Sunday, January 2, 2011

A must (must talaga?) on 2011!

My 2010 came as a big surprise since it's just this year I've discovered my passion for travel. I did not make a list then kasi wala nga akong kaplano plano sa pinaggagagawa ko. hahah! Lahat kasi nakadepende. Depende sa oras, depende sa pera, depende sa seat sale, depende sa kasama, depende sa leave ng ka-officemates, depende sa declaration ni Gloria.. at marami pa. At dahil naging favorite kong site ang cebupacificair.com at airphilexpress.com kaka-antay ng sale, voila. My 2011's first half was fully loaded. Hindi naman ako masyadong nahayok sa kaka-book noh? May iba pa din naman kong gustong ma-achieve. Eto sila. Isa-isahin natin..


1. Learn how to swim and dive 

Ayoko ng nilolokong may built-in salbabida pag nag-aattempt sumisid.

Aminin natin... ang donya kayang tingnan pag girl ang driver. Hmm?

3. Shempre own a car  (chos! kakayanin ko kaya?)
Kailangan. Pakiramdam ko ang poor naming mag-anak pag nagbbiyahe pauwi ng province. Naka-stress ng beauty.  Matagal ko ng pinagipunan ang pang down pero dahil hindi naman tumataas ang sahod ko (bitter?) baka makabili nga ako pero wala naman ako pang-gas e bale wala din. (Sana nababasa ng mga boss ko to. Hahaha!)

4. Visit Sagada
ulit.. oo! dahil nalunod ang lahat ng pictures ko nung Ondoy. Nakakaiyak. Ikaw kaya mawalan ng mala-post card na picture. Sabi ko dati hindi na ko babalik sa lugar na yun. Sapat na ang hirap at pagod, dugo’t pawis (OA?) makunan lang ang ganung kagandang lugar.  Kakaiba siya. Misteryoso. Dapat ka munang mapagod ng katakotakot para makita ang natatago niyang ganda.

Water-rafting ito! yahuuu! sarap ng adrenalin rush. Side trip sa Camiguin and Bukidnon. Good way to start your Summer.

Confidential kung sino ang kasama ko. Makikilala ko na rin ang pamosong Tarsier. Well, hindi naman ako pupunta dun para lang sa kanya. I’m a fan of snorkeling sites. Hindi ko palalagpasin ang Balicasag. Para san pa ang underwater cam. Hahaha! Sige na nga sama ko na rin ang Chocolate hills. You better be choco coated when I get there hmmp!

7. Cebu Trip (with my family! at magastos to for sure)
First time ng mga kapatid kong sasakay ng pleyn.. That I gotta capture! Hahaha! Ewan ko kung anong meron sa Cebu nung nag pa book ako. Recently I read Moalboal and Malapascua –another must see snorkeling sites.

First time ko magkaron ng solo travel! excited! Bakit ako babalik? Simple lang. Nabitin ako.

9. Apo Reef (ituloy na ang naudlot na dream destination na to!)
Sana naman wala ng talk shit along the way. Galitin nyo pa ko, hindi ko na kayo aayain kahit kelan. Bitter ako Bitteeeeeerrrr!! Grrrr! Hahah! Peace. New Year na.

10. Bungee Jump 
Kahit hindi ngayong year basta dapat bago ako mamatay. Hindi ko alam kung meron bang ganito sa Pilipinas. Yung mala-Macau na taas ha. Ayoko pang mag International trip. Isa pa, lunod na rin ang wala ko pang tatak na passport. Ayoko pang istress ang sarili ko sa pagkuha ng bago. May notarized Affidavit of Loss pang kailangan, may Police Report pang dapat ipasa.  Hindi ako kriminal ok? 

11. Corregidor Trip
Ok siguro mag ghost hunt hindi lang ako sure kung sino una matakot samin

12. Salary Increase (please.. wala akong isusustento sa lahat ng to e.)

 .. isama pa ang hindi mabilang na unplanned trips. I really hope magawa ko silang lahat. Yearly may amazing race sa pagpa-file ng leave sa office. Hindi pa tapos ang taon, nagfile na ko. Wala akong pakelam kahit 3 lang ang long weekend ngayong taon. Ayoko ng sumasalo lang sa araw na hindi naka-leave ang mga officemates ko. Hihii! 2011 is my year. I can feel it.

16 comments:

Chyng said...

Wow, own a car!! Ikaw na!!! =)

eMPi said...

wow.... dami mong byahe ah... hehehe! ang saya naman!

own a car pa... pa-ride ako. hahaha!

Mapanuri said...

Hi.. found your blog through Chyng's..

nakakatawa.. naging favorite ko ring website ang cebupac at airphil.. para tsumempo ng seat sale.. sama na rin ang zest.. :) hehehe

Lantaw said...

Have you been to Lake Sebu?

bertN said...

How do you snorkel if you do not know how to swim and dive? Just curious.

John Marx Velasco said...

Bantayan in Cebu! Hehehe! Gusto ko din mag Apo Reef! Hehehe!

nyabach0i said...

andami mong pera! hehe. pautang! hehe. shet gusto ko rin gumawa ng goals. at dahil diyan magoopen na ako ng new post. pangalawa ka na na may post na new goals. wish ko lang ateng ay matupad lahat ng gusto mo. mas lalo na ang kotse. :)

Kura said...

@Chyng - Nabenta kasi yung dati naming sasakyan. Ang hirap pala pag malaki ang miyembro ng pamilya mo tapos sama sama kayong sasakay ng jip. Lagi naghahanap ng sasabitan sa kamag-anak. Makikisabay. Ang poor. Magkakaron naman ng car loan sa office. Hihihi! 5 years to pay.

@empi- Sana lang talaga mapuntahan ko silang lahat. =)

@Mapanuri - naman! lalo na pag may mga holiday. Naka-abang na agad. Ipapamalita mo lang sa iba pag nakapag pareserve ka na. hahahh! baka agawan ka pa e. salamat sa pagbisita.

@lantaw - Uy Hi! salamat din sa pagdaan. It's familiar. Sa gensan yun right? Yung may Zipline sa falls? Hindi pa ko makarating dun e.

@BertN - Snorkeling is usually done in shallow water diba? Konting kawag kawag lang alam ko. Bestfriend ko ang life vest. Subukan mo ko itambog sa malalim na tubig ng wala nun, siguradong lunod ako.

@marx - naku yang Apo reef na yan. Pangarap ko talaga siya. Kaya lang andaming aberya kaya minabuti ko ng wag siyang ituloy. A day before halos lahat nag backout. Kung di nga lang mahal ang bangka papunta dun itutuloy ko e. Can't afford talaga

@nyabach0i - lahat ng lakad ko pagiipunan ko pa. ok din mag set ng goals. Exciting magbilang ng araw. hihihihi!

Hoobert the Awesome said...

Hey Ate Kura. I'm back! Nalula naman ako dun sa to-do list mo this year. Hahaha. Jampacked na pala 2011 mo.

I also want to try bungee jumping. Di ko lang alam kung san meron. Ziplining, na-try mo na?

Kura said...

Uy hi poot! Busy busyhan mode ka ata lately. Tgal mo nawala. Welcome back at salamat sa pagbisita. Oo na try ko na Zipline sa Tagaytay. Nakakabitin e. Sa Bukidnon naman this year. Na-adik lang kasi ko kaka-book. Hmmm may inggit factor na rin sa mga travel bloggers. Ayan namomroblema ako sa budget. Binabawi ng nga ng nanay ko yung credit card nya hahaha!

Hoobert the Awesome said...

I'm not really busy Ate Kura-ching. Tinamad lang & nagkasakit nung first 5 days ng 2011. Pero I'm fine now, don't worry.

Bitin yung sa Tagaytay? Ganun din dito sa Legazpi. Ang alam ko sa Minda yung longest zipline in the country. I-try natin. Haha.

Gusto ko na nga ding mag-work para may mga travel travel na din ako. Lol. Ngayong college kasi talaga wala eh. Buti pa nung high school. :)))

Anyway Ate, sagutan mo yung questionnaire ni Tiffany (melovesflying) ha. Madali lang naman yun.

Kura said...

@enchong- natuwa naman ako sa Kura-ching. I love it na. haha! buti magaling ka na. uso nga virus.

naku nasagot ko na yun. Hindi ata nya binabasa ang mga nagrereply sa kanya at fino-flood nya lahat ng blog natin. lol!

masarap talaga mag work pero sobrang nakakamiss din ang skul- yung suspension of classes dahil may bagyo,yung vacant period, yung pagsusulat ng "What I did this summer", yung field trip na mas enjoy sa bus, yung overnight sa classmate kunwari pero wala naman natapos dahil nag-inuman at chismisan lang.. hahaha! nostalgic na ko.

busy mode din kasi ang college. pero mas na-enjoy ko yun. hihihih!

I thought yung sa bukidnon ang longest. Sige next year Davao naman. tara! hihi! =) have a nice day!

Shey Malindog said...

I agree with you, worth it naman talaga bantayan ang seat sale..ang sabi nga nila una unahan lang yan!..

I wish I can see in person, when I get back to manila..

Godbless =)

Chris aka C2 said...

lakwatsera hehehe good job! enjoy life... :D

Kura said...

@c2- look who's talking. Asian invasion ka na nga ngayon e. Idol! Woot woot!

Kura said...

@Shey - hi! Thank you sa pag visit. Marami talaga maganda sa Pinas no? At hindi sila nakakasawang balik balikan. Added you on my blog roll. God bless you too!