Friday, March 25, 2011

CDO-Bukidnon-Camiguin Series: Zorb & Dinner at Inilog Grill

It's better to visit the prequel entries first:
    Choco Water Rafting (well.. in our case. hihihi!)


Recently ko lang nalaman na meron palang Zorb at the end of the rafting site. Right after our rafting, madam and I tried it. Everyone else were dead tired. 300 per person ang fee.

oh yes we are! Amazona to'

Solong solo namin.. walang ibang tao dun, kami lang hihihi! =)
 
Wala pa madam... Keri pa?
  
         
getting ready..

Effort ang pagpasok sa loob. Natawa pa ko sa ichura ni madam yun pala ako ang mas mahihirapan. hahaha! It's for you to find out.

We were strapped on the ball. Duda pa ko kung kakayanin. hahaha! Ang taba ko kasi. I failed to ask kung ok lang mag isa ka. But I don't think it would be this fun if ever mag isa ka nga. Wala na kayang mas sasaya pa pag nakikita mo ang reaksyon ng ka-buddy mo - scared, screaming, laughing all at the same time. The best.


I felt the lula factor first since madam was positioned near the floor and shempre I was on top. May delay pang konti kasi bumaba pa yung haharang sa ball pagbagsak sa baba. I was a bit scared pero lamang ang excitement. First time ko kasi. When kuya signaled the launch, sumapi si Sisa sa katauhan ko. I felt helpless, hindi ko naman siya pwedeng parahin at sabihing ayoko na. hahaha!  I felt the first bounce. Ang saya sayaaa!

here we go! wuhuuu!

 

Muka naman kaming nag enjoy sa pictures no? Nawala sa position si madam hahaha! We had so much fun. Ang magical singing voice ko nadiskaril after. Hahaha! I suggest may video sa loob ng bola. I'm sure alang sinabi ang lahat ng Bitoy's funniest entries.


PBA Talk n Text Players were there according to locals. I got excited when I saw their bus on the end of Rafting site. Solong solo namin sila if ever. Mind you, they only tried beginners course hahaha! Ang kulit. Sabi nung tindera, mga 2 hours pa daw bago sila dumating. While still waiting for them, nag-iimagine na ko ng mga pose ko with papi Jimmy Alapag. Ginutom kami. My friends ordered tuna. Uber sarap din. Noodles lang ako. Pulubi mode. Naawa sila at pinatikim ako ng tuna. hahaha!

Pupulmunyahin na kami. Basa kasi at sobrang pagod kaya hindi na namin sila naantay. Balik lungga. Sleep muna.

7:30pm na ko nagising. Kakain nga pala.

It's good to know we have a branch in CDO. Mich and Jenison went there since I asked them to get the CD  pix from Rafting Adventure which is just a few blocks away from the branch.. As technical people, we don't get to see them in person. I was never deployed. I guess that's the downside of remote access. hihihi! We are supporting 60+ branches all over the country and I really have a bad memory kaya kahit sabihin nila kung sino sila, it's useless. Buti na lang natatandaan nila kami. hahaha! They insisted that we should visit them too, kaya sumunod din kami sa Divisoria. (Yes you read it right.. may Divi sa CDO. )

They're very friendly. I felt like it was not the first time I met them. Sabik sila sa mga taga head office. Since taga dun na nga sila, they know everything we need to know. Sayang sana sila na lang ang kinontak ko before kami nagpunta sa CDO. Marami silang kakilala. At baka hindi pa kami gumastos dahil dun nila kami papatuluyin (hahah! ashumera lang) Dinala nila kami sa Inilog Grill. First time kong matuwa sa isang resto literally.

I thought it was just a typical place para sa mga tanggero... I was wrong. Nagulat ako when the waiter gave us the menu. Hagalpak kami sa kakatawa.

photo credit to JML

Ito ang gumulantang samin...


photo credit to JML


The menu is full of funny quotes kaya ang tagal tagal bago namin na realize na nag-aantay nga pala yung waiter ng order namin. I'd like to share some... I can't get over it hahahah!


- "BIRDS of the same FEATHERS are the SAME BIRDS."

- "Don't DO unto OTHERS what YOU CAN'T DO."

- "An APPLE a DAY is 365 apples a YEAR."

- "When the CAT is AWAY, the MOUSE is ALONE."

- "Early to BED and early to RISE makes YOU sleepy in the AFTERNOON."

- "Ang ILOG na TAHIMIK ay MALALIM, ang ILOG na MAINGAY... may
NAGLALABA. " (pak na pak! hahaha!)

- Ang TAWO nga dili mosubay sa MATARONG nga DALAN... "HUBOG". (feel free to comment.. ambot)


Want some more? Eto naman nagkalat na sa buong resto. Sobrang aliw na aliw kami. Kasi maya maya may tumatawa na lang bigla sa kasama ko kasi may nakitang funny quote.


"If you DON'T LIKE our Standards of COOKING, LOWER your STANDARDS."


"If you think No one cares about you, try missing a couple of PAYMENTS."


"If your ORDER is not SERVED In 15 minutes, JUST WAIT LONGER." (lol)

"I don't have a DRINKING PROBLEM, I Drink, I get DRUNK, I FALL DOWN... NO PROBLEM."


"IF YOU LIKE INILOG GRILL, tell SOMEONE, if you DON'T, TELL US!"

"If you like HOME-COOKED meals, GO HOME!"

Sayang hindi ko nakita yung mga signs sa Rest room nila. I just googled it and found this one..

"Pssst! Don't PUMP!
Just STEP on the KNOB near your FEET and WATER will FLOW.
(Di ba... walang ganyan sa STATES?")

Korek! hahhaa! I highly recommend that you visit this place. Wala naman sigurong tricycle driver na hindi nakaka-alam nun. Para san pa't naging "City of Golden Friendship" ang lugar nila. Near Divisoria lang.



DRUNKEN ADVICE :
He who drinks, get drunk.
He who gets drunk, fall asleep.
He who falls asleep does not sin.
He who does not sin goes to heaven.
So lets all drink and go to heaven.

Specialty nila ang Bulalo. Simot sarap hanggang bone marrow. Ang tibay ni Arthur. Kaya pala ang sama na ng tingin ng mga aso sa labas. Yung sisig, ayoko. Ichura pa lang sumasakit na batok ko. Masarap din yung Pakbet at Calamares. Sulit. Hindi na ako umiinom e. Sayang. Hindi ko kinaya si Madam Neri. Ginagawang tubig ang San Mig. Certified sunog-baga. Ikaw na!

(FYI. Isa si madam sa nag BI sakin para uminon when she was still my officemate sa Canon) Beware! hahaha!

Rice all you can pala sa kanila. Hindi kasi namin alam yung "All you CAN-ON".

Basta never miss this place when you're there. Sulit na sulit.

This is our last night in CDO. Camiguin is up next....





6 comments:

pusangkalye said...

curious talaga ako dyan sa Zorb na yan pero atokong i-try---panu kung super laway-in ang taong pumasok bago ikaw? hahaha.anung smell sa loob?lol

lebelier said...

Ang ILOG na TAHIMIK ay MALALIM, ang ILOG na MAINGAY... ay
NAGLALABA si Madam!?!

Kura said...

@anton - hahah! Ewneezz.. mukang kami ang una nung araw na yun. malinis ang bola, amoy cellophane, pero since galing kami sa choco-colored rafting, kami ang salarin ng karumihan. ok naman siya. Challenge ang pagpasok at paglabas sa bola. You'll see when you try it.. Namatay na ang curiosity ko. i love it! thanks sa pag visit!

@lebelier - naman! hahaha! May pangyayari nung nag dinner kami sa Paras e. iPost ko yun sa camiguin Entry ko. And yes, may laba portion talaga si madam. you got it! hahaha! salamat!

John Marx Velasco said...

Hahaha! Adik ung mga quotes! Na-try nyo ang butcher's? Masarap dun mura pa! Hehehe!

Pinay Travel Junkie said...

Laftrip ang quotes! I wanna try the Zorb too!

Kura said...

@marx - hindi na namin napuntahan yung Butcher's. Sayang. Next time pagbalik ko na lang. Gusto ko tlaga ma try yung Extreme.

@Pinay Travel Junkie - You'll enjoy it super. Magsama ka ng matatakutin sa loob. Hahhah! Mas masaya yun. Thanks for dropping by.