Habang nagpapaputok ang mga kapitbahay namin last New Year's Eve sa kalsada, eto ako... nagsisindi ng prosperity candles at nag-oorasyon sa terrace. Humuhuni ng "ahuuuuuuumm! ahuuuuuum!" Kaya siguro wala ng nagpapa-cute na sunog-baga sa kin pag umuuwi ako gabi-gabi. Feeling nila miyembro ako ng kulto at kaya ko silang gawing palaka sa isang bulong lang. bwahahaha!
Weird ba? Well hindi ka nag-iisa dahil pati ako na-weirduhan sa ginawa ko nung gabing yun. hahaha! Sana pala nagsuot din ako ng itim na damit para mas effective. ! Ngayon ko na lang narealize. Yung boss ko kasi e, prosperity candles ang gift sakin nung pasko. Feeling niya siguro it can save souls. hihihi! Sindihan daw ang mga ito ng alas onse y medya bago mag bagong taon. Pagpatak ng alas dose, patayin ito at i-arrange depende sa size niya.
Hinihiling ko sana na red ang unang maubos dahil su-swertehin daw ako sa love life sa pagpasok ng taon. Bwisit yan! Subok na matibay, subok na matatag. Ang sarap kagatin! Hay! Siguro bitter din ang may gawa ng Red candle at sandamakmak na paraffin wax ang inilagay. O baka nga hindi pa siya nakuntento. Nilagyan pa ng mighty bond, rugby at kanin. Nabalitaan kong ganun din ang nangyari sa kandila ng officemate kong No Boyfriend Since Birth. Sabi niya "wag kang mag-alala, hindi naman totoo yan e. May liwanag ang buhay!" hahahaha!
Kandila ni barney ang nagwagi! |
Violet - for Material
Green- for Money
Orange - for Brightness
Blue - for Peace
Pink - for Health
Yellow- for Good Spirit
Red - for Love
(leche! kailangan kulelat talaga?!?! hindi ba pwedeng pangalawa sa huli! hmp!)
Ok lang, yayaman naman daw ako sa materyal na bagay. Pwede kong bilhin ang mga lalaking yan. hahahahah! "Eto ipad o, tayo na?" Joke! lol!
my home made Blueberry Cheesecake (halatang walang talent sa presentation. hahah!) |
Got myself a luggage last Christmas! hihihi! And I quote..
My 2011 was my travel year I suppose. I was able to set foot on 17 provinces in the Philippines (I can't believe it myself either. But that's what my blog says ^_^) Ironically, believe it or not, I traveled without a decent travel bag at all.
I took a break for 2 months to celebrate my Christmas with a blast. Traveling equates to GASTOS we all know that. hihihi! So yun.. I just bought something for myself
I 'll be on the road again at the end of this month.. a dream destination that is! Wouldn't it be nice to carry a gorgeous luggage this time... oh if I may add, I'm currently wearing a burgundy red hair right now. Ako na ang galit sa RED!
excited na ko! 12 days to go! |
Let's have a recap on my 2011 goals kung ilan ang Completed, Pending at Cancelled. hihih! I'll re-arrange it based on what was mentioned.
1. Salary Increase - April of 2011, I was luckily promoted. Malamang, makiki-sali ang dagdag responsibilities. Natural, may increase sa sahod. Automatic yan dahil kung wala, patayuan ako ng monumento sa tabi ni Rizal ngayon na. Gawaran ako ng award na kurachang mapagkawanggawa.
2. I bought a car - Zac it is! Yan ang name niya. Samantalahin ang bagong posisyon. wahahaha! Baka i-demote ako pag natauhan ang mga boss. Kaya pagkalipas ng 1 buwan, I decided to buy one. Ngayon, kumikitang kabuhayan na rin siya. 2 libo kaya pag nagpa sundo't-hatid lang sa airport. Bongga diba? Baka nangangailangan kayo ng service ha. aheheheh! Email me. Charot!
3. Learn how to drive - If you still haven't watched it, click on the link. Mahuhulog ka sa upuan kakatawa. Buti na lang I just stated here, "LEARN" not "MASTER". Kundi mapepending to sa check list, hahahah! Actually, wala pa rin akong driver's license. My father was scared enough to let me drive Zac. Ibangga ko na lang daw ang sasakyan ng driving school. hahaha! It will be included on my to do list this year.
4. Cagayan de Oro trip - It was my first time to try water rafting and I really had a great time. Parang gusto ko ulit siyang isama sa list ko this year. hahaha! Anyway, it wouldn't be memorable kundi dahil sa mga kasama ko dun. Sino bang makakalimot sa MMK moment ko sa Camiguin. Naiyak ako dahil hindi pinayagan mag snorkeling. hahahah! Kainis!
Martyn! mamimiss kita.. :c |
Babae sa breakwater.. Char! :$ |
5. Cebu Trip - July 2011 when I went there with my brother and my mom. It was the first time I traveled with them. I was able to experience the ever popular Malapascua Island. Badtrip lang at talagang natapat pang may naka-away kaming boatman at island care taker during our stay. Sumasakit ang batok ko sa mga taong yun. hahaha! Nawa'y nasa mabuti silang kalagayan ngayon. Sana makita na nila ang tamang daan.
6. Bohol Trip - Oh I just love Bohol!! hihihi! I ranked it 2nd on my favorite local destinations. We tried countryside tour, dolphin watching, snorkeling in Balicasag, the Plunge in Danao and Panglao Island Nature Resort. Sobrang swerte ko sa mga travel buddies ko. Ang haharot lang. Terminal case na ang ADHD.
7. Coron Trip Take two - First time ko nag solo traveling. And I'm lovin it. In fact I will do another one soon. Coron is enchanting as ever. Kaya nga siya hindi siya matinag sa top favorite ko. I met a lot of great people there. And I discovered how lovely it can be. Dahil diyan, hindi na siya mawawala sa to do list ko taon taon.
Ito na ang mga pending list ..
8. Learn how to swim and dive - sa kasamaang palad, hanggang limang kawag pa rin ang alam ko. Kaya nga ba hindi ko pa rin na-try mag surfing. Bawal daw ang life vest. Ayoko! hahaha!
9. Visit Sagada - Matuloy sana kaso lumayas ang travel buddy kong si Martyn papuntang Singapore. Huhuhu!
10. Snorkeling in Apo reef, Mindoro - Finally matutupad ko na siya next year. hihihih! Thank you Chyng!
11. Bungee Jump - Wala pa atang ganyan sa Pinas.
12. Corregidor Trip - I would have to cancel this. I found a place in Bataan na gustong gusto kong puntahan sa gabi pero hindi dito. What were you thinking?!?! haha! Basta, chaka ko na sasabihin pag nakarating na ko.
Mga trips ko last year na wala sa plano ...
1. January. Canyon Cove take two, Nasugbu, Batangas
2. February. Panagbenga Festival, Baguio City
3. March. Anilao, Mabini, Batangas
4. April. Borawan Island, Quezon Province.
5. May. Puting Buhangin, Kwebang Lampas island, Quezon Province
6. June. Kalanggaman Island, Leyte
7. September. Anilao ulit, Mabini, Batangas
grabbed from chyng ^_^ |
8. October. Bacolod-Iloilo-Guimaras Trip
9. November. Family day at Manila Ocean Park (May mai-November lang. hahaah!)
7 out of 12 goals were achieved, 5 pending, and 9 unplanned trips. Bawing bawi! Not bad na rin isn't it? Hehehe! Also, congratulate me dahil umaariba na ang Lakbayan grade ko in fairness. C+ na siya ngayon huh! Pasasaan ba't magiging A na yan.
Sa mga nakilala kong bagong tao - readers, sikat, naggagandahan at naggu-gwapuhang bloggers, friends thank you for being a part of my 2011. Looking forward to meeting you all soon. Thank you for inspiring me. Konting sipa pa, sisipagin na ko ulit mag blog. hahaha!
Up next, my goals for 2012. As of today, I have booked 5 RT tickets na. Konti.. I know. You don't have to rub it in. hahaha! Basta, bahala na si batman. Ciao!
16 comments:
ang dami!! Im sure mas marami pa this year! :)
wow naman, mas yayaman ka this year. purple and green!
regaluhan mo nga din ak nyang candles na yan kung red ang unang malulusaw sakin. hehe
patikim naman ng blueberry cheesecake mo girl! ♥
what a year of travel. i was searching for kalanggaman islang and mr google brought me to your sight. awesome. and we know common friends as well. cool.
keep on travelin. :)
ang bongga mo teh! yung first quarter mo pa lang boundary na yun eh...hahaha...go lang ng go!
Nahuli ang LOVE? Hmm... di bale...darating din yan..kaya enjoy enjoy ka lang daw muna... hehe
Pakshet! Nagkakabag ako kakatawa. You must try stand-up comedy Ate. Haha.
Aba, aba bonggga ikaw na ang may bagong car. Haha. Pasakay naman dyan. Tapos sabay nating ibangga. Hahaha.
In fairness, dami mong trip ate. Oo naalala ko yung time na di ka pinayagan mag-snorkel. Kaya ayun, nauwi sa photoshoot with pearly shells. :) Sayang di ko yata nabasa na may nakaaway ka. Kelan yun ate? Gusto mo balikan natin at upakan ko? Hahaha. :)
For sure, mas seswertehin ka ngayong taon Ate. Feeling ko makikita mo na si Mr. Right. Lols.
12 days to go? San ka punta?
Naaliw naman ako sa Candles! Bigyan mo rin ako nyan pero pinaka-malaki yung Red please LOL
Like you, hindi pa rin ako nakakapag-Sagada! Dapat ata pagpupunta dun mas makakatipid kung at least four (imbento ko lang chos) so just in case my plan ka, email tayo :D
Natawa ako may babae sa break water. May effect pang waves at yung buhok hinahangin! Hahaha!
Sosyal, salary increase, new car, promotion wala nga lang love life! Hahaha... (Nang-asar lang)
Looking forward sa mga goals mo this year! Ano kayang bago! Hehehe! =)
You engage in many water related activities, even snorkling but you do not know how to swim? Who is your guardian angel, baka puede kong hiramin?
peborit ko talaga basahin blog mo hehe. husay ng taon mo at nakabili ka pa ng kotse (roller koster daw ba?)! :)
@neil&Irish - sha nawa.. hehe!
@chyng - sige hanap ako next year. at sana naman palusaw agad ang red mo
@lawstude - I'm glad you found my site. Made my day. Balik ka ha. hehehe!
@carla - tara maki go ka rin sakin. gusto ko ulit makasama ka sa trip
@empi - oo nga e. badtrip. pero ok na rin. yayaman naman daw ako e. hahaha!
@enchong - hahah! salamat. hindi ko pa rin siya kayang idrive sa highway. nakalimutan kong mag driving school. dami kasing lakwatsa e. heheh! pag natuto ako, I'll invite you sa road trip. Naku mag dilang anghel ka sana tungkol sa love life ko na yan. hehehe! Sa Elnido ako punta sa last week ng Jan. As of today, 8 days to go na lang siya. hihihihi!
@mica - baligtad. Dapat yung pinaka maliit yung red. heheh! para lusaw agad at ng swertehin ka sa lablayp. Sa feb 16 ang plan kong pumunta ng sagada. Sige email kita. inaaya ko ulit si Marx e.
@marx - naman! gagawa ako ng maraming malalaswang pose sa el nido. hahahah! joke. May pupuntahan akong island dun na hindi pa ganong napupuntahan ng tourists. balita ko may sand bar na akala mo highway sa haba. hahaha!
@bertN- lakasan lang ng loob siguro. hahah! Tagal mo rin nawala a. Bisita ako sa blog mo in a while.
@christian - nyahahah! nakakataba ng puso ang message mo. coming from a super sikat na blogger pa. Whoah! Print ko nga to, ng maipa-frame. hahaha! thanks!
Ikaw na ang moyomon at well-traveled! :) Lavet that the gay Barney candle ang nagwagi. Happy ako dun.
Btw, I tagged you sa chain post na itey kasi gusto ko mabasa ang funny yet insightful (insightful daw oh! bwahaha) comments. That is, kung gusto mo lang naman. Here's the template: http://ajpoliquit.wordpress.com/about/travel-a-to-z/
Happy new year!
Wow! Ngayon ko lang nabasa tong blog mo! What was I thinking! Happy New Year! Sana may magpapansin na sa iyong mga sunog baga ulit hehe! Astig ng year that was mo. Buti ka pa may bagong kotse galing! Sana ma achieve mo nga ang mga goals mo especially ang matututong lumangoy. Pre-req yan dapat sa ating mga travel bloggers di ba? Will read more of your past entries. Keep it up ;)
tagal kong di nagbukas ng blog lolz... at buti na lang me entry ka na ulet! Super aliw talaga basahin ng post mo... nakakahawa ang saya ^_^...
Gusto ko din i try yang candle chorva, secret ba yan sa dami ng out of town trip mo?! More travels to us! Pak!
sikat? si chyng ang sikat! hahaha :D
Ikaw? Anong say mo?