I may have shared Coron's underwater world but hey who said I ran out pictures to show? hahah! Battery oo. Siya ang naubos. hahah! Walang patayan sa tubig e. tsk. My fault. Sensiya na nawili lang. I never thought the view could still be that gorgeous as we go along. Honestly, paganda siya ng paganda for me. Ikaw na mismo ang susuko.
In and out of water, Coron is majestic as ever. (Naks! nag rhyme. lol!) As much as I wanted to share more of under water pix, mag-aaklas si blogger.com promise. hahah! And for the benefit of those na takot sa tubig like my mom and dad (fish tayo! hahah!), here are some of the enchanting view you can enjoy ng hindi gaanong nababasa. Here we go!
Siete Pecados (na aapat lang sa picture. haha! Hindi kaya ng point and shoot) |
It's Coron loop's first spot. Siete Pecados literally means Seven Sins. And if you're wondering why it's called such, well..... I second the motion. hahaha! Sinubukan kong alamin at may nabasa ako na tungkol sa 7 maharot na prinsesa na nalunod kuno habang binabaybay ang karagatan at ayun tinubuan ng isla. hahah! Gumaganon?! Anong petsa na no. Hindi na uso ang mga kwentong pang amoy-lupa. Basta ang alam ko, isa siya sa pinaka-bonggang marine life na nakita ko. By the way, wag magugulat kung sisigaw si kuya boatman ng "Arya!" kasi dun na kayo mismo magswim. Sa gitna ng nag-uumpugang bato. Char! hahah! They are not allowed to throw in their anchors kasi masisira ang corals.
Kung pwede sanang ihuli ang snorkeling spots when you do Coron loop. Kasi you'll get bored on the succeeding places lalo na when you're like me na gustong gustong tumambog sa tubig.
Just like Puerto Princesa and El Nido, Coron is surrounded by beautiful limestone cliffs. Isa-isahin natin sila. O ayan magsawa kayo ha. hihihi!
Mukang pasadya lahat. Very nice! |
Pasensya na sa sampayan.. (lol!) Hindi ko nahawi.. |
agaw buhay sa mala-buwayang bato |
So hindi naman puro bato e no? hahah! Coron rock my world talaga. Awww.. (hahah! Arte?)
Approaching Twin Lagoon (so kelangan nakapamewang?) |
Peace Kian! hahah! Ang dami ng echoserang boat na nauna samin.. Bakit ba kasi nakikisabay sila sa bakasyong grande ko. Twin Lagoon is ... well twin lagoon ano pa nga ba. Heheh! You'll see later. When I was browsing my SD pag-uwi, I had the chance pala to take a picture of our boat. Then I wondered...
..where the hell am I standing when this was captured?? hahahah! That's the french couple preparing themselves. hihihi!
Tapos nakita ko tong platform... Dun pala. hahaha! Tinakot ang sarili. |
That's where we have to swim. If it's high tide, mas challenging siya pasukin for obvious reason. If you're not good enough, you can use the stairs instead. Pag kinapos ka, goodluck naman sayo. Ikade-deform ng ulo mo ang patulis na hugis ng bato sa taas. hahah! Sige anong pipiliin mo? Magpakalunod o isuko ang sarili at hayaang magka-poknat sa ulo? hahaha!
Last year, we passed through it using balsa. Kaya lang, right after I left Coron, I've read you'll miss that hazy portion if hindi ka nagswim. I don't know what hazy means then. hahaha! Pero napansin ko talagang there's something in the water habang dumadaan ka sa gitna. Wear your goggles while passing through ha. It's for you to find out. Bwahahah! Don't miss it.
Not once... but twice! hihihi! |
..then came Butanding. hahaha!
Wala naman masyadong makikita sa kabila. Ganun din. Puro Limestone. E naumay na ko sa limestone e.
Next Stop, Kayangan Lake. Oh yeah, hailed the cleanest lake in the Philippines. Kaya lang brace yourselves and get your insect repellant ready kung ayaw mong dumugin ka nila.
And I was there standing sa simula ng nakakahingal na trail for the second time. Whew! (kailangan mo ng bonamin bago panoorin ang video. Pasensiya na.. hindi ako eksperto sa ganyan.) Sana lang hindi rinig ang hingal part. hahahah!
Excerpt from my previous entry before leaving Manila Going Solo and Beyond, "I just have to accomplish 3 goals for this trip (1) try something I've never done before (2) hang out with the locals, if it means sing my heart out in public why not? (3) make friends with foreigners and have a picture taken as a proof." (Mission Accomplished!)
Charaaaan! (at nahawaan ko sila ng peace sign. hahaha!) |
Again... the most photographed spot in Coron |
at hindi ako papayag ng walang solo.. |
Weird. Maganda siya pero hindi na siya kasing ganda unlike before. Or dahil hapon na ko pumunta? Or baka dahil nagulo na ang nananahimik na tubig ng mga echoserang frog? I don't know. Compare the following shots..
a year ago |
Now |
A year ago |
Now (minus the dyosa. wahahah!) |
Still clear (at buhay pa ang shoes ko. hihihi! Siya din bitbit ko last year e. Pansin nyo ba?) |
Unfortunately, I wasn't able to capture the majestic rock formations underneath. Na-drain ang battery ni D10 ko. Nakakaiyak talaga yung moment na yun. Yung iba kala mo shipwreck din promise. Kian offered me a free swimming lesson. Naisip ko din, why not choknut no. Matututo na rin lang ako, might as well do it in Coron. Bongga ng idea pero hindi. 0.53 meters pa lang ako sa platform bumalik na ko. hahahah! Hindi ko pa kaya. Mas malaki at mas bulky pa ko kay Kian no, baka hindi niya ko masagip. Nakaka-tawang headline yun. "Butanding, nagpasagip sa driftwood, Patay!" No way! hahahaha!
Coron loop pa lang yan.. What more sycamore? You can also rent a boat for Malcapuya/Banana island loop. Rental fee is 3500.00 to 4000.00 and if you can't get enough of it, try Calumboyan loop for 4000.00+. If you're into history and you still have time, you might want to visit Culion Island. It's near Malcapuya, you can just arrange it with Kuya Jason. Sayang naman nandun na rin lang diba? I've been to these islands last year so you might want to check it out too. Click here.
Entrance fee per pax:
Siete Pecados - 100.00
Kayangan Lake - 200.00
Twin Lagoon - 100.00
Twin Lagoon - 100.00
Skeleton Wreck - 100.00
Banana Island - 100.00
Malcapuya Island - 150.00
Calumbuyan - 100.00
For Coron Boatman, I highly recommend Kuya Jason - 09085053687 or Kian- 09268274704. I'm almost done with my first solo trip series. Please stay tuned. Kapit lang... hihihih! Til next time!