Friday, June 22, 2012

Day off with Indays

Nakalimutan kong blogger ako when me and my girls went out last week. hhihihi! Inaantay antay ko pa naman talaga to kasi I was in kuracha mode for the past weeks dahil sa endless deadline ko sa office. And I desperately need a break. :) Ayun na nga, nung nandun na finally, I forgot to take good pictures, and I failed to take down notes on every detail. Ganun ata talaga pag naliligayahan ng wagas. hahaha! While I'm in amnesia mode, let me share na lang how happy I am when with I'm with my closest buddies. Give me time to remember everything. hahaha!

Ako siyempre, Rachelle (na Yellow na lang ang kulang, bandila na) and Clara (the scene stealer)
We went to MOA to fulfill our childhood dream - ice skating. hihihi! Yup. Nakakahiya man sabihin but it was our first time to try it. Nag-uugat na kami sa Manila pero ngayon lang kami naglakas loob subukan to. We felt like we were kids all over again. hihihi! Clara was left outside. Kesyo may pinagdadaanan daw siya. Anyway, mabuti na rin yun. If it wasn't for Aunt Flow kuno, wala kaming picture. She became our yaya for a while. Tagabitbit ng gamit at taga picture sa labas. hahaha! Hindi ko itinaya ang buhay ng camera ko sa loob dahil siguradong ikamamatay niya. 

The wall flowers. bwahahaha!

Sayang ang Php 390.00 ko kaya sinumpa ko talagang hindi ako aalis ng hindi natututo. Hindi ko maintindihan kung bakit sa lamig ng lugar na yun, e nanlilimahid ako at pawis na pawis paglabas ng rink. Nag-lawa talaga ang kili-kili ko. hahaha! Winner the Pooh ang kili-kiling yan. lol! Dyahe na dinadaan-daanan ka lang ng mga bata habang gumagapang ka na. That awkard moment. I thought it would be that easy. Someone told me if you know how to bike, skating is a breeze. Leche! Afraidie Aguilar ako pagtapak ko dun hanggang sa pag alis. hahaha! Spell d-i-s-a-s-t-e-r. Sirang sira ang dangal at puri ko kaya I decided to leave after struggling for 2 hours.

We dine out in Yakimix. Fine, I treat them half of the price because of a special favor which I won't reveal here. hihihi! Thank you girls! I let them be the first one to get what they want. I was surprised to see all raw foods on their plate. Hindi pa ata gutom. I returned with ready to eat meals like tempura (if all else fails), all sort of maki, soup and few unknown dishes. Ayun, namatay sila sa inggit. Sila nagluluto pa lang, ako na-eempacho na sa dami ng nakain. hahaha! They thought all dishes must be cooked kaya hindi na nag-abala pang mag hanap ng luto na. Epic Fail. hahaha!


Note: Naubos nila yan dahil sa pananakot ng YAKIMIX sa leftover fee.. nagngingitngit at tumataginting na 799.00. Normal rate is 650.00. Sino bang hindi masisindak dun..

Gumagapang na kaming umalis. lol! I can't remember the last time I ate that way. PG kung PG.

We booked a night in a cheap hotel in Pasay. Ano nga bang pwedeng gawin sa hotel ng hindi kasama ang boylet? (chos!) Cam whoring. Hay! Matutulog na lang. My friend Rachelle instantly became our director. Pangarap niya yan.. lol! Salamat sa free Acting Workshop. Dun niya na-realize na hanggang pangarap nga lang talaga yun. bwahahahahah!

Practice muna..

Take 1: Surprise!

Take two: Yung parang aanga-anga lang...

Sabi ko mag pa-cute! Hindi mag mukang nalugi.. ^_^

Rachelle: Hay naku Maki, sino ba tong isang to? Di marunong umarte

We availed the 2 complimentary breakfast and lunch. Yep, they also have free lunch. Isn't it wonderful? hihihi! I must say the Php 2,180.00 is super sulit. They also offer airport pickup by the way. Wala lang. Ok fine it's Kabayan Hotel. hihihihi! And this is not a sponsored post mind you. Asa Seguerra?!!

Next day came, we headed to Pansol, Calamba. Uhm.. kailangan ko pa bang sabihin kung bakit? hihihi!I chose Rockpoint Hotel kasi nag #1 siya sa Tripadvisor. Since it's a Sunday, there were no other guests when we arrived. Pwede kaming magtaguan at tumambling sa corridor. It would be better if rain poured down that day. Mas ma-aappreciate ko ang hot spring nila. Sumakit tuloy ulo ko. kainis! hahah!




Front desk



Standard Room (hot and cold shower, cable tv, aircon)


Another reason why I chose this hotel..
I spent long hours in the tub. Hindi naman obvious na nag-enjoy ako e no? lol! All of the rooms have it. For the executive rooms, they have jacuzzi pa nga. Kuntento na kami sa bath tub lang. Hirap na hirap tuloy akong mag pa-bubbles. Simot na ang shampoo wala pa rin. Namuti lang yung tubig. Kala mo may binanlawan lang na damit. hahaha!

eww lang

Hotel's Restaurant
I would recommend their Sisig and Garlic Cream Pasta. Hindi sumakit ang batok ko infairness. lol! I'm not sure if you could request to just eat inside the room. Medyo hindi lang kasi kaaya aya ang amoy dito. Yun lang. Wala akong masabi as staff. They're all great and attentive. Pogi points. hihihih!

Amenities
But wait... there's more! Come next day, from Calamba we went to all the way to Nasugbu, Batangas. Kami na ang hayok sa biyahe. haha! Ang sakit sa pwet ng pinag-gagawa namin. I got a deal from Ensogo. March pa lang naka reserve na kami. hihihi! Excited much?

Since I don't know how to drive yet, (Yup. Zac just turned 1 last month but I still can't drive him myself), I just asked directions from my cousin in Calamba. There are vans at the city terminal going to Robinson's DasmariƱas. From there, there are vans and buses to Nasugbu. So yun na.


I told you. Walang matinong picture. lol! I've been to Canyon Cove not once, but twice (and now thrice.) Every visit is memorable for me. I had fun on those three but I consider the last one the best. hihiihi!


I may not be blogging for how many days now, but I promise I will try my best to catch up. Sayang I want to join the Carnival pa naman. Tsk! Next time ulit. I will post more detailed entry each for the succeeding days don't worry. hihiihi! Kailangan ko lang mag pa sponsor ng memo plus gold. Chos!

Sunday, June 3, 2012

Usapang Fieldtrip

It's been a while since I last shared a few bits of my childhood years. Madalas ko siyang ikwento because I really enjoyed that phase of my life. I grew up in the province kaya walang kalatoy-latoy ang kwento ng mga batang manilenyo sakin. lol! Gusto ko sana ikwento lahat kaya lang baka mainggit kayo kaya portion na lang. Charotlot de leon! hahah!

Kakasabi ko lang na sa probinsiya ako lumaki pero ang kwentong ito ay nung ipinatapon na ko sa Dapitan at ikinulong ng mga gwardiya sibil upan makadaupang palad ang mga damuhong prayle. :) Chos! hahah! Dinala na ko sa Manila ng parents ko para mag-aral. At naranasan kong makisalamuha sa mga mahaharot at spoiled brat na teenyboppers. Imbyernadette Sembrano araw araw! Hay! 

I was in 4th grade when I first joined my classmates sa field trip. Ang hindi raw kasi sumama maiiwan sa school at maggagawa ng project na sobrang hirap at tipong hindi mo na gugustuhing maiwan pa kahit kelan. Kaya kahit amoy pa lang ng bus sukang suka na ko, pinilit kong sumama baon baon ang sang-katerbang plastic(in case of emergency) at white flower ointment. I really can't image myself I will end up as lakwatsera today. hihihi!

The whole class will occupy 1 bus each. At dahil Azucarera de La Carlota aketch, dun ako lagi sa may unahan. Kulang na lang ikandong ako sa drayber. Ayaw nila akong katabi. hahaha! Daig ko pa ang may ketong. Leche sila!

I belong to the first group believe it or not
Introvert ako nun kaya hilig ko lang mag-observe sa mga kalokohan ng iba. Hindi ko feel makisali at hindi naman ikagaganda ng buhay ko ang pinag-gagawa nila. Bitter Ocampo? hahah!

1. Uso pa ang walkman nun. At dahil bawal siya sa school, sikat na sikat ka pag meron ka nun sa fieldtrip. May nadekwat ako sa bahay. Luma siya at tipong hindi na pwedeng ipagmalaki pero gumagana pa naman. Ayun dinumog pa rin ako. Ang bababaw ng kaligayahan... sabi ko sa sarili ko. hahaha! Moment in time yun.. Make it shine. :)

2. Paramihan ng baon. Dumating ang mga classmate ko na halos hindi magkanda-dala sa dami ng dalang plastic bag, coleman at lunchbox. Huli ko ng nalaman na pinababaunan din nila ang mga teacher namin. Alam na alam mo kung sino ang mga nagigipit sa grade.
3. Uso ang pringles. Lahat ata ng bata pinapabaunan ng ganun at pinagpapasapasahan sa bus. Sabi ng nanay ko uso din naman ang peewee. Kaya peewee na lang ang sa akin. Well at least daw wala akong kaagaw at kahit ata ipasa ko sa iba yun e makakabalik pa rin siya ng kumpleto ang laman. hihihi! Ang galing ng convincing powers ni mama. Nakalimutan kong ang presyo ng pringles ay katumbas ng tone-toneladang peewee.

4. Kapag nasa highway na, hindi ko maintindihan kung bakit binebelatan ng mga baliw kong kaklase ang mga tao sa kabilang bus. Parang mga na-ita at ngayon lang nakalabas ng lungga nila.

5. Tayo sila ng tayo at lakad ng lakad sa bus. Pa-Impress Schuck?!?! Gustong maging kundoktora paglaki?!

6. Sadista ang mga teacher ko. Binibigyan pa rin kami ng assignment habang nasa fieldtrip. hihihi! Isulat lahat ng makikita at matututunan mo. Kaya paglabas pa lang ng school grounds, makikita mo na na may Don Pids School Supplies, Pagcor Inc, Guard Post, Aling Meding Sari Sari Store, Fish ball cart, Waiting Shade, Pedicab, Pedicab Driver, poopoo, weewee (char. hahah!) on their notebooks. Literal lang?! hahah! 

7. Pumunta kami sa Enchanted Kingdom. yihiii! Perstaym ko yun. Sabi ng mga teachers bawal daw sakyan ang Jungle Log Jam at Space Shuttle kundi principal's office kami. Nagtiis kami na wag itong sakyan at hiluhin na lang ang mga sarili sa flying fiesta, chubibo at carousel. Nainis kami ng makita naming basang-basa ang damit ng adviser namin sa katanghaliang tapat. 

8. Hindi pwedeng hindi ka uuwi ng walang souvenir kundi mamamatay ka sa inggit sa mga kaklase mo. Mayayaman ang mga brat na yun. Niransak nila ang souvenir shop ng EK na parang yun na ang una't huling bisita nila dun.

9. May class president na lagi kang sasawayin pag wala ka na sa katinuan mo. Ke Field trip pa yan o hindi, damang dama pa rin niya ang posisyon. Hmp! Siya rin ang naaatasang magbilang ng mga kaklase pag pabalik na sa bus. Na-bother talaga kami noon kasi may nawala kaming classmate. Kami na lang naiwan sa parking. Nakabalik siya after 10,000 years AD.  

10. Habang pauwi, kahit nadaanan na ang bahay mo, hindi ka pa rin ibababa ng bus. Matanggal na ang litid mo sa leeg kaka-para. Pagoda Tragedy na nga, pasaway pa si manong. Dapat daw sa school ang babaan ng lahat. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang rason kung bakit ganun ang trip niya.

If I sound bitter, that would be because I am. Hahah! Chos Groban! Di naman masyado. I'm not sure if other kids experienced it in the other schools they're in. Kanya kanyang trip yan e. Kanya kanyang level ng ka-weirduhan. lol! 

Yey! I'm excited for my next trip this weekend. For now, ganito na lang muna. hihihi! Wala na kong backlogs e. Sana magustuhan nyo. If I know may mga nakaka-relate din. Lalo na kung ka-schoolmate kita. hahah!