Tuesday, November 16, 2010

What If

Just attended a grand ball somewhere. At ang ganda ko nun promise (lol!) Basta malapit lang samin yun e. It has a theme.. pupunta ka dun without a partner... dun sa venue ka na mismo magkukumarat maghanap. Guy hunting ito! Love it. So yun na nga. I saw a bunch of bummers na walang mga escort kaya I joined them. I also saw few of my friends who attended. Pulutung ng mga wall flower. Kulang na lang isilid kami sa kahon at ibugaw kung kani kanino. Nung una nag eenjoy pa ko. Pag may papalapit samin na guys parang may sumisigaw sa background na Lights, Camera, Action! Lahat pa-cute. Sarap tadyakan. hahaha!


Time has passed. Ok Panic mode na. Sa kasawiang palad, I ended up alone (loser). Wala naman akong choice no. Alangan naman dambahin ko lahat ng magustuhan ko dun. Kaya umuwi na lang ako at nagpalit na ng damit. Sayang lang ang paparlor ko at pag renta ng gown. Masaklap siyempre. Casualan na lang. Ewan ko ba kung bakit pero kating kati pa rin akong  bumalik dun. Hindi man bagay na ang ichura ko pero pumunta pa rin ako. Paparazzi. I saw this guy.. a common friend. Naka pustura pa at mukang loser din. bwahahaha! Syempre nakita na rin ako at tiningnan ang damit ko. Matagal ko na yung kilala e pero hindi ko siya feel. Supot ang spark. 


Guy (smiling): O bat ganyan na ichura mo?
Me (pissed off): ...ngengelam ka.. naiinitan na ko e. bwiset!
Guy (naughty ang ogag): Naiinitan.. sus! wala ka lang partner e
Me (defensive): Hindi a. Meron ako kanina. Umuwi na lang 


He asked me to sit on a bench near a light post. Sumama naman ako. Landi. Hahaha! Alangan kasi ichura ko para sumama pa sa crowd no. Baka sakin pa ibigay yung empty glasses. Kwentuhan-kamustahan-tawanan galore lang. Tinanong nya ko kung sino yung kapartner ko kanina. I'm a bad liar at mas nakakahiya pag nabuking ako kaya inamin ko ng wala naman talaga. Palusot ko lang yun. 


Guy: See... walang kumuha sayo. hahahaha!
Me: Look who's talking... mas loser ka kasi walang sumama sayo no adik!


Hindi na siya sumagot. Tumahimik lang..... Weird. Scary. Kaya nanahimik na ko. Maya maya may dumating na waiter na may dalang wine and Tequila. Humingi si Guy ng tig isa para saming 2. Ininum niya straight up. Ang seryoso. Tapos nagsalita na siya ulit. sa wakas.. Then he smiled to me. Siguro to ease na rin the ilangan factor.


Guy: ..Sana pala nagpalit na rin ako ng damit
Me: Hahaha! bakit kasi wala ngang sumama sayo kanina kaya wala ka ring partner no? feeling mo kasi
Guy: Hindi... 
Me: Sayang lang sa effort no. hahaha! hindi lang pala ako ang loser dito e. hahaha!


He just smiled again. Ewan ko ba pero may something pag ngumingiti siya ng ganun. Napapatahimik ako. Parang ang daming ibig sabihin. He paused for a while and sip the natitirang latak ng Tequila. Uminom na lang din ako. Kinakabahan ako sa kinikilos nya e.


Guy (parang najejebs lang): uhmmm... ano kasi e.... 


Muntik ko na naibuga yung iniinom ko dahil sa sinabi niyang "..nagpalit na kasi ng damit yung gusto kong sana maka-partner." 


Hindi ako makatingin sa kanya Ate Charo. I don't know how to react. Ako ngayon ang natahimik. Panic talaga. Feeling ko uminit yung face ko. I drank my wine straight up. Andun lang siya sa tabi ko parang nag-aantay ng susunod na kabanata. Eto classic.. nadighay ako. Disaster. Laklak kasi ng laklak. Tinawanan ko na lang. Siya din. 


Ano ng next?








Nagising na ko. Bwisit na alarm clock yan.

5 comments:

tsina said...

nakakatuwa ang post na ito. =)

Kura said...

salamat tsina. salamat sa pagdalaw mo. sa uulitin =)

Chyng said...

this is it!!!! ♥

Kura said...

ahahay! nanghihinayang nga ko at nagising ako agad. Wala pang kissing scene e. hahaha! ambisyosa. unfortunately hindi ko nakilala yung guy. I just know na kilala ko siya pero alam mo naman mga dreams... weird minsan. pakipot. salamat at natuwa ka. pati ko natuwa e

Untied Escape said...

At nag check talaga ng link, hays! nadala ako sa kwento panaginip lang pla... hahaha!