My mind was set that this day I would die of exhaustion because of my scheduled trek to several mountains of Kingfisher Park in Coron. (And I really don't consider it as a park now. Hahaha!) Recap recap! I was able to climb up Malbato Church and rewarded by a great view. Tapos narin ang tupi portion ng jogging pants going to Peminta's Cascading Water. Moving on...
After my guide, Enzo, ate almost half of my Gardenia Bread (lol!), we left and went on to our next destination. Ariba na agad si manong driver.
Enzo said next na daw yung Dam. As far as I remember, I haven't seen any Dam like on their website and it's not included on my itinerary as well so I feel like, he's just touring me around to where he wants to which added up to my excitement (well because I don't know what to expect since it will be my first time to see it literally. What were you thinking huh?! hahaha!)
After a while, kuya driver stopped. He mentioned a Cuyunin word (local dialect of Coron and other parts of Palawan which originated from Cuyo island). I hate that I'm suffering from memory gap most of the time so I forgot the exact word. Basta may word na 'libing'. Malilibing daw yung tricycle sa putik so we have to walk few meters than the usual. Taob ang linggo ng wika entry ko sa lalim! hahaha! They're both looking at me. Inaantay siguro reaction ko.
Me: Ge lang. Naintindihan ko po yun mga kuya. heheh!
Enzo: Ah.. ok... o nga naman. Salamat sa root word na 'libing' no? (lol!)
Me: Uy English yun kuya! Palakpakan mo ang sarili mo. hahaha! (I was referring to the word 'root word' that he mentioned. Sabi niya kasi he's having a hard time speaking the language lalo na pag foreigner ang guest niya.)
Enzo: Grabe ka naman ma'am! Alam ko naman mag-English. Sa totoo lang hindi nga dapat tayo ang nahihirapan e. Sila tong dayo kaya dapat sila ang nag-aaral ng salita natin.
Me: Ay! May galit?! may galit?! hahah!Napa-isip ako at napabilib sa sinabi niya. Simple lang pero tumatak sakin. Amazing kid.
At ang putik nga. hahah! Ang dugyot ko pagkalagpas namin dun. Pwede idagdag ang sabuyang putik sa activity. hahaha! Try it.lol!
Putik trail. lol! |
After we reached a certain spot, I started clicking my cam on the lake. I've seen a lot of birds flying around it. Big ones. Unfortunately my point and shoot cam wasn't good enough to capture it.
Me: Uhmm.. malayo pa ba yung Dam?
Enzo: Dam? Ay ito na yun mam! hahaha! Kaya nga hindi ako umiimik. Titingnan ko reaction mo. Hindi ka nagandahan?
Me: (pahiya) ay sorry naman.. Mali ba ang reaksyon ko? Pano ulitin natin? hahaha! kunwari na-surprise ako dali balik tayo sa kaputikan hahaha!
Enzo and Kuya driver were laughing on the side. lol! It's nice. It's just that I was expecting a splashing water from it like what the usual dam looks like.
Wala sa ichura ng Dam diba? Forgive me.. hahah! |
Three of us sat for a while on a nearby tree. I didn't think it was a dam. Just a reservoir. Imbak kumbaga para sa patubig sa palayan. Ganun lang siguro talaga ang tawag nila. In my previous entry - Peminta Falls, Ms. Menchu, one of the owners of this huge park, corrected me that it was just a cascading water and not Falls. Locals there just consider it a falls because it has a drop. Hihihi!
After naming mag-chismisan, Enzo said we should move on. Virgin Forest naman. Kinabahan ako bigla. Hindi pa ko prepared magpalunok sa sawa. hahaha! Papasok pa lang kami sa kagubatan, Enzo saw a friend and he asked kung ano daw ang lagay ng Virgin Forest ng mga oras na yun. Masukal daw kasi dalawang linggo na ata ang nakalipas nung huling nilinis. Great isn't it? Hindi nakatulong at lalo akong na-bother. hahaha!
Pag naglalakad kami at may narinig akong kaluskos, panay ang kasasabi ko ng "hala! kuya ano yun?!?!" hahahah! Yan ang praning. Para kong nanonood ng discovery channel ng live. lol! Sabi ni kuya, basta titingin ka lang daw sa dinadaanan mo. Lalo na ang tinatapakan kasi hindi mananakit ang mga ahas o kahit anong kahayupan kung hindi mo sila sinasaktan. Mas wild daw ang mga nakakulong kesa sa malaya. Mas madalas pa nga, yung malaya pa ang takot sa tao. Naks! Kuya Kim!? hahah!
Praning mode conversation habang patawid sa isa sa "MGA" sapa..
Me: Shit kuya may gumagalaaaaw! Sandaliiii laaaang!!
Enzo: Ah yun ba........hmmm
Enzo: ...buwaya lang yun.
Me: Waaaah! Puteeeeek! Wag kang ganyan kuya! tatakbuhan talaga kita!
Enzo: Joooooooooke! hahahahah!
Kung mabilis bilis lang ang kamay ko ihahampas ko talaga ang patpat. hahaha!
Balete Tree. Scary as ever.. |
Trivia: Ang ginagawa pala ng balete, binabalutan ang isang buhay na puno ng mga galamay niya (este ugat) hanggang sa mamatay ito at siya na ang mag may-ari. Like this one, Acacia ang nasa loob pero nabalutan na ni Balete. Mahusay! Siya na bida. Now I know kung bakit siya kinatatakutan. hahahah!
After kong magpapicture sabi ko kay Enzo "Kuya dali ikaw naman picturan ko." Naloka ako sa sagot "Ayoko ma'am... hindi ako handang makakita ng ibang kasama sa picture." Adik talaga. Takutin ba ko?! hahahah!
Wala pang isang oras, we saw a small falls. Ang sarap sanang maligo dahil nanlilimahid na ko sa pawis. hahah! It's not the usual falls where you can take a dip. Wala siyang pool. Wala lang. Babagsak lang siya basta sa baba. Kailangan ko pang tabuin.. hahah! Actually since it's a natural spring water it's safe to drink from it. Mahina ang sikmura ko sa ganyan kaya I prefer not to. Baka kung san ako abutan e. Mahirap na. hahaha!
When we we're about to leave.. sa di inaasahang pangyayari, Kuya Enzo saw a snake. Hindi ko talaga kinaya yun. hahaha! Hinanda ko ang sarili ko sa ganyan bago ako pumasok sa kagubatan na yan pero iba pa rin pag nakita mo talaga sila. Lumapit siya ng konti at pipicturan niya sana kaya lang blurred lagi e. Hindi daw kaya ng camera ko. Aray naman! hahaha! "Sisihin ba ang camera! Hahah! Kaya yan blurred kasi nanginginig ka sa takot! Ayaw pa umamin e hahahah!". In my heart, I really wanted to go on pero sumuot ang dyaskeng snake sa dadaanan namin. Nakakainis ang epal na yun. So sabi ko wag na lang. Baba na lang ulit kami. Ayokong tubuan ng maliliit na snake sa ulo pagbaba ko ng bundok no. hahaha! Valentina? lol!
Me: Pano kuya pag nakagat tayo ng ahas. Alam mo ba mag first aid?
Enzo: Oo, susugatan mo lang yung nakagat para lumabas ang kamandag niya.
Me: Pano pag ikaw ang unang nakagat? Hindi kita kayang ibaba ha. Iiwan talaga kita diyan. Ayokong magbuhat umayos ka! hahaha!
Enzo: Hahah! Kung kaya mo bang bumaba mag-isa e. Ma'am.. kapag nawala ka tapos kumagat na ang dilim, wag mo ng hanapin ang trail. Bumaba ka lang ng bumaba. Kapag naputol ang daan mo ng ilog o sapa, sundan mo lang ang agos ng sapa dahil siguradong sa baba din ang punta ng tubig.
Ang dami kong natututunan talaga sa batang yun. With this age, I felt I know nothing as compared to him. Sabi niya kahit first time niyang umakyat sa isang bundok kayang kaya niyang bumalik.
Me: Pano? Naghuhulog ka ng tinapay? hahaha! (Bakit ba hanzel and gretel ang pumasok sa isip ko nun. lol!)
Enzo: Hindi no. hahaha! Tinitingnan ko lang ang mga kakaibang puno na nakikita ko sa daan. Kasi diba halos magkakadikit ang magkakapareho, hahanap ako ng nagiisang kakaiba at yun ang tatandaan ko.
Me: Ah ok.. As if naman lagi akong susuot sa kagubatan. hahah!
Salamat bata! Ang dami kong natutunan sayo. We saw a few kingfisher birds. Ang cucute nila. Actually kaya yun ang tawag sa nuknukan ng laking park na to. Pero they're very sensitive sa movements. KP offers Bird Watching activities. Perfect activity for Photographers kasi sobrang ganda ng mga species dun. Check out their website to know more about it. As of 2008, 73 kinds were spotted. Kuya Enzo believe there were a lot more. Marami pa siyang nakikita na hindi recorded. Chaka hello! Anong taon na ngayon. hahaha! Contact Mr. Amby Reyes 09173298542 or email Ms. Menchu kingfisherbiodiversitypark@yahoo.com if you're interested.
Next na ang Mangrove kayaking ko... yey! Excited na ko ikwento..
Hindi ko alam kung ano to.. Nakita ko lang basta. |
This is a part of my solo travel series in Coron. Please check out my previous posts..
10 comments:
millipede ang tawag dyan sa english... ewan ko kung ano sa tagalog. haha
Kahit pala solo ka sa trip na yan di ka maiinip at pareho kayo makwento. Buti na lang walang lumabas na momo dun sa pic mo sa balete! hehehe!
here are my observations:
1. maganda ang pose mo sa balete, pero on second look, may kasama ka nga ata sa pic..
2. syempre joke lang un.. hehe lol
pero mukhang exciting kung naabutan kayo ng dilim diyan.. hehe with the buwayas and the snakes along the trail.. nakaw, suicide pala mangyayari.. hehe :P
kidding aside, diyan rin ako bilib sa mga tour guides na locals.. maabilidad sila at marami kang matutunan once nakipagkwentuhan ka sa kanila.. naalala ko tuloy yung guide namin sa ilocos... syempre saka ko na lang ikkwento sayo, di ko pala blog to at mahaba-haba yun eh.. hehe :P
ey kura. feeling ko nanonood ako ng TV sa blog na ito. daming kuwento talaga. pwede ka nang maging artista. yung tipong sinunod-sunod ng camera kasi parang may storya talaga bawat galaw ah. hehehehe...
galing ni Enzo, daming matututunan, yan yung maganda sa guide. at kinain talaga ang gardenia bread mo. hahaha
" Ma'am.. kapag nawala ka tapos kumagat na ang dilim, wag mo ng hanapin ang trail. Bumaba ka lang ng bumaba. Kapag naputol ang daan mo ng ilog o sapa, sundan mo lang ang agos ng sapa dahil siguradong sa baba din ang punta ng tubig. "
- di mo ba napansin or di ka natakot na mukhang last words nya yan sayo in case magkatotoo nga at kinailangan mo bumaba ng bundok mag-isa? LOL
Nakupo, parang hindi kaya ng powers ko ang ganyang paglalakbay.
Fickle Cattle
ficklecattle.blogspot.com
Ikaw na ang dyosa ng kagubatan kasama ang kanyang prinsipe! Hehehe! :)
@empi - ah yan ba ang tawag sa kanya. hihihi! =) Salamat!
@anney - wala naman. actually yun ang unang una kong chineck after ko magpicture kasi nga tinakot ako ni Enzo. hahah!
@jeffZ - Teacher ano pong score ng blog ko? hahaha! May observations talaga e no. Lagyan mo pa ng hypothesis para makatotohanan. lol! Joke lang jeff. Anyway, masaya nga siguro maabutan ng dilim pero gusto ko mga friends ko na talaga ang kasama ko sa mga ganung moment. Hagisan ng baging ganun! kunwari ahas. hahah! Kaya nagustuhan ko tong solo trip na to kasi sila ang nakakachismisan ko. pag friends mo kasi kasama mo, kayo kayo lang ang magkaka-chika.
@edcel - hahaha! artista ba? natawa ako dun. As much as possible kasi, ayokong makalimutan lalo na yung mga ganung nakakatuwang moment. kung pwede lang may hawak akong ballpen at papel kada eksena e.. lol! oo naku. muntik na maubos. joke! Kung alam ko lang na gusto niya yun, e sana tig isang loaf kami.
@doi - hindi naman. hehe! Hindi naman ako papabayaan nun e. Hinabilin ako nung may ari ng park. yari siya. hahah!
@ficklecattle - ako ngang chubbilog nakaya e, sisiw lang yun sayo no. Promise. Sayang nga hindi ko na-explore lahat ng kabundukan nila. Tamad much. hahaha! Salamat sa pagdalaw
@marx - hahaha! pag nabasa niya to yari ako dun. Baka sabihin, ginagawan ko siya ng intriga. lol! Ginugulo ko ang buhay pag ibig niya. hahahaahahhah!
hahaha kaka aliw mga usapan nyo
nyahahah! It just comes naturally. Nagkataon makulit din si Enzo. Tawanan lang kami buong trip.
Ikaw? Anong say mo?