A sequel of my
weekend getaway....
Honestly, patago ang lakad na ito. Marami kaming hindi na-invite...Chos! Sige na nga... marami kaming hindi ininvite. Hindi ko na iisa-isahinn dahil pag nabasa nila to, malamang magkaron ng digmaan at mawalan na kami ng trabaho kinabukasan. Sabi ko nga sa kanila, "O ano, gusto nyo bang i-blurred ko na lang kayo? Para hindi nila kayo makilala?" Tumawa lang sila. Seryosong tanong dapat yun e. Sha ito na nga... back to the main event.
We arrived in Canyon Cove around 3pm. Tamang tama lang dahil yun naman talaga ang check in time. Suite room costs 9500.00 per night but since we had membership, we got it for only 5,500. Solb. But wait, there's more. May dalawang free breakfast pang kasama. I said dalawa kasi 2 person lang talaga ang expected nila. You'll see. 10 kami including the 3 chikitings. Kailangan ng matinding diskarte.
As usual, papasok kami by batch para di obvious. My friend left her kids to me habang nakikipag-usap siya sa reception. Mag-aantay lang kami ng senyales niya kung kelan kami papasok. At dahil kabisado ko na lugar na yun, I roamed around with the kids. The rest waited in the parking area.
Suddenly, when we were walking towards the play ground, mukang bothered si Yuna. Tinanong ko kung ano problema niya at ako ang naloka sa sagot ng bagets... "Tita Maki, Poo poo ako." I was like "Ahehehe! Ngayon na!?" Kahit kelan hindi pa ko nakapag hugas ng pwet ng bata in my 25 years of existence. I don't know what to do. Habang naghahanap kami ng CR I tried calling her mom na nasa reception pa rin ng mga oras na yun. No signal, sa Lower Lower Level kasi kami napadpad. Malas. Hindi na daw niya kayang pigilin kaya wala na kong nagawa. Tuloy tuloy tanggal siya ng undies at upo sa trono. Hindi ko alam na nakakahawa pala ang ganung feeling. Pati si Yumi nakisabay na rin. Pareho na sila. Sino bang hindi mag papanic nun. Parang ayoko ng matapos sila. Maya maya... "Tita Maki tabo?" OMG! This is it.
Me: "Ah... wala kasing tabo beh. Wait lang ask ko si Mommy nyo ha. Stay here..."
Paalis na ko nung naisip kong ang arte ko pala. Napaka-simpleng bagay lang nun kung tutuusin tapos tatakbuhan ko. Pumasok uli ako sa CR. Parang naririnig ko si Poo-poo, "Come and get me baby!" Ready na sana ako pero...
Yuna: "Sige po tita, tissue na lang. Kaya naman po namin."
Marurunong naman pala. Salamat talaga sa parents nila at naturuan sila ng maayos. Whew!
Right after nila mag poo-poo, I got a call from their mom. Nakuha na niya ang room number namin. When we got back sa parking, hindi ko na nakuhang maikwento sa kanila ang experience ko with the kids. They immediately asked me...
Everyone: "Good News or Bad News?"
When someone ask me this I always go for Bad News first. Ewan. So yun na.
Pach: *Taas kilay* "Naiwan ang susi sa loob ng kotse."
Me: *Tulala*
They're referring to Pach's car. It's where I left my bag. I only got, wallet, cam and my kikay kit on my hand. Badtrip talaga.
Pach: "But the good news is - 24 hours daw ang LBC. Pwede ipadala ang duplicate key. hihihih!"
Me: *Sarcastic* "Nice! Good news nga ha... e anong oras siya darating aber?!?!"
That led to the worst one...
Pach: "Kinabukasan, 1pm. Oh yeah! Did I mention 12pm ang check out natin?"
Me: *Tulala*
After a while, tinanong ko na kung sino ang salarin. Ito siya...
|
Paris the culprit. Beware. hahahha! |
I saw Yumi and Paris arguing on the side. Imbes na mainis, natatawa na lang ako e.
Yumi: "Bakit mo kasi binato yung susi?"
Paris: *Defensive at utal utal pa* "Hindi ko nga nibato, nihagis.. iniwan ko lang dun sa likod."
Yumi: "Ayan tuloy walang damit sina Tita Maki, wag mo ng uulitin yun a. "
(Sabay karga sa pinsan niya.)
Sir Martyn came up with a brilliant idea. Why not ask someone from the Maintenance kung merong miyembro sa kanila ng bukas-kotse gang. Of course they should have that skill. Ayos!
|
Hala sige! Silip dito kutkot dun!
Nagtawag na ng ka joined-force si kuya... |
1 hour and 30 minutes na ang nakalipas. After several attempts, unfortunately, useless ang diskarte nila. Points for the effort. Last week, may nangyari din daw na ganito at nabuksan nung kakilala nilang locksmith. Hindi na kami nag aksaya ng oras, ipinatawag siya mula sa bahay nila sa bayan.
While waiting, inakyat na namin yung ibang mga gamit. The kids, along with Sir Paul, went swimming. Kasama ang dyaskeng Paris (hahaha! bitter?). Kami, naghahagilap na ng pwedeng isuot sa mga extrang damit. May kasya sakin kya lang, ang problem ko, wala akong pampalit after mag swim. We went to their souvenir shop. Present si Kamahalan. Ang swim wear kong same brand doble ang presyo sa kanya. Kung kelan tipid mode kami chaka naman to nangyari. Can't afford. Sabi ni Pach mamili na daw kami sa bayan ng damit. Ayoko. Sayang ang outfit na nasa bag. Nase-sense ko kasing malapit ng matapos ang kalbaryo namin. Antayin na lang namin dumating ang locksmith.
After an hour ulit dumating na siya. Try nya daw makuha sa pagsungkit ng siradura. (Siradura - yung suksukan ng susi ok?). Pag hindi daw kinaya, mano mano na lang daw. Sabi naman ni Pach "Kung ang sinasabi mong mano mano kuya ay walang basagan ng salamin, go ako dun." Sa gasgas keri pa.. But kuya guaranteed us na kaya niya. I trusted him. But wait there's more ulit, for a labor fee of 1000.00 daw. Nalula kami. Humingi kami ng tawad. Nagkasundo kami sa 800.00. Kung sabagay, mahirap ang trabahong ganun kasi madalang naman ang nakakagawa ng ganung klaseng kaeng-engan.
Ang galing. Elibs ako. Nabuksan niya promise. Sinungkit ng alambre mula sa taas ng bintana hanggang sa mahila niya yung lock na nasa hawakan ng pinto. Idol ko na siya. hahahah! Pwede palang gawin business ang ganun. Alambre lang ang puhunan. hahaha!
Ayan 6PM na tuloy. Super late na sa itinerary. (Oh yes may itinerary kami kahit 2 destination lang. Feeling organized. Chos!)
|
uber gigantic pool |
As if hindi ko pa to nakunan dati. hahaha! La lang. Eto naman ang Suite room. Dati Superior room lang kami e. I like that one better. Mas mura na twin bed pa. Walang nga lang kitchen, dining at living room.
|
Living + Dining
The couch served as Pach's bed
The bay window was ours - me and Ayms.
Hulaan nyo kung pano ko pinagkasya ang 5'7" kong height dyan |
|
Naka flat TV na sila ngayon..sosyal... |
|
Bedroom
1 bed for the whole family of Madam Freda
The other bay window bed is for the couple Madam Ella and Sir Martyn |
While we were preparing ourselves to dip into the water, the kids were back. Nangangatog. Gutom.
Surprisingly, may disaster daw ulit si Paris. Ayun, nagtapang-tapangan at tumalon pala sa 4 feet. Though, may sholder pads naman siya, o kung ano man ang tawag sa floater na nilalagay sa shoulders ng bata, kaya hindi siya malulunod. Yun nga lang, natataranta siya kaya nagkakakawag at naghihihiyaw sa pool. Sir Paul was wearing a shirt then. Initial reaction was to save the kid.
Nagpakabayani siya. Parang eksena lang sa pelikula. Tanggal ng shirt sabay talon sa tubig. Ang classic dun, sa tubig din bumagsak ang t-shirt. At ang pinaka-iingatan niyang yosi at lighter nalimutan niyang nasa bulsa nya pala. Hay naketch! Fail.
Nakapag swim na kami around 6:30pm. Bentang benta ang underwater cam..
|
Ang pointed naman nyan... hahahah! |
|
Yuna, Paul, Yumi (winner talaga tong batang to!) |
|
Paris on my back... Bwahahahah! I smell blood.. *wink*
there' a blood indeed.. ewwww!
Someone had her period. Hindi ko sasabihin. Lapit kasi ng lapit samin. hahahh! |
|
Happy Family! |
|
Ayms, don't worry hindi ka malulunod.. may built-in floaters ka remember? hahaha! peace |
|
Mag sweeting to'
Hindi ko talaga napilit mag underwater shot. Fail ulit! |
Dahil sa sobrang pagod namin, hindi ko na nakuhang antayin si sunset. Tutal dati ko naman na siyang nakita. I preferred a nap instead. Nakatulog ako ng konti. They woke me up when we were about to eat. I felt sick pero pinilit nila akong sumama. Mga lapastangan na yun. Hmp!
Mission Puslit Pagkain. Masarap ang bawal hindi ba? hahaha! Keber sa rules na no food allowed. This was the plan.. Freda had her bag pretending as if she were to go home because her tita asked her to. It's empty. We passed by the guard and asked "Manong may bus pa po ba pauwi ng Maynila? Pinapauwi kasi siya sa kanila." Manong replied, "Meron po. Kaya lang hanggang alas otso lang. Subukan niyo din sa bayan baka meron pa." Effective ang drama. Kinagat ni manong.
We bought disposable utensils, water, cooked rice, Andoks manok at liempo. Magiinuman pa sana kami pero hindi ko talaga kaya sakit ng ulo. Wrong timing. Pagbalik? Simple lang. "Hay naku! Wala ng bus! Nakakainis naman o. Paksiyeeet! " Sabay sibangot. Ipagpatuloy ang pag-iinarte hangga't nasa paligid pa si manong guard. Solb.
Sleeping time 10:30pm. Actually hindi ko naman napansin na hindi ako kasya sa bay window. Nakabaluktot ako magdamag sa lamig. In fairnezz maaga kaming nagising. Swimming ulit. This time sa dagat na. Dati, nag kayak na kami. Enjoy ako nun e pero ngayon, iba na ang nangyari. Wavy siya. Hindi nga pala magandang mag kayak ng ganun.
|
See the sea beads? (or kung ano mang tawag sa harang na yun)
Dyan ang swimming area. Sabi ko gusto ko dun dun lang kami mag kayak.
Pach said "Adik ka ba? Baka dumanak ang dugo pag tinamaan mo ang ulo ng mga nagsswimming na yan! Matakot ka sa Red Sea." |
We rented it for an hour pero nagamit lang namin siya for fifteen minutes. Ayokong maging headlines bukas. Hindi ko pa nakikita ang lahi ko no. Nangahas kasi kami na pumunta sa malayo once, muntik na kaming tumaob sa lakas ng wave. Scary. Sayang tuloy ang 350.00. Pero mas nanghinayang ako sa underwater cam ni Pach. Nag-moist. Buti na lang hindi ko pala hiniram yun nung nag Coron ako. Baka ako pa nakasira. Wala na siya :(
Uwian na. Walang habas na "baby baby" ni Bieber ang nasa playlist. Favorite ng mga kids. Nag lunch kami sa kubo-kubo sa tagaytay. Plastado ako pag uwi.
Though this trip had a blast of misfortunes, still natutuwa parin akong ganito nagsimula ang 2011 ko. Like what I said sa FB na maraming na-intriga "the most beautiful happen by accident". Hindi siguro magiging ganito kasaya tong trip na to kung wala ang mga accidenteng yan. Hanggang sa susunod na trip.