Wednesday, September 12, 2012

Legazpi City Tour

Howkei Kokey! I'm back! Pagkalipas ang limampu't pitong siglo. Chos! I've been to 3 provinces and yun na ang hahabulin kong iblog sa ngayon. hihihi! Anyway, my September is allotted for work work work again so I made the most out of August. Gora!

At dahil bentang benta ang profile pic ko.. (Ngayon lang ako nakatanggap ng 40 + likes sa kasaysayan ng FB. hahaha!) e papasalamatan ko muna ang officemate kong si Madam Aymee. Makapangyarihan ang camera mo. Nakaka-denggoy. hahaha!

January pa lang, nagpa-plano na kami mag team building. I already mentioned before that we cannot file for leave all at once. Naalala ko nung nag Baguio kami year 2009. Half day lang ang hiniling namin, gusto ata luluhod pa kami sa asin. Ayaw kami payagan. Kaya I suggest, patulan ang long weekend ng August. Eid'l Fit'r is always an unpredictable date. Though PNoy never really made an announcement that it should be considered special non working holiday, nagmaganda ako at sinuggest yun. Bahala na si Thor. Chaka first time ko if ever.

February 13, 2012 when I started booking flights going to Naga and Legaspi whichever is available. Oh yeah, did I mentioned 13 kaming lahat?! Ka-pressure mag book. hahaha! Thank God Airphil and Cebu Pac did their job. Wuhuu! Ayun, 4 people decided to take the bus. I don't know.. fear of heights? plane crash? Whatever. 

My flight is earlier than everyone else. Sa kagustuhan manguna sa seat sale, napuyat tuloy ako. leche! Oh the bus team? They left the day before. hihii! Ayan tuloy pagod na pagod. Sakto nagkita-kita kami sa Naga Bus terminal. Since everyone wanted to see Mayon in Legaspi, Team Naga took the van and endured the 2 hour ride. Team Legazpi spent their time in Embarcadero playing bowling, billiards, sight seeing. Chill lang sila habang nagkukumarat kaming makarating sa Let's Pinangat in Camalig, Albay. That's the starting point.
 
We alighted just infront of Let's Pinangat. I already talked to the van driver to tour us around Legazpi for half day. He gave it for the price of 3,500.00 including the transpo back to Naga. Bale 270.00 each lang kami. Amazing! Since may iba kaming kasama sa van na galing Naga, hinatid muna sila ni kuya driver bago kami binalikan.

We ordered the ff:

TINUKTOK - P40.00
 Dahon siya ng gabi na may young coconut sa loob na nilagyan ng gata. Waging wagi!

BICOL EXPRESS (P40.00)
Gusto ko sanang mag aklas nun at sabihing "teh! hindi po sili ang binili ko" pero huli na ang lahat. Nagkakainan na sila. Grabe ang bicol express na yan. Uusok ang tenga mo sa anghang. Totoo ngang nasa Bicol na ako.

Team Naga (Clara, Jimbo, Rene, Espi, Me, Aymee, si Rachelle ang nag picture. hihihi!)
  After eating, Team Legazpi arrived. Ayun.. nagkainan din.

Team Legazpi (Paul, Mac, Iris, Rodel, Melyn, Freda)

Cagsawa Ruins

A glimpse of Mayon's Peak
Mga 3pm na yan kaya pahirapan siyang makita.


Lucky 13!

pitong camera + pitong jumpshot = pudpod na lupa
Maraming naglipanang photographers. They're willing to capture a trick shot using your own camera. You just have to enjoy every pose. i therefore conclude, ang hirap palang maging model. whew!

Lola naman o. Ok na sana e. hihih!! :)

♫ Sige... higupin mo..♫


Daraga Church


Sabi sa lapida, lime-washed daw ang walls niya. It's a form of preserving the structure. Kaya siya ganyan. Ang chaka lang ng renovation portion.

Kailangan talaga magka-holding hands? :)



Albay Park and Wildlife

Oh well hindi ako mahilig sa mga ANIMAL na yan (put the stress on "-mal!" part. hihih!) Mapanghi. Madumi. Mukang patay na. Hindi gumagalaw. Ayaw sa akin. Kaya wala silang masyadong picture. hmp! The feeling is mutual no! hahah!


ka-umay.. hahah!

anong emote yan!?!? :)
Our team is composed of 5 couples and 3 singles (sa kasamaang palad. lol!) At umay na umay kaming tatlo sa pinaggagagawa nilang kahalayan. hahaha!

Me: Madam Madam Freda!
Freda: O doray?
Me: Nakita mo ba yung malaking ibon sa cage? Ngayon lang ako nakakita ng ganung kalaki e. Ang panget niya! Nakakatakot. Tara dali!
Freda: Ang alin? Yung ostrich? oo nakita ko na.
Me: Huh? may ostrich ba dito?

Pahiya ako. Ang sinasabi kong malaking ibon ay wala sa kalingkingan ng ostrich. Leche! hahaha!

hayup!

Lignon Hill


May nilalang na di-tiyak ang kasarian ang humarang sa van namin pa-akyat. GT express daw kasi ang huling sasakyang naaksidente dun (o e ano ngayon?!?!) Muka naman confident si manong driver namin. Kakaakyat lang daw niya dun.

Anong meron dun? Makikita mo ang buong Legaspi. As in 360 degrees. We tried the zipline. Normal na lang sakin.. Yabang e no. hahah! Kakaiba lang kasi gabi. At nagkakandasabit-sabit ako sa sanga ng puno. Buti matindi ang kapit ng tsinelas ko. Paki inform ang mga kinauukulan ha.. na tabasan ang puno dahil sumasabit ako. 

Naiinis ako kasi habang naka sabit ako, biglang nagpakita ang uber shy na Mayon. Sayang wala akong camera. Pero tambling ako sa eksena sa baba...

Aymee: "Sir Rene! Sir Rene! dali picturan ko kayo ni wife mo. Kita na ang Mayon! "

Finished Product (clap clap!)
Rene: "O Aymee dali ikaw naman.. "
Aymee: (excited. nagmamadaling bumaba)

Toinks! Si Aymee at ang pugot na Mayon. lol!

Huli na ng nalaman niyang putol ang mailap na Mayon sa picture niya. Life is unfair no Mam Aymee? hahaha! We left the place around 7pm and headed to Small Talk Cafe for dinner.


Small Talk Cafe

It is located in Doña Aurora St. in Albay. Sikat siya kaya no worries.I've heard a lot of great reviews.


I love the ambiance. It gives a homey vibe. Check it out.



We ordered 14 different dishes. Ang yaman lang namin. Ayun naka 3,255.00 tuloy kami. But wait there's more.. budgeted na to. Isang taong meeting fund ng department namin. Kaya wala kaming nilabas kahit singkong duling. Well.. merong nagkawanggawa di ko lang alam kung sino. Sobra kasi ng 55.00. hihihi!

Eto ang mga natikman ko.. Buraot mode.

Pili Basil Pesto


Freshly made Mango Crepe (oo.. mainit init pa.)

Blueberry Cheesecake (mas masarap pa ang gawa ko. Charot!)

Veggie Salad

Golden Leaf Hotel

It is located in Misericordia St. Walking distance lang sa SM Naga, Filcab Van Terminal (going to Caramoan & Legaspi) at Naga Bus Terminal. O ha!



We stayed there for two nights pero yung nakuha kong pictures e pang uwian na. hihihi! Forgive me. For Day 1, when we arrived coming from Legaspi, we occupied 3 triple room and 1 double. But for the last day, we stayed in family room. Eto yun..


Ok naman siya. Kaya lang medyo minalas kami sa CR. Sira ang flush. Pinagpawisan tuloy ang mga nag tootoot. hahaha! If ever you arrive early, you can request them to take care of your bag muna. Meron silang parang bodega sa front desk. WiFi is only available at the lobby. All rooms are airconditioned but you can request for a stand fan if you think it's not enough.

Ok so much for our day 1. Caramoan na ang susunod. Watch out..

Expenses breakdown for day 1:
NAIA Terminal Fee - 200.00
Naga Airport to FilCab van Terminal (in front of SM):
   Pedicab ride to highway - 10.00 per pax
   Jeepney ride going to Naga Bus Terminal - 18.00 per pax
   Tricycle ride to Golden Leaf Hotel - 8.00 per pax
   Golden Leaf to FilCab Van Terminal - 0.00 (walking distance)
Fare going to Legazpi - 170.00 per pax
Legazpi City Tour (and going back to Naga)- 3,500.00/13 pax = 270.00 (spell cheap!)
Lunch at Let's Pinangat - 40.00 per pax
Dinner at Small Talk - 3255.00/14 (kasama si manong) = 232.50
Entrance fees:
   Cagsawa Ruins - 10.00 per pax
   Ligñon Hill - 20.00 per pax
   Zipline at Ligñon Hill - 250.00 per pax

Golden Leaf Accommodation (one night):
Misericordia St.. Naga City
(054) 4726507
09208139810
 
1 Double Room (600.00) +
3 Triple Room (800.00) = 3000.00/11 pax (may ancestral house yung 1 love team e.) = P272.70
------------------------------------
Total: 1,501.00



18 comments:

bry_dacs said...

o parang sumama na din ako ;)

juneosidabenitez said...

nice post po..i miss albay tuloy. That was Daraga Church po, not Camalig.

KULAPITOT said...

hahaha . natawa nmn ako sa mga photos mo :) super!

iamjessiegarcia said...

welcome back... LOL

marxtermind said...

Alam ko Bicol express sili talaga main ingredients nyan! Hehehe!

Nakakatuwa mga pics nyo! :D

So nagpakita si Mayon... ibig sabihin nyan eh... :D

razzy said...

dropping by.... 2years in the making na ang plan ko na magpunta dito.. may ticket na kami hindi pa rin natuloy... nice blog... :)

Christian | LAKAD Pilipinas said...

i was actually surprised with legazpi city, ang dami rin pala pwede puntahan. kakagaling lang din namin dun via pnr train nga lang :)

blissfulguro said...

bet ko yung bicol express..naalala ko, ang mga carinderia dun eh may mga nakasabit na sili sa parang sampayan, rekta kuha nalang mga kumakain. hehe

next post naaaa! pressure?!

anney said...

Ang saya namn ng trip na yan! I love the trick shot and jump shot!

bertN said...

Nahihiya yatang magpakita yung Mayon nung nandoon kayo.

Mitch said...

Na miss q tumambay dito sa area mo.hehe parang opisina lng ang peg.if I know humahabol ka lng sa shooting ko at ni daniel anoh?hehe. Ang saya lang ng pics.pmunta din b kau s cwc at misibis bay..abangan q yan. Mayon in any angle is perfectly shaped.

EkPulankers said...
This comment has been removed by the author.
EkPulankers said...

excited na ko sa post mo abt caramoan!!! :)

SunnyToast said...

thank you for this review...this would be a great help next week bicol then akey:)

Pinay Travel Junkie said...

Hiyes, iba talaga pag ang benchmark ng awesomeness is El Nido. Honestly, I haven't been to both so tsaka ko na sila husgahan. Hihi.

Manong Unyol said...

nice ganda ng lugar at masarap ang food parang sobrang anghang nun ah :)

Lakbay Diva said...

hahaha, ang saya saya ng mga trick shots :P

i ate at smalltalk cafe too when i was there, ordered their bicol express pasta. it was good!

Jewel Rose said...

Hi, I am a tour coordinator and a native of Caramoan. I arrange all kinds of tours and give you the rate from the most expensive to the most conservative. I also send guest to travel agencies and tour operators that you may want to work for your needed tour. If you are interested, you may contact me @ 09106534561 / 09155870668 or email me at jraberiso@yahoo.com. My American husband who traveled around the world and with his worldly experience wants the best tour and I’ll give it to you.