2 months ago when I texted Mang Johnny (09202224687), a bangkero there referred by my friend Chyng. Hindi ako excited. Hindi talaga promise. I asked my cousins to prepare super ahead of time kasi alam ko na ugali nila. Hahaha! Hindi ako nagkamali. Sa tinagal tagal ng preparation - Ako, my brother Kevin, my cousin Ate Vane and her boo Eugene lang ang natuloy.
We took the 6:30am first trip sa Victory Liner Cubao bound to Iba, Zambales. It will cost you P 261.00 each. Hindi na bago ang Anawangin at marami na kau makakasabay. Kaya be sure to go at the terminal early. Wala kasing reservation ultimo day before.
4 hours ang biyahe. Nakakapagod na agad. Pina-sundo kami ni Mang Johnny sa tricycle papuntang San Miguel Port na dinadrive ng yummy tricycle driver. P20.00 each. Ang cute ni kuya promise. Muka siyang artista. Anyway, so much for my kalandian. Back to the story.. Our bangkero is Kuya Edgar kasi may hinatid na si Mang Johnny. May nauna kasi samin. Hmp!
We stayed there mga 30 minutes para magpicture taking. Super dami na ng tao. 1500 ang bayad sa bangka dito plus the island hopping to Capones and Camara, but if you opted to go to Nagsasa, you will add P 500. Gagastos na rin lang, isagad na natin. Anyway, Nagsasa is a way much better than Anawangin. And you will be able to visit both pa.
Bluer than Blue
Would you believe may Halo Halo sa Island na walang kuryente?! ibig sabihin halos dalawang oras pa ang binibiyahe nyan mula sa lupa ng San Miguel kaya sulit na sulit na ang P30.00 mo
I can't sleep on the tent. Na-stress ako actually dahil sa sobrang init. So I tried sleeping sa may papag. Mga 30 minutes na kong nagmumuntik muntikanang mahulog sa kinahihigaan ko ng mamalayan kong nag-aalisan na ang kasama ko. Naka swim wear na sila. So i joined them. Low tide nun kaya kahit ga-milya na ang layo namin, hanggang bewang pa rin. I love this beach. This is the best for me so far.
Its my first time here, at ang sumpa ko tumatalab na naman.. may dalaw na naman ako at 2nd day pa (girl thing). Inaabangan ko na lang si “Ting” ang pating na lapain ako anytime habang naliligo. I googled it syempre. Sabi “It can detect one drop of blood in a million drops of water (25 gallons or 100 liters) and can smell blood 0.25 mile (0.4 km) away. Kaya binalak kong gumawa ng Last Will and Testament bago ako umalis. Awa naman ni Bro, mukang may sipon din ang mga pating sa mga oras na un.
Gabi na. My brother and I are first timers sa mga camping na yan. Yes we can cook but how to make a fire out of dried leaves and twigs - malaking problema yan. Dahil hobby ng kapatid kong mamulot ng sungot sungot, ginamit nya yan sa pangangahoy. Match? Ready. Dried Sungot? Ready. Kaldero with bigas? Ready. Ako? hindi. Mga 20 minutes na naming sinusubukan magpa-apoy at lagi pa rin kami namamatayan. Finally, Eugene and Ate Vane arrived. Galing sila sa pagmomoment nila ng makita nila kami na halos maubusan na hangin kaiihip sa baga. Hindi ako umamin nung tinanong nya ko kung kanina pa kami. Ulitin na lang daw namin. Dapat pala huhukayin mo yung lupa para may hangin na pinapasukan yung apoy. Maglalagay ka muna ng base - eto yung mga malalaking kahoy. Tapos chaka na yung mga sungot. Finally nakabuo na sya ng "STABLE" na apoy. Nagulat sya kasi ambilis kumulo. Sabi nya "ibig sabihin, kanina nyo pa yan ginagawa?!" hindi na ko umimik sa kahihiyan. hahaha!
After naming makaluto syempre kakain na. Wala kaming magic lampara unlike dun sa ibang mga group. So we did an improvise yet very creative one. Viand? Adobo again plus 2 can of century tuna.
Kala nyo sunrise lang ang nag-eexist? May moon rise din. Nagtatago siya sa bundok nung gabi and finally lumitaw na rin sya. Full moon pa. Picture? hindi ko na napicturan dahil naghihinalo na ang camera ko. Marami pa syang kailangan trabahuhin bukas kaya pinatulog ko na.
Beautiful Rock Formation
Our souvenir? sagwan from kuya Edgar