Friday, November 11, 2011

21

Wow! it's been awhile. Ang tamad ko pala. hahah! I can't think of any excuses right now. lol!

No, we won't be singing "♫Eh Eh eh eh eh eh tuweny won♫" here. And 21 is definitely not my age. hihihi! I found this fine dine restaurant in Bacolod along Lacson Street. Right after we went to the ever famous Ruins, which I will make a separate post, we headed here for a sumptuous dinner. Isa pang amoy mayaman. ^_^

Have you noticed Bob's reflection? Magkapit-bahay lang sila.

Hindi ko alam kung laganap ba ang ubusan ng pangalan dun. hihih! Ang ikli lang.

Ang dyaskeng kupita
Let me take you to there..

Pag pasok pa lang, alam ko ng alanganin na naman ang outfit ko. Casualan lang. But some of the other guests e pormal na pormal. Hindi ko alam kung bigla bang mamamatay ang ilaw pagkatapos namin kumain at lalabas ang mga DI mula sa CR para maghanap ng matronang isasayaw nila. Nakapustura halos lahat. Bawal ba talagang kumain ng hindi naka make-up?!?!?! Anyway, hindi ko naman na sila makikita kahit kelan kaya pinilit kong dedmahin. hahaha! Pero sa totoo lang, ni hindi ako makatayo sa kinauupuan ko para lang mag CR. Hiyang hiya ako ate charo. hahahaha!

Hindi pala kami nag-iisa.. Hi manong! hahah!

Minsan, kahit sa mall.. bat ganun? Kahit nakapang bahay lang ang mga mayayaman na yan, hindi maipagkakailang mayaman sila. Weird. Nasa tabas ba ng baba? Nasa kuko ba? Nasa pwesto ba ng wrinkles? Ewan ko ba..

Wala lang. Gusto ko lang magkaron ng ganito sa kwarto ko


I made it to the rest room. Pag balik, I had the chance to take a picture of the other side. Nagpose si kuya waiter. hihihi! Sabihin ko sana yung pagkain ang pipicturan ko at nakahalang siya e, pero naaliw ako sa kanila.

Sabay tanong kung para san daw yung picture.. lol!

Mango Salad (P150.00)

Herb Chicken (P190.00)

Molo Soup (80.00 each)

Yum sarap sarap! I highly recommend all those three. For the herb chicken, ayun pinalutang ko lang sa gravy. KFC?!? hahah! Just don't be shy to ask for more ok? I did. For the mango salad, that's the best I've ever tasted so far. Molo soup is also a super must try. Actually yun ang pinaka-favorite ko sa tatlo.


Happy Tummy!

We only spent a total of exactly P 500.00 for this meal. Not bad para sa bonggang ambiance, masarap na pagkain at magandang serbisyo. Woot woot! Until next food trip!


14 comments:

Chyng said...

i tried 21 too! jan kami nag breakfast ni Kat! pang mayaman ang ambiance pero di ganun kamahal. sulit

Nicole said...

bacolod = foodtrip! saya!

Ako din minsan natatanong ko yan,bakit kapag mayaman kahit anong suot, mukhang mayaman pa din! Haha!

Piggybear Travels said...

san po ito located ate? :)

Pinay Travel Junkie said...

Ahem, I'm 21... A decade ago. Hahaha! Miss ko molo soup. Di ko na-try yang resto na yan when we went there :(

m@noy en nin@y said...

wow nakakagutom! sana makapunta din kami dyan!!!

bertN said...

"Kahit nakapang-bahay lang ang mga mayayaman na yan, hindi maipagkakailang mayaman sila. Weird. Nasa tabas ba ng baba? Nasa kuko ba? Nasa pwesto ba ng wrinkles?" Nasa tipo ng paglakad.

Tingnan mo kapag lumalakad sila ng paika-ika dahil nabibigatan duon sa wallet nila LOL. Either may gout yun o maraming laman ang wallet nila.

Ako ang laman ng wallet ko ay pics ng asawa at mga anak ko where my money used to be. Hikbi.

Unknown said...

Wow mukhang masarap nga, at ano nga kayang meron ang mayayaman?! Hahaha!

anney said...

Gusto ko yung chicken! Masarap nga sabawan ng gravy yan! hahaha!

ardee sean said...

ang close mo lang kay ate charo.. minsan pakilala mo ko ha.. lels parang P320 lang ang compute ko sa price sa pics, san mo na naman nilagay yung sukli nung 500.. :p

ardee sean said...

*420 pala.. :P

Kura said...

@chyng - oo nga sulit siya. tama lang yung servings tapos masasarap yung nakain namin

@nicole - yan din talaga ang first impression ko kay bacolod... food trip. hahaha!

@vash - sa Bacolod yan. ^_^ thanks for dropping by

@gay - sayang wala pa ata siyang branch sa manila e. heheh! Yung Bob's meron na kaya ok lang kahit pinalagpas ko.

@manoy en ninay - it's never too late. go go go! hehe! Next year. sa maskarra festival

@bertN - hahahah! wow! nakakarelate?!?! sa MAYAYAMAN.. AY SHA ikaw na po talaga! hahaha! Kumapal ang wallet dahil sa pictures. hahah! Noyping noypi. But your family is much more precious than money. Also, parang hindi ka naman po nauubusan e. hehe!

@glad - refer to sir BertN's answer. hahahha! Mayaman din yun kaya alam na alam niya. Nakaka-takot tumabi sa kanila baka makadamay. kidnapin tayo ng masasamang tao. lol!

@anney - me too. Parang KFC lang. Kung hindi nga lang nakakahiyang isalin sa thermos ang gravy ni KFC e. hahaha! Inaraw araw ko na yun.

@ardee - 80.00 kasi ang molo. e 2 yung binili namin. kala mo ha. hehe! Pang single kasi ang isang order e. Mega ekspleyn. hahaha!

ardee sean said...

ganun ba... heheh hinahanap ko ung sasalihan kong kontes dito.. keri ko ba? hahaha

Ed said...

mabuti na lang dugyot na dugyot ako tignan sa mga malls at di mapagkakailang dugyot talaga! hahaha.

Kura said...

@rd - hahaha! wala no. baka ikaw lang ang sumali if ever meron. e kesa ipacontest ko, i-give away ko nalang. lol!

@ed - ay sha! ikaw na ang dugyot na amoy mayaman. hahaha!