Sunday, June 20, 2010

Batang Isip

I've been writing a lot of travel experiences these past few months. Hindi na summer ngaun (sabi ng walang kapag-a-pag-asang PAGASA), at ubos na rin ang pera ko. Naisip ko lang, siguro it's time na tungkol naman sa buhay ko ang iku-kwento ko. Para cute. Gamit lang ang garampot kong ala-ala, hindi ko kailangang ng masyadong effort. At dahil pasukan na, mga bata ang nagkalat sa daan.. minabuti kong magsulat ng tungkol sa masasayang araw ng buhay ko... ang aking kabataan. Ok! flashback...


Nung bata pa ako...

  • marunong akong manghuli ng bulaka.. palakang hindi pa finally developed kaya may parteng butete pa rin. Maliliit lang ito. Una, mangunguha ka ng suso sa kanal.. siyempre magtatago ito sa bahay nya. Ilalagay mo sa isang malaking bato... tapos pag lumalabas na ulit ang pinkish nyang laman... gamit ang isa pang malaking bato... chaka mo sya pipisatin ng bonggang bongga.. para tragic ang dating. Mahirap kasi pag "killing me softly". Parusa yun. Tanggalin ang basag na shell. Tapos, kukuha ka ng patpat na may pisi.. dun mo itatali ang pisat na lamang-loob ng suso. Isawsaw mo lang ito sa kanal na masukal ngunit hindi mabaho at maitim. Maraming ganyan sa probinsya. Yung tipong mahihiya ang mineral water sa sobrang linaw nya. Habaan ang pasensya.. maya maya may kakagat na dyan promise. Kung suswertihin, palaka na mismo ang mahuhuli mo. Be ready.
  • hindi ako mahilig sa gatas.. kape ang favorite ko... kape sa mangkok. Sabi nila masama ang kape sa bata.. masyado na sigurong late to at hindi na naagapan ng nanay ko. Hindi na ko nabubuhay kung walang kape. Oh and yeah, "Baracko" in particular. Siguro mahal ang gatas nung araw. Bakit sa mangkok? Hindi kasi uso ang baso sa probinsya namin. Nilalabas lang nila ang mga magaganda nilang utensils pag piyesta.  Minsan pag tinatanong nila ako kung bakit ang tangkad tangkad ko, hindi ko alam ang isasagot ko. Ngayon ko lang naisip...
  • kumakain ako na nakataas ang isang paa. Natutunan ko yan sa nasira kong Mamay (my lolo). Mahilig umupo si Mamay sa edge ng bangko. Minsan naalala ko pa nung kumain kami at umupo sa mahabang bangkong yun.. kuya ko sa kabila, ako sa gitna, at si Mamay sa kabilang dulo. Nauna akong natapos, maya maya sumunod ang kuya ko, pag-alis nya, natuwad ang bangko. Ayun nahulog ang kumakain kong Mamay... pinigilan kong tumawa promise. Hindi ko po sinasadya... patawad. FYI, hindi naman yun ang ikinamatay nya.. wag OA.
  • kahit babae ako, para akong barako kung kumilos. Mahilig ako maglambitin sa mga bakal at puno. With matching sigaw pa kung sinong character ang pino-portray. Bongga diba?Minsan naalala ko, naging "Shaider" ako at naglambitin sa bakal na swing ng kapit bahay namin... namali ang bagsak ko. Ayun, nabali ang kaliwang kamay ko at kinailangan sementuhan. Dun ko naalala, ako nga pala si Annie.. Saya no?
  • mahilig akong magyapak. Minsan na kong naniwalang papasukin ng worm ang paa ko sabi ng mga native sa probinsya namin (hahha! native talaga e no). Kahit ilang beses pa akong takutin, walang habas ko pa rin tong ginagawa. Masarap sa pakiramdam pag walang sapin ang paa at itinatapak sa kahoy na sahig diba? aminin... Naniwala lang ako sa pananakot nila nung minsan napoo-poo ako. hahahaha! alam na...
  • manunupot ang number one panakot sakin pag nahuhuli akong nasa lansangan pagpatak ng alas sais ng gabi. Sila daw yung mga kampon ng kadiliman na nangunguha ng bata at isinisilid sa sako... iniaalay sa tulay pagkatapos. Matibay daw kasi ang dugo ng bata. Fresh pa.
  • natakot din ako sa bayugo. Sabi ng matatanda, bawal na bawal na lumalagpas ang unan mo sa unan ng mas nakatatanda sayo. Kundi kakatukin ka sa ulo ng bayugo. Tinanong ko ang nanay ko kung ano ang ichura niya. Sabi nya wala daw nakakakita sa kanya.. pero kulay pula daw siya kwento sa kanya ng lolo ko. So close sila ng lolo ko ganun?! Siya lang pwede makakita?!
  • naniniwala akong bawal makakita ng pula ang baka at kalabaw dahil susugurin ka nila. Kaya kung ang suot mo ay may bahid ng pula, hindi ka pwedeng magpakita sa kanila. Goodluck sayo.
  • achuete ang ginagawa kong cutics. Cutics ang tawag sa nailpolish nung kabataan ko. Hindi ko alam kung yan pa rin hanggang ngayon.
  • kapag may nakikita akong naglilipstick... pag natapos na, nakikita ko na lang ang sarili kong naka-nganga at naka-nguso din.
  • sinasanto ko ang PISO.. pag may nag-alok sakin nito, gagawin ko lahat ang gustong ipagawa sakin. Kahit nagmumuka na kong manikang de-susi.
  • sinasabuyan ko ng asin ang mga asong nag ma-make love sa kalye.
  • mahilig akong magtampisaw sa baha. Galisin na kung galisin, ayos lang. Ang saya naman. Minsan inaantay pa namin na may dumaan na sasakyan para masabuyan kami. =)
  • uso ang pangangaluluwa samin. Hindi ito ghost hunting gaya ng nasa isip nyo ngayon. Ito ang caroling pag araw ng patay. In fairness kabisado ko pa rin until now.. Kaya hindi lang pasko ang hinihintay naming mga bata, pati Nov 1... Two time Bigtime!
  • natuto din akong magsugal sa perya... color game. At maniniwala ba kayong napalago ko ng sixty pesos ang pisong puhunan na ibinigay ng tiyahin ko? Elibs na? =) Minsan pag natatalo ako, lumilipat ako dun sa tig bebente singko lang na taya. Yung ihulog mo sa mga square square tapos makakakuha ka ng delata, tupperware, baso at kung ano ano pa. At least magagamit ko. Minsan nakakapag-uwi naman ako kahit papano. Pero madalang, dinadaya kasi ako ng bangkero... hindi daw sakto sa loob ng kahon. Minsan, pag wala na talaga, kapit na ko sa patalim, maghahanap ako ng kamag-anak na nandun din at manghihingi ako ng puhunan. hehehe! Ni isang kusing, wala ng nakabalik sa kanila.


  • nakahithit na ko ng yosi. Yung magaling kong tiyahin ang may sala. Ang pina-tira pa sakin yung brown na yosi na kinakain nila afterwards... pinahithit ba naman sakin e diba matapang yung ganung flavor? Inubo ako ng walang habas. Kaya isinumpa ko nun sa sarili ko na hinding hindi na ko magyoyosi. Na-realize ko, kung may anak kayong ayaw nyong magkaron ng bisyo paglaki, try nyo din gawin kung anong ginawa ng tiyahin ko sa kin. Effective.


  • nakainom na din ako ng Fundador. Peer pressure lang nung pinsan ko. Try daw namin. Kahit pa ayoko, hindi ako nakapalag kasi siya yung isa sa mga pinsan kong ni minsan hindi pumasok sa isip kong susubok ng ganun. e ako pang maharot ang hindi papayag? Dalawang lagok lang yun pero iba ang epekto sakin. Nagkasakit ako. Nilagnat. Lashing na pala ako. Isinumpa ko na rin na hinding hindi na ko iinom nun. Yun fundador lang, pero ibang drinks oo.. hehehe! hindi pa rin nadala.


Tunay ngang kakaiba ang kabataan ko. Jampacked. Brutal. Maka-mundo. Mayaman. Totoo. I must say, ma-swerte pa rin ako at naranasan ko ang mga bagay na yan. Kung ano man ako ngayon, utang ko yan sa magulang ko at tiyahin kong nag-alaga sakin. Hindi dahil sa pananakot nila na ikina-trauma ko ng bongga (LOL!), kundi dahil hinayaan nila ako. Kapag ikinukwento ko yan sa mga kaibigan ko, ewan ko pero may inggit factor daw sila. Kaya ishina-share ko din yan sa inyo. =) Happy weekend!

2 comments:

Ed said...

Last year mo pala pa toh napost. kaya naman pala.

saya basahin ang post na toh. reminds me nung bata rin ako.
-naglalaro kami ng mga palaka. andaming palaka sa lugar namin especially pag kakaulan lang. pero di namin pinapatay. medyo brutal kasi yun. hehe.
-nahulog ako sa kanal dahil sa paghuhuli din ng mga dragonfly (di ko na alam ang tagalog ng dragonfly. haha) anyway, yun, hulog talaga sa tubig, from head to foot. maitim na kanal. shhh. alam kong nakakdiri. nandidiri pa rin ako hanggang ngayon. hehe.
-mahilig din kaming magsugal. one peso lang sa mga card games.
-tinuruan akong magsigarilyo ng nanay ko kahit saglit lang at ayaw ko kaya di ako mahilig magsigarilyo hehe.
-pinainom din ako ng san miguel beer noong grade 5 ako, feeling lasing-lasing hanggang sumuka ako. at least ang cool ng mga magulang ko at di naman sila ganun ka strikto. hehe.

saya nito! dami kong naaalala tuloy sa kabataan ko. kahit papaano naging normal din. at masaya talaga pag sa probinsya ka lalaki kasi andami mong magagawa gamit ang imahinasyon. compared ngayon na andaming nang gadgets etc.. na pinapalaro...

saya nito! :D

Kura said...

Apir! ahahah! mas bongga pala ang childhood mo. Nahiya ang kwento ko bigla. hahah! Nakakaaliw ka naman. Alam mo pwede ng panibagong article ang comment mo sa haba. hahah! Muntik na kong nahulog sa upuan ko kakatawa nung binanggit mo ung kanal moment. Para lang akong sira sa cubicle. Kadiri nga yun. Naalala ko tuloy, minsan naligo ako sa isang spot sa ilog namin, pagtingin namin sa kabilang side nilulubluban pala ng kalabaw yun. hahahha! Isa pang nakakadiring moment. Ano ba to pabahuan ng kwento? hahaha!

We almost had the same experience pala. Ganun ata talaga nga pag sa province lumaki no. Ang galing ng parents natin. Yan ang CHILDHOOD.

Btw, Tutubi.. Tutubi ang dragonfly. hahah!