Sunday, March 6, 2011

Super Fail SPA experience

We had an activity this weekend so almost all of IT peeps were present. At dahil papatayan kami ng kuryente from 12 midnight to 6am, walang pump so walang tubig sa CR, walang ilaw, walang internet, walang buhay in short.. amboring nun. Nagkayayaan magpamasahe. I was excited kasi it will be my first time to try a whole body massage sa tagal ko ng nagttrabaho. Mega bili pa ko ng undies sa 7 eleven dahil hindi ako prepared talaga. hahaha! Promise.

1:30am. We planned to try Mont Albo SPA in Pasong Tamo pero sarado kahit OPEN 24 hours ang nakalagay sa pinto. Sige hanap na lang ng iba. Martyn said meron dun sa kabilang kalsada.. (I won't mention the name ha. hahahah!). "Pero hindi ko alam kung anong meron dun ha. Hindi ko pa yun na-try e.", he said. Sa second floor yun. Makipot ang pasilyo. Nauna kaming mga girls na bumaba sa kotse kasi umuulan e. Naiwan yung mga boys sa loob. Kung ano connect ng sinabi ko e hindi ko din alam. Sa dulo may guard na naka-upo so I asked

"kuya! bukas po ba yung SPA sa taas?" I said.

"ah opo ma'am. Sige akyat lang po kayo"

Hindi muna kami umakyat at inantay yung mga driver namin (peace guys!). Maya maya dumating na yung mga boys. Nagtanong ulit si manong guard.

"Uhm.. Ma'am! magpapamasahe po ba kayo?" Kung bastos siguro ako eto ang isasagot ko, "Ay hindi kuya.. kakain lang kami dun. Spa kasi siya e no." Pero malumanay ako. "Opo kuya.", yun na.

Muntik pa kami naipit ng dyaskeng elevator.

Pagbukas niya, kakaiba ang tumambad samin. Hindi ko na sana gustong pumasok dahil parang naiintindihan ko na kung anong meron sa SPA na yun. Wala ng kailangan iexplain. Pero dahil hindi niyo nga nakita, ganito siya.

May 3 babae sa reception. Naka-micro skirt (hindi lang mini ha). At cleavage kung cleavage teh. Pumasok yung mga kasama ko kaya sumama na ko't naki-ushoso. Bakas sa muka nung 3 ang pagka-gulat. Dahil siguro babae kami? I don't know. We asked for the rate. Nakalagay na pala dun sa table. 500 for girls at 650 pag boys. Nagtaka na kami agad. E malisyosa pa naman ako.  Ano ba ang difference? Bakit mas mahal ang rate sa men? Ganun ba talaga? Extra Service?

May isang lalaking customer na nasa waiting area. Mukang excited at hindi nakalapat ang likod sa kinauupuan. Pero hindi na namin nakuhang umupo, sinabihan agad kami na magsasara na raw sila at yun na yung last na customer for the day. Fine...

Hindi ko na na-interrogate si manong guard pagbaba namin kung ano nga bang misteryo ang meron dun.

Ok fail ang lakad namin na yun. Pero masaya pa rin. Nagkaron kami ng topic buong magdamag. Hahaha! next time daw, yung boys naman ang babalik dun. Hindi kami kasama. Alam na! hahahaha!

7 comments:

JeffZ said...

micromini? letter "S" ba nagstart yang pinuntahan nyo?.. hehe

poot said...

Hahaha. Nakakatawa nga yan Ate Kura-ching. Ano kaya kung nagpamasahe ka & nag-attend sa'yo yung babaeng naka-micro mini. Yuck! Kadiri yata. Looooool.

Lusot kung lusot yung management. Last customer na daw. Asus!

Malditang "Kura"cha said...

@jeff - adik! motel yun e. hahaha! hindi naman spa yung tinutukoy mo
(are we talking about the same thing? lol! gets agad)

@enchong-ewness talaga yun. kya nga e. hugas kamay agad e obvious naman kung ano meron. Sabi siguro nung mga babae "alam kaya ng mga taong to kung ano ang pinasok nila?" lol!

JeffZ said...

haha parang hindi yan ung tinutukoy ko.. hehe tsaka motel?.. ano un?.. lol

Sueno's Spa ba yan? :P

bertN said...

Ganyan yata yung napuntahan ko nung nandiyan pa ako. Nagpamasahe ako dahil masakit ang likod ko, pero hindi likod ang minasahi!OK naman dahil nakalimutan ko yung sakit ng likod ko LOL.

Malditang "Kura"cha said...

@jeff- naku nakuuu!kunwari pa. hahaha! lol! Eeeengk! Mali ka...

@BertN - hahaha! sulit ba? so kaya pala mas mahal ang bayad ng men.. now I know. hahaha! kulit

Cristal said...

hahaha kaloka! epic fail pero lol ung spa experience nyo! :))