Sunday, February 28, 2010

OMG their back again!!!

Wooooaah! I still can't get over the excitement last night Feb 27, 2010. Yes, I watched the concert of... guess who?.. (whispering) The Backstreet Boys. And yes their back again! I've been denying it to everyone who were asking bout my shout out on Facebook like 'Yey! Excited na ko', 'Bukas na!', '..No I can't resist and I can't be hit, I just can't escape this love..' (a line from their new single). A friend of mine even asked me kung in love daw ako. hahahha! If they only knew, I was a big fan before... and I guess it still lives in me as always. Just like a HS student who giggles everytime I hear a song from them. Anyway, I'd like to share this one night concert experience...




January 7 2010 when I saw a schoolmate, Michelle, post a shoutout saying 'WTF! gusto ko manood ng concert nila! waaaaaa!' Na-curius ako kasi someone asked kung boyband b yun. I'm a boyband fan at heart I admit. hahahha! Sabi ni Michelle, It's on Feb 27. She doesn't want to share the name. I totally understand why. Because even I won't share it in public. No one would want to be tagged as JOLOGS. Anyway, I googled who's coming on that date. And yun na nga... BSB Live in Manila - This is Us tour. Right after that I texted my HS friend Sarah. A fan of Nick. But she said break na sila so hindi ko na sya pinilit. Naghanap na ko ng iba - my cousin Ate Jing na katulad ko ding DORA. After a week, bumili na ko ng tiket. hahaha! oo hindi ako excited. hindi talaga promise. And


waited for that day...




Yun na nga, I posted shoutouts kasi mahirap pigilan ang excitement no. And here it come... Day we've been waiting for for almost 2 months.





the ever famous concert venue


upper box lang kau naman!


wala pang tao maxado pero puno yan. you'll see!









We arrived in Araneta at around 6pm and saw a few, about a hundred fifty people, already lined up. So nakipila na kami. Around 6:20, they opened the gate and may line ulit. whew! They are still rehearsing inside so 7pm when they let us in sa venue. It's surprising to see a lot of people still wanting to see them. At mas surprising lalo dahil maraming boys na nandun. I thought it'll be a girls night out. We were able to sit on 2nd row near the middle so kitang kita yung stage kahit nsa Upper box kami. I noticed walang projector. I feel sorry for the people at the back kasi nagbayad din naman sila. They expected to watch them on big screen. Well, wala na kong magagawa dun.




dahil malayo sila para mapicturan namin, kami na lang ang nagpicturan.




basta sila yan! haha! tingnan lang ang panot na ulo ni AJ


ayan si nick! at ang panot na ulot ni AJ


siguro naman naaalala nyo kung ano ang kinakanta nila dyan. Check the music vid at the back! ummhmmm! aminin?


tapos na! picture picture ulit!







we were about to leave when I saw this poster. Sa dinami dami ng inattempt kong magandang shot, ngaun ko lang na-realize, sana pla yung poster n lang pinicturan ko!

Here's the songs that they played (or should I say, here are the songs I remembered! hehe!)
Backstreet's Back (which is saktong sakto coz their back! so back!)
We've got it goin
PDA
Quit Playing Games
As long as you love me
This is us
All i have to give
I'll never break your heart
True
Incomplete
Shape of my heart
The One (Felt like their singing this for me. awww!)
More Than That
Show me the meaning of being lonely
The Call
Larger than Life (I enjoyed this song! Super! I imagined them wearing their costumes in their MTV)
I want it that way
Straight through my heart (new single. cute song)




Dinner at Dencios



Monday, February 1, 2010

Enchanted Kingdom - with kinah and friends

TAGALOG: Ang paglalamyarda sa kaharian ng nuno kapiling si kinah at mga kaibigan nya (January 30 2010)
NATUTUNANG ARAL: habaan ang pasensya sa Anchors away.

Hindi ako yung taong sumasama na lang sa hindi ko masyadong kilala. Kaya hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi kung bakit ako sumama kay kinah nung inaya nya ko kasama ng mga ka-officemate nya. Maaga ako as always.. pero si kinah.. ngaun ko lang ata naisip na dapat may batas para sa mga nalalate. hahaha! grabe almost an hour ata ako nagaantay sa chowking. humulas na ang make-up ko. Pero keri pa naman. Kinakabahan ako kasi hindi ko naman mga kilala yung mga yun. Yung mga ka-offficemates nya dati nakikita ko lang sa elevator pag kasabay ni kinah na bumababa pag uwian na namin. Same building kasi kami dati nung hindi pa ko natatauhan sa dati kong kumpanya. Minsan meron pa kami nakasabay papuntang mrt na officemate nya din. Same naman kaming mag MMRT e kung bakit gusto pa nya sa Ortigas at ayaw sumama samin pa-Shaw. Napatingin tuloy ako sa salamin.. hindi naman ako mukang holdaper... pero adik oo. Aniway, back to the story. Nakarating si kinah sa chowking nung hindi na si Gloria ang presidente. hahaha! OA sa tagal. Joke. Peace Kinah :) Matagal na palang nandun din nag-aantay yung mga kasama namin. Kaya nung dumating si Kinah.. parang napansin kong may kasunod syang mosiko with flying colors. parang si dora lang at ang fiesta trio.

Pinakilala nya ko sa kanila. Wala pala ni isa sa mga naisip kong ksama namin ang nandun. Puro sila mga mukang highschool student. Tinanong ko pa si kinah kung sigurado ba syang nag-college sila. Pra kasi silang super bata as in. Prang classmate lang nung bunso namin. Compliment naman siguro pag nasabihan ka ng ganun diba. Hindi naman siguro nila ko aabangan sa labas. May mga jowa naman silang kasama kaya hindi din ako nailang.. hindi dahil wala akong kasamang jowa kundi dahil hindi lang ako ang bago nilang nakita kya dedma sila sakin. Pinakilala silang lahat ni kinah sa kin pero ni isa wala akong matandaang pangalan. inisip ko na lang hindi naman siguro magkakaron ng exam pagkatapos ng buong araw namin sa EK. Mabilis kami nakarating. Wala man lang nagresearch sa internet kung ano oras ang bukas ng EK , ayun 1 oras pa kami nag-antay sa labas kasi may nag family day sa loob. Whew! Picture picture muna. Ang Legendary Nuno? hindi na ako nagpapicture kasama nya. Bukod sa pinagkakaguluhan sya, e halos lahat naman ng punta ko dun kasama ko sya. Sawa na ako. Naka-move on na ko sa kanya.








Finally, matapos masunog ng paa ko sa kainitan ng araw (nagkaron sya ng Tan Line promise), e naawa na rin sila samin. Nagulat ako ng bigla ako nakarinig ng nagdadasal. Naka mega phone pa. Sa loob pala galing yun. Prang gusto ko tuloy umatras. Pakiramdam ko iaalay kami sa orasyon. Minabuti kong tanungin yung isa sa mga friends ni kinah 'Hala.. bakit sila nagdadasal? Anong bang meron sa loob?' Natawa lang sya pero hindi naman ako sinagot. Matagal tagal na rin akong di nakakapasok dun e, wala naman ako nabalitaan na may namatay. Aniway, sumayaw yung mga crew. Yun na ang sign. Nagpalakpakan yung mga tao pagkatapos nila. Hindi ko alam kung nagalingan ba sila talaga o dahil hayok na silang pumasok. Yey! Rides to the Max na kami. First stop.. Anchors Away. Hindi pa rin nagbabago ang feeling. Hindi nakakasawa. at hindi pa rin nawawala ang katawatawang mga eksena. Hahaha! vinidyuhan ko sila at pinicturan ng before magstart at habang umaandar. Isusumpa nila ako kung ipapakita ko dito yun. hahaha! (don't worry nasa facebook na..) Yung 2nd time namin sa Anchors Away, ang malas ko. May itinabi sakin na babae. Pano nagsisiksikan sila sa bandang gitna kasama nung mga friends nya. E sobra, ayun sya ang itinaboy ng friends nya kya naitabi sa akin sa dulo. Prng may pagbabanta pa sa kanya yung mga friends nya (kung friends nga ba sila) nung pina-alis. Nung una ok pa, sa kamay pa sya nakahawak.. sunod sa braso... aba paakyat ng paakyat at palala ng palala ang kapit nya... para na kong may katabing tuko. 'ATTTTEEEEEEEE!!!! Ayoko naaaaa!' sigaw nya. Tapos ako naman... gusto kong sabihin.. 'O e anong gusto mong gawin ko.. ' Wiling wili ako ng kakasigaw ng 'ISA PAAAA!' sya naman parang demonyo sa tabi ko na nagsasabing 'ATTEEEEE! AYOKOOO NAAAA! WAG na PLEAAAASSEEE!' Ayun.... Nagwagi sya. Imagine nyo na lang kung ano itsura ko. pra kong kinatay ng buhay. Tawa tuloy ng tawa yung ka-officemate ng friend ko.

Marami rin kaming na enjoy.. pero the best yung 4D- journey to the center of the earth... ang galing. Pati yung Horror House. Masaya din. Nakita ko ang mga kauri ko. hahahaha!

kahit ganun... ok pa rin. masaya pa rin ako.... new faces.. new friends.... hay kpagod!