Masaklap... Pero kailangan kong tanggapin na ako'y kabilang din sa mundo ng mga chubilogs. Naalala ko tuloy ang mga nauna kong post tungkol sa kanila. Now I'm feeling guilty.
First time ko atang hindi natuwa sa medical result. All my life the doctor always diagnosed me as being malnourished. Hindi naman ako bulag. Siyempre nakikita ko rin na hindi na ko kasing sexy katulad ng dati. Natatastas na ang mga pantalon ko pag pinipilit kong isuot. Bumubukas na ang zipper kong magisa. Nabubutas na ang kilikili portion pag humahawak sa safety hand rails ng MRT. Dahil dyan... magppromise ako talaga. Ibababa ko sa pagiging malnourish ang bracket ko. Pag hindi ko nagawa yan sa loob ng 5 buwan, hindi ako magkakaboylet kahit kailan... i-ukit na yan sa abs ni Machete.
7 comments:
haha! naiimagine kong inaasar ka ni sonny na overweight!!
kaya mo yan girl. share ko sayo ang effective diet tips ko:
1. Dont EAT.
2. When hungry - PRAY.
it works promise!
ahahaha! korek. Adik yun e. Sha na ang perfect.
Sige i'll do my best this time. Salamat sa encouragement at tips. I badly need it.
hehe.. start today.. mahirap kasi ang biglaang diet at exercise.. naalala ko pa ang sinabi saken nung trainer ko sa fitness first, kelangan "gusto" mo talaga, kasi dun magsisimula yun.. and everything just follows..
o ha.. hehe :)
Naks! Sam Milby is that you? hahaha! napanood ko ata yan sa "My Big Love"
Wish ko lang talaga, this time magiging ok ang lahat. Pipilitin ko na to. Naalarma ako bigla sa result e. hahaha!
You don't look overweight to me - konting-konting bawas lang ng weight here and there, you'll be OK. Siguro you can start by limiting your visit to the kitchen (biro lang) LOL.
hahaha---natawa ako sa compromise--hindi magbo-boylet kahit kelan. lol
@BertN - hahah! I'll take it as a compliment. Todo iwas na nga ko sa handaan ngayon e. Mind you.. I joined a running club recently.. effort! hahaha!
@pusang kalye- naman! hahaha! ewan ko lang pag di pa ko tumino niyan. Takutin daw ba sarili. hahaha!
Ikaw? Anong say mo?