Wednesday, April 13, 2011

The HEAT is On: Anilao weekend getaway

Maalala mo pa kaya? Nagkaron ako ng moment sa Camiguin nung hindi ako pinayagan magsnorkel ng punong bantay sa kaharian ng mga kabibe dahil ikakamatay ko daw yun? Kaya naman, my friends decided to take me to Anilao. May kabibe daw dun. Hihihi! Thank you guys! At dahil nagsara ang bangkong pinag-iimpukan ko ng kaban ng cash.. may budget ulit ako. Ayos! Mukang buwan buwan na ata ang lakwatsa ko. (Starting a bad habit! Tsk tsk tsk!)

We chose Anilao Outrigger Resort. No special reason for that. Masyado lang kami naexcite kaya kahit isang matinong blog lang ang nabasa ko, binook na agad online. Kaloka! Nabasa ko lang siya once kay Dong ho's Eskapo. Actually dapat sa Dive n Trek kami. Maganda rin yung feedback niya dun pero ang pricey.

Outrigger resort is in Solo, Mabini, Batangas.. 2 and 1/2 hours drive from Manila via Southluzon Expressway and Star Toll. Pero pag si Martyn ang nagdrive, kumapit ka na dahil kaya nya yan ng dalawang oras or less. Sanay na ko sa mahabang biyahe araw araw. Para lang akong umuwi sa bahay namin.

We left Makati at around 6am. Past 8 nasa Mabini na kami. We just ate our breakfast somewhere before we proceeded. Mahal ang pagkain sa resort.

Dumating na kami. Misteryoso ang gate niya. Matalahib. Masukal. Exciting.

Mind you: StepS! With the "S" dahil we have to hike down hundred ++ steep steps from the parking lot
 Naiimagine ko na ichura namin pabalik. Maagang penitensiya to =(
 
The shortcut. Too bad, it's not yet open. (Ayun na e o! Ayun na e.. huhuhu!)


You can feel the excitement as you go along. (Kaw ba naman pahirapan ng ganyan)

I saw this sign habang pababa. Na-bother ang brain cells ko. Nasa Batangas lang ang Tubbataha? What am I doin with my life all this time? Hahaha! lol! Expedition Fleet Ad lang pala siya. It's a group of divers na rumoronda sa mga pamosong dive sites.


Here it is! Ummm... My expectations were not met somehow. (Dahil gloomy nung dumating kami? Ewan!)


A view from our room
Four of us occupied a family room. 6 persons can fit in. Malaki nga siya. Martyn and Joevert stayed in a Standard room.  Forgive me for not providing pictures. Naunahan ako ng kalat.

Maraming freebies na kasama - Snorkel Gear, kayak, breakfast, welcome drinks, use of swimming pool. Pero ang favorite namin... Kapeng barako overload! Naka apat na tasa ata ako nung Day 1. Hahah! Namiss ko. My lolo and lola is a true-blood Batanggenyo kasi. Kaya bata pa lang ako barako na ang pinapainum sakin instead of milk.

Meron kaming pinanghinayangan dahil sa katamaran namin. Dolphin watching sa view deck. Around 9am nung dumating kami sa resort, 10am daw naglabasan ang dolphins sabi nung staff. Either tulog kami o nakahilata sa kama't nakatanga sa TV nung mga oras na yun. Sayang talaga. Ang dami daw nanood. It's a sign na maraming marine life sa ilalim. Hayz! Lesson learned? Bawal Matulog!

First activity is to snorkel in the water. There's not much to see sa baybayin. Mabato at madulas. Actually, halos lahat ng resort sa Anilao, ganun. Yung iba cliff agad. Yung tipong..

"Ay may isda o! (Splash!)"  Naka-tambog ka na sa tubig agad. Ganun.


Hindi pinatulan ng fish ang yellow-colored nails ni Rachelle! hahah! Walang kumagat kahit isa

I saw their staff, Kuya Lao, lining up the colorful kayaks on the shore. Yihaaaah! Kesa magpakahirap kaming lumangoy para hanapin ang nagtatagong kabibe, why not ride a kayak then take a plunge! Yun na! 

3 ang kayak na naka-kalat. Partner partner. Nakalimutan ko na ang basic sa pagpapaddle na yan. hahaha! Ang goal namin, pumunta sa site kung san nandun ang cross at ang nakatagong kabibe. It's just about 20 meters from the shore. May lobong pink kasing nakalutang. Sabi nung mga staff yun daw ang sign.


Dito kami napagpad ni rachelle... Sa hole in the wall. Nandun sa kabilang butas sina Martyn.
Sabi ko kina Martyn tulungan kami dahil hindi na kami makabalik. Hindi namin alam kung pano. Ewan ko kung narinig ba kami. Lumayo ng lumayo. Sina Jenison hindi na visible at all. See that rock beside us? Ganito ichura niya sa ilalim.



Closer look (ito ata yung pang lagay sa sungka)
Maya maya pa, may parating na motor boat. Panic mode kaming dalawa. hahaha! Nataranta tuloy yung tikin master sa bangka. Tingnan mo ichura niya. Buti nakapag-slow down sila. Kundi, sasabit ang ilong ni rachelle sa katig.


Dahil nasa kabilang ibayo na kami, we had no idea what happened to the rest of us. The water is very peaceful. Maya-maya sinundo na kami ni Kuya Lao. He asked if kaya pa ba namin ibalik yung kayak. Nakakapagtaka. Bakit naman namin hindi kakayanin e payapa nga yung tubig. Pero sumama na kami. Pag ikot niya sa Outrigger nakita namin kung gano kalakas yung alon. Maulan at malakas nga yung hangin. Tumaob pala sina Martyn. Hahaha! Sila ang magsasave samin pero sila pa ang tumaob. Sina Jenison at Mich, ayun hindi naka-alis sa pampang. 5 Meters lang ata ang tinakbo ng kayak nila. lol! 


Si Kuya Lao at ang maharot na pink kayak


Babae sa breakwater (kaya siya nandiyan kasi... sasabihin ko ba? hahaha!)
 Dahil maraming kamalasan sa kayak, we just spent the rest of our time sa pool.


PVB family! (Martyn, Me, Mich, Jenison)



Ano bang braso yan! Mahihiya ang palo palo. hahaha!


Fetus Stages

The place is really nice. Pardon my night mode shots. "Beachy" type of accomodation yet sosy. (I hope you know what I mean. hihih!)


The view just outside our room. (Samin yang bintang yan)





The Bar and Buffet
Not bad isn't it? May mga nabasa rin akong bad comments from other sites ko pero I didn't see any trace. Sa food lang talaga sila sablay. Na-spoil ang lunch namin. Mahihiya ang bubble gum sa lechon kawali at pork adobo nila. Kami ang sumuko kakanguya.

Nung umaga, pinagtatawanan pa ko ng mga kasama ko at nagdala daw ako ng de lata sa ganung kasosing lugar. Oh well, they ended up eating it. Yep! pwedeng magdala ng food. Kung alam lang namin, pati rice cooker e pinasok na namin. Pinainit ko na lang ang hiwa hiwang Maling sa microwave nung resto. We just ordered pansit and rice. Fail pa rin ang pansit nila. Magkakasakit ata ako sa bato sa alat. hahaha!


O ha!


Good Morning Anilao!

Wala na ngang sunset, wala pang sunrise. (Gloomy kasi nung Day 1 e. huhuhu!) Thank God Day 2 turned out nice. Walang bakas ng ulan.


Not free of charge so it's a big No No! (tipid mode) BTW it's 1500 for every 15 minutes
Martyn and Joevert tried Intro Dive. P1,800 each lang. Well I'd love to join them pero I know Balicasag can offer a much enchanting under water view. If I finally convince myself to try it..might as well be in Balicasag ayt Chyng?

that's Martyn, their Dive master Dennis and Joevert

Umm.. May isang oras din ata yung briefing nila kaya nag snorkel na lang ulit kami. This time desidido na kaming makita ang nagtatagong cross at dambuhalang kabibe. Ambait ni Kuya Lao sabi niya sasamahan niya daw kami. Actually, kahapon pa niya kami gustong samahan. Kaya lang kulang ang goggles e. Ayun pinahiram ni Kuya yung sa kanya sa amin. Pero nasira ito ni Martyn hindi pa man nakakarating sa gitna. Hahaha! Nakakahiya talaga. Hindi naman niya kami ni-report sa kinauukulan. Matagal na daw kasing marupok yun. Luma na daw kasi. Super bait ni kuya.


Yey! Finally we saw it! Salamat Kuya Lao for the under water pics!


Mission accomplished!
Based on my research, it's what they call Cathedral. I'm really not sure. Feel free to comment about the Cross' history. After an hour, natuto na kuno sina Martyn. Sha! Arya!



Ang buhok Rachelle! hahaha!

At tumambog na po sila! By the way, sa Dive n Trek to. Mas ok ang marine life dun kesa sa Outrigger. Kaya lang, nuknukan ng daming jelly fish. Hindi naman namin ikakamatay ang kagat niya kaya ok lang. Splash!
 
Spot the difference

Muntik ng naubos ang tubig pagtalon nilang dalawa. hahaha! Tidal Wave!


First bite!

Actually, pinaghandaan ko talaga to. Bumili kami ng sandamakmak na tinapay. Kahit gutom na yung friends ko nung gabi, hindi ko binigyan kahit isang butil dahil para nga yun sa isda. Kawawa naman ang isda pag naubusan diba?

Nga pala, pagkatapos ng shot na yun, hindi ko na ulit nahawakan ang underwater cam ko. Binitbit na nung Dive Master sa kailaliman. Puro sina Martyn lang tuloy ang may picture. hmp! Bumawi na lang siya samin nung tapos na sila.

That's Rachelle and Me



Masyadong masikip ang mundo namin! hahah! Tama bang magkumpulan?!?!


Si Martyn yung dinedma ng mga isda..


Colorful fishes!
We were watching them from above. Being an avid fan of Coron snorkeling sites, I can't help but compare. Sorry, but Coron is still on top of my list. Siguro, we'll try to explore other sites on my next visit. (But definitely, not so soon. Hihihi!) Marami pang naka line-up.

Videographer ata si Kuya Dennis. Super nice ng vid namin habang dinudumog kami ng isda. Kaya Rachelle, ang Summer Station ID na pinapangarap natin, pakibilis. Iuupload ko agad dito yun. hihihi!

Expenses Breakdown:

Lodging - 3875.49 (Family Room)
                1800.00 (2 Additional pax on Family Room)
                2583.60 (Standard Room)
Food -     2155.00 (Day 1 breakfast, lunch and dinner)

Boat Rental - 2000.00

Toll Fee - 302.00 (SLEX -151.00 * 2)
                120.00 (STAR 60.00 * 2)
Gas       - 1500.00
________________________________
Total: 14,334.00 / 6 = P 2,389.00 each

6 comments:

Chyng said...

i was having 2nd thoughts on whether to view this entry or not, baka mamatay kasi ako sa inggit if makita ko ang underwater world.
ang mura ng dive! but you are right, balicasag is waayy better. parang nakulangan ako sa corals? yan na daw ba yung spot o madami pang iba?
kelan balik nyo? =)

Kura said...

Pareho tayong nakulangan. Konti lang yung nakita kong buhay, wala pa sakin yung cam ko nun. Halos puro patay yung corals e. Mga bato bato lang. Matagal pa siguro babalik. Sa Bolinao ata kami sa May e. Hindi pa sure. Oo mura nga kaya lang, wala naman silang cerpiticate. Pero solb naman daw yung mga nag dive. Anilao is for divers not for snorkelers. Hindi ganun kalinaw yung tubig. maraming iba. Super. Sa susunod sa iba na siguro ako. Ok daw sa Planet Dive. Sabi nung diver friend ko.

John Marx Velasco said...

Sosyal nakapag beach na! Never pa ako nakapag diving, malabo kasi mata ko baka wala din akong makita! :(

Chyng said...

sabi ni Dom, sa dive n trek daw preserved ang corals and clams, much better daw sa outrigger.

so pano, lesgow Dive n Trek? =)

JeffZ said...

Bakit kaya dinedma ng mga fishes si Martynn?.. hahaha

thepinaysolobackpacker said...

haha had a hard time making a comment, cnt find the link yun lng pala" Ikaw ano say mu?" haha

anyway, I hvnt been to Bohol, and it's a sahme. I knw Bohol has great beaches and underwater life kaya Ilm saving it once meron na ko underwater cam. nainggit din ako like Chyng sa underwater photos. haha