Monday, December 27, 2010

Musical Fountain Show @ Manila Ocean Park

This is actually my first time sa Ocean Park. Sabi ko nga dati, I'm not fond of fish. Malansa sila. Hahaha! Pero dati lang yun. Ngayon I love them so much. Kaya lang since na-experience ko na mag snorkeling, boring na para sakin na nakikita lang sila. Kaya instead of going inside sa main attractions nilang gigantic aquarium, try ko naman yung iba. Why not a Musical Fountain Show. Thank you kay Marx for sharing it. May ongoing promo kasi if you purchase tickets online. 99 pesos lang, 300 yan pag regular price. Ang laking tipid. 


I went there together with my family yesterday. Nag commute lang kami. Ramdam ko na ang hirap ng walang sasakyan ngayon. I desperately need one. Binabagtas namin ang Luneta Park at nawindang ako sa dami ng tao. Parang may Rally. OA? See for yourself. Parang na-ITA ang tao sa park. Hahaha! Nakaka-loka.

If you were able to purchase it online din, wag na kayo makigulo sa bilihan ng ticket sa labas. Dun sa loob kinukuha ang passes. Sa Reservation Office. You will exchange your email print out together with the credit card used with show tickets. Sayang hindi na kami nakahabol sa pang 6:30pm (start). Pang 7:30 na daw kami. Although wala naman nakatatak sa ticket namin na pang 7:30 kami. Anyway, we saw na may nakakapasok pa rin sa gate kahit ganun. Hinayaan na namin. We ate noodles sa bangketa. Hindi kami maarte masyado. Pagbalik, stampede na lang ang kulang. Ang sakit sa ulo sa dami. But we managed to get inside na kumpleto pa ang parte ng katawan.

We saw an empty 7 seats. Galeng! Near pa siya sa gitna. Pero may 2 babaita sa magkabilang dulo na sumaway samin nung paupo na kami. "Naka-reserve po yan. Bumaba lang yung kasama namin!" Nagmaldita na ang nanay ko "O e ano ngayon kung bumaba sila! First come first serve to diba?" Wala na silang nagawa. hahahaha! Winner talaga ang nanay ko. Ayan magkaka-hiwalay tuloy sila. So much for this... the show must go on.





Wala ba kayong mga kamay?!?! Ang hirap kuhanan nito a. promise!

Ok na sana e. Kaya lang labas ng labas tong 3 asungot. hahaha!

Para ka lang nanonood ng live equalizer
I love rainbow colors!

Ang pogita
Nag enjoy kami siyempre. Kulang pa bang patikim ang pictures na yan?!?! Salamat sa likod ng kapatid kong nagsilbing tripod. Dahil amaze na amaze ako skaka-picture, nakalimutan kong kunan ang family ko habang nagsh-show, good thing meron palang libreng fountain show sa luneta park. Kaya pala daming tao. Dun na lang kami ng picturan

 
Kevin, My mom, Me

Kuya and her gf, Maggie

Go! Punta na. Holiday offering lang yan. Wag palalampasin.

8 comments:

Kura said...

Oh and yeah... dahil nagkagulo ang tao, nakapasok ang nanay ko ng hindi binibigay ang ticket nya. hahaha! Madaya!

Unknown said...

Ang dami ng tao no?? Hindi lang ako sure kung kasing dami yan nung 25 pero sa dami eh hindi na kami nakalapit sa fountain sa Luneta, nagbalak pa kami balikan yun pagkatapos ng fountain show sana pero pagbalik namin parang dun na titira yung mga tao..grabe talaga...hahaha... Parang DV lang ang Luneta

Kura said...

Actually yan din ang iniisip ko nun e. Feeling ko hindi na sila uuwi. Gabi na, pero parang hindi pa rin sila nababawasan. Parami pa kamo ng parami.

chyng said...

Sulit for P99?
Unang round ng promo nyan P50 lang, so I told my ofcmates about it.. Come monday, di daw sulit kahit 50 na lang entrance! haha

Kura said...

Para sakin ok lang naman siya. First time ko din kasi makanood ng ganun. Inexpect ko mala-DUBAI fountain http://www.youtube.com/watch?v=jD69C0y6_J0 hindi pa pala keri. hihihi!

John Marx Velasco said...

Nnaghahanap ako ng comment button di ko makita, impart your wisdom pla. Hehehe. Ako nagenjoy din nung 1st time, worth it naman ang 99. Hehehe.
Thanks for the mention. :)

Kura said...

Hi marx! palitan ko nga yang Impart your Wisdom na yan. Dami ko kasing arte e no. hahaha! I owe it too you. thanks ulit sa pagpost nun. Naenjoy nman ng family ko. I'm not sure if you're familiar sa Dubai Fountain. Just want to share this link. Kinilabutan kasi ko nung napanood ko to.

http://www.youtube.com/watch?v=jD69C0y6_J0

Kura said...

Hi Melovesflying,

Done with it. Happy new Year! Thanks for dropping by