No Boyfriend Since Birth.. tsk tsk tsk..ang saklap. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba ko naging kaisa sa grupong ito. Sabi naman ng nanay ko, may ibubuga naman daw ako. Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero naniniwala naman ako sa kanya. Pero bakit ganun, pag may nakikita akong HHWW pa ang drama e hindi ko mapigilang mapanguynguy ng di sinasadya. Kahit pa muka silang mga biktima ng polyo e nandun ang katotohanang magjowa sila. Sabi pa nga ng nanay ko, na pilit ko pa rin pinaniniwalaan, marami ang naiinggit sa katawan ko..sexy, matangkad, may hinaharap, pero tingin ko yung ihaharap yung kulang. Kaya naman kahit iutang ng nanay ko e hinahanapan nya talaga ko ng derma. Pero hindi umubra. Minsan pa nga pag may nababalitaan ang nanay ko na pupuntang foreigner sa office nila e, isasama nya daw ako. BUGAW na ang kinakarir nya.. na talaga naman nagpapatayo ng balahibo ko. Ano to? Bakit mukang nanay ko pa ang mas desperado para sa kin. Marami na kong nakikilalang lalaki na puro naman friends lang ang tingin nila sa kin. Parang showbiz. Nakakadenggoy. Ako naman tong super pretend na animo’y sagot sa ekonomiya ng bansa ang pagkakaron ng boyfriend. Bwahahahahha!! parang naririnig ko pa ang tawang yan nung huling lalaking yumurak sa pagkatao ko… este.. nanloko pala. Hindi po ako na-rape FYI. Ganun ang nangyari para sa kin, pero hindi sa paningin nya o ng ibang tao. Malamang wala naman ibang nakakaalam na naloko nga ako, o kung talaga nga bang niloko ako, at masaklap pa, kung alam ba nyang may naloko na pala sya. At sa dinami dami ba naman ng introng ito, alam kong naiinip na kayo.. My story goes like this…
Graduate po ako sa hindi kagandahan ngunit may kamahalang eskwelahan pero masaya naman ako kahit ganun dahil dun ko nakilala ang mga unang lalaki sa buhay ko. Pero dahil mga under card lang sila hindi ko na sila ikkwento.
Nangyari ang main event ng napasok ako sa una kong work. Sikat na kumpanya rin. Dahil 1st day ko nun, kaya kailangan mgpa-cute. Suot ang bagong bago kong dilaw na knitted blouse na may panloob na sleeveless at brown na belt na wala naman silbi (yun yung mga pang décor lang sa hips para lalong makita ang shape ng sexy kong katawan. Hehehe!) ay umalis ako ng pagka-aga aga na tila dinaig ko pa ang sekyu ng opisina. Nasa jeep ako nun, e dahil Lunes, maraming early bird na nakikipagsiksikan. Sari saring tao. Sari saring propesyon. At sari saring amoy. Yan ang bumungad sa kin pero keri lang.
Hindi ko makalimutang ang isang eksenang talaga namang nakapagpapangiti pa rin sa akin hanggang ngayon. E pano may 2 babaeng mukang matagal na atang hindi nagkita kaya nagmoment sa jip. Marami akong nalaman sa buhay buhay nila na kahit ayokong matawag na chismosa e parang hindi na ako iba sa kanila. Palagay ko ganun din ang mga tao sa loob ng jip. E makarinig ka ba naman ng mega phone e. ewan ko na lang kung makatanggi ka pa. Walang ano anoy pumasok ang 1 lalake. E ang malas nya dun sya naupo sa tabi ng 2 chismosa. Matangkad na maputi ang lalaki. May dating din pero mukang suplado.
Eto ang nangyari. May tumunog na cellphone na tila Standard tone pa ata na Maximum level pa ang volume. Paulit ulit pero mukang ala atang gustong magclaim kung kanino. Maya maya natahimik ang 1 sa 2 chismosa at may hinalukay sa bag. Dahil masikip, at dahil ayaw nyang madali ang muka ng katabi nya, itinaas niya ang kilikili habang nagkukutkot sa bag to maximize the space. Halos humagalpak ako katatawa ng makita ko ang reaksyon ng gwapong mamang katabi nya. Animo’y nakaka-amoy ng tae ng baboy sa di maipintang itsura. Kada itataas ng ale ang kili kile, e panay naman ang lukot ng muka ng lalaki. Ay naku kung nakita nyo lang talaga. Tila nakuha na ng ale ang hinahanap nya. Sa kanya nga yung tumunog na cellphone. Mamulamula pa ko nun dahil sa kapipigil ng tawa ng biglang napatingin yung lalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko ate charo.. ngalay na ngalay ang panga ko pero ayoko sanang malaman ng lalaki na sya ang pinagtatawanan ko pero hindi ko talaga mapigilan. Inilayo ko na ang tingin ko sa kanya dahil baka ma conscious na tapos mag-feeling. Maya maya pa’y naulit na naman ang gayung eksena dahil tumunog muli ang eskandalosang cellphone kaya hindi ko na napigilang matawa. Napatingin yung lalaki sa kin, hindi ko alam kung bakit pero he laughed back na parang nagkaintindihan kami. O db ang taray?!
Syempre dahil malayo na ang nalakbay ko, malapit na kong bumaba nun kaya nag-reready na ko. Kinatok ko ang ulunan ko para ipara ako sa tabi pero hindi pa rin huminto ang driver. Kinatok ko pa ulit pero wala pa rin. Malayo na ako sa tamang babaan pero hindi pa rin ako tumigil. Maya maya huminto na ito. Sabi ng driver “Ay may bababa ba?” Bwiset na driver. Ang sakit na kaya ng kamao ko tapos ganun ibibira sa kin. “Manong naman ang layo na o. Pambihira!” May sumagot, “Miss hindi sya bingi, bulag ka lang. Ayun o ‘Push the button to stop’”. Pambihira! Naramdaman kong uminit ang buong muka ko sa moment na yun. Napahiya ako at dahil sa lalaking yun.Aba malay ko bang may pabutton button effect pa ang jip na yun. Bumaba ako ng dali dali dahil ayokong makita kung pano nila ako pagtawanan. Leche!
Nangyari ang main event ng napasok ako sa una kong work. Sikat na kumpanya rin. Dahil 1st day ko nun, kaya kailangan mgpa-cute. Suot ang bagong bago kong dilaw na knitted blouse na may panloob na sleeveless at brown na belt na wala naman silbi (yun yung mga pang décor lang sa hips para lalong makita ang shape ng sexy kong katawan. Hehehe!) ay umalis ako ng pagka-aga aga na tila dinaig ko pa ang sekyu ng opisina. Nasa jeep ako nun, e dahil Lunes, maraming early bird na nakikipagsiksikan. Sari saring tao. Sari saring propesyon. At sari saring amoy. Yan ang bumungad sa kin pero keri lang.
Hindi ko makalimutang ang isang eksenang talaga namang nakapagpapangiti pa rin sa akin hanggang ngayon. E pano may 2 babaeng mukang matagal na atang hindi nagkita kaya nagmoment sa jip. Marami akong nalaman sa buhay buhay nila na kahit ayokong matawag na chismosa e parang hindi na ako iba sa kanila. Palagay ko ganun din ang mga tao sa loob ng jip. E makarinig ka ba naman ng mega phone e. ewan ko na lang kung makatanggi ka pa. Walang ano anoy pumasok ang 1 lalake. E ang malas nya dun sya naupo sa tabi ng 2 chismosa. Matangkad na maputi ang lalaki. May dating din pero mukang suplado.
Eto ang nangyari. May tumunog na cellphone na tila Standard tone pa ata na Maximum level pa ang volume. Paulit ulit pero mukang ala atang gustong magclaim kung kanino. Maya maya natahimik ang 1 sa 2 chismosa at may hinalukay sa bag. Dahil masikip, at dahil ayaw nyang madali ang muka ng katabi nya, itinaas niya ang kilikili habang nagkukutkot sa bag to maximize the space. Halos humagalpak ako katatawa ng makita ko ang reaksyon ng gwapong mamang katabi nya. Animo’y nakaka-amoy ng tae ng baboy sa di maipintang itsura. Kada itataas ng ale ang kili kile, e panay naman ang lukot ng muka ng lalaki. Ay naku kung nakita nyo lang talaga. Tila nakuha na ng ale ang hinahanap nya. Sa kanya nga yung tumunog na cellphone. Mamulamula pa ko nun dahil sa kapipigil ng tawa ng biglang napatingin yung lalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko ate charo.. ngalay na ngalay ang panga ko pero ayoko sanang malaman ng lalaki na sya ang pinagtatawanan ko pero hindi ko talaga mapigilan. Inilayo ko na ang tingin ko sa kanya dahil baka ma conscious na tapos mag-feeling. Maya maya pa’y naulit na naman ang gayung eksena dahil tumunog muli ang eskandalosang cellphone kaya hindi ko na napigilang matawa. Napatingin yung lalaki sa kin, hindi ko alam kung bakit pero he laughed back na parang nagkaintindihan kami. O db ang taray?!
Syempre dahil malayo na ang nalakbay ko, malapit na kong bumaba nun kaya nag-reready na ko. Kinatok ko ang ulunan ko para ipara ako sa tabi pero hindi pa rin huminto ang driver. Kinatok ko pa ulit pero wala pa rin. Malayo na ako sa tamang babaan pero hindi pa rin ako tumigil. Maya maya huminto na ito. Sabi ng driver “Ay may bababa ba?” Bwiset na driver. Ang sakit na kaya ng kamao ko tapos ganun ibibira sa kin. “Manong naman ang layo na o. Pambihira!” May sumagot, “Miss hindi sya bingi, bulag ka lang. Ayun o ‘Push the button to stop’”. Pambihira! Naramdaman kong uminit ang buong muka ko sa moment na yun. Napahiya ako at dahil sa lalaking yun.
Pagdating ko sa office, pupungas pungas ako na parang nakipaghabulan muna sa gansa. Hindi ko talaga ugaling malate lalo na at first day ko pa. Hindi naman ako nabigo. Natapos ang araw ko na para bang nausog ako. Para kong magkakasakit. Nasusuka ako. Umiikot ang paningin. Duling. Bangag. Parang ganun. Marahil nag-aadjust pa ko. Sa jeep, hindi ko na mapigilang makatulog. Sa dulo ako naupo. Nakatulog. Nanaginip. Tumulo ang laway pero ibinalik ulit. Pagod na pagod ako talaga. Nagising ako dahil may isang nambulahaw. ‘Oy yung hindi pa nagbabayad dyan o! Hudas not pay!’ ang sabi ng pa-english English pang driver. Nakita kong para akong manok na ipangsasabong dahil lahat ng mata e sakin nakatingin.
Hindi ko inaasahan ang isang pamilyar na sabungero. Yung lalaki kaninang umaga nakatingin at palihim pang ngumingisi kahit obvious naman. Napakaliit nga naman ng mundo. Inisip kong mabuti kung ako nga ba ang pinariringgan. Dahil ayokong maulit ang nangyari kanina. Nakitingin din ako sa ibang tao para sila ang pagbintangan ko pero kahit ata pandilatan ko lahat ng tao sa jip e ako pa rin ang salarin. “Oy miss.. bayad mo?” sabi ng driver. Waaaaahhaa! Naulit na naman sya. Sana pimples na lang ako, o kaya butete, o kaya pwet ng manok para hindi ko na ko mapahiya ng ganito. Masaklap pa nun, parehong tao ang nakakita. Wala na kong nagawa. Inabot ko ang bayad ko.
Nung nag subside na ang karumaldumal na eksenang yun, nakatulog na naman ako. Ginising na naman ako ng mahiwagang tinig. “Miss ok ka lang? Nandito na tayo sa babaan baka lumagpas ka na?” Dumilat ako. Bakit ganon ang nakikita ko. Limang pangalan na lahat nagsisimula sa L – Leny, Larry, Lily, Lorna, Levy. Naka-lettering pa nga e. At meron ding dalawang bakal na mahaba. Nun ko lang napansin na may nakadungaw na sa muka ko. Yung parang sa patay lang. Pero bumalik na ang ulirat ko. Bakit ako nakahiga sa jeep? Umalis ako sa pagkakahiga at naupo. Nakita ko ulit yung lalaki kaninang umaga at ngayong hapon. Gabi na sa labas at hindi pamilyar ang lugar. Naloka ang lola nyo. Hindi na ko nagpatumpik tumpik at sinabunutan ang lalaking nasa harap ko dahil baka masamang tao sya. Lalabas nasana ko ng jip ng nakita kong may mama na papasok. Pamilyar din ang muka nya… yung driver pala.
Nagsisigaw ako at humingi ng tulong sa mga tao sa labas sa pag-aakalang magkasabwat sila nung lalaki kaya pumasok ang driver sa loob. “Oy miss. Bumaba ka na nga! Hindi ka magising gising kanina no. Nakikita mo ba yang suka mo?!” At chaka ko lang naalala ang nangyari. Nasuka ako at nahilo kaya ihiniga ako ng mga pasahero. Pero bakit naiwan ang isa. Hindi ko naman kailangan ng charity at naaalala ko pa ang itsura nya habang tinatawanan ako. “Wag mong sabihin nakisuka ka rin?!” at dali dali akong lumabas. Bumaba na rin sya.
“Para ka kasing lasing kanina. E tutal malapit lang naman ang bahay ko kaya inintay ko ng magising ka.” “At baket?” lam ko nakataas pa kilay ko nyan e. Natawa lang sa kin yung lalaki na ikinabwisit ko na naman. “Alam mo ba ang daan pabalik?”. Natahimik ako. Sinuri ang lugar at napansin ko ang pamilyar na land mark. “Ano akala mo sakin tanga?! Taga rito ako e. Natural alam ko no.” Nangingiti siya at nagtanong muli sa kin, “Sigurado ka bang makakuwi ka?”. Hindi ko alam ang dahilan, pero tumibok ang puso ko. Promise. Ala naman dahilan, walang perfect place, hindi perfect moment para tumibok sya ng ganun pero nangyari. Shit! Eto na ba yun? Nailang ako. Pakiramdam ko naging High blood ako dahil umabot sa utak at buong kalamnan. Inulit pa nya ang tanong kaya sumagot na ko. Hindi ako nakatingin ng sabihing oo. Nagpaalam na sya. Sumakay ng tricycle. Ako, kala mo nakita si papa Piolo. Nakauwi din naman ako. Ng maalala kong, hindi ako nakapag-pasalamat sa lalaki.
Hindi ko inaasahan ang isang pamilyar na sabungero. Yung lalaki kaninang umaga nakatingin at palihim pang ngumingisi kahit obvious naman. Napakaliit nga naman ng mundo. Inisip kong mabuti kung ako nga ba ang pinariringgan. Dahil ayokong maulit ang nangyari kanina. Nakitingin din ako sa ibang tao para sila ang pagbintangan ko pero kahit ata pandilatan ko lahat ng tao sa jip e ako pa rin ang salarin. “Oy miss.. bayad mo?” sabi ng driver. Waaaaahhaa! Naulit na naman sya. Sana pimples na lang ako, o kaya butete, o kaya pwet ng manok para hindi ko na ko mapahiya ng ganito. Masaklap pa nun, parehong tao ang nakakita. Wala na kong nagawa. Inabot ko ang bayad ko.
Nung nag subside na ang karumaldumal na eksenang yun, nakatulog na naman ako. Ginising na naman ako ng mahiwagang tinig. “Miss ok ka lang? Nandito na tayo sa babaan baka lumagpas ka na?” Dumilat ako. Bakit ganon ang nakikita ko. Limang pangalan na lahat nagsisimula sa L – Leny, Larry, Lily, Lorna, Levy. Naka-lettering pa nga e. At meron ding dalawang bakal na mahaba. Nun ko lang napansin na may nakadungaw na sa muka ko. Yung parang sa patay lang. Pero bumalik na ang ulirat ko. Bakit ako nakahiga sa jeep? Umalis ako sa pagkakahiga at naupo. Nakita ko ulit yung lalaki kaninang umaga at ngayong hapon. Gabi na sa labas at hindi pamilyar ang lugar. Naloka ang lola nyo. Hindi na ko nagpatumpik tumpik at sinabunutan ang lalaking nasa harap ko dahil baka masamang tao sya. Lalabas na
Nagsisigaw ako at humingi ng tulong sa mga tao sa labas sa pag-aakalang magkasabwat sila nung lalaki kaya pumasok ang driver sa loob. “Oy miss. Bumaba ka na nga! Hindi ka magising gising kanina no. Nakikita mo ba yang suka mo?!” At chaka ko lang naalala ang nangyari. Nasuka ako at nahilo kaya ihiniga ako ng mga pasahero. Pero bakit naiwan ang isa. Hindi ko naman kailangan ng charity at naaalala ko pa ang itsura nya habang tinatawanan ako. “Wag mong sabihin nakisuka ka rin?!” at dali dali akong lumabas. Bumaba na rin sya.
“
Lunes.. na naman. At ganun pa rin ang eksena. Parang laging may marathon.. takbo para sa kalikasan… takbo para sa kalusugan… takbo para sa kabataan.. e UTANG NA.. (loob). Ganto na lang ba lagi?! Parang nakikini-kinita kong darating ang panahong magkakaron din ng…takbo para sa mga late comers. At sa di mawaring kadahilanan, e naisip kong magiba ng ruta. Dahil kung araw araw akong sasali sa dyasking amazing race na yan e baka maging kaisa na ko sa samahan ng mga umaalingasaw na kili-kile.
Libre. 4 para sa pag-ibig, 3 para sa pera at 4 para sa karir. Yan ang sabi sa horoscope ko. Kahit puro kalokohan din ang nasa dyaryong yan. Minsan gusto kong maniwala. Alam kong ikaw din. Hindi ko ugaling magbasa ng dyaryo. Solb na kong panoorin si Ogie Diaz na naglolocomotion sa umaga. Kaya naman… yan lang ang binunuklat ko pag meron pa kong naaabutan. Papasok na ko ulit. Makikipag bunong braso na naman ako sa mga tao sa MRT. Pero mas ok na yun. At least aircon. At hindi ako magiging myembro ng kinatatakutan kong samahan. Pababa na ko. Walang ano ano’y bigla akong nagogoose bumps. Wala naman sigurong engkantong nakiki-ride sa MRT. Nadumi naman ako samin. Hindi rin naman ako kumain ng kamote para magpasabog ng malagim na hangin. Shit! Pamilyar na muka. Ewan ko ba kung bakit lagi na lang nagiiba ang timpla ng katawan ko pag nakikita ko tong taong to. May sa demonyo ata. Para kong nausog e. Alam kong nakita nya ko. Lumalapit sya. Bat ganun? Naramdaman kong umaakyat na naman ang dugo sa muka ko. Siya ulit yung guy na tuwing may kapalpakan ako e sya ang bukod tanging nakakasaksi. Kaya ang mga moment na hindi dapat maging embarrassing para sakin, e nagiging ganun na nga dahil nandun sya. Parang nabuhay ata sya na may misyong saksihan lahat ng kasumpa sumpang pangyayari sa dyasking buhay ko. Hmp! Dedma. Naglakad na ko pababa. Sasakay pa ko ng jip papuntang office.
Nasa jip na sya. Malas. Nakita nya ko nakatingin. Hehehe! Ang feeling naman ng damuhong yon. Kala naman nya magchichikahan kami ever. Nakita ko syang naka-ngisi. Ang panget. Nakakabadtrip. At kung mamalas malasin ka nga naman. Nagkatapat pa kami ng upuan. Pala-isipan pa rin sakin kung bakit ang unang napupuno sa jip e yung dun malapit sa pintuan. Kaya yung kahuli hulihang papasok, sa likod ng driver napupunta. Lumakad na yung jip… Nak ng tokwa! Ngayon alam ko na kung bakit. Kaisa rin pala si manong driver sa kinatatakutang kong samahan ng umaalingasaw na kili-kile. Kada ikot ng manibela sya namang takip ng ilong ko at ng mga taong nakakaamoy sa bagsik ng kili-kile ni manong. Hay pambihira! ‘Bilis ng karma no.’ Sabi nung antipatikong yun. Naalala ko na. Pareho na kaming nalagay sa ganyang eksena. Sa kanya naman yung babaeng mega phone na may eskandalosong cellphone na may kaututang dila sa jip. Dun ko sya unang nakita. Hindi ko na napigilang matawa. Para tuloy akong naging kumportable sa kanya. Dahil siguro meron na kaming something in common. At kahit masaklap ang something in common namin. Natatawa pa rin ako.
Pababa na ko. Pero hindi ko alam kung pano ako magpapaalam sa kanya. Hindi ko sya kilala. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nya e. Madalas lang kami magkita pero matuturing na bang magkakilala yun. Ang panget. Bahala na. ‘Mama para po sa tabi!’ sabi nya. Ano ba yun. Mukang pareho pa ata kami ng building. Parang ayoko na atang bumaba. Baka sabihin sinusundan ko sya. E kaya lang malalate na ko. ‘Una na ko a.’ sabi nya. Bumaba na sya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Palakad na yung jip nung pumara ako. ‘Mama teka bababa na ko.’ Syempre hindi pa sya nakakalayo. Mga ilang hakbang pa office ko e.
‘O san ka?’ sabi nya. Magkukunwari pa ba ko. Sarap ata ng may naghahatid no. So sinabi ko ng walang patumpik tumpik. Say naman nya ‘Magkalapit lang pala tau ng building e. Ang galing no. Biruin mo dalas nating nagkakasabay. Magkababayan pa tau.’ ‘O e ano ngayon’. Yansana gusto ko sabihin. Pero parang nag-iba timpla ng dugo ko ngayon sa kanya. ‘Oo nga e. Oy nga pala. Nakalimutan kong magpasalamat nung isang araw. Nung hindi mo ko iniwan sa jip. Salamat a.’ Pa-cute ang lola mo. ‘Ah yun ba. Sus wala yun.’. Nakita ko syang tumingin sa relo. Medyo insullto sa kin pero naintindihan ko naman. Kasi malalate na rin pala ako. Pinangunahan ko na sya. ‘O sige a. tatakbuhin ko pa mula dito e.’ Naghiwalay na kami. Hindi ko pa rin pala alam pangalan nya. At hindi ko rin naman babalakin kunin no. Minus points yun.
Pababa na ko. Pero hindi ko alam kung pano ako magpapaalam sa kanya. Hindi ko sya kilala. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nya e. Madalas lang kami magkita pero matuturing na bang magkakilala yun. Ang panget. Bahala na. ‘Mama para po sa tabi!’ sabi nya. Ano ba yun. Mukang pareho pa ata kami ng building. Parang ayoko na atang bumaba. Baka sabihin sinusundan ko sya. E kaya lang malalate na ko. ‘Una na ko a.’ sabi nya. Bumaba na sya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Palakad na yung jip nung pumara ako. ‘Mama teka bababa na ko.’ Syempre hindi pa sya nakakalayo. Mga ilang hakbang pa office ko e.
‘O san ka?’ sabi nya. Magkukunwari pa ba ko. Sarap ata ng may naghahatid no. So sinabi ko ng walang patumpik tumpik. Say naman nya ‘Magkalapit lang pala tau ng building e. Ang galing no. Biruin mo dalas nating nagkakasabay. Magkababayan pa tau.’ ‘O e ano ngayon’. Yan
Sa office naman. Boring. Alang magawa at ala rin yung big boss. Nagdadaldalan lang kami ng mga kasama ko. Parang ang tagal tagal tuloy ng lunch. Sinama ko ng mga kaofficemates ko sa binibilan nila ng ulam. Tayuman kung tawagin ko. Lahat kasi ng tao nakatayo habang kumakain. Binili ko yung favorite kong inadobong puso ng saging. Mura lang kasi at may libre pang sabaw. Medyo namimiss ko din kasi lutong bahay e. Hindi naman sa maarte kaya lang hindi ko kasi ugaling kumain sa ganun. Although wala naman pinagkaiba sa take out. Yun nga lang para kong pulubing kumakain sa kalsada. Ganda kong to.Kaya inantay ko na lang matapos kumain yung mga kasama ko. Marami din akong nakikitang taga-office namin. Yung iba naman dun. Feeling ko dun na lang din nagkakilala kasi sila sila rin ang suki. Hindi imposibeng magkita kami ni guy friend(?). Erase! Erase! Ang feeling ko atang tawagin syang friend. Well hindi nangyari. Hehehe!
Meryenda time. At dun ulit ako dinala ng mga kasama ko. Masarap daw ang kikiam ngayon. Ewan ko lang kung ano ang ipinagkaiba ng kikiam nung ibang araw at kung masarap din ba sila. Well mukang swerte nga ang kikiam nung araw na yun dahil guess what. Nandun sya. Si coincidence guy with his super friends. Binati nya ko. ‘Dito ko din pala kumakain pag meryenda.’ Mega tanggi ako. ‘Hindi. Ngayon lang ako nadayo dito. Sabi kasi nila masarap ang kikiam ngayon dito. E ikaw? Madalas ka dito?’. Say nya ‘Oo. Pag lunch dito din ako para tipid. Ok din. Para Denmark .’ ‘Wow! nice name huh.’ Sabi ko. He replied ‘kaw din. Ganda nga pakinggan yung mga babaeng may guy name e. cool.’ Tapos pinakilala ko yung mga kaibigan ko sa kanya. Naghiwalay na kami ng landas. Syempre hot seat ako sa office. Pero wala silang napala sa kin. Tapos dito na nagsimula ang love story ko. Na ewan ko kung love story din ba nyang maituturing. Araw araw kami sabay pumasok at umuwi. Nag-aantayan kami sa terminal. Hindi ko alam kung ano nga bang meron kami o kung meron nga bang kami (Naks! Claudine?!?). Nililibre nya ko minsan tapos ako din. Pag maaga kami nagkikita kumakain pa kami sa labas.
Nung tumagal tagal na kaming ganun, hindi lang kami basta sabay. Hinahatid na nya ko samin. Pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko sa office kung ano ko ba sya hindi ko masabing manliligaw kasi hanggat wala akong naririnig sa kanya hindi ko pwedeng sabihing ganun. Masaya sya kasama. Makulit. Parang ako. Kaya nagkakasundo kami. Nakakakilos ako ng kumportable. Hindi ko kailangan magpanggap pag sa kanya. Kasi nakita na nya mga negative side ko. Medyo hindi ko na rin nagugustuhan tong nararamdaman ko kasi parang unfair ata sakin. Babae ako e. At yan ata ang hindi naiintindihan ng mga lalake. Kahit pa sabihin nating wala akong karapatang mag-isip ng kung ano anong bagay na hindi lang pang kaibigan, syempre hindi maiiwasan yun. Umasa ako e. Kung alam lang nya yung feeling ko pag sinabi nyang manonood sya ng sine at may kasama syang iba, na may iba syang lakad at baka hindi sya umuwi ng maaga kaya pinapa-una na nya ko. Yung mga simpleng ganun… apektado ako no. Tanga ba sya! Ilang araw din akong parang baliw kaiisip. Kaya lang napansin kong parang wala naman mangyayari kung mag-aassume lang ako. At chaka baka isip nga ko ng isip samantalang sya ni walang kamalay malay na bad shot na sya sakin. Malandi na kung malandi. E ganun naman talaga ko e. E ano ngayon. Pero may delikadesa pa ko. No sya sinuswerte. Siya lang ba may karapatang mangganun. Itchura!! Pagselosin natin ng konti. Kung effective e di masaya pero kung hindi… hmp! Feeling ko effective yan. Hindi talaga pumayag e no. hahahah!
Nung minsan nagpaalam sya na may lakad sya sandali pero pipilitin nyang dumating sa terminal ng maaga sinabi kong magiintay ako. 6pm ang call time namin. Pero 5 pa lang umuwi na ko kasi maaga naman ako pumasok e. Excuse me. Pagintayin ba ko. Nek nek mo! Ulul! Nagtetext na sya sakin nung 6:20. Pinatay ko na phone ko dahil tatawag na yun maya maya. Nakauwi na ko. Kumain. Natulog. Gumising. Umihi. Natulog ulit. Bumangon. Nakalimutan kong i-On phone ko. Hindi ko alam kung nakauwi na ba ang damuhong yun. Pagbukas ko. Maraming text messages na galing sa kanya. E paulit-ulit naman. Walang effort. Puro ‘Oy asan ka na? Nakauwi ka na ba?’. 7 ganun ata. Manung ibahin man lang yung ibang salita. Bwisit na yun.
Pumasok na ko ang guess what. Nandun sya sa may entrance. Dramahan natin ng konti. Sabi nya ‘Louie.. Louie.. Asan ka kagabi? Bat di ka sumipot?’. Kunwari walang nangyari… ‘Ako? e di umuwi? Ano kala mo? Nagpa-pick-up sa parokyano?!’. Parang hindi ko nagugustuhan kasi kampante pa rin sya. Gusto ko syang magalit dahil nag-alala sya. Yung ganun. ‘Nag-alala ako. Kala ko kung ano na nangyari sa yo e. Ang tagal kong nag-intay dun! Ni hindi mo man lang naisip yun!’ Yan sana ang gusto kong marinig sa kanya ng mga oras nay un pero eto lang sinabi nya. ‘Ah ganun ba? Teka.. nag-breakfast ka na ba? Lika sabay na tayo.’ Diba badtrip. Sira yungplano ko. Bwisit talaga. Kailangan ma-disappoint sya kaya hindi ako sumabay kahit gustong gusto ko.
Uwian na.Aba hindi ata ako makakaligtas sa sira-ulong yun. Nasa labas na sya. ‘Hi! Uwi ka na ba?’ Naisip ko mag alliby para madisappoint sya ulit. ‘May lakad ako e. Hindi ako makakasabay. Inaantay ko lang SIYA dito. Mauna ka na.’ At naloka ako sa sinabi nya. ‘Ah.. (silence).. tamang tama pala. Kasi may lakad din ako. nagpunta lang ako dito para magpaalam. Buti naman at may kasabay ka pala.’. Shit! So wala palang kwenta sa kanya. Hindi man lang tinanong kung sino yung kasama ko. Hindi na kinaya ng powers ko. Talagang nagpanting tenga ko dun. Iba talaga inaasahan ko sa kanya tapos ganun lang. Kung hindi ko lang gusto yung tarantadong yun namura ko na e. Hinila ko sya sa di kalayuang lugar. Dun sa hindi masyadong matao chaka ko sya hinarap. ‘Sino ba yang kasama mo? Alam ko wala akong karapatang magtanong tungkol sa personal mong buhay. Kaya lang… Tang ina naman o.’ Nangingilid na luha ko nyan. E kasi naman e. Hindi ko talaga mapigilan. Pangit ko pa naman umiyak. ‘… oo talo na ko. Aaminin ko. Nagseselos ako. Wala talaga kong karapatan…E ano ngayon. Yun ang nararamdaman ko e. Magsalita ka.’ Tahimik sya. Pinupunasan ko na luha ko. Nakakahiya e. Mga ilang sandali din yun. Tapos ‘…I’m sorry. Sorry dahil yan pala nararadaman mo ngayon.’ Natigil sya. ‘Sorry?! Yan lang sasabihin mo sakin?! Shit naman o! Bat ba ganun. (kinakalma ko sarili ko) Eto na ata most embarrassing moment ko at ikaw nanaman nakakita. Siguro nga maxado akong assuming. Well pasensya ka na.. feeling tong kaibigan mo e. Ikaw kasi. Pa-fall effect. Pa-sweet. E malay ko bang wala lang yun. Sige na.baka may nag-aantay na sayo. Mauna na kong umuwi. Ingat!’ Walang ano ano’y niyakap nya ko habang sinasabi nya ang linyang to (o db parang coke lang) ‘Ayoko kaseng masaktan ka kaya ako nagsinungaling… nung una hindi ko alam na magugustuhan kita e. Akala ko kumportable lang ako kasi marami taung similarities.Pero mabilis akong na-fall..’
Nanghina ako promise. Totoo palang nakakapanghina ang yakap ng guy na gusto mo. E dahil chansing na siya kaya pumalag na ko ‘Teka nga! Alam mo hindi mo kailangan magpanggap e. Sanay naman akong napapahiya sa harap mo no. Sige na uuwi na lang ako. itutulog ko na lang to.’ Nagulat ako sa reaksyon nya. ‘Hindi pa ko tapos!’ Seryoso ang lolo mo. Scary. Kaya pinakinggan ko ulit. Baka sapukin ako e. ‘May kailangan kang malaman para maintindihan mo ko.’ At nagimbal na ko ng tuluyan. ‘Louie wala talaga kong balak sabihin sayo to non e. kasi walang dahilan pero ngayon.. dahil sa nararamdaman ko…kahit alam kong iiwas ka.. (moment of silence).. may anak na ko. 3 years old na sya. Alam kong masasaktan lang ako kung magmahal man ako ulit dahil hindi ko na mababago buhay ko e. Yung anak ko.. nandyan na yan. Wala na kong magagawa dun. Pinipilit kong hindi ma-attach sayo ng sobra kaya lumalabas ako kasama nung iba kong kaibigan. Kahit masakit din sakin na may ka-date ka ngayon OK lang. Ako naman ang nasasaktan e. Gusto kong usisain kung sino yang magaling na lalakeng yan at kung hindi ka ba nya sasaktan. Kasi kung oo lalayo na ko. Nung hindi ka sumipot sa terminal natakot ako. Hindi ako naka-uwi kasi inaabangan kita don. Pumunta ako sa inyo pero nakapatay na ilaw. Tinatawagan kita pero magdamag na nakapatay. Galit ako. Galit ako sa sarili ko non dahil wala akong magawa.’ Tumulo na luha nya. Shit hindi ko kinaya yun. Natahimik lang ako kasi nga nasa state of shock pero ilang sandali pa iniwan ko siya. Totoo. Nagulat talaga ko na may anak sya. Shit ayoko pa naman nakakakita ng umiiyak. At lalake pa sya ha. Dyahe! Nagwalk out ako hindi dahil gusto kong magpahabol. Actually hindi ko alam kung ano ba talaga ang tamang reaksyon sa ganung sitwasyon. Blangko ako.
Nung tumagal tagal na kaming ganun, hindi lang kami basta sabay. Hinahatid na nya ko samin. Pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko sa office kung ano ko ba sya hindi ko masabing manliligaw kasi hanggat wala akong naririnig sa kanya hindi ko pwedeng sabihing ganun. Masaya sya kasama. Makulit. Parang ako. Kaya nagkakasundo kami. Nakakakilos ako ng kumportable. Hindi ko kailangan magpanggap pag sa kanya. Kasi nakita na nya mga negative side ko. Medyo hindi ko na rin nagugustuhan tong nararamdaman ko kasi parang unfair ata sakin. Babae ako e. At yan ata ang hindi naiintindihan ng mga lalake. Kahit pa sabihin nating wala akong karapatang mag-isip ng kung ano anong bagay na hindi lang pang kaibigan, syempre hindi maiiwasan yun. Umasa ako e. Kung alam lang nya yung feeling ko pag sinabi nyang manonood sya ng sine at may kasama syang iba, na may iba syang lakad at baka hindi sya umuwi ng maaga kaya pinapa-una na nya ko. Yung mga simpleng ganun… apektado ako no. Tanga ba sya! Ilang araw din akong parang baliw kaiisip. Kaya lang napansin kong parang wala naman mangyayari kung mag-aassume lang ako. At chaka baka isip nga ko ng isip samantalang sya ni walang kamalay malay na bad shot na sya sakin. Malandi na kung malandi. E ganun naman talaga ko e. E ano ngayon. Pero may delikadesa pa ko. No sya sinuswerte. Siya lang ba may karapatang mangganun. Itchura!! Pagselosin natin ng konti. Kung effective e di masaya pero kung hindi… hmp! Feeling ko effective yan. Hindi talaga pumayag e no. hahahah!
Nung minsan nagpaalam sya na may lakad sya sandali pero pipilitin nyang dumating sa terminal ng maaga sinabi kong magiintay ako. 6pm ang call time namin. Pero 5 pa lang umuwi na ko kasi maaga naman ako pumasok e. Excuse me. Pagintayin ba ko. Nek nek mo! Ulul! Nagtetext na sya sakin nung 6:20. Pinatay ko na phone ko dahil tatawag na yun maya maya. Nakauwi na ko. Kumain. Natulog. Gumising. Umihi. Natulog ulit. Bumangon. Nakalimutan kong i-On phone ko. Hindi ko alam kung nakauwi na ba ang damuhong yun. Pagbukas ko. Maraming text messages na galing sa kanya. E paulit-ulit naman. Walang effort. Puro ‘Oy asan ka na? Nakauwi ka na ba?’. 7 ganun ata. Manung ibahin man lang yung ibang salita. Bwisit na yun.
Pumasok na ko ang guess what. Nandun sya sa may entrance. Dramahan natin ng konti. Sabi nya ‘Louie.. Louie.. Asan ka kagabi? Bat di ka sumipot?’. Kunwari walang nangyari… ‘Ako? e di umuwi? Ano kala mo? Nagpa-pick-up sa parokyano?!’. Parang hindi ko nagugustuhan kasi kampante pa rin sya. Gusto ko syang magalit dahil nag-alala sya. Yung ganun. ‘Nag-alala ako. Kala ko kung ano na nangyari sa yo e. Ang tagal kong nag-intay dun! Ni hindi mo man lang naisip yun!’ Yan sana ang gusto kong marinig sa kanya ng mga oras nay un pero eto lang sinabi nya. ‘Ah ganun ba? Teka.. nag-breakfast ka na ba? Lika sabay na tayo.’ Diba badtrip. Sira yung
Uwian na.
Nanghina ako promise. Totoo palang nakakapanghina ang yakap ng guy na gusto mo. E dahil chansing na siya kaya pumalag na ko ‘Teka nga! Alam mo hindi mo kailangan magpanggap e. Sanay naman akong napapahiya sa harap mo no. Sige na uuwi na lang ako. itutulog ko na lang to.’ Nagulat ako sa reaksyon nya. ‘Hindi pa ko tapos!’ Seryoso ang lolo mo. Scary. Kaya pinakinggan ko ulit. Baka sapukin ako e. ‘May kailangan kang malaman para maintindihan mo ko.’ At nagimbal na ko ng tuluyan. ‘Louie wala talaga kong balak sabihin sayo to non e. kasi walang dahilan pero ngayon.. dahil sa nararamdaman ko…kahit alam kong iiwas ka.. (moment of silence).. may anak na ko. 3 years old na sya. Alam kong masasaktan lang ako kung magmahal man ako ulit dahil hindi ko na mababago buhay ko e. Yung anak ko.. nandyan na yan. Wala na kong magagawa dun. Pinipilit kong hindi ma-attach sayo ng sobra kaya lumalabas ako kasama nung iba kong kaibigan. Kahit masakit din sakin na may ka-date ka ngayon OK lang. Ako naman ang nasasaktan e. Gusto kong usisain kung sino yang magaling na lalakeng yan at kung hindi ka ba nya sasaktan. Kasi kung oo lalayo na ko. Nung hindi ka sumipot sa terminal natakot ako. Hindi ako naka-uwi kasi inaabangan kita don. Pumunta ako sa inyo pero nakapatay na ilaw. Tinatawagan kita pero magdamag na nakapatay. Galit ako. Galit ako sa sarili ko non dahil wala akong magawa.’ Tumulo na luha nya. Shit hindi ko kinaya yun. Natahimik lang ako kasi nga nasa state of shock pero ilang sandali pa iniwan ko siya. Totoo. Nagulat talaga ko na may anak sya. Shit ayoko pa naman nakakakita ng umiiyak. At lalake pa sya ha. Dyahe! Nagwalk out ako hindi dahil gusto kong magpahabol. Actually hindi ko alam kung ano ba talaga ang tamang reaksyon sa ganung sitwasyon. Blangko ako.
abangan ang susunod na kabanata...
0 comments:
Ikaw? Anong say mo?