Saturday, February 11, 2012

El nido: I've fallen for you

If I were a paid blogger, matagal na kong nasipa sa trabaho. Nilangaw na naman tong blog na to. hahaha! Even before I list down all my travel plans this year, I already crossed out one. Galing lang naman kasi ako sa El nido kamakailan. Bumida kasi ako sa Bourne Legacy. E dun yung shooting location namin kaya ayun. (Charot!)

Hep! Preview muna...

hailed the best beach! well.. for me ^_^ longest and widest white sand I've seen so far

gusto mong malaman kung san to? read this series to find out! hihihi!


Actually, hindi ako umabot sa Bourne. Dumating sila the day I left. Pero ok lang. Kung hindi baka hindi ko nakita ang big lagoon. Magpipiket talaga ako. hahaha! I want to thank my boss for allowing me to have an effin' Looooooong break. Oh and yeah, I just love the fact that I haven't receive any phone calls from that 6-days trip. Sana ganyan lagi ha. Hahah! sa uulitin! (Naalala ko nung nag-Coron ako, tatambog na dapat ako sa tubig nung may tumawag. May problema daw sa office. Badtrip. hahaha! Kating-kati na ko e.)

El nido is one of my dream destinations. Bonggang banat sa unang buwan ng taon. I went there solo by the way. At ayoko na sanang iblog pa kung pano makapunta dun para hindi nyo dumugin. hahaha! Selfish lang. Pero dahil nga wala na kong maisulat.. ito na siya. Brace yourselves. hahahahah!

Day 1
Papa: Ano na naman to?! Bakit mag isa ka na naman lalayas?!!
Mama: (quiet lang)

Me: E nakakabalik naman ako e. Chaka may tutuluyan na ko dun at susundo sa airport.
Papa: Kababae mong tao e... ang lakas ng loob mong lumayas!

Pero hinatid din ako sa airport. hahahah! Feel niya lang mag sermon.

I chose Manila-Puerto Princesa-El nido route rather than taking direct SEAIR's flight which costs 15,000 round-trip. Mas gugustuhin ko ng sumakit ang pwet ko. I left Manila around 8:00am and arrived in Puerto Princesa at 9:30am. Nakawasiwas na ang pangalan ko sa labas ng airport. I already called Fort Wally Shuttle beforehand to pick me up. We left the airport at around 10:00am. By the way, El nido is 5-6 hours away from Puerto. Puro KAMI foreigners sa van.. Char! hehehe! 3 lang kaming pinoy. Alien invasion. Ang daming nag-akalang taga dun ako. Akala nila uuwi lang ako samin. hahaha! Sa biyahe, may mga parts na smooth lang, meron din mga bumpy at dusty. Kung nag bus ako, malamang walis na naman ang buhok ko pagdating.

Natuwa ako nung naaninag ko na ang Cadlao Island. yihiiii! Eto na siya! We arrived at the terminal at exactly 4pm. Pagdating ko pinagkaguluhan ako ng mga tricycle drivers. "Uhm.. mga kuya. Hindi po ako artista." Yun sana ang gusto kong sabihin. hahah! Lumayas lang sila sa harap ko nung sinabi kong may susundo na sakin. I checked in at Marina Garden Beach Resort. P20.00 ata ang binayad ko sa tricycle papunta dun. Nagtulog lang ako hanggang alas 6 ng gabi, tamad lang, then went out for dinner.

View from the resort

Big Brother house? Engk! Mali ka... Marina yan. hihihi!


Ako ng makalat! I availed their standard room for 1 night

Nagulat ako at nagising dahil pinatayan ako ng kuryente. Leche! hahaha! Electricity in El nido runs from 2pm to 6am by the way. Pero tama lang din kasi start na ng island hopping ng 9am so kailangan ng mag-kumahog kumain at mag change costume..palikpik mode.


Day 2: Island Hopping - Tour A

El nido offers 4 island hopping tours which composed of several islands to choose from. But the most popular ones are Tour A and C. E magpapahuli ba ko?! Since the rates for every package is standard, I just availed the one being offered by Marina.


Right here waiting...

limestones are abundant in El nido. Mapapagod ka kakalingon
Small Lagoon

Clear turquoise water welcomed us
 
Entrance to Small Lagoon

Tara! Pasok tayo!

twin towers inside the lagoon
The water is deep according to our guide. I really can't tell because I'm always wearing a lifevest ke malalim ke mababaw. hahah! I can't see what's underneath so I guess may tama si kuya. hihihi!

"silip" (yup we found a small creepy cave inside the lagoon)
I just hate staying in the water while inside the cave. Kahit anong cave pa yan. Baka may kung anong humila pailalim. hahaha! Hindi ko makikita kung sino ang salarin. lol!

Let there be light
 Bago pa ko magkasakit sa puso lumabas na ko.



Big Lagoon


Wala naman bumaba sa boat. Mukang pagod na lahat kakakawag. Kaya inikot lang kami sa loob. Isa pa maraming ganito...

nagmistulang mapa sa dami ng sea urchin. hihihi!



Secret Lagoon (?) hindi sigurado!? hahaha!


First glance of the beach. Wow na wow!
Sabi ni kuya may secret daw ang islang yun. Samahan niya daw kami. "Weh? E bakit alam na ng lahat ng tao kuya?!" hmp! hahah! Tumawa lang siya. Napaisip din siguro. May hidden beach, secret beach, secret lagoon... pero alam nilang lahat. Kainis. hahah! Fish tayo. Anyway, ayun na nga, sha sumama na lang kami.

lead the way..


ang lagusan! hahah! spirit warriors?! (pag hindi naka-relate, gurang!)



Yan na yun... medyo it fell short of my expectation. Parang stagnant na rin yung water sa loob. Hindi kasi kalakasan ang waves sa labas. Nakakatuwa lang na maraming nakatagong spots. It's what makes El nido unique from other beaches I've been.

The tour is inclusive of lunch. Our boatman decided to prepare our lunch there. That gave way to cam whoring galore. Yihiiii!


finger power


I just love candid shots! hihihi! thank you ___ !

Natapos ang nakakaumay na photo shoot ko nung tinawag na kami para kumain. hihihi! (Yaan nyo marami pa ang karumal dumal kong shots sa mga susunod na entry. lol!)

Gutom na ba kayo?
Not your ordinary lunch.. Ang ganda ng backdrop, malamig ang simoy ng hangin, malambot at pinong buhangin ang upuan, masarap sa tenga ang hampas ng alon, fumo-food art si kuya... what an inviting scene isn't it?

Kuya prepared grilled fish, chicken barbeque and fruits na oh so sweet. Bukong pinayungan na lang ang kulang.


Fish feeding at Shimizu Island

It's their turn! I never thought that a single fish will come out since the water is so clear and I can't seem to find any corals in the area. Alam ko kasi dun sila nagtatago. I was surprised when our boatman threw in a spoonful of rice in the water and the group of fishes came rushing around our boat. Gutom na gutom? hahaha! I didn't jump into the water because the waves at the time was not permitting. Yung iba bumaba. Sige na kayo na marunong lumangoy! Marunong nga wala naman underwater cam. hahaha! Panis! lol! Joke lang yun a. hahahaha! Ganyan talaga pag inggitera. bitter!

Again, thanks ___ for these lovely shots! Canon D10 was used here by the way. Check out my up coming posts for more under water sceneries.

Dead corals underneath

Finally our last stop for the day, 7 Commandos Beach  
Another long stretch of white sand beach



ganyan kataas ang white sand dun. hanep!

I was looking for hammock the whole time. Gusto ko sanang makatulog dun para tumagal ang oras at hindi muna kami umuwi. hihihi! Delaying tactics. I found one but someone occupied it. Ang sarap sabuyan ng buhangin sa mata. hahaha! I don't know the story behind that 7 commando thing. Basta ang napansin ko lang sa islang yun, maraming foreigners na nakabilad sa tirik na tirik na araw. Parang daing lang. lol! The sand may not be that fine but the view on nearby islands from there is just perfect. There's also fresh buko juice being sold pero ginto ang presyo ni Manang Kamahalan. Hindi ko naatim. hahah!

That ends our island hopping tour for that day. I already fell in love with El nido. May lukso ng dugo (anak?! hahaha!) I told you before Coron is on top of my list right? Now my heart is confused. Hihihi! Should I say Palawan won my heart? para safe? hahaha! They have totally different qualities that are incomparable. Yun na!

Fort Wally Shuttle
Contact # 09172762875
Fare from Puerto to El nido - P600.00 (but you can get it at 500.00 pag nasa mood si ate at marunong kang dumiskarte. hihihi! Sabihin mo hindi mo first time dun at pinoy ka naman. Ganung kasimple.) Don't forget to reserve your slot when going back to Puerto. Inform them right away so you can pick a seat. You'll be asked to pay a down payment of 200.00.
Trip Schedule from Puerto to El nido: 7:00am, 11:00am, 1:30pm
Trip Schedule from El nido to Puerto: 5:00am, 7:00am, 9:00am, 1:00pm


Marina Garden Beach Resort
Contact # 09176247722
Standard airconditioned room rate: 2110.00 per night for double occupancy (with free breakfast)
Check out their website for other rooms and rates: http://www.mgelnido.com/


Day 1 and 2 expenses:
NAIA terminal fee - 200
Van fare from Puerto to El nido - 600.00
Lunch -85.00
Water - 40.00
Tricycle from Terminal to Marina - 20.00
Accommodation fee at Marina Garden - 2110.00
Tour A - 700.00
Environmental fee (mandatory for all visitors) - 200.00
Dinner - 185.00
Total: P 4,140.00

Island hopping Tour C, up next na yan!



Sunday, January 15, 2012

2011: Grabe the year that was!

Habang nagpapaputok ang mga kapitbahay namin last New Year's Eve sa kalsada, eto ako... nagsisindi ng prosperity candles at nag-oorasyon sa terrace. Humuhuni ng "ahuuuuuuumm! ahuuuuuum!" Kaya siguro wala ng nagpapa-cute na sunog-baga sa kin pag umuuwi ako gabi-gabi. Feeling nila miyembro ako ng kulto at kaya ko silang gawing palaka sa isang bulong lang. bwahahaha!

Weird ba? Well hindi ka nag-iisa dahil pati ako na-weirduhan sa ginawa ko nung gabing yun. hahaha! Sana pala nagsuot din ako ng itim na damit para mas effective. ! Ngayon ko na lang narealize. Yung boss ko kasi e, prosperity candles ang gift sakin nung pasko. Feeling niya siguro it can save souls. hihihi! Sindihan daw ang mga ito ng alas onse y medya bago mag bagong taon. Pagpatak ng alas dose, patayin ito at i-arrange depende sa size niya. 


Hinihiling ko sana na red ang unang maubos dahil su-swertehin daw ako sa love life sa pagpasok ng taon. Bwisit yan! Subok na matibay, subok na matatag. Ang sarap kagatin! Hay! Siguro bitter din ang may gawa ng Red candle at sandamakmak na paraffin wax ang inilagay. O baka nga hindi pa siya nakuntento. Nilagyan pa ng mighty bond, rugby at kanin. Nabalitaan kong ganun din ang nangyari sa kandila ng officemate kong No Boyfriend Since Birth. Sabi niya "wag kang mag-alala, hindi naman totoo yan e. May liwanag ang buhay!" hahahaha!


Kandila ni barney ang nagwagi!
Violet - for Material
Green- for Money
Orange - for Brightness
Blue - for Peace
Pink - for Health
Yellow- for Good Spirit
Red - for Love 
(leche! kailangan kulelat talaga?!?! hindi ba pwedeng pangalawa sa huli! hmp!)

Ok lang, yayaman naman daw ako sa materyal na bagay. Pwede kong bilhin ang mga lalaking yan. hahahahah! "Eto ipad o, tayo na?" Joke! lol!


my home made Blueberry Cheesecake (halatang walang talent sa presentation. hahah!)


Got myself a luggage last Christmas! hihihi! And I quote..
My 2011 was my travel year I suppose. I was able to set foot on 17 provinces in the Philippines (I can't believe it myself either. But that's what my blog says ^_^) Ironically, believe it or not, I traveled without a decent travel bag at all.

I took a break for 2 months to celebrate my Christmas with a blast. Traveling equates to GASTOS we all know that. hihihi! So yun.. I just bought something for myself

I 'll be on the road again at the end of this month.. a dream destination that is! Wouldn't it be nice to carry a gorgeous luggage this time... oh if I may add, I'm currently wearing a burgundy red hair right now. Ako na ang galit sa RED!

excited na ko! 12 days to go!

Let's have a recap on my 2011 goals kung ilan ang Completed, Pending at Cancelled. hihih! I'll re-arrange it based on what was mentioned.

1. Salary Increase - April of 2011, I was luckily promoted. Malamang, makiki-sali ang dagdag responsibilities. Natural, may increase sa sahod. Automatic yan dahil kung wala, patayuan ako ng monumento sa tabi ni Rizal ngayon na. Gawaran ako ng award na kurachang mapagkawanggawa.

2. I bought a car - Zac it is! Yan ang name niya. Samantalahin ang bagong posisyon. wahahaha! Baka i-demote ako pag natauhan ang mga boss. Kaya pagkalipas ng 1 buwan, I decided to buy one. Ngayon, kumikitang kabuhayan na rin siya. 2 libo kaya pag nagpa sundo't-hatid lang sa airport. Bongga diba? Baka nangangailangan kayo ng service ha. aheheheh! Email me. Charot!



3. Learn how to drive - If you still haven't watched it, click on the link. Mahuhulog ka sa upuan kakatawa. Buti na lang I just stated here, "LEARN" not "MASTER". Kundi mapepending to sa check list, hahahah! Actually, wala pa rin akong driver's license. My father was scared enough to let me drive Zac. Ibangga ko na lang daw ang sasakyan ng driving school. hahaha! It will be included on my to do list this year.

4. Cagayan de Oro trip - It was my first time to try water rafting and I really had a great time. Parang gusto ko ulit siyang isama sa list ko this year. hahaha!  Anyway, it wouldn't be memorable kundi dahil sa mga kasama ko dun. Sino bang makakalimot sa MMK moment ko sa Camiguin. Naiyak ako dahil hindi pinayagan mag snorkeling. hahahah! Kainis!


Martyn! mamimiss kita.. :c

Babae sa breakwater.. Char! :$

5. Cebu Trip - July 2011 when I went there with my brother and my mom. It was the first time I traveled with them. I was able to experience the ever popular Malapascua Island. Badtrip lang at talagang natapat pang may naka-away kaming boatman at island care taker during our stay. Sumasakit ang batok ko sa mga taong yun. hahaha! Nawa'y nasa mabuti silang kalagayan ngayon. Sana makita na nila ang tamang daan.

6. Bohol Trip - Oh I just love Bohol!! hihihi! I ranked it 2nd on my favorite local destinations. We tried countryside tour, dolphin watching, snorkeling in Balicasag, the Plunge in Danao and Panglao Island Nature Resort. Sobrang swerte ko sa mga travel buddies ko. Ang haharot lang. Terminal case na ang ADHD.






7. Coron Trip Take two - First time ko nag solo traveling. And I'm lovin it. In fact I will do another one soon. Coron is enchanting as ever. Kaya nga siya hindi siya matinag sa top favorite ko. I met a lot of great people there. And I discovered how lovely it can be. Dahil diyan, hindi na siya mawawala sa to do list ko taon taon.








Ito na ang mga pending list ..

8. Learn how to swim and dive - sa kasamaang palad, hanggang limang kawag pa rin ang alam ko. Kaya nga ba hindi ko pa rin na-try mag surfing. Bawal daw ang life vest. Ayoko! hahaha!

9. Visit Sagada - Matuloy sana kaso lumayas ang travel buddy kong si Martyn papuntang Singapore. Huhuhu!

10. Snorkeling in Apo reef, Mindoro - Finally matutupad ko na siya next year. hihihih! Thank you Chyng!

11. Bungee Jump - Wala pa atang ganyan sa Pinas.

12. Corregidor Trip -  I would have to cancel this. I found a place in Bataan na gustong gusto kong puntahan sa gabi pero hindi dito. What were you thinking?!?! haha! Basta, chaka ko na sasabihin pag nakarating na ko.



Mga trips ko last year na wala sa plano ...

1. January. Canyon Cove take two, Nasugbu, Batangas





2. February. Panagbenga Festival, Baguio City




3. March. Anilao, Mabini, Batangas
 



4. April. Borawan Island, Quezon Province.




5. May. Puting Buhangin, Kwebang Lampas island, Quezon Province




6. June. Kalanggaman Island, Leyte



7. September. Anilao ulit, Mabini, Batangas


grabbed from chyng ^_^

8. October. Bacolod-Iloilo-Guimaras Trip





9. November. Family day at Manila Ocean Park (May mai-November lang. hahaah!)



7 out of 12 goals were achieved, 5 pending, and 9 unplanned trips. Bawing bawi! Not bad na rin isn't it? Hehehe! Also, congratulate me dahil umaariba na ang Lakbayan grade ko in fairness. C+ na siya ngayon huh! Pasasaan ba't magiging A na yan.

Sa mga nakilala kong bagong tao - readers, sikat, naggagandahan at naggu-gwapuhang bloggers, friends thank you for being a part of my 2011. Looking forward to meeting you all soon.  Thank you for inspiring me. Konting sipa pa, sisipagin na ko ulit mag blog. hahaha!

Up next, my goals for 2012. As of today, I have booked 5 RT tickets na. Konti.. I know. You don't have to rub it in. hahaha! Basta, bahala na si batman. Ciao!