This was featured in Sports Unlimited and a show in QTV but the details of going there was not mentioned. So I'd like to take this chance to thank my friend Chyng for sharing her blog when she visited this majestic place. If it wasn't for her this wouldn't have happened. All the details, directions, contacts, fees, what to bring.. name it. It's all in there. Ikaw talaga ang daan friend. Love you!
My friend Rachelle.. her contract was about to end this April so we have to make the most out of it. A memorable trip is fine. We planned last tuesday afternoon lang. Martyn suggested Anilao but I heard the expenses per head at ayun bigla akong nabingi. So I showed them Chyng's blog. Sa sobrang ganda, hindi na kami nakapag-antay at this saturday na agad. Iba talaga ang biglaang lakad.
I texted Mang Wendel (0919-6084313). He was the president of 4x4 drivers association and also referred by Chyng. If you're group of five, estimated budget per person is 1500.00. (Kung hindi lang sana ako matakaw at maarteng bumili pa ng bagong shorts at bag, malamang nasunod yan)
Here's the plan. Magdadala ng sasakyan si Martyn at sabay sabay kaming pupunta. At 5am, pi-pick-upin kami ng 4x4 ni kuya Wendel sa Capas Junction then go na kami sa Spa Town to register and then go na sa trek. Walang nasunod dyan kahit isa. Nauna na si Martyn at yung 1 naming kasama sa Tarlac City friday pa lang ng gabi. Kaya kami ni Rachelle na lang ang susunod. We slept in the office friday night after watching "The backup plan" (sakto! parang nang-aasar lang coz we really took the back up plan). Pumunta kami sa Victory Pasay pra mahabol ang 3am bus kasi yung mga pa-Baguio, dadaan ng Capas. Next trip is 5am pa. Shocks! 5am ang usapan tapos 5am kami aalis??!?!? Hindi maaari. We ask for some bus kung dadaan ba sila ng Capas para chance passenger na lang kami. Isang masaklap na "Hindi po e.." ang sagot nya. So we decided to go to Cubao terminal at lalo akong nanghina ng makita kong andaming tao at 7am pa ang next trip to Baguio. Sinubukan namin mag chance passenger sa sa bus driver pero ayaw nya kami isakay. Dun na lang daw kami sa pa-Alaminos. Kaya lang puno na. Naka-2 taxi na kami at nanlulumo na agad ako dahil napapagastos kami hindi pa man nakaka-alis. Sabi ko last na talaga, babalik kami ng Pasay terminal para habulin ang 5am na biyahe. No choice e (parang naririnig ko si Ely Buendia sa background '♫ I'm sitting here.. waiting for the bus on the Saturday ♫'). I already texted Kuya Wendel na hindi kami aabot at dinramahan ko na iniwan kami ng mga kasama namin. hahaha! Pagdating namin dun, 6am na daw ang next. Naiiyak na ko Ate Charo.. Natatalo na ko ng nakapanlulumong stress. Nagtanong kami sa 1 mukang baguhang kahera sa ticket booth (na sarado kahit ga-milya na ang pila sa kabilang booth) kung ano pa ang ibang byaheng dadaan ng Capas Junction. Tinanong nya ang ngarag at masungit na babaeng sa nag-iisang bukas na booth. Sa Dagupan daw, 5:20 ang alis. Ok na rin. Nagbayad na kami. 159 each.
Habang nasa biyahe, Martyn texted. Sa Tarlac City na daw kami magkita kasi mas malapit daw dun, mga 35 minutes yun from Capas. So nagdagdag kami ng 27 pesos each. Nandun kami 8:45am. I texted kuya Wendel kung pano ang papunta sa Spa Town kasi nasa Tarlac City kami. Aba hindi nagreply. Tinawagan ko, nawindang ako ng marinig ko ang isang babae. Out of coverage area daw. Sh*^&! Ano to! Mukang nagtampururot si kuya dahil sobrang late na kami. Nagtanong na kami sa mga tricycle driver at muntik na ko himatayin ng malaman kong nasa Capas daw yun. Siguro dapat umaga pa lang binaligtad na namin ang damit namin. E daig pa namin ang naengkanto nyan e. Nagwawaldas kami ng pera dahil lang sa mga balikan na yan. May sasakyan ng dala si Martyn kaya bumalik na kami ng Capas. I tried calling kuya Wendell again. Buti na lang naka-usap ko na sya. Hindi naman sya galit. Galit na galit lang. Joke! Eto ang direction, when you see the Capas Municipal Hall, turn left. Another left turn if you see the cemetery then right when you see Iglesia ni Cristo. Dirediretso na yun. At nagdirediretso nga kami. Lagpas na naman. Kaya pala may military ng sumalubong samin at hinarang kami kasi pang 4x4 na yung path na pinuntahan namin. Hay buhay! pero mga 10meters lang naman ang layo nya sa Spa Town. May mga nakita na kaming 4x4 at mga kano. Ang dami nila.
Picture pa lang. Tempting na
Hindi kami maaga kaya kinunan ko na ang mga pwedeng kunan sa Spa town dahil aalis na kami
Maganda sha...
dahil sa landscapes..
at may unggoy... bow!
Time to go! Mali na nagdamit ako ng puti. Pero lalong maling mali pag nagdamit ako ng itim or dark color.
Before I went there, I really don't know kung san nga ba talaga ang Mt. Pinatubo. Kung ito ba ay sa Zambales, or Pampanga kaya, ay mali Tarlac ata. Tinanong ko sya sa tour guide naming si Mang Dong pero hindi na ko nasagot ng maayos. Malamang hindi nya rin alam exactly. Sabi nya Zambales daw pero si Lito Lapid daw ang nag simulang mag pa renovate. E diba Governor yun ng Pampanga? Whew! Ah ewan. Pero salamat kuya, na-entertain naman ako.
look at my hair before kami nagpunta dun... you'll see later kung bakit
This was shot around 11:30 am. Ano kaya ang gagawin ng isang tao sa ilalim ng tirik na tirik na araw at nakaupo pa sa disyerto sa mga oras na yun?!?!
Tuyot!
Nice slices of lahar
Photo courtesy of Martyn (nice one!)
I love it pag dumadaan ang 4x4 sa watery, slippery and bumpy surface. Naliligo ako ng tubig at lupa
lahar ulit.. (how many times do I have to say lahar in this blog) hahaha! I just don't know other term for it.
I love it pag dumadaan ang 4x4 sa watery, slippery and bumpy surface. Naliligo ako ng tubig at lupa
lahar ulit.. (how many times do I have to say lahar in this blog) hahaha! I just don't know other term for it.
Ok so much for the kapatagan... Now this is adventure! Bumaba si manong driver bago namin inakyat yan. Kala ko kailangan naming itulak pataas. Hindi naman daw, babawasan lang daw nya ang hangin ng gulong.. (ah.. oh.. ok! I have no idea why. hahaha!)
Don't miss to see this vid. You'll see that this trip is a good way to burn calories. Promise! Sabi ni Kuya Dong, may naaksidente daw habang binabagtas tong daan na to last week lang kasi nasagi ng tuhod nung 1 pasaherong nakasakay sa unahan yung kambyo. Kaya binantaan na namin ang kasama naming si Bern na nakasakay din sa unahan na talagang mapuputulan sya ng tuhod pag nangyari samin yun.
Land down under.. para lang kami nasa roller coaster
After the 4x4 ride, daig pa namin ang may foundation. Dust are everywhere. Martyn said "Well Maki, at least naranasan natin pumuti once in our life". You have a point there though. Kaya lang buti kung muka lang ang pumuti, e pati kilay, pilik mata, buhok, buhok sa ilong, buhok sa kili kile ang puputi.
Exhausted yet nakuha pa ring magpose
♫ Come on vamonos! Every body let's go! Come on let's get to do it! I know that we can do it! Back pack Back pack ♫.. Ola Amigo! (Hahaha! Dora?)
♫ Come on vamonos! Every body let's go! Come on let's get to do it! I know that we can do it! Back pack Back pack ♫.. Ola Amigo! (Hahaha! Dora?)
Hmm.. sabi ni tour guide, halos lahat daw ng nagpupunta dun lagpas sa 20 minutes. Let's try to beat the "Dying Age". Senior Citizen lang masaya na ko.
Pwede ng model ng Vaseline (Oo yung "before" you apply the product)
Grabe! Hindi ka naman masyadong masaya Martyn ano?
Whow! Parang Takeshi's Castle lang.. One wrong move and you're dead..
♫Where are we going (clap clap clap!) Biiiig mountain!! Where are we going (clap clap clap)... ♫
Whew! 8 minutes to go daw!
Grabe! Hindi ka naman masyadong masaya Martyn ano?
Whow! Parang Takeshi's Castle lang.. One wrong move and you're dead..
♫Where are we going (clap clap clap!) Biiiig mountain!! Where are we going (clap clap clap)... ♫
Whew! 8 minutes to go daw!
Exciting! A few steps away...
First glance.. It's really worth all the pain...
Woowaaweeewaaaw!!
This is it! Finally. Para akong maiiyak sa tuwa. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o dahil super ganda ng nakita ko. Pakiramdam ko may anak ako gumraduate na may honor. Ganung feeling! Whew!
First glance.. It's really worth all the pain...
Woowaaweeewaaaw!!
Hindi SLR ang cam ko kaya uulitin ko na lang ang nakasulat. "Crater Lake has undetermined depth. Swimming is not recommended" Now this is fun! Masarap ang bawal diba. Our tour guide said merong spot na after 2 meters sa pangpang, 50,000 feet na agad. Trying to scare us huh... we'll see.
At kailangan talaga nakalabas ang tiyan...
No matter how many times I clicked my camera on this view, it still as majestic as ever kaya hindi ako nagsasawa.
During the briefing, Kuya Dong told us nga na super lalim nya after a few meters lang from the shore. Pero hindi kami nagpapigil. Isa pa, nanlilimahid kami sa gabok kaya hindi na niya kami napigilan. May nakita kong tour guide na katatapos lang mag pack ng mga life vest. Apat Jackpot!. Sa assocoation daw nila yun. Nakiusap ako kung pwede ba namin gamitin yun kahit magrent kami ng tig P50.00 or P100.00 (tapat na po yun. hanggang dyan lang ang reasonable price para sakin). E parang naghoholdback sya sa kin.. mukang hindi ako malakas sa kanya. Hehehe! Nakita kami ni Kuya Dong kaya nilapitan nya yung guy. Magkakilala pala sila. Ayun pinahiram kami ng libre. Ang babait talaga nila. I love it!
Storm ikaw ba yan?!?!?! (epekto ng gabok sa ulo)
Agua, Bendita and Otep?
I stand 5 feet 6 1/2 inches tall. I'm just a few meters away pa lang, wala pa sigurong 2 meters yun and I could barely feel the ground. Lumayo pa ko ng konti then wala na sya finally. Oh yes it's deep. Napapansin ko din, pag tumatapak ako sa may sand sa tubig, nageerosion sya sa ilalim. Ang bilis nilang mahulog. Scary. Medyo malumot nga lang sa gilid kaya gusto namin dun sa may malayo. Mas ok dun, wala ang asungot na lumot. Siguro dahil hindi sya free flowing water kaya ganun.
You can rent a boat if you want. 350 per head pero sabi ko bukod sa may pagka-mahal ang presyo, hindi ko sya masyadong maeenjoy. Kasi walang personal touch sa nature.
Dahil sa sobrang madali namin, naiwan ang mga sandwiches sa kotse.. saya nito! puro chichirya ang lunch. Salamat sa nagiisang balot ng Gardenia.
Do I look scared? I'm trying to hide it... kasi may matanggal lang na isang piraso ng kawayan dyan sigurado hindi na ko makikilala pag bagsak ko sa crater.
Ang nagbabadyang langit... Parang nilukuban ng kampon ng kadiliman ang buong paligid kaya minabuti na namin umalis. Inaya na kami ng tour guide namin kasi a few months ago, may mga nadisgrasyang mga foreigner guest na pinilit daw bumaba kahit masama ang panahon. Unfortunately, naglandslide. Nakita ang bangkay nila pero yung iba nahati ang parts ng katawan. Ayokong mangyari yun kaya sinunod na namin si kuya Dong.
Ang nagbabadyang langit... Parang nilukuban ng kampon ng kadiliman ang buong paligid kaya minabuti na namin umalis. Inaya na kami ng tour guide namin kasi a few months ago, may mga nadisgrasyang mga foreigner guest na pinilit daw bumaba kahit masama ang panahon. Unfortunately, naglandslide. Nakita ang bangkay nila pero yung iba nahati ang parts ng katawan. Ayokong mangyari yun kaya sinunod na namin si kuya Dong.
See? ang dilim na. Inabutan na kami ng ambon habang pababa kami. Siguro dahil sa sobrang takot namin sa ulan, nagmadali na kami pababa, nagkaron kami ng goal - ang ma-reach ang "FETUS AGE" (still remember the sign sa baba?). Unfortunately, meron kaming nasundan na nasa bracket ata ng "DYING age". Haling na haling sa tubig. Kada may makitang basa, naglulublob pa. Background Music na lang ang kulang. Asar! umabot tuloy kami sa Senior Citizen.
I enjoyed this trip. Umakyat ako na halos hindi humihinga sa short ko.. nakababa ako na halos mahuhubuan na. Lumuwag sya promise. Hindi ko alam kung bakit. Sabi ko kay Martyn, "dapat pag nag-gain tayo ulit ng weight balik tayo dito." He said "Pag nag-gain ako ng weight, hindi ko na sasabihin sayo. Dahil ayoko na ng ganito!". Bwahahaha!!!