Sunday, December 4, 2011

Bacolod: After making my tummy happy

My backlogs are long overdue. Hindi ko alam kung may matatandaan pa ba ako habang sinusulat ko ang entry kong to. hahah! If before, I wont let a day pass after my trip ng walang naisusulat kahit ano, well eto na ko ngayon. Malala na ang sakit. Sakit sa bato... batugan. lol! Let's just say my priorities have changed after something came up that I chose to spend more time on it than blogging. But I really miss this so here I am ulit. Kilala nyo pa kaya ang blog ko? hahaha! Char!

This is my last installment on my Bacolod trip. Imagine I created four entries for staying here in just one day. Iba na ang nagagawa ng katakawan no? hahaha! They say Bacolod is food trip. Well I second the motion but this entry is no longer related to food. Mahihiya na ang bibig ko sa tiyan ko. hihihi! We decided to take a walk after eating our lunch to check out Bacolod's version of Luneta Park..


Provincial Capitol

Up close. Can't help but notice it's nice architectural design

Me: Hala mama! Ang galing natin. Nakarating tayo ng Negros Occidental kalalakad.
Mama: Hahaha! Sira. Bacolod ay capital lang ng Negros!

lol! hahaha! Laugh Trip. Natawa ako sa sarili ko dun. Kung mababasa man ito ng teacher ko sa Sibika at Kultura, malamang yari na naman ang patilya ko. (oo no. kababae kong tao, dun ako binibitbit palabas ng classroom. Ang sakit ha!)

Wushuuuuuu (high pitch)..  If i know, hindi nyo rin alam na yun ang capital niya. hahah!


After ng pictorial ni mama sa bonggang background na yan, uutusan ko pa sana siyang mag pole dancing sa mga pillars kaya lang baka magmistulang karnabal lang. Ika-insulto lang ng mga tao. Next time siguro. hahaha! Peace mama.

Mga bata nakikita nyo ba kung ano ang nasa larawan? Hindi? pwes! pare-pareho lang tayo. hahah!

May isda diyan. Tilapia. Wala akong nakikitang nandedekwat ng pasimple sa gilid. Kung sa Maynila yan, naubos na ang sangka-isdaan at naihain na sa hapag.


hindi kami mahiyain ano? hahaha! That's my mom.

naniniwala akong hindi siya EDSA Revolution monument dahil tatatlo lang sila

City of smiles indeed! ^_^

at pinaalis ko sila. hahah! Bully?

"Boso!" lol!
My mom told me na ganyan daw nung sinaunang panahon ang mga pastol. They're doing their job naked. Kung nabubuhay siguro tayo sa panahon na yun, tiyak na mas maraming makikitang beki sa palayan kesa sa parlor.

When we left Calea, we passed by Saltimboca Inn. Siguro ito na ang pinakasikat na lodging house dito base sa mga nabasa kong blogs. Kung hindi ako matinong tao, lilinlangin ko kayong lahat at sasabihing dito kami nag stay at hindi sa Ong Bun. It's really cheap kasi at maganda pa. Pero dahil mabait nga ako, kaya hindi na lang ako magsisinungaling for today. hahaha! 

Saltimboca's Reception

Oh yes they have a pool!


Forgive me for not jotting down the rates they were about to give us. If I'm not mistaken, since Maskara Festival was a week over when we went there, 200.00 lang ang difference niya from Ong Bun plus the use of swimming pool, plus free breakfast for two plus this great ambiance. Sayang! I chose Ong Bun kasi para sakin mura na ang 520.00 para sa airconditioned room na may private bathroom at cable TV. I heard my mom saying habang kausap ang receptionist, "kinulang ata ang anak ko sa pagre-research at hindi nakita ang lugar na ito. yaan nyo next time dito kami." Hihihi! In all honesty, I know the place very well. Gusto ko lang mag try ng iba. Kakaibang journey ang hatid ang Ong Bun no. hahaha! 

Eto siya....

Quiapo? Mali ka!!! Divisoria yaaan! hahah! Joke!

..located in the middle of busy Central Market along Luzuriaga Street. Ang hirap niyang hanapin. Niloko pa kami ng dyaskeng mr-know-it-all na driver nung galing kami sa pier. Pinaikot ikot kami sa buong palengke chaka kami siningil ng 100.00. Ayoko na lang simulan ang Bacolod trip ko nun ng mainit ang ulo. By the way, kayang-kaya siyang marating gamit ang padyak mula sa pier sa halagang bente pesos. Badtrip diba?

Mumurahin kami ng paa namin dahil sa tuwing aalis kami dito para maglakwatsa, lagi kaming nawawala at hindi na nakakabalik kung hindi pa magtatanong. hahaha! Hindi ko ito irerecommend sa mga katulad kong may sa pusa at maikli ang pasensiya.

Ong Bun's reception



Hayan siya. Wala naman akong masasabi sa staff. Sa kwarto meron. Medyo hindi kalinisan. Ang kobre kama ay mukang pinagsawaan na ng mga kapatid nating mickey. Butas butas. Ang tissue ay halatang hindi bago. Ang sahig ay hindi man lang ata nalampaso. Ang cable tv reception ay malabo. Ang pitsel ay mukang binahayan na ng kiti-kiti. Ang lamesa ay pwede ng tamnan ng kamote sa kapal ng gabok. 

Lesson learned? I should've availed the fan room, which I initially reserved para wala ang sandamakmak kong reklamo. Sana sa susunod ay ayusin na nila. Hindi na nga kagandahan ang lokasyon, wala pa sa maayos na kundisyon ang mga kwarto. Teka! E ano nga ba ang aasahan ko sa 520.00 worth? My fault. Nagmaganda pa kasi ako at naghanap ng iba samantalang ayan na ang Saltimboca. Tutukain na ko. hay! 

So much for this.. Back to Bacolod na tayo. Baka umabot pa sa supreme court ang mga sinabi ko. hihihih! Marami palang heritage houses sa Silay. Sana nakabisita rin ako para nafeel ko ulit na nasa set ako ng Bayani. Kung babalik ako ng Bacolod, yun ang gagawin ko dun (at mag-uuwi na ko ng Calea cake I swear.)


Pano ko ba tatapusin to? Basa ulit kayo ha. Next week Guimaras na. Yun lang. hahaha! Maligayang pagbabalik sa akin. lol!

14 comments:

Chyng said...

chakka ng ong bun! nascared ako bigla kasi sa ong bun iloilo kami nagpabook for dinagyang next year..

Nicole said...

oo nga chakka pala! Buti pala hindi kami natuloy diyan! ( haha! Diyan talaga eh, buong Iloilo trip pala ang hindi natuloy! Bwhahahaha! )

Hoobert the Awesome said...

Of course, I still remember you Ate Kura-ching. Ikaw pa makalimutan ko. Now way! Makalimutan ko na pangalan ng girlfriend ko, 'wag langikaw. Chos!

I miss you.

Anyway, I agree with the two ladies above. Ong Bun = chakka. Haha. Kasi naman, kakatipid, mas nalugi ka tuloy. Hehehe.

Ang pretty ni Mommy Ate. Pusturang-pustura talaga eh no?

Bye Ate. Daan ka naman sa blog ko. Andami mo ng namiss. Hahaha.

Mwah.

PS. Alam ko pong kapitolyo ng Negros ang Bacolod. Bow. :P

blissfulguro said...

ibang experience ang saltimboca lalo na ang chorizo breakfast nila! yum!

Pinoy Adventurista said...

na miss ko tuloy ang Bacolod... :)

anney said...

Game na game ang mama mo sa pag pose ah! Talbog ka talaga! hehehe!

looney planeteer said...

don sana ako mag stay sa saltimboca kaso mixed signals ang mga review na nabasa ko sa mga blogs. sa susunod na pupunta ako ng bacolod, try ko dito.

thepinaysolobackpacker said...

hahaha natuwa na naman ako sa post mu, esp ang "hala mama nakarating na tau ng Bacolod sa kalalakad!" lol my Ongbun din pala dun kala ko sa Iloilo lang. thanks for the info.

Kura said...

@chyng - bago lang tong bacolod branch nila. Sana hindi pareho ng services sa Iloilo kasi madidisappoint ka lang. tsk!

@nicole- hihihi! next year sa maskara festival, try to catch it up. ako medyo may pagsisisi kasi hindi ko itinaon. and I agree with you both

@enchong - naku nambola pa. hahah! I miss you too. tagal mo rin kasing nawala. oo nga e. hindi ko rin ineexpect yun no. sha ako na ang nalugi. haha! o ayan nakadaan na ko ng blog mo. natutuwa ako sa mga comeback entry mo. lalo na pag tungkol sa love. yeeeekkeeeeeee! hahahhaha!

@carla - oo nga nainggit nga ako bigla sa post mo. natawa pa ko kasi nabanggit mo dun na ilang tumbling lang nasa calea ka na. maganda nga pala talaga dun chaka hindi siya located sa city proper. hindi gaanong matao.

@mervs- uy! long time kang di napadpad a. heheh! anyway, salamat! pagkain ang gustong gusto kong balikan sa bacolod.

@anney - I miss you girl. hindi pa nga pala kita nakakamusta sa blog mo. mama ko? naku! mas maloko sakin yan. we're like sisters. minsan siya pa ang nakakaisip ng mga kakaibang pose.

@looney planeteer - been to your blog a couple of times. mabuti nagawi ka dito. natutuwa ako. hihihi! mukang ok naman siya. Marami ng nagsuggest. chaka ok din ang location... at may pool. tatambog ka na lang paglabas ng room. hihihi! =)

@gael - ayiiii naku andito ka uli madam. salamat talaga. ^_^ yup kakabukas lang ata ng branch nilang yan. kaso don't expect too much ha. para lang talaga sa backpackers. or baka nasaktuhan lang ako sa room na yun kaya medyo hindi maganda ang experience ko. thanks din!

Goryo said...

Ang ganda ng mga posing! impeyrness ha cool tong b log mo. Parang tag line ng isang isang talk show host na Idol ni Cris Aquino.. Kaibigan... Tara - usap TAyo!

O ha.. pero honestly masarap tumambay dito... =)

John Marx Velasco said...

Dami ko na din backlogs at di na din ako makapag basa ng mga blog sa office kasi na block na ung ginagamit kong unblocker. haiz... Basahin ko tong entry mo paguwi, busy mode lang intermittent pa internet dito sa house :(

AJ said...

As usual, laugh trip na naman itong entry mo. Benta yung pictyur ng lagoon na walang makitang isda. :))))

Pero dapat hinawakan mo yung butt ng machong istatwa. For good luck daw yun. Lahat ng humipo nun, nabiyayaan ng aktibong sex life. :p

Next time, mag-O Hotel ka. Di naman kamahalan, pero the rooms and sheets are cleaner.

Btw, your mom is so cool. Reminds me of my mom din. Hehe

Mitch said...

oh dear, thanks you warned us, sad naman dun sa pension house na yan at ung driver ha, mga mapagsamantala tlga. Coron lang ata ang mga honest people..tama ba.anywei, I miss you and your blog! It's good to be back, welcome to both of us in blogging. hahaha. You are a good daughter, I may say? kasi sinasama mo mama mo sa lakwatsa mo. you should lang tlga. Buti tumigil kana sa pagkain mo jan. hihihi

Unknown said...

Welcome back Maricar, namiss ko din mag stalk sa blog mo... haha!