Sunday, April 11, 2010

88 Resort and Spa

It's a long weekend again and I guess it's the best time to go out of town...with my family. Unusual.. But I'd like to give it a try. This is an unplanned visit since I have College friends na may plano sanang mag-Caliraya in Lumban. Ang gagaling.. ang gagaling mag drowing. haahaha!

I've been to 88 resort mga 1 year ago na ata yun. Company outing. I decided to visit it again because of the following reasons, 1) malapit 2) sosy na place yet affordable 3) 80% of the guest are koreans.. Cool! Para kong nasa koreanovela pag nagchichikahan na sila. I know my family would enjoy. Alam kong reklamador sa gastos ang pamilya ko kaya I reserve immediately on Thursday morning para no retreat ang drama nila. Aja!

Calamba is my father's hometown kaya pinagbigyan namin syang dumaan sa kanila at dun na kami mag-lunch... chaka 1:00pm pa naman ang check in time. Though, you can stay there early in the morning even if you don't have your room yet. We arrived there around 2:30pm na.

Anyonghasseo!

Reception Area

I noticed may asin sa may pinto. Hahaha! I remember a scene in one of my fave korean drama. Pantaboy sa mga masamang espiritu


Believe me, walang nasunod dyan kahit isa. Nakapagpuslit kami ng chichirya, tinapay at noodles ng hindi nila nakikita. Kung alam ko lang na hindi na sila mahigpit, sana nagdala na kami ng kaldero ng kanin at ulam. Marami kaming nakitang korean nationals na hindi naka swim wear yet, hindi naman sila pina-alis sa pool.



April POOLS day!

No entry kaya hindi kami nakaligo dyan




About 41 degrees Celcius dyan sa may elepante.. 


Lap pool with 24 degrees celcius temp. Eto lang ata ang na-appreciate namin na init.

46 degree celcius. Mababalatan kami ng buhay dito kaya kahit ang mga korean na mahilig sa maiinit hindi nag attempt dito

42 degrees Jacuzzi pool. Tamang tama lang sa mga may rayuma kaya puro thunder lang ang nag enjoy dito. I remember the first time I went to this place, may apageum (lolo) na may hawak na egi (baby), apo nya siguro mga 6 mos old, kala mo nagtatampisaw lang sa batis. Kasi enjoy na enjoy sila. Kaya nakigaya kami, ayun, para kaming manok na naghulasan sa tubig nung naramdaman namin yung init. hindi ako nag enjoy kasi sumakit ang ulo ko. Nasobrahan.

Eto ang favorite namin. About 4.5 feet infinity pool with 32 degrees Celcius lang. Mainit pa rin. Dito kasi yung pinakamagandang view. Over looking ang lake sa likod at dito din ang pinakamalapit sa room namin. Most of our underwater shot was taken here. Dati, dito din naka pwesto ang bar nila. At dahil konti lang naman ang tao that time at makakapal ang muka naming mang agaw ng eksena, kaya basang basa kami when they pulled us out to sing. I can still remember that I sang "Whenever, Wherever" by Shakira. Rachelle and Humprey performed their rendition of "Always". Martyn together with their resident singer performed "Bakit ngayon ka lang." Too bad, we weren't able to capture it. 

Reminisce my singing career. Hehehe! Nung gabi, puro korean song na ang kinakanta nila. I dunno if it's by request or talagang usual song list na nila yun, magagaling sila para sakin. Pero dahil busy ako kaka-aral sumisid nun, hindi ko din na capture.

Mortal Scene!
Maraming Wooden swing. Iba't ibang style



Hotspring falls. Umuusok yan pero dahil point and shoot lang ang cam ko, hindi ma-capture capture.



Wonder mom!






Pwede rin mag-horseback riding. I dunno how much kasi we never tried. No one even bothered sakyan sya.






Boating for 150 only. Pero nagpapicture lang ako. Ayokong ubusin ang oras ko kakasagwan sa napaka-init na lake







Dyan kami..... nagpose. Mahal dyan kaya small kubo lang kami. hehehe! Tutal hindi naman TV, Ref, Phone at CR ng pinunta namin dun (Palusot ng mga kulang sa budget).


Kung ayaw mo naman magbayad para sa horseback riding, may mga wooden horse na nagkalat sa tabi tabi. Libre pa!


I bought a new camera casing for only P249.00. Before I go to Coron I have to try it first. Nung una, I was hesitant. Kahit worth 10k lang ang cam ko, ayoko parin syang i-give up. I asked volunteer sa family ko, pahiram ng 1 cellphone muna, pag pinasok ng tubig, e di sorry, pag hindi, e di thank you. Ganun kasimple. Hindi ako makapaniwalang nagprisinta ang tatay ko at yung paslit kong kapatid. Basta daw papalitan ko pag nasira. Yoko nga! I took the risk kahit may nakalagay sa case na "Use it at your own risk". Here's the result.


Agua Bendita!


Keri na? until next blog!
You may visit their site here for more details --> http://www.88resort.com/

21 comments:

Chyng said...

maricar, you are really a blogger now. you wroite way better than I did nung newbie lang ako. keep it up!

the place looks relaxing. wala pang tao. perfect for this summer getaway!♥

Kura said...
This comment has been removed by the author.
Kura said...

kaw naman.. Nakakataba naman ng puso ang comment mo.. thanks! korek! bagay na bagay sya sa mga mag sweetie. perfect place para sa honeymoon. My officemates also enjoyed it kaya they keep on coming back.

Prinsesa said...

Wow nice find! Gusto ko din pumunta dito. :)

Thanks for this post! Keep it coming. :)

pamatayhomesick said...

nagandahan din ako sa pamagat mg iyong blog ganun din sa tema.
anu pala ibig sabihin ng kurapengpeng?

Kura said...

@Sarah - Thanks! Yup I have a lot of scheduled trip this summer. Sana lang matuloy lahat. hehehe!

@Everlito - It's a green joke way back in college. Kaya lang hindi bagay sa kin pag ako ang magsasabi nito. hahaha! Anyways thanks for reading.

Alfred said...

mam magkano po dito? yung entrance? rooms? hidden charges, etc? ty

Kura said...

Hi Alfred,
Check this site http://www.88resort.com/index.php/en/contact/faq/6-over-night-/15-room-rates. No hidden charges don't worry. Small kubo - 2500 yun by default ksama na ang free entrance ng 2 tao, magdadagdag ka na lang ng 500 sa additional pax. hanggang 6 lang ang kasya. pero dati 8 kami e, kya lang hindi na kumportable. hehehe! So if ur a grp of 6, 4k yun lahat2 na. Pinoy ka naman kaya papayag sila ng ganyang arrangement. overnyt stay na yan. hingi na lang kau ng 3 kuchon, libre naman e. pero kung ayaw nyo naman mag overnyt, 500 each ang entrance. may mga wooden swing naman dun na pwede paglagyan ng gamit

Kurighie said...

hey yah, just wanted to ask kung saan mo nabili ung Underwater casing mo? Medyo mura kc eh, compare sa iba.. and anyway, were planning to go to 88 resort on August 16, thanks for the info!

Kura said...

Hi Florie,

It is readily available sa SM Makati. Sa Men's accessories section. I only thought I could buy it only via Shopping sites. At super mahal nya.. Thanks for dropping by. Hihihi! Enjoy your 88 Resort experience

Kurighie said...

One question though, talga bang hindi papasukin ng water ung cam ko using that? hehe.. im quite scared kc. Thank you so much anyway for the quick response.=)

Kura said...

i've been using it sa lahat ng travel ko. Hindi pa naman napasok ng tubig. hehehehe! naka-double lock naman sya e. kaya medyo safe naman. if kinakabahan ka, wag mo muna ipwersa sa malalim. mas maganda sya pag nakavideo ka under the sea. more on vid ako ngayon kesa pic. amazing.

Unknown said...

I was researching for nice places to go to for the weekend lang and i came across your site. mura nga sya if no hidden charges! the place looks really nice and your post was very informative:)

Kura said...

Thanks for dropping by. It was indeed a great place to spend a weekend. Marami kasing place na maganda lang sa pix pero hindi sa actual. Ito as seen in pictures talaga. Konti pa ng guests. Sana you can visit my blog next week. I'll be posting my Coron Trip. Baka may plan ka din pumunta dun. =)

Kris Edison said...

It's been two years since you blogged it. I hope, you can still answer me.

Wala kasi ako masyado makuha info sa 88resort e. May additional fee ba yung mga hotsprings nila? :)

Mukhang 88resort na kasi nakita ko pinakamaganda (sa internet).

Kura said...

@kris - you just need to pay an entrance fee of 500 if you prefer day tour. no extra payment for using the hotspring pool. Anyway, lahat naman sila e mainit. hihihi! level level lang yung degree.

If you want to reserve a room, you may do so by checking on their website at the bottom of my blog

Kris Edison said...

Maraming salamat po. :)
Sana mag-enjoy din ako dun. Hehehe!

Kura said...

yup enjoy your stay. I'm planning to go back this year too. Update mo ko ha. hihihi!

Joyce said...

Sobrang relaxing ang pag-stay namin dito. Though expensive siya compared to other resorts eh worth it parin! Sobrang init sa ibang pool! hehe

Anonymous said...

Hi! thanks for the info. :) gusto ko lang malaman kung pwede magdala diyan ng foods? SALAMAT! :)

Anonymous said...

Love your blog! Unassuming and witty. Funny ng captions at very honest. But the blog has all info needed. A breather from other travel blogs. More power. :D Ang dami ko nang sinabi. :p