Saturday, July 21, 2012

One night in Kabayan Hotel


I never tried to spend a night in a hotel sa metro. Yeah really. Poorita ba kamo? hihihi! Ang lapit lang ng San Mateo no! Magiinarte pa ba kong mag hotel hotel. Kahit araw araw akong nag a-out of town, hindi pa rin valid sa mudra ko. Ilan tumbling lang ang distansiya namin sa Quezon City at Marikina e. hihihi! Inez Veneracion si mother pag nag-hotel ako. Baka kung anong isipin. Chos!

Pero may extrang ka-datungan ako last month kaya I tried it finally. Hindi naman super expensive. At hindi rin uber cheap. Kahit nasa kabilang kalsada lang ang Sogo di ko siya pinatulan. hahaha! The rate was just right. I mentioned previously that me and my girls went out for a day off. Kunware pagod na pagod kami sa ice skating kaya dito kami napadpad. Charot. hahaha! I booked in Kabayan Hotel 1 month ahead. Since we're three, I chose their Premium A room which is inclusive of 1 queen size and 1 single bed.  

pic from their website

lobby
We were surprised to see a lot of people in the lobby which is good. It just means they 're doing the right thing.

mga kababayang balikbayan

Check-in was a breeze. I just showed my month old confirmation receipt and paid the remaining dues. By the way, before I reserve, I called them for the rates just to confirm if their site is always updated. I was about to pay it through bank but found out that it would be cheaper if you pay through their website. I got the room for only Php 2,180.00. You just need to pay a reservation fee of Php 192.99 using credit card. If I'm not mistaken, their agent offered it to me at a price of Php 2,850.00. That was 670.00 off. May silbi ang pagiging maurirat at kuripot.



What I like about this hotel is they offer not only complimentary breakfast but also lunch. Great! They also have free airport pickup by the way. As if naman walang ibang gumagawa nun e no. hahaha! But according to my friend, they have regular attendant assigned in NAIA 3 so pickup is not a hassle. They'll be the one to contact you as soon as your plane arrives. You may visit them at the information desk on Arrival deck.

Good advantage of this hotel is the location. Aside from cheap rates, they are centrally located at the heart of Pasay City.  If you're a regular MRT passenger na laging nagra-roundtrip katulad ko, you'll be able to see it just beside MRT Taft station (right side if you're coming from Ayala). As in pagka-park na pagka-park ng train andun na siya... may cute na logo ng magkakahawak kamay. Parang napagtripan lang ng adik. hihihi! Naalala ko tuloy ang drowing ko nung kinder. Anyway, I'll tour you around.. pardon my shots. Underwater ang gamit ko mapa- indoors or outdoors kaya wag laitin ng bonggang bongga.


Quiet. Clean. Scary. (lol!)
We passed by this hallway to our room. I was hoping it's not facing EDSA since I might hear annoying noises na mas maingay pa sakin. Ayaw!
 
Our beds
Hindi ko na maalala kung pano natulog ang isa kahit walang unan. But since the room is only good for two, we didn't asked for it. hihihi! Mahirap na. The rooms were equipped with flat cable TV, Aircon and Hot and Cold shower. Just the usual. Nothing fancy.

Umanggulo lang. Feeling pro. Chos!
The restroom is clean. Plus points for me. Toiletries are available too.

kita ang red stripes mo. Fail

Meet my friends.. Rachelle and Clara.
We slept until 10am and took our breakfast. You can ask them to deliver it to your room. If for an instance you'll be checking out a bit earlier than the check out time, you can ask them to pack it for you. Sweet isn't it? hihihi!

Tag-gutom
This is a family friendly hotel I must say. If I have extra savings, I will definitely spend a night here again. Great value for money. Oh and yeah, it's not only for balikbayans but also for backpackers. If you're coming from the provinces you can consider staying a night here. They also have branches in Cubao and Monumento. Check out the rates I found on their website. www.kabayanhotel.com.ph/


ROOM TYPE  RACK RATE 
Family (Quad sharing)  Php 4,536 
DeLuxe A (Twin sharing)  Php 3,075 
DeLuxe B (Twin sharing)  Php 3,685 
Premium A (Twin sharing)  Php 2,850 
Premium B (Twin sharing)  Php 3,260 
Superior (Twin sharing)  Php 2,595 
Pads 2 (Twin)  Php 1,930 
Pads 1 (Single)  Php 1,235 
Flat 2 (Twin)  Php 1,500 
Flat 1 (Single)  Php 950 
Dorm (Sextuple sharing)  Php 650 
Extra Person  Php 750



This is not a sponsored post. Naghalukay lang ako sa baul ng SD card. hahah! Pero seryoso. Nag-enjoy talaga kami dito. Serbisyong totoo. (by the way, na-bother ako sa "DORM sextuple sharing". Kayo na ang magtanong sa kanila. hahaha!)

Wednesday, July 11, 2012

Sino si kurapengpeng?

Nakup! Nilangaw na naman ang blog ko. hahaha! Babawi ako this time. Magkkwento ako how I started this blog. I really had a hard time picking the name. Obvious ba? Walang kinalaman sa travel. hahahah! Fail. Anyway, this is not designed for public consumption before so I never really paid attention to make it catchy for readers. "Tara Usap Tau!" is popularized by Boy Abunda sa showbiz oriented talk show na (tapos itatapat niya ang mic sayo at isisigaw mo) "The Buzz!" Bigla ko lang siyang naisip that time. Hahaha! Walang kwenta. Parang utang na loob ko pa tuloy kay Boy Abunda ang lahat. lol!

Schoolmate ko dati si Herbert Hernandez. Do you know him? Shempre hindi. hahaha! Grade 5 ako nun. 3rd year high school siya. He graduated highschool. I was left behind. I learned he became the guitarist of the band Moonstar88. And to my surprise, he got a Summa cumlaude recognition in UST when he graduated in college. Few years have past. Creative Director na siya ngayon sa isang sikat na Advertising Company.  If you know the Cannes 2011 award winning tourism campaign "Limestone" wherein El nido and Thailand are being compared.. he's the guy behind it. Ano ang relasyon namin? Ehem! Oh well...... wala. hahaha! I'm just a fan. Natuwa lang ako kasi may schoolmate akong member ng sikat na band. Wag malisyoso.

I was in first year college when I wrote him a testimonial on his page nung uso pa ang Friendster. Gumagawa na siya ng mga commercial nun. Basta puro kalokohan lang yung sinulat ko e. Nag-pacute lang. hahaha! Landi. It's just about our school, our teachers, etc.. so naka-relate siya ng bongga. Aliw na aliw ang lolo mo. He PMed me and said "..Alam mo, pwede kang writer" Syempre palakpak talaga ang tenga ko. At hindi pa ako nakuntento. Sabi ko "Ayyyii! Di nga?". And he replied back with "Seryoso.. Pwede ka ngang writer." Grabe ang ngiti ko nun. Hanggang likod. hahahah! It was a "Sabit-Sampaguita" moment for me. He ignited the light, and I let it shine. ♫ Coz baby you're a firework ♫ Chos! hahaha!

But I finally convinced myself to write because of the two bloggers I admire. Kala ko kasi may bayad ang pagsusulat nun sa internet kaya hindi ko tina-try. hihihi! Shongak lang. Both of them are my former office mates. One is C2 and the other one is Chyng.


Christoper Tano aka c2 is the blogger behind dearpapachris.blogspot.com pero hindi na nai-maintain dahil nagkasakit din siya sa bato tulad ko... Batugan. hihi! Yung blog niya, parang Bob Ong series, na favorite writer ko naman, kaya tanggal stress ko pag binabasa ko yun. Medyo may pagka-malisyoso lang. Polusyon talaga ang idinulot sa inosente kong isipan. hahaha!

I scanned my first few entries just now and somehow it made me smile. I felt the eagerness of a newbie. The passion is so obvious. hihihi! But sadly I realized.. the attitude is quickly fading. For the record, hindi pa umabot ng bente ang entries ko for this year. Kamusta naman yun. hahaha! It served as my diary before.. Pampalipas oras.. Stress-reliever.. Shock-absorber.. Doodle.. Scratch... Pero infairness, kahit minsan mala-precious hearts romances siya pinagtiyagaan ng friend kong basahin. hihihi! (Ang sweet mo Oyise!). Nanette Imbentor ang drama ko nun. Some of the stories I wrote originated from my dreams. Yup, napapanaginipan ko lang kaya mostly bitin. Blame it to the annoying alarm clock. Gusto niyo ng sample... Read this.

Dukha ako nun. I don't have a regular job so wala akong funds para mag-travel. Alangan naman ikwento ko na lang lagi ang eksena sa MRT tuwing pumapasok ako, kung gano kabaho ang mga tao sa araw araw, kung gano ko kinamumuhian ang madikit sa brasong malagkit at puno ng pawis, kung gano ko kinasusuklaman ang mga sumisingit sa pila, at kung gano ko itinatakwil ang mga taong papasok-pasok sa MRT tapos magiinarte na masikip ito. Disgust Abelgus. Hay naku talaga! hahah! Ang init ng ulo?

Naging stable ang job ko. I had a few trips. I came across my friend's travel blog, si Chyng. Uhm.. meron pa bang hindi nakakakilala sa kanya?! She's my former officemate too. Hindi pa siya blogger nung nagkasama kami. Sabi ko nga nun sa kanya, kung alam ko lang na sisikat siya nagpa-autograph na ko nun pa. hahaha! Then I started writing my own travel stories. My style eventually adapted the title "Tara Usap Tau" accidentally. Pag nagsusulat kasi ako, para lang nakikipag chismisan sa kanto. Walang rules. Walang format. Walang exceptions. Kaya kahit anong topic nasa blog ko na. Kulang na lang magtinda ako dito e. hahaha! (nga pala, nagpapaload ako.. load kayo diyan. hihihi!)

Ang sexy ko dati no? kainis! hahaha!


I admire those who can write and speak English fluently. I tried it before and I'm not comfortable with it. It's not me so why pretend. Just like this paragraph. It took me 6 minutes to complete it. E pag tagalog... Ang bilis. Parang haching lang. Bat ko ba pahirapan ang sarili ko no. Baka nga sa ikli nito may mali pa e. hahaha!

Naging seryoso talaga ako sa blogging when Ondoy washed out my precious Sagada pictures. Oo.. chura kong to. Seryoso na ko nyan. hahahah! (may problema kayo?! hmp!) Napunta ako noon sa kumunoy ng kalungkutan nung hindi nai-akyat sa mataas na lugar ang mga album ko. Lugmok na lugmok ako habang pinupulot sila isa isa. ("larawang kupas" on cue) Kaya simula nun, lahat ng lakad ko dinodocument ko na dito. I really don't care if someone will read it or not. I just need to write it down because it's what makes me happy. And I thank those who made my blog their stress reliever too. I truly appreciate it.

Alam kong wala sa mga sinabi ko ang pinakahihintay ng lahat. hahah! Gusto nyo ng malaman kung san ko napulot si kurapengpeng hindi ba? hihihi! The story came from my cousin. He arrived one afternoon sa dorm. He started telling this funny story while we were eating. This was told by his officemate before they went home. Nawalan ako ng ganang kumain pagkatapos. hahah! Ang programang ito ay rated SPG. May maseselang tema, eksenang karahasan, droga, lenggwahe, SEKSWAL at katatakutang maaring hindi angkop para sa mga batang manonood.. Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan. Humanda na.. (Sh*t! sira ang dangal ko dito. hahaha!)

There's this one newly born ant. Yes. Langgam. The poor creature was abandoned by his parents so he doesn't know anything. And I mean the word anything. Mang-mang siya talaga. Pag may nasasalubong siya ganito ang eksena..

Minsan isang umaga nakasalubong niya ang lamok..

Ant: Oy! Oy! Oy! Ano ka?
Lamok: Gusto mong malaman kung ano ako?
Ant: Obvious ba?
Lamok: Makipag-sex ka muna sakin.
At ayun na nga ang ginawa nila... hayun. Nagpakilala ang langgam

Walang ano ano'y nakasalubong niya ang surot..

Ant: Psst! Ano ka?
Surot: Gusto mong malaman kung ano ako?
Ant: Oo!
Surot: Makipag-sex ka muna sakin.
Ganun din ang ginawa nila kaya nakilala niya ang surot

Nakasalubong niya ang anay.. (Oo pati anay.. lahat ata ng pesteng nagkalat nasalubong niya.)

Ant: Ano ka?
Anay: Gusto mo malaman kung ano ako?
Ant: Ano ba kayong lahat.. bingi?!?! ulit ulit?! OO nga sabi!
Anay: hihihi! Makipag-sex ka muna sakin.
As usual gumawa sila ng milagro.. kaya nakilala niya ang anay.

Hanggang sa nakasalubong niya ang kurapengpeng... :)

_______________________________________________________________________________
This is my entry to PTB Blog Carnival for July 2012 - 
hosted by Edmar Gu-Quibb of Edmaration Etc