Wednesday, October 12, 2011

OMG! (Oh my Gensan) I chose Anilao over you!

To NAIA Terminal 3 or to Buendia LRT Station? Yeah.. Maybe most of you will choose the first one. Boo me coz I just found myself heading to the latter. So the question is? Is it worth it?

I booked a flight 6 months before for this supposedly another solo trip to Gensan. (Yes I already anticipated I'll enjoy my Coron Trip so I ended up booking another one. Hayok lang. hihihi!) But Chyng asked me to join the trip she arranged coz I might have a chance to meet other bloggers and readers (or should I say FANS of her blog. hehe!) Honestly, we've known each other for 4 years now but we never got the chance to go on a trip together. Who am I to refuse? Shoot! Count me in! Anyway, hindi naman siguro lalayas ang Gensan sa kinalalagyan niya. I've been to Anilao before but I was disappointed with their underwater world so I never really set any expectations on that part. With that, the resort at least must be gorgeous or else Angelina will constantly be on my mind for the rest of my stay shouting "Yaya!! You're such a loser!". Ayoko. hahah!

My father drove me to Jollibee, LRT Buendia to meet everyone. I thought may mahaharot kaming boys but no. Hahah! Nagmistulang field trip ng Miriam College. Exclusive for all girls. Hahaha! Intentional or not, keriboom-boom itechiwa. Few steps lang nandun na yung van shuttle to Anilao. Woot woot!

We waited for the van to be filled up for like an hour (Char! OA lang.) and kwentuhan galore na. The trip took us about 2 hours I think. 

(Pictures with links are not mine. If you're going to ask who owns it, you know what to do.)

The jump off point
A boat exclusively owned by Portulano Resort was there waiting for us. (Nanguna ako dahil alam kong mauubusan ng bubong ang iba. hahaha!) Sorry girls. Maaagnas ako sa araw.


First impression (FAIL! lol!):
(I've known Chyng and Rona for 4 years now so forgive me if I excluded them from the list.)

Gladys (untiedescape.blogspot.com) - well.. being a solo joiner, I already expected she would be shy and all. (Shhhh.. diyan ako nagkamali. Oops! hahah! Don't worry girl. Walang lalagan. hihihihi!)

Kath (realidad-kathleen.blogspot.com) - I met her 2 days before. We attended the IMPRINT event. I thought siya yung tipong takot sa tao kasi she's from the province pa pero ako ang napahiya. She mentioned she also attended the event held by the Sole Sisters. Siya pa daw mismo lumalapit sa mga bloggers. Taob ako. hahah! I don't have the courage to do that promise. I'm shy (Sinong hindi naniniwala ha!?)

Pam - Kath's friend. I felt she was the type who wouldn't bother to share a few bits of her life. Well, bukod sa mahilig kasi siya matulog lang (take note, di pa ata kami umaalis sa buendia pungay na siya. hahah!), mukang mahiyain din. Again, I was wrong. Her story was just one of the highlights of this trip mind you. Aylabet girl! Another Shhhh... hihihi!

Saids - nakaka-tomboy ang beauty niya. (pa-kape ka naman. hahah!) Seriously, muka siyang supladita tuloy. I never thought magkakasundo kami. Pang masa kasi ang sakin e. hahah! Char!

Carla (blissfulguro.blogspot.com) - ah eto talaga... maling mali ako. Sa tagal kong naging studyante, buong akala ko allergic ang teacher sa ingay. Dun ako nagkamali. Siya pasimuno. hahaha! Nakakabuhay ng dugo ang energy niya. Fully charged.

See? Girls instinct can sometimes be wrong. (Teka babae nga ba talaga ko?! hahah!)

Halimaw! Ang ganda niya! Great view and fine weather welcomed us

And I truly believed na araw talaga namin yun. Naks! Walang ibang guest. Wooohooo! Let's check out the room..

All-four-one


...and a place for Emoterang praglet like me. hihih!


See? Told you! hahah!


Dining
Shempre dumiretso na kami ng kusina agad agad. Nagkakarambola na tiyan ko. Buffet meals served just for the 8 of us. What I love about resorts in any part of Batangas is the bottomless kapeng Barako. Coffee addict ba kamo?? Oh yes I'm GUILTY!

Time to eat!

Yummy noh? .... ng pagkain. heheheh!

If you just want a simple place to hang out, Portulano offers a lot of spots where in you can just lay down and feel the vibe of just being out of the busy world of metro. Go ahead! Isalampak na mga pwet na yan!

Relaxing Ambiance

Oh duyan my duyan!
 
Found a  ♫Today I swear I'm not doing anything..♫ spot! Agree?

Play area


Woot! There's an infinity pool! (stay put and see what happened after a few hours)

Hindi ko alam kung merong may balat sa pwet at biglang nag-iba ang timpla ng weather. Umariba ang waves. DELUBYO! hahah! Check these out..


Kulang na lang sumampa ang bangka sa platform

See? that's where we docked few hours ago
 
Wushuuu! hahah! Tidal wave

Gusto ko pa naming mabuhay kaya dun na lang kami sa infinity pool na maalat din naman. Mag-aasin din ang wiwi mo pag nakainom ka ng tubig. Snorkeling din. Ganun. hahah! E napagkaitan kami ng magandang panahon e. Ayokong ihampas lang ang face ko sa bato. We played Jenga afterwards while others are sleeping(?) I don't know. hahaha! Kanya kanyang pinagkaka-abalahan.


They served the best turon. Ang sarap. Naka-ilang request kami hanggang sa sila na ang nagsabing "Ah. Ma'am, actually may turon pa po pero kaso para na po yun sa ibang guest e. Mauubusan naman sila." hahaha! Nakakahiya kami noh? lol! Parang mga hindi babae. Then we ate dinner. Ang sarap din ng Malunggay soup promise. Weakness ko talaga ang mga sabaw maski sa mga karinderya. Susuko sila sakin.

"The Venue"
Well this is where the revelations took place. hahah! It started out as a simple chit chat among my roommates Carla, Saids, Rona and I then we got bored and thought of a game. My friend Rona... well... how should I describe her in a nice way na hindi niya ko ipapa-ambush later? hahahah! Peace girl. To make the story short... umabot kami sa "♫Nanay Tatay gusto kong tinapay... shang magkamali ang pipingutin ko.. 1 (clap) 1-2 (clap2x)♫".. Ganung kalala. hahah! Hindi ko na ikukwento kung bakit si Rona ang salarin. hahaha! We had so much fun and we owe it to her. 

The other girls joined us then we played 1-2-3 pass. Kung di nyo alam kung pano to laruin e hindi ko na rin sasabihin. Paki google na lang. Thank you. hihihi! Loser will have the chance to choose between Truth or Dare. Ibang klase yun. Hindi mo gugustuhing matalo promise. hahaha! Ok lang kahit mapisat na ang kamay ko. lol! To give you a sneak preview.. base sa mga ni-reveal nila, let's just say.. you wouldn't think it was just the first time we've met each other. Matutuwa ang mga chismosang kabatak ni Cristy Fermin sa dami ng HOT Issues. I love you girls! I learned a lot and I promise that everything I heard, stays there. Gusto kong maulit to.

The next day, swimming galore ulit. Perfect ang weather for snorkeling. Check out their house reef photos on Chyng's blog. On our last activity, while waiting for our boat, walang kamatayang Jenga ulit.

Kinakabahan na kami ni Saids! hahaha!

My turn! Kunwari hindi aware sa picture.
Photo sessions with Chyng. Heheh! Celebrity blogger ka na talaga..

Saya ko no? Humahalakhak talaga. hahah! ^_^

Haven't you noticed almost all of the picture were grabbed from the other girls? For the first time, nahiya akong ilabas si D10 ko sa harap ng ibang tao. hahahah! Honestly. I've always been proud of my D10. We've been together for like almost a year now and katas ng bonus yan wag ka. Pero yun... nahiya ako talaga. hahaha! Anyway, bida naman siya sa underwater e. Buti di nagtampo. Sorry baby, napaligiran tayo ng SLR e. hahaha!

P2800.00 ang damage sa accommodation per person which includes 3 buffet meals. Pwede na right?

Oh yeah.. before I forgot. May misteryosong nilalang na guest na hindi namin mawari kung babae ba or beki. Promise. Umuwi kami ng hindi natatahimik dahil hindi namin nalaman ang totoong kasarian niya. (Wag nyo kong hingan ng picture dahil walang nag-attempt na kunan siya. hahah!)

Til next trip!


19 comments:

chyngreyes.com said...

Finally, im waiting for this one!
You may always borrow my photos, ikaw pa.
Naalala ko yung nakatulog ako tapos ngpanic ako na ang drama "asan ako?! sino kayo?!" wahaha
Cant get over din sa turon, at sa efektibna pagreenact ni carla. Hihi
O basta, nextym ulit. Im happy u and rona joined! =)

eMPi said...

ikaw? mahiyain? weehh? di nga? Lol


ang lalakas ng alon!

Nicole said...

ramdam na ramdam ang kasiyahan! :)

Kura said...

@chyng - hahah! naman. Nakaka-bother talaga yung moment mo. thank you din! Pinarealize nyong lahat na choosing it over gensan was worth it. BTW, Gensan trip was set next year with marx - ang snatcher ng travel buddies mo. hihihih! nabasa ko yuun..

@empi - hahah! Sapukin kita e. Bat mo ko nilalaglag ha. Oy nahiya ako sayo nun sa Bethany bakit? hahaha!

@nicole - thank you girl. Maligayang maligaya kami. hihihi! Sana sumama ka at si bachengcheng.

blissfulguro said...

ayun naman oh! parang nagbabasa ako blind item sa isang tabloid...buti na lang andun ako kaya alam ko to...tara videoke na to para magkaalaman na! hihi

Unknown said...

Yey, thanks naman Maricar! Kulit ng post mo, panalo naman c D10 pag underwater na noh!

Natawa ako ke misteryosong nilalang. ako din confuse nung nakita ko cya... hahaha!

John Marx Velasco said...

Gusto ko din yung 1-2-3 pass na game na yan. Excited na ako mag white water tubing. Hehehe! :)

thepinaysolobackpacker said...

hahaha natawa ako sa parang "Miriam college" na field trip lang, walang boys. haha saya nga ng trip na toh, all girls! :) napag-isip tuloy ako, lalake ata tlga ako? haha one of boys kase ako kaya madalas lalake mga kasama ko sa group trip.lol thanks for sharing another super fun post. tuwang tuwa tlga ako sa mga kwela mong narration. lol

m@noy en nin@y said...

hello po

seen your blog from chyngs blog roll... Nakakatuwa mga blog mo hahaha hope to read more from you. I'll definitely subscribe to your blog!

Mitch said...

kaw ang isa sa mga blogger na kahit ang haba ng post, pinagtitiyagaan kong tapusin at basahin tlga word by word. Aliw ako dun sa mga first impression mo dear..kaloka! Esp dun kai teacher Carla. hehehe. As in lahat ng sentence mo ata dito, nakakatuwa! no dull moment ika nga pag nagbabasa ko ng post mo..syang hindi ako nakasama. anjan kpla. Mga idol! Anyweys, ganda ng post niyong lahat..Saludo!

JeffZ said...

mahiyain ka???? >>> hmmmmmmmm... :P

pag napunta kang gensan, ikamusta mo ko kay mommy dionisia at kay shamcey.. :P

Ed said...

bwahahahaha.
saya ng mga first-time meet-ups nyo ah.
sasama sana ako sa trip nito (met chyng a day before) kung wala lang akong interview with dom and ferdz nun, sasama ako.
pero saya nyo tignan! ako rin, basta mahilig lang lahat magtravel, malamang madali kayong magkakasundo. :D

Kura said...

@carla - nyahaha! oo nga no. Nagmistulang tabloid ang blog na to. Ang daming blinditem hahah! Videoke? ay di ako papatalo diyan. hahaha!

@gladys - the soloist! oo nga e. pero pag wala na sa tubig, iba pa rin yung sa SLR. hihihi! Keri lang, masaya ako kay D10 ko. thank you sa pagiging honest Glad. Bongga ka.

@marx - aku ren. Teka marami ba tayong magge-gensan? Maraming kang ipapakilala? hahah!

@gael - finally nakapag-comment ka na girl. Nakakatuwa. hihihi! Naku oo, nainggit nga ako sayo sa Palaui Escapade. Puro boylet. hehehe! Fun din kasama ang boys. Maski sa office boys din kasama ko e. Kulang na lang gawin akong amazona.

@manoy en Manay - nice name huh! salamat at nagawi ka. Sa uulitin! Let's exchange links?

@mitch - awww nakakataba ng.. Yun lang.. Nakakataba. hahah! Anyway, girl sana talaga sumama ka para nagkita na tayo. Para kasama ka sa blind item. hehehe! Minsan a. Pag free ka.

@JeffZ - ano yun Jeff? may problema ka? hahahah! Oo uuwian kita ng isa sa mga amiga ni Mommy D. Hindi na niya mapapansin yun. Antayin mo ha! hahaha!

@Ed - hay naku! mas importante pa ba sina Dom kesa saming mga girls?! Hahah! Ang OA? lol! Joke lang. I agree, pag same passion kayo, magc-click at magcclick din yan. Sayang talaga di kita na-meet.

John Marx Velasco said...

Tayong dalawa pa lang. Hahaha maginvite ka basta wag maarte at dapat go for adventure! :)

bertN said...

Bakit walang thorn yung group ninyo, puro roses kayo? I guess you all wanted it that way so you will have more uninhibited fun. Ang ganda pala d'yan!

Micamyx|Senyorita said...

Ang saya nga nito hehe girls weekend getaway for the win! Gusto ko din kayo makasama ni Chyng sa trip soon. Ang nasa isip ko naman Puerto Galera hihihi

virgo itinerary said...

sayang ganda sana ng place pero mukhang bad mood ang dagat that time.gusto ko talaga mga kuha mo

Kura said...

@marx - sige we'll see kung may mahihila pa ko. Matagal pa naman e

@mica - I've never been there. pero sige sasama kami pag ikaw naman ang mag arrange ng trip. hehehe! Kaladkarin kami. =)

@virgo - actually, almost all the pics posted here are not mine kasi nga SLR sila. Ginrab ko lang. Point and shoot lang ang sakin. thanks for dropping by

anney said...

Nice place! Ang saya saya namn ng bonding nyo!