Sabi ko sa
Camiguin post ko, hindi ako pinayagang makita ang mga kabibe sa dagat. Bigla akong nabuhayan ng loob at natapos ang drama ko nung inaya ako ng friends ko sa Anilao. Parang bata lang na nakarinig ng pasalubong.. lol! Dapat ngayon yun e. Kasi kaka-bonus lang namin (14th month dude!) Pero naalala kong birthday nga pala yun ni mama. Kaya ako na rin ang nag cancel. Wala akong pakialam kahit sino pa ang may birthday pag may lakwatsa ako at nasapul ng mga ganyang araw... pero ibang usapan pag mudra ko na. I really want to spend time with her. Sa kasamaang palad, nakatanggap ako ng tawag kagabi sa office... urgent at kailangan kong pumasok ng maagang maaga. Kaya eto ako ngayon... naiwan. Asa probinsya silang lahat.
Though I already gave her my pagkalaki-laking gift yesterday, I don't think it's enough. I've been thinking of something to post lately, pero bakit hindi ko naiisip ang mom ko... bakit nga ba hindi... =) ting!
(patawarin nawa ako sa mga susunod na pangyayari... may bahay pa sana akong uuwian mamaya. hihihi!)
Dear Mama...
|
kahit pa sa pangpang ang favorite hang-out mo... |
|
kahit pa minsan ay hindi pantay ang manggas ng damit mo.. |
|
kahit pa mas muka ka pang nakababata kong kapatid dahil sa get up mo... |
|
kahit pa hinawaan mo ko ng mga kadramahang kunwaring-stolen-pose... |
|
kahit pa may pagka-weird ka din minsan.. |
|
kahit pa ninanakawan mo ko ng mga damit.. |
|
kahit pa mas nauna ka pa sakin nakarating ng hongkong... |
|
kahit pa mas maganda ka sakin... |
|
at higit sa lahat.. kahit pa tinatalbugan mo ko MADALAS... |
..Ikaw pa rin ang pinaka bonggang mama na bigay sa akin.. sa aming lahat. I love you mama. happy happy birthday! You will always be my bestfriend. Don't worry we still have a lot of time. Ililibre kita sa Gerald-Sarah movie tomorrow gaya ng pin-romise ko.
PS. Asan na nga pala yung utang mong yummy guy? sabi mo may papakilala ka diba? pakibilis... thank you! lol!
10 comments:
how sweet! at ang cool ni mama in fairness... hehehe
awwww ang pangak nito! very touching nainggit ako! libre ko nga rin nanay ko sa gerald sarah na yan!
ang sweet! happy birthday sa Mama mo!
@anna - thanks.. kung kelan nag retire na chaka siya nahilig sa adventure. Nagtampo nga nung hindi ko sinama sa water rafting sa CDO.
@nyabach0i- masaya na daw siya dun.. =) buti nga't nagustuhan niya yung movie.
@marx - makakarating =) thanks!
aaww, nakakaguilty!
this post is very heartwarming. totoo nga girl, mas maganda siya sayo. life is unfair no? =))
psst, text moko kelan yang anilao. pasabit! im very very interested!
@chyng- I'll be waiting for your text ha. Make up your mind. hahahaha!
Very sweet!.. gusto ko malaman reaction ni mama mo.. in case nakita nya tong post mo.. :)
@jeff - sumapi si kris sa kanya "You got it anak!" hahah! pero mas na-teary eyed siya nung may sinabi ako recently. Pag-iisipan ko pa kung ipopost ko pa yun. Unexpected kasi siya.
Hindi ito tungkol sa pagbubuntis o kung anu pa man. hahahha! Baka kung anong tumakbo sa isip mo. lol!
awww! nakaka touch naman itong post mu. bongga si mommy! two piece kung two piece! =) Saludo naman ako sayo, super proud ka sa nanay mu. =)
@gael - ay thank you. Ang cool kasi ng mom ko. I can tell her everything. Madalang na kong nakakakita ng relationship na katulad ng samin. Minsan kahit first time lang nakita ni mama ang friends ko kaya niyang hulaan kung sino naikwento ko na kasi lahat. hahah!
Ikaw? Anong say mo?