Tuesday, April 24, 2012

Splash at Last: Water Tubing in Saranggani

Pagkatapos naming lulain ang mga sarili namin sa zipline adventures in Balakayo, we headed to Amigotel to take our lunch and change for Water Tubing in Saranggani. We left the hotel mga after lunch na. Maitum, Saranggani is 2 hours ride from Gensan. Pero pag nasakyan mo yung sinakyan namin, aabutin ng isang araw. (Char! Ang OA lang.) hihihi! Mga almost 3 hours.

Nagkanda-untog na ko sa salamin ng van sa tagal. Marami kang angry birds na makakasabay so better plug in those earphones. hihihih! Nakarating naman kami. Around past 3pm na yun. I don't know if there are jeepney routes going there from Gensan. Hassle kasi yung akyat baba ng pasahero sa van. At kung ipagsiksikan ang tao parang wala ng bukas. Maximize kung maximize. Imagine apat ang pasahero sa harap. Kulang na lang mag-kandungan sila.

We decided to take the last trip back to Gensan. We crossed the street from the drop off point and ask the drivers on the terminal. I was shocked to find out that the last van will go in 30 minutes. Buti kung pwede ng tumalon agad sa tulay at magpaanod sa ilog para lang masabi na nakapag-water tubing kami.. Kaso hindi. 45 minutes pa, via tricycle or habal habal, yung papuntang New La Union. Dun yung start ng rapids. Panic mode kami. Sa tagal ng binyahe namin na yun tapos ganun lang ang sasabihin nila?!?! Paksiyet. Lugmok na lugmok si Marx. hahaha! Hindi halos makausap. Daig pa na-engkanto. lol! Sabi ko ok lang. Next time na lang. Ayun. Sumakay na kami at ibinaon na sa limot ang naudlot na pangarap...


Ang bigat ng paa namin pagbalik sa hotel. Nagtataka pa kami kung bakit ba wala man lang bukas na Restaurant ng Tuna nung gabing yun. Pampalubag loob sana kung makakasakmal kami ng tuna. Kaso mailap ang kapalaran Ate Charo. Sabi ni Marx, skip na lang namin yung Home stay sa mga T'boli. So before we left Gensan on the last day, we found ourselves heading to Saranggani once again. 2nd attempt was a breeze. Sacrificing a very good sleep was worth it. We woke up at 4am and took the first trip to Saranggani. Splash! 

Isinusumpa ko na ang habal habal so we opted to ride a tricycle going to New La Union. Watch out coz it's raining marbles every where. hahah! Ang ingay ng kaha ni manong.

Mapapa-Super Saiyan ako pag hinabal habal namin ang daang to..
We were the first guests. Naman! Sa sobrang aga naman ewan ko na lang kung may mauna pa no. Nauna pa nga kami sa mga manok dun e.




Actually wala kaming dinatnan. hahaha! Pupungas pungas pa ang mga guides nung papalapit sila. Kung sisipating mabuti malamang ay may headlines pa nga ang mga ito galing sa pagkakatulog.

O diba may kandong shot din si kuya.. lol! 5 kami sa habal habal na yan impeyrnes

Korek! Lima nga. Kung itatanong nyo ba kung may nahulog, aba shempre meron. hahaha! Hindi ko makakalimutan ang eksenang yun:

Marx: Kuya saglit lang daw!
Kuya: (dedma lang. Andar pa rin siya)
Marx: Teka lang daw kuya! NAHULOG SIYA E!! 

Pag lingon ko sa likod, tumatakbo na siya at humahabol samin. hihihi! Nagkakanda-hika na kami kakatawa... Anyway, lahat naman ganun reaksyon, baka kung ano pang mangyari pag pinigil ko no.

Yung lalaking naka-orange, siya ang nahulog kanina. Ok naman siya.. Guide pa nga ni Marx e. ^_^
While I was writing this entry, my mom came up to me and said..

Mama: Nak hindi ko ata nakita yang picture nyo na yan..
Me: Ang alin? Yung nakasakay sa gulong?
Mama: Hindi... Yan o! Yung may hawak kang arinola.

Winner talaga tong nanay ko kahit kelan. hahah! At sang banda ko naman kaya gagamitin ang arinola dun? Gagawing tabo sa ilog?!?! lol!


Let's go...

Kailangan talaga nakataas ang Habayabas?!

There were only few guidelines. You need not be a swimmer kaya ok lang sakin ang mga ganito. Excited nga ako diba nga. Wag ka lang bibitiw sa handle ng gulong. Pag may hadlang na bato, sipain mo lang daw (pero nung ginawa ko to muntik na kong tumaob. fail. ^_^ Sabi ni kuya wag ko na daw uulitin. hahaha!) Pag nahulog ka naman.. uhm.. pray ka na lang...

mukha ba kong nag eenjoy? hahaha!
There were times that we would stop to give way to Marx and his guide... para may pagtatawanan kami pag tumaob. hahaha! Peace... in fairness naman kay Marx, mantakin mong nakasuot ang salamin niya habang nag tutubing. Winner! I should have wore goggles. Seryoso. Feeling ko mas ok pag may ganun kasi hindi ko pa napupunasan ang mukha ko, may rapids ulit, hindi naman pwedeng bumitaw sa gulong. Nakapikit lang tuloy ako lagi. :( Walang tumaob samin. hihihi! Sayang. Mas ok daw talaga pag malakas ang ulan.

Aside from Water Rafting, Zorbing, Ziplining, Plunging (o kung ano man ang tawag dun, basta yung sumakay sa The Plunge ng Bohol. hihih!), isa to sa mga ikaka-proud ko rin. I had so much fun and I highly recommend it specially if you're in groups.


Natawa ako sa gif animator. hahaha! Para lang akong nilamon ng tubig. Biglang naglaho. I'm fine really. Ayoko lang ng close up na pic. lol! Ang chubby lang.

Sa minsang payapang ilog, chinika ko yung guide ko..
Me: Kuya, nag try ka na ng Water Rafting, ang ganda din nun e. (yabang pa e)
Kuya: Ah, sa Cagayan? Ang boring nga nun mam e. 
Me: (speechless)
Kuya: Nung pumunta kami dun, itong mga gulong ang dala namin e. Mas masaya yun. 
Me: (Another speechless moment. hahahaha!)

Grabe! Gusto kong ipa-define kung ano ang exciting sa kanya. At gusto ko rin itanong kung sawa na ba sila sa buhay nila. Ang lalakas ng trip. hihihi!




Sayang nga at 25 minutes lang to. Wala sa kalingkingan ng binyahe namin. hihihi! But all in all, I have no regrets for choosing this one over Home stay with T'boli. Chaka ko na pag-aaralan ang mapang-akit nilang sayaw. hihihi!


How to get there: (copy paste ko na lang yung kay Marx. Tamad ako e. hihihi!)
From Amigotel, we rode a tricycle to get to Ablog terminal, fare is PHP 10.00 each. From the terminal, there are vans available that goes to Maitum, Sarangani. The first van leaves at 6:00 AM but it leaves early when it gets full. New La Union is gateway to Pangi River, where the White Water Tubing takes place. The ride is about 1.6 kilometeres from the t which lasts for about half an hour. The activity costs PHP 150.00 including usage of life vest and tubing and guide fee.

12 comments:

anney said...

Exciting namn ang mga adventures mo! Kakatawa namna talaga si mama mo! hehehe! Mukha nga namn kasi talagang arinola e hihi!

eMPi said...

ang saya saya naman!

blissfulguro said...

eh pano pa maricar kung sa encanted kingdom mo dinala si kuya, eh di baka nakatulog ng bongga yun..hihi

OLAN | The Travel Teller said...

favoriet ko din ang place nato. dito ko unang na try mag water tubing. :)

Hoobert the Awesome said...

Iba talaga ang Mom mo Ate. Lagi kang basag. Lol. :)

Drew said...

Tagal ko nang gusto mag water tubing buti ka pa nagawa mo ito hehe! Pero tama nanay, mukha ngang arinola yung hawak mo sa picture hahaha!

soloflightEd said...

lol nabored sa whitewater rafting. hahaha. saya tignan ng tubing. gusto ko rin magkayaking ng ganitong tubig next time!

Mitch said...

Anu kaba, ang arenola ang nagligtas sayo sa tiyak na kapahamakan. charot! hehe kulit niyon mag mother. grabe. Cute ni Marx sa second to last pic niyo. hehe.. totoy. Sana makasama ko sanyo next time. Pag may pera nako, hehe. Grabe ang adventure, ewan ko nalang sa guide mo, anu pa ang definition pa ng thrill sa knya. hehe

JeffZ said...

arinola talaga.. haha :P

parang may ganyang gulong pa ata ung tatang ko na ginagamit namin dati pag magsswimming sa running water.. hmmm.. lol :P

Kura said...

anney - Korek. Actually Im reating an entry for her this mothers day. Wacth out for that. hihihi! Dun ko siya titirahin. lol!

@emi - thanks

@carla - naman! baka sabihin ni kuya 'yun na yun?!?' hahah!

@olan - thanks for visiting my blog.

@enchong - kaya nga e. pay back time sa mother's day entry ko. lol!

@drew - may kalayuan nga lang pero sulit naman siya for me. Punta ka dun ng Tag ulan. Mas exciting yung nilalamon ng tubig

@ed - kayak sa wild river? grabe katulad mo rin sila. Magkakasundo kayo ng mga guides dun. Mga sawa na sa buhay. joke. Try mo ed, exciting. Pero I suggest punta ka dun ng rainy season.

@mitch - oo nga. sumama ka sa mga meet ups (kung maka aya parang always present e no? lol). Actually hindi pa rin ako nakakasama sa mga ganun. pero gusto ko in the future. para malaman ko yung other side ng mga bloggers. hindi puro seryosong usapan. Pag may nag-aya sakin. sama kita.

@jeffZ- kami din nga e. di pa uso ang makulay na salbabida nung araw. ganyan din gamit namin sa ilog at sapa sa province. hihihi!

Christian | Lakad Pilipinas said...

haha ba't nga ba may dala kang arinola? baka maihi sa sobrang excitement ba? :P

Kura said...

hahaha! adik hindi arinola yun. natatanggal kasi sa ulo ko kaya pina-ayos ko kay marx. pang kinder ata yung binigay ni ate sa kin e. ^_^