We may not notice it because it happens everyday anytime anywhere. Some of us never even realizes it pero tingin ko isa sa mga ito ang ikamamatay ko... dahil sa sakit sa puso. Here it is...
Unang tagpo..
Pedestrian lane. Hindi talaga ako bihasa sa pagtawid sa kalye kaya ito ang sandigan ko. Makailang beses din akong nabubusinahan sa mga kalye dahil hindi ako marunong tumawid. Ang inaakala kong malayo pa, malapit na pala. Kung pwede lang lumabas ang driver sa kotse nya at duraan ako, malamang dati na nilang ginawa... Dumating din sa point na hindi na kumpleto ang araw ko pag hindi nila ako nabubusinahan. Mga leche sila! Minsan kahit pinipili mong mag-ingat, yung mga tao naman sa paligid mo ang pasaway. Natuto na ko. Una, kung mag-isa ka lang, wag na wag kang tatawid kung hindi kayo nagka-eye contact ng driver.. hindi para akitin siya kundi para maging aware siya na tatawid ka na. Pangalawa, kung may kasabay kang tatawid, kung sa kanan manggagaling ang sasakyan, pumunta sa tabi ng kasabay sa pinaka-kaliwa sa posisyon na ikaw ang huling masasagasaan pag nagkataon. Para if ever nagtatalsikan na sila, may pagkakataon ka pang tumakbo. Ikatlo, kahit pa sa kanan mamumula ang sasakyan, tumingin ka pa rin sa kaliwa. Marami din nabibiktima ng singit gang... MOTOR in particular. Para silang mga peste sa lansangan.
Ikalawang Tagpo...
Lalayo pa ba tayo? sa MRT lang meron na. Ang makasalanang STOP ENTRY.. Marami talagang nagkakasala dyan dahil mapapamura ka lalo na pag ikaw na ang kaunaunahang taong naharangan ng batuta ng guard. Kahit siguro kumain ka ng apoy sa harap nya hinding hindi ka nya papayagan makapasok dahil idadahilan nya na baka may makakita at dumugin sya ng mga gaya gaya sa ibang pila.
Eto pa.. Inaamin ko, ako yung tipo ng tao na kating kating makauwi ng bahay. Yung naiimagine ko na na may nakasulat na malaking FINISH LINE sa lusutan ng MRT card. Ganung level. Hagdan ang sagot sa mga tulad ko. Minsan isang gabi... narinig ko ng paparating ang tren. Nasesense ko na talaga siya promise kaya nagmamadali akong bumaba sa unang hagdan. Sa ikalawang hagdan papuntang riles na mismo, sakto! may dalawang matrona na nagtsitsismisan pababa habang dumarating na yung tren. Kulang na lang magtulos ako ng kandila at sabay sabay naming awitin ang Ave Maria sa sobrang bagal nila. Ga-prusisyon. Nakikita ko ng lumalabas ang mga tao sa tren sa mga oras na yun. Hindi pa rin ako makadaan hanggang sa dumating na kami sa mga huling hakbang ng mapansin nilang may naka-amba ng patalim sa likod nila. (gusto ko talaga sanang gawin yun pero wala na kong oras kaya pinandilatan ko na lang) Sinubukan kong habulin ang tren pero huli na ang lahat. Bago pa ko makarating sa Female Area nagsasara na ang pinto.
Roundtrip. Mahilig ako dyan nung hindi pa uso ang shuttle papasok. Privilege ng buntis, matanda at may kapansanan. Nagiging isa ako sa mga yan depende sa sitwasyon. At hindi ako nagiisa. Kahit papayat payat yung ibang mga babae ipinagpipilitan nilang buntis sila. Oo parang mga butete lang. Pag nagsisimula ng mag-inspect ang guard parang naririnig ko na rin ang director na sumisigaw ng "Lights. Camera. ACTION!" Sabay sabay nilang aayusin ang damit nila para magmukang malaki sa bandang tiyan. Yung iba naman, magkukunwaring anemic at uubo ubo sa sulok para kunwari may sakit. Pero eto ang panalo, may mga ibang tumatabi sa mga senior citizen at nagpapanggap na anak o apo... ako yun! Ngingitian ko lang ang matanda, alam na nila agad kung ano ibig kong sabihin. Hehehe! Walang ka-effort effort. Hindi ko kasi kaya ang ginagawa nung mga unang nabanggit. Minsan ko ng nasubukan gawin yun pero nagmumuntik muntikanan ako. Hangga't hindi umaalis ang guard sa tren hindi ka pwedeng huminga. Minsan gugustuhin mo ng may mahuling isa sa tren kung san ka nakasakay. Masaya na ang guard kahit 1 down lang. Hindi na nya papansinin ang iba. Naaawa ako sa mga babaeng napagtitripan nya at napapalabas dahil hindi convincing ang pag-iinarte nila. Oh well, I'm proud to say hindi pa ko napababa ng tren kahit kailan. Hindi ko alam kung magaling na ba kong artista o sadyang lucky lang ako!
Ikatlong tagpo....
Naranasan mo na bang ma-late ng isang minuto at isisi ito sa lahat ng bagay na sa tingin mong nagpalate sayo? Ako.. bonggang bonggang OO. Maraming beses na. At isa ang STOP LIGHT sa mga bagay na isinumpa ko. Saludo ako sa mga driver na bihasang bihasa sa "Beating the Red Light". Yeah men! Pag nakikita na nilang nag-oorange na lalo pa nilang binibilisan, grabe ang adrenalin rush. Exciting! Pero para naman sa mga korning driver, ayun naliligo sila ng mura galing sa pasahero. Biglang dadami ang butiki kasasabi ng "Tsk! Tsk! Tsk! Muntik na o! Paksiyet!"
Ikaapat na tagpo..
Elevator. Hindi ba nakakabadtrip pag nakita ka na ngang paparating, hindi pa pipindutin ang Open or worst, mali ang mapipindot na button na lalong ikasasara nito? yung pangalawa, mapapatawad ko pa sila, pero yung una... mata lang ang walang ganti.
Ilan lang ito sa mga kahindik hindik yet nakakatawang experiences ko. Heheheh! Happy reading!
0 comments:
Ikaw? Anong say mo?