A summer will never be complete if you failed to visit Baguio... Oh c'mon mamon! that's what I thought before. The last time I went there, it was 2 years ago, sabi ko ayoko na bumalik. May umay factor na. I don't know if there's a single tourist spot there that I've never been to. I was just lucky because, if not all, but most of my stay there were for free. My tito and his family is a resident of Benguet for 3 decades now. Libre food, de-kotse pa back and forth, libre tourist guide, libre din accomodation.. san ka pa?! My cousins there were my closest sa father side so even if I go there alone, keri lang.
If you can visit my To-Do list for 2011, wala siya. When PNOY declared Feb 25 (EDSA Anniversary) as a holiday, January pa lang I filed for a Mandatory leave without any plan at all. Tapos malaman laman ko na lang, studyante lang pala ang walang pasok.. feelingerang frog. E sakto pala may Panagbenga. Yun na!
2 weeks ahead of time we already bought 2 tickets. We anticipated madlang people will be there too since it's a long weekend. If you're wondering who's with me, syempre nanay ko. May bago pa ba dun? hmp!
It's her first time to attend this event kaya mega tour kami sa kanya. Enough of paddling, biking, horse-back riding thing. Pang bata masyado. Dun kami sa pang thunder. First stop, Market Encounter. Tuwing Panagbenga lang may ganyan.
Ilang beses akong sinaway ng punong bantay para lang sa shot na to.. Kung pwede lang akong bambuhin ng walis ginawa na nila. |
Honestly... I like orange flower more kesa red ones =) Feeling ko mas bagay to sa personality ko. hihihi! (kelangan talaga may kasamang explanation) |
Next Stop, Mary Knoll Ecological Sanctuary
Madalang ata ang nagagawi dito. Even my cousin na taga baguio never pa daw niyang nakita to would you believe?
You have to pay for P35.00 para sa entrance fee. Mas naging interesado ako ngayon sa registration area nila kesa sa ecotrail. Just see for yourself. Scary siya. Promise. The hall way is full of pictures of the nuns who lived there. Napa-atras ako when I was about to pee. Uurong ang dapat umurong pag nakita nyo ang CR nila. I called my cousin para samahan ako. If you're asking for the pic ng hallway, hindi ako nag attempt kumuha. Baka magulo lang ang life ko pag may nakita akong hindi kanais-nais. Alam naaa!
Unfortunately, the tree house where I ate before was no longer there. Binida ko pa naman sa kanila na may magandang kainan dun. Actually, maraming nawala. Sira na halos lahat. Umm. Describe the place.. para kang dumadaan sa napakalaking maze. Pwedeng maging shooting location ng Takeshi's castle sa laki. Tahimik. Refreshing.
Diplomat Hotel naman!
It was my third time here. Mas ok pumunta ng sunset.
Dati nakakasabay ko yung mga spiritista. Ngayon, I saw a bunch of photographers together with their uber sexy na model.
This was captured one afternoon 2 years ago by my friend Humprey Cogay. See? Parang nag-aapoy yung hotel |
Dati nakakasabay ko yung mga spiritista. Ngayon, I saw a bunch of photographers together with their uber sexy na model.
Pasaway Moment #2: I picked a flower in No Picking of Flower Zone Kaya pala ako sinusundan ng guard. Huli sa akto. Hawak ko ang proof na yan at nilagay ko pa sa tenga ko. hihihih! Rosalinda mode =) |
Gusto ko sana mag pa-sketch ng fes sa Tamawan Village kasi before naging kamuka ko si Ara Mina e. Hindi ko nagustuhan. Ara Mina is pretty though pero halata mong nahirapan ang nag sketch kaya yun. Pinagpilitan. Sana sinabi na lang niyang "Miss.. walang remedyo e. Pasensya na ha.. ito na yung 100 mo o." (lol! Bitter?)
Walang nagpapasketch pagdating namin. Ayoko na. Shyness!
Magkaka-boylet ba ko pag niyakap ko din yan? =) |
Did I mention my mom pretended she's already a senior citizen? Para makatipid sa entrance. Bente din yung na discount niya ha. Hahaha! Para-paraan. Deserves to be on the 4th Pasaway spot.
Next entry, Street and Float parade... At sinetch itey na blogger ang nakita ko?... Abangan!
9 comments:
fan ka pala ni madam lucille, pasaway ka lagi sa punong bantay =D
i so wanted to go there for the panagbenga fest, up to when ba yun?
hoping you can follow and link up if you haven't yet =)
online journal
my soltero baby
haha pasaway nga sa NO ENTRY.. :P
Mahirap maggala sa Baguio pag panagbenga.. traffic! tsaka ang daming tao.. nakakahilo.. :)
very interesting and relaxing place. i love all the pictures
look alike kayo ni mader!
siguro sayo mo namana yung katigasan ng ulo mo! haha no entry nga diba? kulet!
@rjs'mama - thanks for visiting. Until March 6 na lang. Sayang yung float and street parade yung highlights nung event e. You should've visited last weekend. Anyway, it's yearly naman. =) Sulit naman siya kaya go ka next time
@Jeff - kaya nga tama lang ang dating ko nung Friday ng umaga. hataw kami sa gala kasi wala pang masyadong tao. Nung weekend yung dagsa talaga. Taxi driver na ang tumatanggi samin papuntang Good Shepherd kasi sobrang layo na yung buntot ng traffic. Wala tuloy ako nabili.
@Mom Daughter Style -Thank you po for visiting. I'm glad you enjoyed all my pics.
@chyng - hahaha!Tama.. sa kanya nga ako mana. Kasi kung tatay ko ang kasama ko, siguradong umuwi na kami agad. Hate niya ang pasaway. Unlike my mom... nakikisakay pa. hihih! thanks!
Adik, pasaway! Hahaha! Never ko pa napuntahan yang mga spots na yan. Yan ang next target ko pag nakapunta ako ng Baguio! ;)
Looooool. Pasway ka talaga Ate Kura-ching! Buti di ako nagmana sa'yo. *cough cough*
Ang kewl nung picture with a cross. Very mysterious. Ang galing galing.
Siguro si Ate Grace ang nakit mo 'no?
PS. Your Mom looks cool. Bagets na bagets. & natawa ako dun sa pagdadahilan niya na senior citizen na siya. Hahahaha.
@enchong - hindi naman. Nanghihinayang kasi ako sa landscape kung hindi ako magpapa-picture ksama nila. Malulungkot ang mga plants. hahaha!
Mas ok magpicture sa Diplomat hotel ng sunset. Isa kasi yun sa pinakamataas na part ng baguio. Sobrang ganda ng kulay niya pag natatamaan ng araw.
Si mama? Naku matagal na niyang gnagawa yun. Mana ako dun sa pagka pasaway. hahaha! Thanks for dropping by.. BTW, hindi si KG ang nakita ko...
@marx- ayoko na sa burnham, john hay, the mansion, sa mga horse, sa mines view, botanical and everything. Sawa na ko. tama! dun ka pumunta sa mga hindi ganung sikat pero maganda naman. Ayoko masyado sa matataong lugar e. hahaha! arte? =)
Ikaw? Anong say mo?