Whew! Grabe ang tamad ko no? hahahah! Namiss ko to! Sensiya na ha. Ayoko lang maudlot ang El nido trip ko this January kaya nagpaka-aliping sagigilid ako sa office. Spell k-u-r-a-c-h-a mode. Nai-share ko na ang nakasusulasok, nakaririmarim, at kagimbal-gimbal na penetensiya mode sa previous entry ko (lol! ang OA lang. haha!). Time to chillax naman ngayon. Kahit papano narealize kong nagbabakasyon pala kami. hihihi! Akala ko bibigay na ang tuhod ko.
Mama: Hay naku! Mamamayapa na ang tsinelas ko sa pinaggagagawa natin anak!
Me: (laugh to death) Alam ko na kung kanino ko namana ang mga kalalim-lalimang wika. hahaha! Kailangan pang ipahukay.
We stayed in Villa Igang. We woke up at 6am to eat our breakfast and to start our island tour at 7am sharp. But before that, I was mesmerized by the sunrise just outside our room. Magandang pangitain. lol!
Sceneries at Villa Igang..
the peaceful lake |
Eeek! Dawson's Creek! |
May nagmomoment sa dulo. Hindi ako naka-epal. Sarap ihulog. hahahah! Joke! Feel na feel ko pagka promdi sa lugar na yun. Hindi maingay. Magkakalayo ang cottages. Walang nagvivideoke sa gabi. Yun nga lang, maliit lang ang shoreline. Ni hindi mo makukuhang makapaghabulan sa boylet kasi wala ka ng ibang tatakbuhan. Diretso ka sa tubig. hahaha! Wala ng sabuyang lupang magaganap.
ang cute! nuknukan ng daming kalapati sa kusina nila |
Naalala ko ang kauna-unahang pelikulang nakabisado ko kahit nakapikit. May creepy character dun. Yung matandang huklubang nag-amoy ipot na sa dami ng dove sa katawan na kinatatakutan ni Makulay Culkin. (Ka-age bracket kita pag kilala mo siya. hihih!) Gusto ko sanang sabuyan ng bigas si mama at ichecheck kung keri niya ang role na yun. hihihi! Kidding!
Ang problema ko lang sa Villa Igang (eto na naman ako!), ambagal ng serbisyo. Mantakin mong pinasok na ni mama ang kusina nila dahil inabot ng 20 minutes ang order naming scrambled itlog. Kaya nga itlog na lang ang inorder namin para mabilis. E pambihira, hindi ko alam kung inantay pang mangitlog ang mga manok sa bakuran nila. hayz! Nagulat ang mga kusinero nila kay mama. hahahah! Imagine this "Walanjo naman kayo o.. Asan na ang itlog kooooh?!" hahahaha!
Let's go sago! First stop, SEAFDEC or Southeast Asian Fisheries Dev't Center. Alam na alam na kung anong makikita. Tara silip tayo!
path way to fishes |
Tons of different kind of species |
"Masikip ang mundo" - pong pagong |
lovely lion fish |
The first island we've been and I consider the most beautiful and peaceful island in Guimaras... hindi ko alam ang pangalan. hahah! Sa kasamaang palad. If I only knew, we should've stayed here longer. Basta ang alam ko lang, Pulang Pasayan ang tawag sa hipon na makikita namin sa islang to. No entrance fee. Donation lang.
Eto siya..
Can you spot those pulang pasayan? |
Ang tungkod (o diba kami lang) |
Sad to say we had to leave this island for our next stop... Baras Cave.
shempre wala kayong makita diba? hahaha! fail |
Another calendar shot of my mom |
I don't like swimming inside the caves. Hindi ko alam kung may lalabas na kampon ng kadiliman at hihilahin ako pailalim. Kaya nung paglabas na paglabas namin, natuwa ako at may napansin akong nagkukumpulang snorkelers. Kung swimming pool nga nag susuot ako ng snorkeling gear no, what more sycamore dito. Gora! Tambog! hahaha! At ito ang aking nasaksihan..
ang sipuning rock coral (may sipon talaga siya promise. eeew!) |
parang linta lang. |
thorns chorva (o hindi ako ang nangulimbat niyan ha!) |
"Kung kaya ng iba... IPAGAWA MO SA KANILA"... ayan, ipinakuha ko kay kuya. hahaha! (pero binalik ko din) |
crown of thorn fish (again) |
Kung sa bukid at palayan, daga ang kalaban ng lipunan, sabi nila.. sa corals, itong pesteng to ang counterpart. If you're a regular reader of my blog, lagi ako may nakikitang ganyan sa lahat ng snorkeling spots I've been.
Kumukutitap na white coral |
Next stop, Natago beach. Upon approaching the island, we saw a lady waving her hands on us. Nakakatuwa diba? We really felt a warm welcome. We smiled and also waved our hands as a reply. Ayun, pahiya. Pinapa-alis pala kami. hahahaha! Kasi daw may nagrent ng buong island. Bwisit! Bakit kasi isa lang ang kaway pag nagba-babay, nag h-hi, at nagppalayas! hmp! ganda pa naman.
Guimaras offers a lot of stunning rock formations. Too bad I wasn't able touch at least one. Mahirap kasama si mother. Mainipin. Tumatakbo daw ang oras kaya wag ng bumaba. :( Gusto ko pa naman magpose ng ala-"Babae sa breakwater." lol! Nagmistulang sightseeing lang tuloy.
pwede ng pamahayan ng mambabarang.. ang creepy lang |
the ever popular rock in Guimaras |
Did you know that the massive oil spill in the history of the Philippines happened in Guimaras? Way back August of year 2006, an oil tanker carrying more than 2 liters of bunker fuel sank on Guimaras Strait affecting marine sanctuaries and mangrove reserves. Sabi yan ni wikipedia. hahha! (kala nyo ako? english kaya! hellooow!?) Good to know they were able to recover from that incident. Wala ka ng makikitang bakas. Nalaala ko pa na naging bayani ang mga kapatid nating beki sa pagdodonate ng mga naipong hair clippings sa parlors nila para sa Guimaras. Pang harang daw yun sa mga oil para di makarating sa shore. Kung ang pagkakakalbo ni Boy Abunda at Arnel Ignacio ay dahil sa Guimaras, sasabitan ko sila ng sampaguita pag nakita ko sila sa personal.
Sha! Taob na ko. |
Kung meron mang hindi nababasa pag nag i-island hopping, nanay ko yun. Wala siyang ganang maligo pero mag-pictorial meron. We were charged P700.00 for 3 hours boat rental. 400.00 for initial one then 150.00 for succeeding. Standard na ata yun sa kanila. 3 hours lang. Kami na ang nagmamadali kahit gabi pa ang flight.
Sa room rate naman, standard fan room lang yung samin e, 1000.00 lang. You may contact Villa Igang in this # 09263753634
Sa room rate naman, standard fan room lang yung samin e, 1000.00 lang. You may contact Villa Igang in this # 09263753634
We left at around 11:30am. Nagpasundo kami kay kuya JunJun. We saw this Mangrove trail along the way, basta bago ka makalabas ng Villa Igang makikita mo yan.
Hindi pwedeng walang bridge shot, hindi talaga. |
Hindi ko na nakuhang pakainin si Kuya Junjun ng lunch. Wala lang sa isip ko. Basta gusto ko lang makabalik na ng Iloilo sa lalong madaling panahon para sa batchoy. hahah! Hi. kuya! Sana matulungan kita. Alam kong inaabangan mo ang entry na to. hihihi! Sorry at uber delayed. He charged us P400.00 for this one way trip.
Thanks Kuya Jun-jun! Contact him in this #09212365281 |
Hay batchoy.. I miss you bigtime! We tried Deco's this time. Nagkalat lang ang mga branch nila sa buong Iloilo promise.
Yumyumyum! Babalikan kita promise |
Walang pinapatawad. hahahah! I have the coolest mom ever |
Sa mga nag-abang sa kin.. salamat! I really appreciate it. :$ hihihi! Nahiya talaga ako bigla.
Can't wait to post my 2012 plans. Up next na yan! hihih! 2011 has been a fruitful year for me. Achieve na achieve ang mga goals ko infairness. Sana ganun pa rin at mas bongga pa. I only booked 4 flights this year Sha ako na ang aktibo sa dayukdok mode. I know.. mas konti kesa before pero I'm sure it would be very rewarding still. I may not travel as often because my priorities have changed. Pero aariba na ko sa pagb-blog. Sabi nga nila "ang batang masipag... paglaki.. pagod!" Bow! Paalam!
11 comments:
Ang ganda namn ng mga shots mo! Talaga taob ka na naman sa mala kalendaryong posing ng mama mo! hihihi! Mukhang ang sarp ng batchoy ang daming chicharon!! Happy 2012!
wow, happy for you may watermark ka na sa photos. hehe
kaloka si kuya, kung hawakan ang mga corals parang hindi sya masasaktan.
mahirap ka na iplease no? uve seen the best na kasi ^_^
Sosyal! Wuma-watermark na! Tara Deco's tayo sa Magallanes! =)
hay... ang ganda! si mommy model na model oh.. Hehe
at bakit kaya siya busy?! hmmm...
Nakita ko na naman ang calendar gurl! Hihi. Dami kong tawa sa Dawson's Creek!
At dahil sa post mo na to, pupunta rin ako ng guimaras next week. Haha! Na-unahan mo pa akong mag-island hopping doon. :D
Ganda ng pics mo. Sya nga pala, Tiniguiban Islet ang tawag sa island na may mga pulang pasayan. :)
buti naman at nakapag-update ka na (ako naman ngayon ang nag-aabang) lol.
bwahahahaha. natawa ako sa babae sa Natago beach, pinapaalis pala kayo. fail na fail. hahahahaha.
andami nyo ngang napuntahan sa island hopping. dapat ako rin sa susunod na pagbalik ko ng Guimaras! at talbog lahat ng nature photos mo dahil sa batchoy ng Iloilo! hahaha.
PS: wag naman masyadong malalim yung tagalog. joke! :D
wow ganda naman dito, parang dami nyo na napupunthang place a hehe, swerte, sana ako din hehe
haha! naghintay din ako. :) dapat makapunta akong iloilo this year!!
kulit ng mommy mo game na game sa mga photo ops haha!!
i love villa igang, tumambay lang kami jan for 4 days nung nag guimaras kami hehe
Ikaw? Anong say mo?