You might want to check out the first post on this series - Dahilayan ZipZone and Del Monte Club House
Our tour coordinator, itago natin sa pangalang Lynette, chose 1st Rafting Adventure to be our rafting guide. Well, as their name says, pioneer sila dito sa CDO. Yung ibang guide, nasa Philippine team talaga. I'm not sure if ours was one of them. Month before, I asked Lynette to confirm if Rafting Adventure have Extreme Course or kahit anong mas hihigit pa sa Advance. Gusto ko talaga yung tipong titilapon ang dambuhalang ako sa tubig ng walang ka-effort effort. Sabi niya yun na daw yun. Sagad na. Mind you, may Advance Course 2 and Extreme Course pa. Sabi nung new found friend namin, kung adrenalin rush ang gusto namin, we should have taken Extreme. Wala pang 20 minutes laglag kayong lahat. First rapid pa lang, helpless ka na. Hmp!
Nasabi ko na sa last post na nagbubulwakang kulay putik na tubig ang sumasabay samin pababa ng Bukidnon. So what do we expect, a Choco Water Rafting...
Briefing briefing...
Nagulatantang kami sa ichura ni kuya paglabas ng jeep. hahaha! Pa girl ang costume! =') |
Number one rule, Don't Panic. I tried my best promise. hahahh! You'll see. Dalawa lang ang direction ng pagpapaddle. Backward and forward. Simple lang. (That's what I thought)
High Five (ahoo! ahoo!) |
Ala-ala ng maputing kutis |
Let's go! (Hindi daw counted ang 1st rapid na to) |
Here we go! Splash sa nakakadiring tubig! |
Ewness. Wa efek. Hindi kami natinag.
Ilang beses kaming nagkakamali sa pag paddle. Pag sinabi ni kuyang Forward, may 2 nagbabackward sa tabi. Bingi kasi. hahaha! At dahil diyan, si madam ang naatasang mag bilang para sa amin. Tutal siya lang ang hindi pinagsagwan. Kami ang mga alipin niyang sagigilid.
Everyone: O Forward daw 1,2,3,4,5,6,7 ++
Madam: Gosh, sa haba ng ilog na to, hindi kaya mas mainam kung 1,2,1,2 lang ang bilang?
Everyone: (pahiya)
Everyone: (pahiya)
Madam: Sya! Ipagpatuloy... 1,2,1,2..
Eto na! |
we're all smiles. Still alive and kicking! |
Top from left to right: Me, Joevert, Martyn, Madam Neri Front from left to Right: Arthur, Mich (look how scared she was. hihihi!), jenison is busy taking pictures below the bridge |
Hindi na ko nagtataka kung bakit hindi kami napapataob, hello! ang lalaking bulas kaya. At dahil ilang beses kaming hindi natinag dahil sa patpating katawan ni kuya, pinatayo niya kami sa paligid ng boat chaka pinasagasa sa rapid. Ang saya saya!
that's Boots! este Martyn.. walang pagsidlan ng kasiyahan. |
Nanalo si kuya. Para kaming mga butanding na itinambog sa tubig. I'm so sorry madam. Akala ko kasi kahit anong mangyari wag bibitawan ang katabi. Nadala tuloy kita sa kailaliman.
Kitams? ako yun! hihihihi! Effort bumalik. Nakainom pa ko ng tubig. Kadiri talaga. |
Yung photographer namin na nasa kayak ilang beses din tumaob. hahaha! Ang kulit. Ang sarap picturan.
Minsan nawawala sila bigla. Yun pala nilamon na ng tubig. lol! Pag wala na kami sa rapids, kanta sila ng kanta. Splashing water to each other. Parang sa pelikula lang. ayiii! Napagtripan namin sila. Isang beses na pagtaob nila, habang nagsswim swim yung photographer pabalik ng kayak at pinipilit iakyat nung partner niya, I sang then everyone followed.. "♫ If ever you're in my arms again... this time I hold you forever.. ♫" Laugh trip.
"Mapalad tayo...Namnamin ang ipinagkaloob sa ating kapayapaan.. pose!" -madam |
"Hindi ako pinalaki ng nanay ko para ipagsagwan kayo ok?!" Taob! hahahah!
Nakakita na naman ng opportunity si kuya. Oh well...
Hahahha! Buhay pa rin.. Woot woot! konti pa mumurahin na kami nun e.. Sinisira namin ang track record niya dahil hindi kami napataob kahit isang beses. Actually I was a bit sad too. Sabi nga ni Chyng, mas masaya yung mga lunod moments. Ok lang yan kuya, I feel for you. hahaha!
Tayuman take two!
...once again, para kaming mga kalabaw na tumambog sa tubig |
"Don't Panic ha.." Sabay tingin siya sa ming mga nakalambitin sa lubid, "MAY BATOOO!" Now tell me, sino kaya ang hindi magpapanic nun. I saw it. Hindi lang siya basta bato. Kayang kayang lamugin ang katawan ko sa isang iglap. Martyn, Jobert and I was on the wrong side of the raft.. Sasakto kami. Madam was trying to save Jobert first. Half na ng body ni Jobert ang nasa raft. Ako at si Martyn ang nanganganib. I tried to position my body ng patihaya. Para masisipa ko yung bato at hindi ako ang maiipit. Good thing, pumihit yung raft. I was saved. Si Jobert, hindi. Sapul ang balakang niya. =(
May portion din na ineencourage kaming magswim swim habang wala pa ang rapids. No Reaction. I can't blame them, kasi maski ako ayoko din.
Then the moment came wherein we have to jump off from the big rock...
bombs away! |
Huli na ng nalaman kong hindi nila ako napicturan. Leche! Matapos akong maanod sa rapids at saklolohan ng kayak, tapos hindi pala nacapture. hay! Promise.. lumutang ako at nakuha mga 5 meters away from the rock na. Ang hirap mag swim pabalik ha. Senyales na ng diet.
After 4 hours natapos din kami. I would probably rate it 7 out of 10. Hindi kasi kami tumaob, kulang sa saya. hihihi! I'd probably be back and try the Extreme Course..
Nag Zorb ako after ng rafting. It's my first time and I had sooo much fun. Kasama ko si madam. Sumakit daw ang ulo niya sa ingay ko. hahaha! Ngayon daw alam na niya pag manganganak na ko.
Up next na yan..
Sa mga nagtatanong ng MMK portion, sa Camiguin ako umiyak. hihihi! Stay tuned.
8 comments:
4 hours sa rumaragasang durrrrrrty water?.. hehe mukhang sobrang saya nga nyan.. si kuya pala ang dahilan ng pagtalembong.. kung kami yan, lulunurin ko yan.. hehe
dami ng spoiler ang MMK moment ah.. papalo sa ratings yan.. :P hahaha
wow, ang saya.. hehehe.. @kura sarap siguro nang nainum mong tubig, brownish ang kulay eh.. hehehe
Choco water rafting? hahaha! Nakakamiss ang Water Rafting, kaya lang gusto ko sunod2 na rapids - nakakabored minsan! Gusto ko din ng extreme kaya lang takot ung mga kasama ko, gusto pa nila non beginners lang. Hehehe! Sa Gensan parang may white water rafting pero mag isa ka lang, gusto ko itry un! Hehehe!
@jeff - hahaha! ay naku, kulang ata sa kanin si kuya. wala nga masyadong tao e. halos solo namin yung ilog. gusto ko talaga tumaob kami e. pero ayaw ata nung mga kasama ko. Durrty nga kase. hahaha!
@kuya bry - hahaha! kadiri. may naiwan pa ngang mga particles. pag ngumunguya ako nun may magaspang. lol!
@marx- ah yun ba yung nakasakay ka lang sa gulong? nanonood nga ko sa airport e. WOW Phils ad. hindi ko alam kung san.. so gensan pala. tara lets! hahaha! ano bang tawag dun?
White Water Tubing sa Saranggani! Tara pag may seat sale!!! Hahaha!
White Water Tubing ata yun! Tara next year, pag may piso fare! :)
tama! sige go ako dyan. medyo maikli lang yung oras nung water tubing. Nagresearch ako. 45 minutes lang yung pinaka matagal. Mura lang. Pero maraming pwedeng gawin sa Gen san. hindi ko nga akalain super ganda pala dun. Yung Zipline sa lake Sebu... gusto ko yun! =) Sana may balak si Chyng para sama ulit tayo.
hanuvayan! kala ko ZORB agad wala pang rafting. namiss ko pala to basahin. haha
told you this activity is awesome! nakakawala ng stress! hehe understatement yung word na "ansaya". this is really a must try.
yung zorb, yan nagsisi kami di namin nasubukan. looks fun pa naman. ginagawa palang kasi yun nung pumunta kami..
ok abangan ko ang MMK next entry!
Ikaw? Anong say mo?