Sunday, November 4, 2012

My first wake boarding experience

Sawa na ko magmistulang paniki sa kakabiyabit sa mga kable. Sawa na rin ako magpanggap na butanding kahit hindi naman ako marunong lumangoy. At higit sa lahat, nagsasawa na rin akong iwasiwas sa ere na parang ornaments ng Christmas Tree. 

E bakit hindi nalang silang lahat all at once. hahah! (Kung maka emote parang ayaw ng gawin e no. hahah!) Wake boarding perhaps.. well... knee boarding to be exact. Sige ipagpatuloy ang paglapastangan at pag-torture sa sarili. hihihi! I had my first in Camsur Watersports Complex (also known as CWC pero sa iba C-DAB. Narinig ko yan nung mag nagbayad sa jeep papuntang airport. "Manong C-DAB po!") Tama nga naman... Ang daming syllables ng C-W-C ha! Lima din yun, e kung C-Dab dalawa lang. May point. Pero anong point ng kwentong yun sa kwento ko? Ala.. gusto ko lang humaba bakit ba. 

Nagutom kami sa haba ng biyahe from Caramoan to Naga City. Sobrang alon pa nung umagang yun. May echoserang bullfrog pa na isa ata sa mga pahinante ng bangka... aba mantakin mong hinugot niya ang nakasiksik na life vest sa bandang unahan sa kasagsagan ng naglalakihang alon. Sino bang hindi magpapanic nun?!?! Dyusmiyo! Kukuha na sana kami ng kanya kanyang life vest ng makita naming hinigaan niya ito para lang gawing unan. Ayos sa trip si manong. Ang sarap aspaltohin. Hay!

Pero di pa natapos dun... Idagdag pa ang mainit na van na nasakyan namin from Sabang to Town Proper. Langis kung langis ang face ko. Pwede ng magtayo ng factory ng shell, petron at caltex. Naku Stress Drilon ha! Umaariba ka.

Shet ang haba ng intro ko. So eto na nga... gutom na gutom kami pagdating. Pero dahil naguumapaw ang excitement namin at kahit umangot na kami kaka-antay ng food, keri boom boom lang.





Yummy Laing Pizza (Bicolano Special)
Sa tagal ng mga pangyayaring ito sa buhay ko e hindi ko na matandaan ang presyo nilang lahat. Forgive me. Pero I highly recommend that pizza. Superb.

Ceasar Salad

Spaghetti Carbonara (fail ang presentation. Walang bing-bing-bing-bing!)
Marx was right. Kahit mukang walang sustansiyang idudulot ang itsura ng Carbonara nila, masarap siya in fairness. lol!


Lasagna (Walang binatbat. Winner pa rin ang Carbonara)

Fetuccini Pesto (Surprisingly, I didn't like it. Ako na napakahilig sa pesto)

At the time we were there, they have stopped the operation on Beginners Area. May nasira daw chenes. So we lined up with the pros. Yipiii! Dun man lang maramdaman kong pro ako. chos!

Briefing Briefing...


Kuya: Sige mam yuko..
Freda: (nagkakanda-kuba na) Ganito kuya?
Kuya: Yan mam tama yan. Papasok ka sa mga bilog ha. Makikita mo naman yun. Bawat corner ng lake na to may mga puting bilog. 
Freda: ???
Kuya: Usually pakanan yun... Pag kakanan ka mam,  hilahin mo tong tali sa kaliwa para kumanan yung board.. tapos pag kakaliwa ka naman, sa kanan naman ang hila mo.

Freda: ??? (ayun tumayo na lang. hahah! Bahala na si batman)
(Ang daming sinabi... nakaka-panic ang pinagsasasabi ni kuya. Sa mga ganyang pagkakataon hindi ko na malalaman ang kaliwa at kanan no!)



Nung ako na ang nakasalang, I just asked the operator kung pano.. isa lang ang sinabi niya. One liner pero sakto.

Kuya Operator: Basta mam.. kung nasan ang katawan mo, dun ang punta ng board

Ganung kasimple. Yun ang dapat itinuro nyo kay Kuya Brief. Palit na lang kayo. Now na!

Nerbyosa ako. Pero mas ninenerbyos ako sa sablay moments. Sa lahat ng nauna sakin walang sumemplang. Hay Pressure Lara Quigaman...:-/ Wala akong tigil sa kakatanong kung pano bang gagawin. Words of encouragement ng boss namin... "Just hang on.. hang on to your life! Woooohooo!"



Ay.. may pag eemote na nagaganap?
Natuwa ako kasi buhay na buhay ang board ko. hihihi! Everyone cheered for me. I can feel the tension pulling may kaawa-awang arms. You know why they advised us to get inside the white floaters? E kung maka-hila naman kasi ang dyaskeng cable parang wala ng bukas. Daig ko pa ang kalabaw. Pag hindi ka nakapasok dun, malakas ang pwersa ng kadiliman. Pero sa totoo lang I enjoyed the ride. Aliw na aliw ako talaga. 

Dahil nasa pro area nga kami, shempre maraming obstacles. On my last turn, natakot akong bumangga sa isa sa mga yun at siguradong dadaigin ko ang tahi ni Chuckie sa mukha. Kaya minabuti kong bumitaw. Ayun kaladkad galore. hahaha! But wait there's more.... (pabulong) Nahubuan ako. hahahaha! Napraning tuloy ako. Hindi ko alam kung nahubuan lang ba ako dahil sa pagkaka-kaladkad ko o sa simulat simula pa lang bumaba na ang short ko. I shared my story sa friend ko na kakatapos lang. Good thing at pareho pala kami. hahaha! Kaya make sure your short can spare you from embarrassment when you try this one.

I tried it again. Hihihi! At sinigurado kong mahigpit ang tali ng short ko. Pero sa kasamaang palad, tumagal lang ako ng 0.549ms sa pangalawang beses. hahaha! Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Naramdaman ko na lang nalulunod na ko. lol! I had a cut on my left pinky. May something sa pagkaka-hila nila e. Ramdam ko yun (lumulusot) Hindi ko kinaya ang kahihiyan kaya ayoko na. hahahaha! I'm a bad loser I know.

We also availed of the free 1 hour use of the pool. Libre siya sa mga nag wake board. 100 sa mga hindi. Picturan time...

Parang mga tuod lang. hahah!

Ang panget pala pag fail ang jump shot no?

wagi!
After our tiring jump shot, we jumped in to the pool. yipiii! We were looking for huge floaters na nakikita ko lang lagi sa Sports Unlimited. Yung tinatalon talunan ng anak ni Diane Castilejo. Kaso sa kabila daw yun. Kailangan pa mag shuttle. Lago del Ray kung hindi ako nagkakamali. Hay naku pagod na ko umalis ng pool. Bakit kasi hindi na lang sa Cable area yun nilagay. hahah!

I'd like to share our epic underwater shots.. pampatanggal stress. lol!


Puro nostrils. hahah!

Noo ba kamo?

Eto classic. hahah!

Almost perfect
Hihikain ako sa pinag-gagagawa namin.

We planned to availed the free shuttle ride to SM City Naga. The last trip is supposedly 6:30pm. But Sir Jim, a true blood bicolano, convinced the Information Desk staff that we're 13 in a group and we'll have a hard time to hire a private van just to take us to SM. They were kind enough to offer a special trip for all of us and will leave at exactly 7pm. Petix lang kami kaka-picture until we saw Sir Jim coming for us. Scary. Nagkakanda-kumarat kami paalis ng pool. hahah! 

I heard the announcement that the shuttle just arrrived and will leave in about 5 mins. We hurriedly picked everything in our table. And I mean everything. Kahit kaninong pinag-bihisan pa yan basta pinulot nila at ihinagis sa bus. I just pulled random clothes from my bag and went to the bathroom immediately. Huli na ng nalaman kong, naisuot ko na ang mga yun. Hahah! Fail talaga. Wala ng time. I thought of just covering my self with sarong. Kaso naalala kong maglalakad kami from SM to Golden Leaf Hotel. Baka hikain ang mga sira-ulo sa daan kaka-sipol ng ♫whoot-wheew♫! Nakaka-habag kaya yun. hahaha! First time ko nagbihis ng ganung kabilis. Pagdating ko sa bus, ako na lang hinihintay. Hindi ko alam kung anong bihis ang ginawa ng mga kasama ko.

Eksena sa bus..

Me: hala yung bag ko!
Officemate 1: Eto o.
Me: Yung sapatos ko?
Officemate 2: Nadala ko na. Eto!
Me: Yung plastic na blue? Damit ko yun e
Officemate 3: Eto nabit-bit ko.

Tama nga ang nanay ko. Kalevel ko ang ahas sa pagkaburara. hahaha!

CWC Daily Rates:
165.00 per hour
460.00 half day
750.00 whole day

+ 500.00 deposit refundable after the ride. Just in case pag-interesan mo daw i-uwi ang helmet at vest bilang souvenir. hihi!