Monday, September 12, 2011

Day 2: Kingfisher Park - Mangrove Kayaking & Bangi-Bangi Hunting

Before I went out of my comfort zone, I posted a few goals just to have something to look forward to (pinressure ang sarili? hahah!). Oh well, Mission Accomplished ang drama ko wag ka! hahah! This mangrove kayaking activity is one of them since I haven't tried it.. EVER. In fairness, sa laki ng braso ko, hindi iisipin ng ibang tao na first time ko yun. Mukang napakatagal na panahon ko ng ginagawa ang pagsasagwan. hahah!

Anyway, this is also a part of my Solo Trip in Coron series.. Paki basa muna ang mga sumusunod kung ayaw masaktan ha? lol!



We left Virgin Forest right after Anak ni Zuma showed up. hahah! Ang liit lang ng snake na yun honestly. Mas malaki pa ang braso ko. Maarte lang ako bakit ba. Since August is a rainy season and it's when these creatures normally roam around, I decided not to go farther. I should not blame it to someone (kay Airphil ko siya isisisi dahil hindi sila nagsi-seat sale ng summer. hmp!)  May sa pusa ako e. Hindi dahil siyam ang buhay ko kundi dahil madali akong mawala. Baka masaniban pa ko pag inabutan ako ng dilim. Past 12 noon when we were able to reach the exit point. Kuya driver was there waiting for us. Ayun..tirik na ang mata sa gutom. hahah! (joke lang kuya! peace tayo!)

What I really want to experience in KP is to have a bamboo-cooked meals. I saw it in their FB account kaya super excited ako. Unfortunately, they temporarily discontinued the offer since marami daw langaw at kutong lupa sa forest. Kung gusto mo silang kasalo, e ikaw na ang bahala. Go! They said they would reconsider it after I wrote them a letter that this what makes KP unique. Matutupad nito ang pangarap kong maging girl scout. Hahaha!
 
Hanggang sa muli Bamboo! Pasasaan ba't makakain din kita.. (Source)
I thought I would have my lunch in Kubo sa Dagat. Unfortunately, it's under construction when I was there so they drove me to Kubo sa Lupa na lang daw. I learned it was actually a rest house of one of the owners of KP. Inabutan namin si kuya guard. Bugnot na bugnot na. Hahaha! Sayang wala akong napicturan dun. Sensiya na gutom lang.

Did I mention ako lang ang bisita that day? I was surprised to see kung ano ang hinain ni ate Cook for me. Pang construction worker sa dami! hahaha! Hindi na ko makakalakad pag inubos ko lahat yan. Favorite ko pa ang crabs.. Yumyum! Actually I'm allergic to sea foods. I did not tell them intentionally even if they asked me before upon confirmation on this trip. Masarap ang bawal. hahahah!


Since hindi ko nga siya kayang kainin at ayoko rin na pinapanood habang kumakain (another haciendera moment. lol!), sabi ko saluhan na nila ako. Kuya Enzo did. He told me this was just the second time he was invited to have a lunch kasama ang guest kaya natutuwa siya. Minsan kasi daw, they're just eating the left overs of the guests kasi nga hindi sila sinasalo. Nakakalungkot. I hope this would not happen again. Guest lang tayo ok? Tao din sila.

Enzo: Minsan mam sa Canaderia kami kumakain..
Me: Canaderia? Ano yun? Baka Carinderia! hahaha!
Enzo: Hahah! Oo nga, sorry naman. Favorite ko kasi ang Spelling nung nag-aaral ako..
Me: Favorite mo pa ang spelling ng lagay na yan ha. Pano na lang kung hindi..hahaha!

Nagulat si Enzo when he saw me na nagkakamay. Madalang daw ang taga Maynila na marunong nun. Sabi ko, actually nahiya pa ko. Gusto ko sana itaas ang paa ko e. Hahaha! Ang sarap kaya kumain ng ganun. Nakigaya siya sakin sa paggawa ng sawsawan na toyo't kalamansi at siling labuyo kahit nauna na niyang sinabi na patis ang gusto niyang sawsawan. "Baka Borit!" daw siya hahaha!. Slang word ng sinungaling. Kumbaga satin "Barbero!". Sabihin ko daw yun sa mga taga Town Proper pag hindi ko na gusto ang sinasabi nila. Siguradong titigil sila ng kadadakdak.

We proceeded on the sea side right after we took our lunch. Mangrove Kayaking na!

Kayak Duo!
Actually, mag ka-kanya kanya sana kami. Good thing I insisted to use yung pang dalawang tao.. pwede akong tamarin magsagwan. hahaha! It's perfect to do this after lunch since start pa lang yun ng pag low tide. Mahirap ng magkasabit-sabit sa mangroves at magsagwan sa lupa..

Get ready to be ONE with nature!


Bahala na kung may lumabas na buwaya dun anytime. hahaha! Or anaconda para mas cute. Feeling JLO ganun.. hihihi!



Bangi-bangi usually comes out on muddy soil or sa lupa na naka submerge sa water at nakikita lang pag nag low tide na. Sometimes they're on the Mangrove itself. That's the reason why hindi rin maganda mag kayak ng high tide. Kung lowtide naman, like I said, baka sa lupa ka magsagwan. Dapat tama lang.

At talagang ugat kung ugat!

Kaya nga ba masaya na ko sa D10.. hahah! Pag SLR kasi, matatakot kang i-risk at hindi mo makukunan ang naggagandahang mangrove channels like this. Oha!

I have no idea kung ano ang puno'ng ito.. Isn't it luvleh?

Puzzle Fruit! (Stay tuned. I'll show you on the next post why it's called such. Naaliw ako promise.)
At huling huli ang kamay ni Enzo sa pangungulimbat ng Puzzle Fruit na yan. hahah!

Ms. Menchu said, I might need to use binoculars to see bangi-bangi up close because their very sensitive to human movements. Unfortunately, nakalimutan kong dalhin ang binoculars kong nanenok sa isa sa mga concert ni Martyn Nievera. hahaha! Yung fake at parang disposable na binoculars. Anyway, hindi porke't wala yun e mauudlot na ang saya. Enzo maneuver it on one spot where we can dock. Sabi niya, first time niya daw nagdala ng guest sa part na yun. Hindi siya yung usual trail kaya excited din siya.

Suddenly, we saw cute little bangi-bangi na isa isa ngang lumalabas sa lungga. Kaya lang pag lalapitan ko na, nagtatago na sila. Ayaw ata sa magaganda. hahaha! Natatalbugan ko daw ang beauty nila e. lol! (walang pakealaman blog ko to no! hahaha!)

Enzo thought of a way to capture them. Ramdam na ramdam ko ang kasabihang "Patience is a virtue". You have to remember the spot where you have seen them last. That's also where they will come out. Get yourself ready and your cam as well. If you need to set it on Macro mode then do so.. Dapa kung dapa sa lupa! hahaha! Oo sa kainitan ng araw. After a minute or two, na halos walang hingahan at walang kaluskos na nagaganap, you'll be amazed to see them right infront of you. I can't help but smile lalo na nung iba't ibang kulay ang naglabasan. I felt I was a kid na nakakita ng bagong laruan. hihihi!

Check these out guys.. ito ang kinahinatnan ng pinaghirapan ko.


Meet Mr. Crab
Bangi bangi is a crab with a unique claw dahil bukod sa mag-isa lang ito, it's huge para sa maliit na katawan na meron siya. Hmm.. another new discovery I had. hihihi! I don't know if this is new to my readers, siguro marami ng nakaka-alam and they're laughing at me now dahil parang inosente ako sa ganyan. Hahah! Sorry naman.. hindi kasi ako taong bundok eh. lol!


Up close!

mukang notorious na bangi bangi. Nangingitim! hahaha!

This is our favorite. Sabi ni Enzo yan talaga ang favorite niya kasi ang ganda ganda ng color. It was indeed beautiful.

Captured! hihihi! Don't worry, sasapakin ako ni Enzo pag-inuwi ko yan. Hahaha! Pinakawalan din niya.

Can you count how many bangi-bangi are there?



I hope hindi talaga ma-spoil ang lugar na to. Truly.. an amazing experience awaits. Two thumbs up for the guys behind Kingfisher Park. I highly recommend this to everyone. Kung hindi siguro ako bumalik ng Coron, pagsisisihan ko ng bonggang-bongga.

hello dagat! Goodbye Sapa!

Make Kingfisher Park as part of your itinerary in Coron. You'll love it I promise. I never knew Coron has this "biodiversity haven". Puro kasi island hopping yung mga activities namin dun before. Oh well, Coron is known for it but trying other activities won't hurt. I learned a lot. I found new friends and I had this amazing experience. Again, it may seem sponsored, pero I'll spread the word still. Visit their site website at www.kingfisherpark.com. I rarely recommends at madalas may reklamo ako. Pero sa KP, I have no bad words to say. Inalagaan nila akong mabuti and the place exceeded my expectations. Hindi ko talaga to makakalimutan.

Experience total relaxation in Kubo sa Dagat... up next na yan!



13 comments:

bertN said...

Ang ganda naman ng experience mo sa Kingfisher Park...singganda ng daliri sa paa ng guide mo LOL.

Admin said...
This comment has been removed by the author.
eMPi said...

ganda!

kakainin mo ang bamboo? lOl

Nicole said...

pupunta kami dito, promise!

John Marx Velasco said...

Talagang kayong dalawa lang anjan na nagkakayak? =)

Edcel said...

haha. onga, kayong dalawa lang talaga? hehe

pero nice na pinasama mo si Enzo (nakiki-Enzo na rin hehe) sa lunch nyo. tama na guest nga lang tayo kahit nagbayad tayo. :D

galing ng KP ahhh...

Kura said...

@bertN - hahaha! adik! Yep ang ganda talaga dun. Sayang nga hindi ko na nagawang akyatin yung Lunes Santo at Kaluluwang Falls. Tinamad ako talaga kasi nakapagpahinga ako sa Kubo sa Dagat. Sobrang naka-karelax ang lugar na yun.

@empi - oo. kakainin ko talaga ang bamboo na yan. lol! Sana talaga ibalik nila yung back to basic na paglulutong yun.

@neil&Irish - wow! thank you so much. Sana matimingan nyo din na kayo lang ang guest. para mafeel mo ang haciendera mode. hihihi! Good choice yan I assure you. Asikasong asikaso.

@marx - Oh yes kami nga lang talaga. Sabi ko naman sayo e, hindi siya basta basta park. Nuknukan ng laki at ako lang ang guest that day.

@ed - Mababait naman sila sakin. Kaya tama lang na ganun ang treatment natin sa kanila. Punta ka din ha. Pag nagawi ka ng Coron. Tapos si Enzo ang i-request mong guide. hihihi! Pinagod ko nga yun ng kakasagwan e. hahah!

Mitch said...

Tapang talaga being on a solo! It's a must ata sa blogger to try it some time noh? para maiba naman ang nasa pics at xperience. Nakaka excite ung mga crab. kala mo malalake sa initial pics un pla maliliit kaya parang ang sarap kainin..edible b? ahihi..

Kura said...

nyahaha! thanks. I guess so. Nakakasawa din kasi yung lagi kayong marami. Minsan mas ramdam mo ang bakasyon kung magisa ka lang. Wala iniintinding kasama.. yung ganun.. hahah! Pero depende yun. Nagkataon lang I love the idea.

About sa bangi bangi crabs, hindi ko sure if it's edible. Yan ang hindi ko natanong. Pero feeling ko, edible or not, they won't allow people to take it. Mga environmentalist ang namamahala dun e. Hindi sila matutuwa kung may gagalaw sa mga yun.

anney said...

ang cute ng mga bagi bangi! Inuulam ba yan ng mga taga dyan? Pag nagpunta kami Coron papasyalan din anmin ang KP!

Lakad Pilipinas said...

next time sa coron, yan naman! (after mag island hopping hehe)

hanep kuha mo ng bangi bangi ah, hardcore!

Kura said...

anney - ay thank you. You'll love it. Habang hindi pa spoiled go!

christian - inuna ko muna to kasi baka hindi na ko maka-akyat ng bundok after ko magsnorkel galore sa mga islands e. Pagod. hahah! Can't wait to post my island hopping entry.

Mitch said...

ok din solo para walang intrigahan. haha, pero sana u kip khit isang crab, gawin mong alaga. lagay mo sa aquarium. hehe..nakauwi knb?