang Pension House namin. Abangan!
13 comments:
Haha!Kanina ko pa itong umaga nakita sa blogroll ko kaso kapag click ko error naman! Haha! Buti ngayon ok na! ;)
Nakakagutom! Maglilista din ako! :)
Ang galing ng pagkakuha mo, pati lasa kuhang-kuha. Tulo laway ako!
Kaloka ka! Galing na mga descriptions mo. Kaka crave ha. Nasaoli ba sayo ang kodigo mo nang mahiram. hahaha! Bakit anu ba amuy mayaman? amoy matamis?! hahaha.. la ako sweet tooth pero mukang masasarap talaga! Hmmn, parang I like "that one oh"..that. yeah right! Ganyan din ko minsan, eavesdropping at kung di matiis ituturo ko din yung order sa kabilang table. harharhar!
Na-mimiss ko na ung White Chocolate Cheesecake. Huhuhu! Gusto kong bumalik sa Bacolod para mag food trip!
I miss Calea! Ito yung gusto ko talagang balikan sa Bacolod kasi mura ang cake. actually, medyo nagtaas na nga ng presyo. 80 pesos ang minimum. noon, sa Robi kami kumakain, tas 65 pesos hanggang 75 pesos yung cake -- compared sa mga ibang cheesecake shops na tig 150 yung isang slice.
sarap talaga dito sa Calea. kakamiss!!!!
i don't have a sweet tooth pero pasado ang mud pie at chocolate cake ng calea sa'kin...yung cheesecake nakikita ko pa lang umay na ko.. hehe
Homaygawd. I almost went into sugar shock jan sa Calea! Overflowing ang crowds jan sa gabi. So we had to go back the next day para lang mag-chocolate cake. Yeah I'm like you. :))
Mom ko rin atat kumain bago pa man ma-pictyuran ang food. Pero sayang ang mud pie. Sana yun na lang order ko. Such a sweet mess!
well unfortunately, di ko natry sa calea. mas moist daw kasi ang cakes and pastries sa felicia's and cafe bob. naniwala naman ako. parang pareho lang naman pala. hihi
ansarap sa bacolod! nakaka-taba! shet!
@nicole - na-hit ko kasi yung publish kahit wala pang kalaman laman. hahah! shongak ko lang. Gora ka na sa Bacolod girl
@bertN - naku walang sinabi ang kuha ko sa mga naunang bloggers na nag feature nito. Para akong na-ulol sa cakes bigla. hahah!
@Mitch - yaan mo, may kodigo pa ko ng mga masasarap na caks dun. Sabihan mo lang ako. hahah! Mahirap kasing mag panggap minsan. Hindi naman kasi ako sanay sa mga pang amoy mayaman na resto., hahah!
@marx - kaya nga e. yun din ang nagustuhan ko talaga sa Bacolod. Pagkain. hahaha! Pag nagawi ko dun. I'll make sure makakapag-uwi ako ng kahong kahong cake.
@ed - sarap no? napakamura naman nun. Taob talaga ang iba. Sayang di ko na-abutan ang ganung price range. Baka pag hinanapan ko sila ng mas mura, isaboy sakin ang kalahating kilong asukal. hahaha!
@carla - me too. Naumay nga ako. Mas gusto ko pa rin ang home made blue berry cheesecake namin ni mama. hihihi! At least kaya kong tanchahin ang tamis.
@AJ- buti ka nga taga bacolod ka e. Anytime mo gustuhin pwedeng pwede kang bumili. Btw, nakita ko ang fineature mong cemetery sa gitna ng kalye on our way to Ong Bun. hahah! Naalala ko agad ang blog mo. Ang galing talagang hinati niya ang daan. parang moses lang./
@chyng - nabasa ko nga yung felicia kay lakwatsero kaya lang tinamad ako maghanap kasi wala sa lacson. hahah! Anyway, ako rin. pag tinanong ako kung anong babalikan ko dun, malamang pagkain din. hahaha! PG tlaga.
May kodigo talagah? hahaha! Ang sarap namn ng mga pangpataba na yan! hihihi!
Nakakatakam naman yang Choco Mud Pie! 0_0
Calea fail kami nung overnight Bacolod trip. Nung pumunta kami ng gabi, magsasara na. The next day naman, medyo lunch time na nun kaya mas pinili namin mag-Manokan Country. Nag-Bobs din kami and impressed ako sa Sylvannas nila. Etong Calea talaga ang namiss ko :| Babalikan ko 'to! :D
panalo talaga sa calea no!!
yung chocolate cake din ang inorder namin dati, hirap na hirap kami ubusin yung isang slice kasi kakakain lang namin sa iba hehe. mura na masawap pa!
Indeed, love this place! Excellent food and service. My fave is Triple Chocolate Mousse.
Ikaw? Anong say mo?