Iloilo is just an hour and 15 minutes away from Bacolod. During our stay, I noticed Ocean Jet Promo's "Libreng Balik" which is worth 350.00 including the terminal fees. I immediately bought two even if it means we need to stay a little longer at the terminal. Kaka-alis lang kasi. Hindi ko alam kung isisisi ko ba sa batchoy ang pagkaka-late namin. Anyway, when we left Bacolod, hassle-free na pabalik. We just showed our ticket at the counter for our seat assignment.
What I love about the ride? rarayumahin ako sa lakas ng aircon. But wait there's more.. showing ang Alvin and the Chipmunks. hhihihi! Na-miss ko ang mga kapatid ni Mahal. Enjoy na enjoy ako talaga. We arrived in Iloilo 9:15am sharp. I was surprised to hear a lot of van drivers shouting "Boracay po! Boracay!" Dumb-founded. "San ba kami napadpad?" hahaha! It was so tempting. Iloilo is approximately 6 hours away lang pala from Boracay. Pwedeeeeeh! Pag naubusan ako ng seat sale, alternate route pala to. Ayos! Pero Guimaras nga kami pupunta kaya yun... dinedma kami ng mga linsyak. Sakay lang kami ng padyak and paid 40.00 (yata?) going to Ortiz Port. 15.00 lang ang outrigger boat ride papuntang Guimaras. Hindi pa umiinit ang pwet ko sa bangka, nandun na kami.
I met Kuya JunJun (09212365281) while on board. Muka naman siyang mabait. He asked me kung may driver na daw kami pagdating ko dun. Sabi ko si kuya Gerald sana who were referred by Marx and Carla. Unfortunately, he's not answering my text nor calls so in short... wala. Sabi niya siya na lang daw.. E di sha na! hihihih!
First stop, Balaan Bukid Shrine
Nung nasa bangka pa lang kami, he already pointed out kung san san yung mga nakasulat sa itinerary ko. Unahin na daw namin ang Cross na nakikita namin sa mga oras na yun. Parang gusto kong umatras nung nakita kong tuktok ng bundok ang tinutumbok ng pointing finger niya. Sasakit ang ball joints ko. hahah!
that's kuya JunJun leading the way (uso ang buntot hairstyle sa kanila promise) |
Hindi ko alam kung ipapapatay ba ang mga walang buntot. Hahah! 3 ata ang nakita kong pakalat kalat. Anyway, binagtas (binagtas talaga?) namin ang matuwid na daan sa ilalim ng tirik na tirik na araw. My mom almost fainted. She may look so young physically but no. Masakit na ang tuhod niya kaya para kaming nagpepenetensiya. I was always looking at my back checking if she's still there struggling. Nakarating naman kami ng safe and was rewarded but panoramic view of the whole Iloilo.
Amen! |
Along the way, we noticed the 14 stations of the cross. We even saw a few cross which were used for crucifixion during holy week season. Trulalu. May mga nagpapapako sa mga tao dun. It would be a great experience if I will be able to witness one in the future. I'd better be in front of madlang people para may sasalo sakin if ever himatayin man ako. (or better yet sa yummy boylets ayiiii! Hindi ko na gugustuhing magising. hahahah!)
Told you! I'm the queen of the world! ^_^ |
That's my mom (as if it's still necessary. Over exposed na siya dito no. hihihi!) |
Mass is held here every Sunday. Lingguhang penetensiya. Reklamo ako ng reklamo kasi nga humuhulas na ang make up ko when I suddenly noticed children na pinag-tutulong-tulungan ang 5 galong tubig na iuuwi sa bahay nila sa tuktok. Imagine araw araw nilang ginagawa yun. Tamad ko lang. hay! Shame on me. To top it all, they even greeted me with a smile saying "Hello po! Good morning sa inyo!" Awwww...
Municipal Hall
Reminds me of Nayon Pilipino's Tourist Jeep |
Museo de Guimaras
Unfortunately, it was lunch time hence we are not allowed to get in. Kung aantayin namin silang matapos, tirik na ang mata namin kaya gora na lang kami sa next! Isa pa, sa 3 blogs na nabasa ko, wala ni isa mang nakapasok. Hindi ko alam kung props ba ang nakapaskil na "Lunch time". Tseh! (bitter-bitteran)
mas mukha siyang museleo kesa museo :/ |
Lunch at Seafood grill sa Payaw
Kuya handed down the menu...
Me: Kuya gusto ko ng Sizzling sisig, Tempura, Pakbet, buko shake and halo halo for my mom
Kuya: Ah naku ma'am... pasensiya na po. Wala po kaming sisig, tempura at pakbet ngayon e. Kaunti lang po kasi ang pumupunta dito kaya piling putahe lang
Me: Sige yung halo halo na lang muna at buko shake at uhaw na kami kuya.
Kuya: Naku mam, mapapanisan kami ng sahog pag naggawa kami ng halo halo. Yung buko naman, wala rin po kami.
Me(mainit na ulo): Ah sige kuya ano na lang ang meron kayo. Isa isahin mo sakin now na at nanginginig na tuhod ko sa gutom..
Kuya(kamot ulot): 15 to 20 minutes po ang paghihintay ha.
Hindi ko alam kung nananadya ba si kuya o type lang ako. :$ hahahah! Charot! Wala naman akong choice. May libre silang videoke at noticeable ang mga gazebo. At first I don't like it there kasi walang electric fan but I was mesmerized by the music the bamboo brings. It's very refreshing to my ears. Check this out..
After 15 minutes indeed, food was served.
Gambas for 145.00, Calamares for 120.00 and Chopsuey for 125.00 |
This I tell you.. the long wait was worth it. Kahit pinainit ni kuya ang ulo ko, I must say masarap naman silang magluto.
Next stop, Trappist Monastery
Stained glasses were all over the place |
We met one of the monks there. As always, I was getting used to "Are-you-sure-she's-your-mom?" thing. Hindi ko alam kung dapat ba kong mainsulto. hmp! Everyone thought we're sisters. It's like music to my mom's ears. hehehe! Hindi na ko nagtaka sa sinabi ni father. I just put a little prayer on small paper and inserted a small amount. Donations will go to medicines of the monks and other NGOs they are currently supporting. (at ang galing ni father. alam niya ang iwiwish ko ^_^ Apir!)
my ever cool mom, father ? (memory gap ako) and yours truly |
May pasalubong center din sila. We bought tons of mango products na kala mo ito na ang huling araw ng manga sa lupa. Sandamakmak talaga. hahaha! Daig pa namin ang magbubukas ng suking tindahan. Favorite ko ang Mango bars. Don't miss it when you visit the place.
Sadsad Falls
I never bothered to ask why it was called such dahil briefing pa lang, I know na. Sasadsad ka nga talaga. My mom chose to stay on the tricycle para bantayan ang paninda... este pasalubong. Pagod na rin siya kakalakad kanina kaya dun na lang daw siya. Walang signal sa drop off point pa lang kaya sabi ko magbitbit siya ng pat-pat at baka may gumagala-galang aso o kahit anong hayop. Sinunod naman niya. Mabait na bata. hihihi!
mawawasak daw ang tricycle ni kuya kaya hanggang dito na lang... |
"Ah! Kuya! nandito ako o... baka gusto mo kong alalayan!" |
pagmasdan kung pano ako naiwan.. >.<
♫Ako'y natisod, natampilok, umikot, natampilok.. ♫ hahah! Joke. Hay naku! ang sakit sakit sa paa. Matulis pa sa baba ni Ai Ai ang mga bato. You have to be careful. Free your arms. Ako kasi may baon pang pagkain. hahah! Pagkain sa kaliwa, payong and camera sa kanan. Ang hirap ha! I would not recommend this to elders and kids. Makipot. Pag nag convoy kayo at may nahulog na isa, domino effect. Baka magka-basagan ng mukha. Kayo ren..
Eto siya...
Sadsad Falls |
Hindi nyo na itatanong kung bakit ganyan ang name ha. May naliligo sa taas bago pa ibagsak ang tubig. Kaya ganyan ang kulay niya. ahahhaha! Meron talaga promise. Napagkaitan ata ng tubig sa kanila at nagmistulang libag na pag bagsak. lol! Biro lang. hihihi!
Big drop |
Wala namang naliligo sa baba. Feeling ko aahasin kami dun. Hindi advisable kasi medyo napabayaan na. Hapong-hapo ako talaga paakyat. Para akong taong grasa. Kulang na lang humiga sa lupa sa sobrang kapaguran. Moving on...
Valle Verde Resort
Mahina na ang tuhod ko. At lalo akong nanlumo sa nakita kong karatula...
o_O No thanks! :P |
Pano kanyo? Ayun inutusan ko si kuya. hahaha! Bad ko no? Sabi ko kahit sa picture na lang. Mahal ko pa buhay ko. Kung hindi ko siguro pinuntahan yung Sadsad malamang nakarating ako dito. May pool din naman. Lalayo pa ba ako? hihihi!
Guisi Beach and Lighthouse
Aside from the beaches, mukang ito na ang pinaka-popular na landmark ng Guimaras. Siyempre hindi ko rin siya pinalagpas. My mom, as usual, nag bantay ulit ng gamit. Actually, I had the feeling that this was a solo trip somehow. There were a lot of places we've been na hanggang bungad lang siya dala ng katandaan. hahahah! (Dadagukan na ko ng nanay ko nito. lol!)
115 years old Guisi Lighthouse (and counting..) |
Congratulate yourself kung naka-akyat baba ka sa kanya! Achievement yan! |
May naunang group kesa sakin. E "Climb at your own risk" daw. E risky nga ako pano ba yan. hahah! Nakita ako may chubilog pa kesa sakin na nakarating sa taas e, ako pa ba ang aatras? Gora!
View at the top (ayoko ng antayin ang sunset) |
Guisi Beach (lecheng baron antenna yan!) |
Guisi Beach up close |
parang toes ng higante |
Villa Igang
We stayed here due to nice comments I've read on other blogs. I'll post more of it on my next entry. For now, we just waited for the precious sunset moments.
find the cat! (yang mga pausong find the cat na yan sa FB ha! sumasakit ang buliga ko.) |
Eto ang panalo...
♫I love, I love, I love my calender girl♫ |
We called it a day! |
I love the rock formations on Villa Igang. By the way, Igang means rock according to our boatman whom you will meet on the next entry. Sea side tour up next!
For Guimaras Island tour, please contact Kuya Jun Jun - 09212365281. For this whole day inland trip we were charged P1000.00.
Hanggang sa muli! Paalam! Merry Christmas everyone!