Monday, June 14, 2010

Road Trip to Subic

Yes its a long weekend again! At dahil kaladkarin nga ako I decided to join my Tito of Bulacan on their road trip to Bataan daw. Swimming galore ulit. He had purchased a new bus and syempre it should pass a test drive. So this is it.. dala ang garampot na pera, (because I know hindi nya kami matitiis na pagbayarin.. hahaha!) we went. 7:30am call time, 6:30 pa lang nasa garahe na kami. Naisip ko, kung sa office lagi akong ganito, hindi ba dapat I deserve a reward? Pero pag late ka naman, para anlaki ng kasalanan mo, kalevel mo ang mamamatay tao...ganun!

Anyway.. hindi na ko magtataka kung past 8am na kami umalis dahil never in my entire life na nangyari yun. Kala ko konti lang ang sasama.. believe it or not, napuno ang bus. Ganun na pala karami ang angkan namin. So this is not just a family outing, I call it "Sangkalahian" outing dahil nuknukan kami ng dami. By the way, hindi ako na-brief na hindi pala aircon ang sasakyan namin kaya yun, nanlilimahid kami. But the bus is way much better than other ordinary bus na nakikita mo sa EDSA. I'm saying this not because my tito owns it... but because nilibre nya kami. hahaha! joke lang! Nga pala, wala rin nakaka-alam ni isa samin na nandun kung san kami pupunta exactly. I've been asking kung san ba kami sa Bataan kasi magre-research na ko ng mga itinerary para hindi sayang ang lakad. Tahimik lang sila. Hindi ko lam kung pinagloloko ba ko. We passed by Dinalupihan pero parang wala akong naaaninag na dagat kaya hindi pa rin tumitigil ang bus. Ito pa ha.. non-stop siya promise... walang ihi ihi. Masyado atang excited yung bago nilang driver, nagpapakitang gilas. Kaya kahit nag-aasin na ang wiwi mo balewala sa kanya. Hanggang sa nakarating na kami ng Olongapo Proper. It's already 11:30am... and I'm hungry. We saw Ocean Bay View (?). One of my cousins said, it's the nicest yet cheapest of all resort that can be found along the way. Bigla ako nabuhayan ng loob.. Kahit pa mataas na ang standards ko when it comes to beaches, pwede na rin yung mga cheap kung maganda naman talaga. Parang nabingi ata ang mga tito ko at hindi pinara yung bus. Ok sige palagpasin natin baka marami pa naman maganda.
After 7 minutes drive, biglang nagstop yung bus. Sabi nung driver nandito na daw kami. First thing we've done, dumungaw sa labas at hanapin ang magandang resort na naghihintay sa amin. Left? wala. Right? wala. Ok wala. Wala akong makitang maganda ate Charo. Kinakabahan na ko at this very moment. Bumaba yung driver at pumasok sa eskenitang maliit. Naaninag ko yung bulok bulok na cottage na kinulayan ng blue green ang fences. Parang perya lang. Kitang kita rin sa labas ang maruming pangpang. I was disappointed pero knowing them, papatulan nila yung ganung klase. True enough. Nung inaya na kaming bumaba parang dumikit ang pwet ko sa kinauupuan nya. No choice. Hindi kinaya ng powers naming maaarte ang powers nila kaya go na lang.



First Glance... Ok may flag... and I'm not impressed at all
Under that port is where we spent so much of our time. Bukod sa yan lang ang medyo magandang view na makikita mo, e ayaw din naman naming umitim. Another reason is that, it would make it appear as if dyan kami nagstay at hindi sa may chakang kubo.
I can't imagine na makakaligo ako sa dagat ng basura.. its super overwhelming. Eto ang panalo, We enjoyed the waves there, can you believe it? Nakakatawa nga lang kasi kasama mo ang mga pampers na gamit na, balat ng chichirya, kendi atbp. Matutuwa ang basurero sa dami. Imbes na maimbyerna kami, nagbibiruan na lang kami pag may lumulutang lutang na dumi. Minsan nagbabatuhan pa nga. I reminisce the old times nung mga bata pa kami. May sapa kasi near our lolo's house kaya we can swim whenever we want, at ganun din ang eksena. Kaya I can say, hindi lang si Manny ang nakaligo sa dagat ng basura... kami din!

We had fun taking pictures in this place. Para ka lang nasa barko.

They also rented a jetski. Ang saya kasi halos lahat kami dun first timer. Sayang hindi ako umabot sa oras e. 1300 half an hour. Sa dami naming gustong mag-attempt, hindi na ko nakasama kaya nagpose na lang ako. Astig!


All in all, this trip is a good one. I realize, kahit gano pa ka-pangit ang lugar, as long as you are with the right people, it will be an amazing experience. Sana next Kalahian Outing namin sa Bora na! Yuhuuu!!

4 comments:

Hoobert the Awesome said...

Haha, natawa ako dun sa part na "nag-aasin na ang ihi". Sobrang kewl! And in fairness, it made me realize something. Medyo mapili din kasi ako sa mga ganito ^^

I just dropped by. I hope you visit my blog too. :)

Chyng said...

gala gala!
ang jitims na natin.
invite kita pag nagplan ako ng clean up ha. ayoko ng pampers and kendi everywhere!

Kura said...

@poot - thanks for dropping by! Hehehe! yung driver kasi e adik sa bagong wheels. nakalimutan ng magwiwi.

@chyng - go ako dyan! korek hobby natin ang mag-"ITA" pag summer. i just read your blog kanina yung part II. Bravo ka girl! At si Mang arnel syempre!

John Marx Velasco said...

Natawa naman ako sa mga pampers. Nakaligo na din ako sa ganyan yung may mga lumulutang lutang, syempre nung bata pa ako nun! Hahaha!