Sunday, November 4, 2012

My first wake boarding experience

Sawa na ko magmistulang paniki sa kakabiyabit sa mga kable. Sawa na rin ako magpanggap na butanding kahit hindi naman ako marunong lumangoy. At higit sa lahat, nagsasawa na rin akong iwasiwas sa ere na parang ornaments ng Christmas Tree. 

E bakit hindi nalang silang lahat all at once. hahah! (Kung maka emote parang ayaw ng gawin e no. hahah!) Wake boarding perhaps.. well... knee boarding to be exact. Sige ipagpatuloy ang paglapastangan at pag-torture sa sarili. hihihi! I had my first in Camsur Watersports Complex (also known as CWC pero sa iba C-DAB. Narinig ko yan nung mag nagbayad sa jeep papuntang airport. "Manong C-DAB po!") Tama nga naman... Ang daming syllables ng C-W-C ha! Lima din yun, e kung C-Dab dalawa lang. May point. Pero anong point ng kwentong yun sa kwento ko? Ala.. gusto ko lang humaba bakit ba. 

Nagutom kami sa haba ng biyahe from Caramoan to Naga City. Sobrang alon pa nung umagang yun. May echoserang bullfrog pa na isa ata sa mga pahinante ng bangka... aba mantakin mong hinugot niya ang nakasiksik na life vest sa bandang unahan sa kasagsagan ng naglalakihang alon. Sino bang hindi magpapanic nun?!?! Dyusmiyo! Kukuha na sana kami ng kanya kanyang life vest ng makita naming hinigaan niya ito para lang gawing unan. Ayos sa trip si manong. Ang sarap aspaltohin. Hay!

Pero di pa natapos dun... Idagdag pa ang mainit na van na nasakyan namin from Sabang to Town Proper. Langis kung langis ang face ko. Pwede ng magtayo ng factory ng shell, petron at caltex. Naku Stress Drilon ha! Umaariba ka.

Shet ang haba ng intro ko. So eto na nga... gutom na gutom kami pagdating. Pero dahil naguumapaw ang excitement namin at kahit umangot na kami kaka-antay ng food, keri boom boom lang.





Yummy Laing Pizza (Bicolano Special)
Sa tagal ng mga pangyayaring ito sa buhay ko e hindi ko na matandaan ang presyo nilang lahat. Forgive me. Pero I highly recommend that pizza. Superb.

Ceasar Salad

Spaghetti Carbonara (fail ang presentation. Walang bing-bing-bing-bing!)
Marx was right. Kahit mukang walang sustansiyang idudulot ang itsura ng Carbonara nila, masarap siya in fairness. lol!


Lasagna (Walang binatbat. Winner pa rin ang Carbonara)

Fetuccini Pesto (Surprisingly, I didn't like it. Ako na napakahilig sa pesto)

At the time we were there, they have stopped the operation on Beginners Area. May nasira daw chenes. So we lined up with the pros. Yipiii! Dun man lang maramdaman kong pro ako. chos!

Briefing Briefing...


Kuya: Sige mam yuko..
Freda: (nagkakanda-kuba na) Ganito kuya?
Kuya: Yan mam tama yan. Papasok ka sa mga bilog ha. Makikita mo naman yun. Bawat corner ng lake na to may mga puting bilog. 
Freda: ???
Kuya: Usually pakanan yun... Pag kakanan ka mam,  hilahin mo tong tali sa kaliwa para kumanan yung board.. tapos pag kakaliwa ka naman, sa kanan naman ang hila mo.

Freda: ??? (ayun tumayo na lang. hahah! Bahala na si batman)
(Ang daming sinabi... nakaka-panic ang pinagsasasabi ni kuya. Sa mga ganyang pagkakataon hindi ko na malalaman ang kaliwa at kanan no!)



Nung ako na ang nakasalang, I just asked the operator kung pano.. isa lang ang sinabi niya. One liner pero sakto.

Kuya Operator: Basta mam.. kung nasan ang katawan mo, dun ang punta ng board

Ganung kasimple. Yun ang dapat itinuro nyo kay Kuya Brief. Palit na lang kayo. Now na!

Nerbyosa ako. Pero mas ninenerbyos ako sa sablay moments. Sa lahat ng nauna sakin walang sumemplang. Hay Pressure Lara Quigaman...:-/ Wala akong tigil sa kakatanong kung pano bang gagawin. Words of encouragement ng boss namin... "Just hang on.. hang on to your life! Woooohooo!"



Ay.. may pag eemote na nagaganap?
Natuwa ako kasi buhay na buhay ang board ko. hihihi! Everyone cheered for me. I can feel the tension pulling may kaawa-awang arms. You know why they advised us to get inside the white floaters? E kung maka-hila naman kasi ang dyaskeng cable parang wala ng bukas. Daig ko pa ang kalabaw. Pag hindi ka nakapasok dun, malakas ang pwersa ng kadiliman. Pero sa totoo lang I enjoyed the ride. Aliw na aliw ako talaga. 

Dahil nasa pro area nga kami, shempre maraming obstacles. On my last turn, natakot akong bumangga sa isa sa mga yun at siguradong dadaigin ko ang tahi ni Chuckie sa mukha. Kaya minabuti kong bumitaw. Ayun kaladkad galore. hahaha! But wait there's more.... (pabulong) Nahubuan ako. hahahaha! Napraning tuloy ako. Hindi ko alam kung nahubuan lang ba ako dahil sa pagkaka-kaladkad ko o sa simulat simula pa lang bumaba na ang short ko. I shared my story sa friend ko na kakatapos lang. Good thing at pareho pala kami. hahaha! Kaya make sure your short can spare you from embarrassment when you try this one.

I tried it again. Hihihi! At sinigurado kong mahigpit ang tali ng short ko. Pero sa kasamaang palad, tumagal lang ako ng 0.549ms sa pangalawang beses. hahaha! Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Naramdaman ko na lang nalulunod na ko. lol! I had a cut on my left pinky. May something sa pagkaka-hila nila e. Ramdam ko yun (lumulusot) Hindi ko kinaya ang kahihiyan kaya ayoko na. hahahaha! I'm a bad loser I know.

We also availed of the free 1 hour use of the pool. Libre siya sa mga nag wake board. 100 sa mga hindi. Picturan time...

Parang mga tuod lang. hahah!

Ang panget pala pag fail ang jump shot no?

wagi!
After our tiring jump shot, we jumped in to the pool. yipiii! We were looking for huge floaters na nakikita ko lang lagi sa Sports Unlimited. Yung tinatalon talunan ng anak ni Diane Castilejo. Kaso sa kabila daw yun. Kailangan pa mag shuttle. Lago del Ray kung hindi ako nagkakamali. Hay naku pagod na ko umalis ng pool. Bakit kasi hindi na lang sa Cable area yun nilagay. hahah!

I'd like to share our epic underwater shots.. pampatanggal stress. lol!


Puro nostrils. hahah!

Noo ba kamo?

Eto classic. hahah!

Almost perfect
Hihikain ako sa pinag-gagagawa namin.

We planned to availed the free shuttle ride to SM City Naga. The last trip is supposedly 6:30pm. But Sir Jim, a true blood bicolano, convinced the Information Desk staff that we're 13 in a group and we'll have a hard time to hire a private van just to take us to SM. They were kind enough to offer a special trip for all of us and will leave at exactly 7pm. Petix lang kami kaka-picture until we saw Sir Jim coming for us. Scary. Nagkakanda-kumarat kami paalis ng pool. hahah! 

I heard the announcement that the shuttle just arrrived and will leave in about 5 mins. We hurriedly picked everything in our table. And I mean everything. Kahit kaninong pinag-bihisan pa yan basta pinulot nila at ihinagis sa bus. I just pulled random clothes from my bag and went to the bathroom immediately. Huli na ng nalaman kong, naisuot ko na ang mga yun. Hahah! Fail talaga. Wala ng time. I thought of just covering my self with sarong. Kaso naalala kong maglalakad kami from SM to Golden Leaf Hotel. Baka hikain ang mga sira-ulo sa daan kaka-sipol ng ♫whoot-wheew♫! Nakaka-habag kaya yun. hahaha! First time ko nagbihis ng ganung kabilis. Pagdating ko sa bus, ako na lang hinihintay. Hindi ko alam kung anong bihis ang ginawa ng mga kasama ko.

Eksena sa bus..

Me: hala yung bag ko!
Officemate 1: Eto o.
Me: Yung sapatos ko?
Officemate 2: Nadala ko na. Eto!
Me: Yung plastic na blue? Damit ko yun e
Officemate 3: Eto nabit-bit ko.

Tama nga ang nanay ko. Kalevel ko ang ahas sa pagkaburara. hahaha!

CWC Daily Rates:
165.00 per hour
460.00 half day
750.00 whole day

+ 500.00 deposit refundable after the ride. Just in case pag-interesan mo daw i-uwi ang helmet at vest bilang souvenir. hihi!

Thursday, October 18, 2012

Caramoan: Rex Tourist Inn

Ay! Nakakasawa ng gumawa ng excuse kung bat hindi nakakapag blog. hahah! Hindi ko alam kung pinapatalsik ba sa Pinoy Travel Bloggers ang mga tatamad tamad kagaya ko. lol! Anyway, Bago pa magkaron ng petisiyon para itiwalag ako, gusto ko lang sabihing miyembro ako ng bonggang groupong yun. Yun lang.. o sha game na!

Nangyari ang mga susunod na eksena sa Caramoan mga tatlong siglo na ang nakalilipas. hahah! O sha sige na nga mga 2 months lang. hihi! Grabea Alonzo! Hindi ko akalain magkaka-back logs ako sa onti ng gala ko kumpara sa iba. Feelingerang praglet.

Gaya ng ng sabi ko before, I organized this trip. Naghanap ako ng pinaka-sulit na package dahil Barat Obama kami. In fairness talaga naman Okay Kokey ang serbisyo nila.

Pagkatapos ng sandamakmak na Pawis Hilton moments sa Legazpi City Tour, at Caramoan Island hopping, marami pang nangyari. Isa isahin natin....

...ang bilbil ko. (lol!)
Chill lang.. Wala naman ibang gagawin kundi magpicturan e. hahah! By the way, Rex Tourist Inn's main branch is in the town proper. The featured one is located in Caramoan Garden.

Donya Rachelle
The place is very relaxing. Ang tahimik. Siguradong mabubulabog ang mga lamang-lupa pag nag-ingay ka. Lalo na dun sa may Loboc River Replica. hihih! Hindi nga lang siya beach front. Pero wala naman yun sakin e. Heller Kitty!? Sawa na kaya ako sa beach front. hahahahhahah!

Bombs Away!
 
Ang Jinet Jackson!



Boys Corner

Our rooms
They were the ones who arranged the room assignment. Ang galing kasi sakto kami. Yung dalawang room, may 2 queen size beds while the last one has extra bed just for me. Clap Clap! Kaso nakalimutan ko magpicture sa loob e. But I assure you, Mahatma Ganda sa loob.



May pool... bow! ^_^

Nescafe 3-in-1 saved the day
Trivia: Lagi akong may baong kape kahit san pumunta. Iba na ang adik. hihihi!

Dinner time na. Let's check out what's in store for us.

porkchop na nakakabata

my peborit! ^_^

at ang mapusyaw na mixed veggie

One Big Happy Pamily ^_^

We only spent 1400.00 each for the Caramoan Package Tour offered by Rex Tourist Inn. They were generous enough to give the rates same as what was agreed upon even if the original head count is more than 13. The package includes full board meals, lodging, island hopping, transfer to and from Guijalo port all in one whole day! (Sh*t napa-english ako dun. haha!)

Hindi na ko nag-abala pang mag lagay ng water mark. Wala naman sigurong mag i-interest sa bilbil ko. Hahaha! Oh yeah it's my birthday today..  Whatever Gotesco! hahah! Tara ginuman na! Woot woot!

Saturday, September 22, 2012

Caramoan Island Hopping

4:00 AM ang call time, 4:30am kami naka-layas sa Golden Leaf Hotel. Mahuhusay na mga bata. Masunurin. hihihi! Sa mga oras na yun, ako ang batas. Kailangan mahabol ang first trip ng boat e. Hehehe! Kulang na lang maghawak ako ng flag.. pupwesto ako sa unahan nila at iwawagayway ko habang sinisigaw ang.. "Children.. dito tayo!" hihih!

Filcab Van Terminal is just a few blocks away from Golden Leaf. Pwede ng lakarin basta alam mo kung nasan ang SM. Tapat yun nun.. pero wala akong nakitang sign e. Basta pumasok lang kami sa maliit, makipot at madilim na gasolinahan. Forgive me at nakalimutan ko ang linsyak na pangalan. Wala namang mambabarang na humarang samin nung umagang yun kaya feeling ko safe naman pag madaling araw ang biyahe. Ang maganda samin, hindi na naghintay na mapuno ang van. 13 na kami e. Binayaran na lang namin yung 2 pasahero. Larga! Fare is 120.00 each.

Biyaheng langit si manong. Ka-level ng bituka ng manok ang kalsada. Ang daming curves. We left the terminal at around 4:40am. After an hour we're already at Sabang Port. I told everyone to take the right side  to see Mayon's peak before sunrise. Yes you can still see it. Masaya ang boat ride.. mapayapa.

We arrived at the port of Guijalo at 7:45am and we saw our Shuttle bus with sign Rex Tourist Inn. I thought we're the only guest that time since it's off peak and only a few anticipated the Ramadan Holiday. But I was wrong. May ibang asungot sa bus. hihihi!

Loboc ba kanyo?
Nope. Rex Tourist Inn is not a beach front resort but you can see this very refreshing view. Actually it's much better than Loboc River. Mas malinis. Wala nga lang ang mga songers at pagkain. hihihi!

umeemote si madam
We just ate breakfast for a bit then dropped our bags in our room and voila, we're good to go..

..pati ang bumble bee shades ni Rachelle, ready na rin. hihi! SAKOP lang?!


I chose the package that's good for 2 days and 1 night. P1400.00 each. Inclusive ang full board meals, accommodation, boat rental, and transpo back and fort of Guijalo. Whattapack... age. hihihi!

For 10 minutes I guess, binaybay namin ang kahabaan ng bakawan. Same experience when I went to Coron for Mangrove Kayaking. Scary. Pakiramdam ko may lalabas na buwaya anytime.

Hello Sea!
Mga isang oras pa bago kami nakarating sa first stop. Hindi ako prepared. Sabi ko pa naman sa kanila kanya kanyang dala ng pagkain at walang mambuburaot. Isa ako sa nanguna. hahaha!


karst limestone. Nasa El nido ba aketch?!? ^_^

Tinatanong namin si kuya kung nasan ang shooting location ng survivor.. wala naman kami napala sa kanya. hihihi! Palipat lipat daw kasi yun. Anyway.. Moving on..

Fishfully

Infairness, wala kaming "Gravity Issues" diba Christian Lee?!? lol!

Wala akong ideya sa mga pangalan ng mga islang yan. hihihi! Forgive me. Basta kung san na lang kami dalhin ni manong.


Enjoy na enjoy sila... Ako hindi. hihihi! Ah ewan!! Kasalanan ni El nido to e. ^_^ I'm always expecting for more than that. Damn!


I may not be pleased by the islands but the underwater scenes amazed me.. Come and see.


The corals are alive and colorful and I'm happy about it..






..but there's nothing I haven't seen before. For the first time snorkelers like most of my officemates, waging wagi ang eksena sa ilalim..Anong nangyayari sa ibabaw? Eto..

I saw sir Rene and Sir Rodel, tumatayo sa corals ang mga dyaske.
Me: "Uy wag niyong tatapakan ang mga yan!!! Alam niyo bang inaabot ng maraming taon para mabuo sila!"

Natawa lang sila. Bakit daw bigla akong naging environmentalist. hahaha!

More of the sea creatures...



At ang mga sea weeds...lol!


Okay pala ang Orange outfit ko.. hindi halata ang life vest. ^_^





I'm sure most of you already know that there's one island there with enclosed cliff and a lonely bangus reigning the area. My officemates climbed up, but I and Ms. Freda chose to snorkel. I don't think I can do that. Kapagod kaya. Isa pa... butanding na ako.. Butanding AKO! Hmmmp!

Salamat sa picture


Sumu-survivor pose?! hihih!

Chan Lloyd! lol!
I had fun while seeing my officemates with happy faces. Ako kaya ang nag organize niyan! hihihi! Pero hep! It doesn't mean I still wanna do it next year. No way! hahaha! Ang sakit sa ulo no. At ang sakit sa bulsa ng phone bills ko after.. dami kong kinontak na hotel. Whew!

Hanggang sa muli...