Pagkain. Tinatakam talaga ako lately. Buntis daw ba ako sabi ng officemates at panay na panay ang cravings. Salamat sa mga post ni
Marx. Ang isang bilbil kong kakapanganak lang ay alay ko sa kanya. Hmp! Hihihi! It was just last Christmas I learned about Ayala Triangle Restos. Malapit lang siya sa office kaya kada uwian hindi ko malabanan ang temptasyon (what a word). Sinimulan ko silang isa-isahin. Parang karinderya lang. I already ate in Omakase, Kanin Club and now Amici. May pito pa atang resto na natitira dun. Well I still have lots of time... hihihi!
|
Obviously...
|
|
Chorizo e Spinachi |
|
Spaghetti Ai Tesori del Mare
|
I ordered for Spaghetti Alla Carbonara Pasta too pero hindi na siya inabutan ng camera. Nasunggaban na kaagad ng mga kasama ko. But I recommend that one promise. A must try definitely. Their servings are good for sharing pero tingin ko hindi ko na kailangan ng ka-share... kaya kong ubusin lahat.
Time for gelatoooo. Woot woot! It's what I enjoyed the most. Dati rati Blueberry cheesecake lang ang madalas kong orderin. (Yun lang kasi kilala ko. hahaha!) Oh well did I mention yun lang naman ang kaya kong gawing dessert.. maniwala ka. Price ranges from 55 to 70 lang per slice. And since first time ko dito, nagturo lang kami depende sa ichura nila sa picture sa menu and it didn't fail me. Surap!!! (sarap sa presyong sulit).
|
Choco Sansrival |
|
Mango Sansrival |
|
Banana Blast (halos wala akong nakitang bakas ng banana) |
Omakase naman!!
|
The ever famous tempura |
|
Dynamite Roll |
I was never a fan of maki kahit pa yan ang tawag sakin sa office. Hindi ko sila feel kainin dahil may aning aning na kulay itim na tiyak na maglalagay ng tinga sa ngipin ko. Ewan ko ba kung bakit prone ako sa tinga. Classic social disaster talaga. Isa pa mabubusog kasi ako agad. E dahil masiba ako at gusto ko matikman lahat, hindi bagay sakin ang mga ganitong pagkain. Pero this time I tried it. I became an instant fan at gusto ko na siyang araw arawin.
|
Momoiro Udon (Medyo kakaiba. Ganyan lang ichura niya pero masarap din) |
Dapat may Kanin Club portion e pero I forgot to bring my cam. Chaka, sorry to say pero hindi rin ako gaanong na satisfied dun. They serve pinoy favorite dishes. Masarap magluto ang nanay ko kaya I set my expectations very high when it comes to pinoy dishes. Yung tipong, masasabi kong sa resto talaga ako kumain, at hindi sa bahay. Pero nabusog din ako ng sobra. Yun yun.
I'm uber satisfied sa first two. Kala ko mga sosyal lang ang keri ang mga ganitong kainan, hindi rin pala. Or should I say baka sosyal na nga ako? hahaha! Joke lang.
Photo credit to my friend Oyis to all Omakase Pics and Kane Daniel for lending me his cam sa Amici.
15 comments:
napapa-wow ako sa sarap ng mga foods.
shet nagutom ako!!
swerte naman, lapit sa ayala triangle..
so cross out na ang kanin club? hindi winner?
@empi - hahaha! demanding? nabasa ko message mo sa chatbox. Sige na papalitan ko na ang namesung mo. thanks sa pagdalaw!
@nyabachoi - isipin mo na lang kung pano ko nilalabanan ang temptasyon araw araw. Super dmi ng masarap kainan dun.
@chyng - oo cross out siya para sakin. Para sakin lang naman. Pero andami ding kumakain dun e. Try mo pa rin.
I love AMICI too! :) can't wait to try Omakase... so far, I've tried Bonchon and Banapple & giving it 2 thumbs up. I gotta try Kanin Club's AYala Branch. first tried it in Alabang before.
nice cookiespink. Food trip kung foodtrip ang blog mo. Love it! Try ko next yung Pho24 tapos Banapple for dessert. Sige isa isahin natin sila. hihihih!
.. Drooling over sans rival.. :)
New look ang blog! ayos!
hahah! maarte lang... lol! =) new year new look.
It is good I'm not on a diet, kung hindi masisiraan ako ng bait sa mga masasarap na pagkain ninyo!
Takaw!!! Hahaha! Gusto ko pa din itry kanin club for experience lang! Hahaha!
@sir bertN - hahah! ganun ba? ako ang nasisiraan ng bait sa mga pinupuntahan mo... lol!
@marx- nagbalik kaaa! ikaw may kasalanan nito e. hahah! walanjong diet nakalimutan kong isa sa mga resolution ko yun.
wow sarap naman nya.. sosyal.. nagutom tuloy ako.. padala ka nman dito minsan.. heheh
HAHAHA Ate Kura-ching. Paano ka na nyan magbi-bikini kung isa kang umpok ng bilbil na tinubuan ng mukha XD PEACE! Ok alng yan, you're pretty naman eh *cough, cough*
Mukhang tataba ako 'pag sumama ako sa'yo. :)))
Pareho nga tayo Ate Kura-ching. Pero I don't mind it. Basta ikaw. Naaaaks!
Thank you pala sa greeting. I really appreciate it. Btw, ilang months pa lang ba tayong magkakilala? Parang antagal na, no. You're one of my bestest Ate in the blogosphere. & I mean it.
Thank you for the time. Kahit puro non-sense na lang, bina-blog ko. HAHAHA. I hope di ka magsawa. :)))
PS. I really want to see you in person.
@enchong- hahah! you made my day. Hindi rin ako sure kung ilang months na. Non sense?! of course not.. Kaw talaga. Bilib nga ako sa way of writing mo e. Prangka. Masapul na ang masasapul. hahaha! Love your own. Hindi ako magsasawa I promise.
busy lang ako lately. hindi ko tuloy napansin yung unang message mo. =) Oo no. Inuunahan na nga akong umuwi ng mga kasabay ko. Nadadamay kasi sila sa katakawan ko. Hindi naman sila makatanggi.
Ikaw? Anong say mo?