Wednesday, October 19, 2011

Trip or Treat?

It's my birthday today! Salamat sa facebook at nalaman ng madlang people. (Walang susugod sa bahay ha. hahah! Sasabuyan ko kayo ng asin.) hahah! Joke lang! I sincerely appreciate it guys. Thank you! thank you! Proud or not, I cannot change the fact that a year has been added to my age (which I won't reveal here).

Again, even if everyone is asking me to throw a party, I won't. (Sa bonus na ha!) hahaha! For now, I'd like to celebrate my special day with a special child.. my mom. hihihihi! Peace Mama. We've been traveling together for quite a while and this coming weekend is another addition to the list. Check out the places we've been..

Game na game talaga e no? This was shot in Baguio this year!

Bohol (and my mom was wearing a Coron top! Ganda yan. lol!)

Tinalbugan talaga ako sa outfit. Shot in Malapascua, Cebu

Ang Ulikba bow! (kailangan liitan ang picture. hahah!)
 *Late ko na na-realize wala pala kaming picture together sa Malapascua.

Coron (this is where I celebrated my birthday last year)

But our favorite bonding is just watching concert in Araneta which I will not share kahit isang picture. (Malalaman kung gano tayo kalayo kay Sarah and Martin Nievera e.) hahaha! It has become a yearly event at hindi ata kami magsasawa.

Me: Ah thank you mama sa support sa mga kapricho ko ha. Damay ka naman e. Kaya wag mo ko pipigilan ok?
Mama: O sige lang anak! Basta siguraduhin mong mag-isa ka lang din pagbalik ha.

O diba parang eksena lang sa Willing Willie tapos sabay iiyak yung nanay ng contestant at iku-kwento kung gano kahirap ang buhay nila. hahah!

Pasasaan ba at matutupad ko rin ang Jollibee birthday party ko..


See you later Jollibee! Kainin kita ha.

P.S. Ang weird lang ng panaginip ko kanina. Sinugod daw ako ng pulutong ng Bampira, Manananggal at iba't ibang klaseng maligno sa bahay. hahahha! Muka ba kong kasapi?!?! lol! What a great start for a birthday. hihihi!


Have a nice day everyone!

24 comments:

empi said...

Children's Party ba ito? Lol

Supladong Office Boy said...

happy birthday to you! :)

Nicole said...

Happy birthday!!!

Ed said...

happy bday. lol sa willie. hahahaha.
may you have more bdays to come -- o di ba? orig yung message ko? yaan mo na. di bitaw ako malilibre. hehehehe.

Mitch said...

Ituloy mo na party mo sa jabi. Go girl! at yung panaginip mo ibig sbhin, maraming bibisita sayo! Happy Birthday!!

blissfulguro said...

happy happy day maricar...alam mo na yung wish ko sayo, di na kailangang sabihin pa..hehe :)

chino said...

happy birthday

marxtermind said...

Naks talaga ang mga posing! Hehehe! Happy Birthday! Have fun in your trip! :)

Arvy Creencia said...

Ang cool ng adventure mo.. kasama mo pa mommy mo madalas.. Cool talaga! Kakainggit

m@noy en nin@y said...

happy bday! lolz saya talaga ng mga posts mo.. btw, just followed and added your link to my blog!

Malditang "Kura"cha said...

@empi - haha! oo pangarap ko magkaron ng children's party

@supladong office boy & nicole - salamat!

@ed - grabe halatang pinagisipan mo talaga yung greetings a. Pinagpawisan ka ba dun? hahah! joke! salamat ed!

@mitch - hahah! wala nga e. hindi naman ako nagpaparty. Next year na lang. Nanay ko lang ang bisita ko. lol!

@carla- thank you girl! yep I know na. hihihi! <3

@chino - hi! salamat din sayo!

@marx - hahah! ganun talaga. naumay ka ba? hahah!

@arvy - nakakataba ng puso ang message mo. Salamat girl. I'll be visiting your blog too ^_^

@manoy - ayiiii! thanks! hihihi! Sure I'll add you too.

anney said...

Happy Happy birthday!! Parang magkapatid lang kayo ng mader dear mo ah! Talbog ka nga sa mg outfits! hehehe! Very cool mom at game sa pag pose!

bertN said...

Happy bertday! I'll take a raincheck sa party.

Untied Escape said...

Happy Birthday Maricar! Wish you all the best and more followers to come! hehe! Pretty din ni ate mo, este mommy pla... :D

chino said...

Happy birthday , may you have more birthdays to come , ako din nanaginip pero zombieland naman, nanood ako kanina sa discovery channel yung about sa lost tapes .... Happy birthday ulit

SunnyToast said...

Its another day 4 u. god picked another petals on your flower, wishing your flowers may bloom for year..Happy birthday:)

Kainggit at mga pics nyo..na miss ko tuloy c mama:)

enjoy your big day!

Chyng said...

antaray ni mommy, bitten by a travel bug ever since!

happy bday girl. aabangan ko talaga yung pakain (at videoke) na yan!

Malditang "Kura"cha said...

@anney - thank you! ^_^ Naku oo, at mas sexy sya sakin. Kabog!

@bertN- hihihi! Salamat Sir!

@glad- yay! nahiya naman ako dun.. Pero thank you girl! hahaha!

@chino -thanks sa pagbisita twice. feeling ko tuloy ang ganda ko. lol! hahaha! joke lang. Welcome to my blog.


@sunny- bonding with my mom is really not like a mom and daughter bonding promise. Para lang kami magkapatid.

@chyng - hahah! sige sige. Sa bonus. Tayo tayo ulit. Kaya lang nakauwi na pala si Kath. thanks!

Pinay Travel Junkie said...

Belated happy beerday! You're mom's so cool. Panalo pa mag-outfit!

Micamyx|Senyorita said...

Belated Happy Birthday! Wah namiss ko tuloy mama ko. Last year meron naman ako McDo Kiddie party :))

JeffZ said...

ako alam ko age mo.. hehe :P

ardee sean said...

so after 10 days eh ngayon lang ako babati, belated happy birthday naman.. yun yung trip ko eh, bkit ba.. hahah dami ng gala.. maginvite ka naman minsan :P yung tipong pa-raffle hahaha.. nywei, enjoy lang..

Malditang "Kura"cha said...

@gay - thank you! Talo niya talaga ako pagdating sa beauty and body. Tanggap ko na. hihihi!

@mica - wow! great! Gusto ko talaga ang kiddie party. I'll definitely do that in the future. Nainggit ako sayo.

@jeffZ- hahah! Walang laglagan Jeff. friends tayo diba? hihih!

@ardee- nyahah! thanks ardeeboi. Wala pa akong kalakas-lakas ng loob sa mga pa-raffle na yun. Baka walang mag join. Langawin lang. hahaha!

lakwatsera de primera said...

Nakita ko na naman cakes ng Calea, sarap! kung pwede lang magpaLBC :)