Friday, January 14, 2011

A little thing called Love

Thai movie siya. First time I saw the trailer on FB, it caught me big time. I saw myself in her way back in highschool. Ganun na ganun promise. Then I told my officemates about it. Isa lang reaksyon nila "Weeeeeeeeh!? Di nga?!?!?!" Sa katarayan ko daw kasi ngayon, never nilang nakita na may ganun akong nakatagong personality. I don't know if I should take it as a compliment. Hahaha! Kung siguro kasama ko yung dati kong friend malamang nasabihan na ko nun ng "ang kati mo rin e no!" hahah! Bad baklita. 

Then I started to reminisce my so called, pardon me for the term, 'kalandian'. If you're going to watch the movie, lahat yun nagawa ko except lang na nagtapat ako sa kanya with matching love letter pa. Haller! Dalagang pilipina to no.

Ayokong mag name drop dahil friend ko siya sa FB, which I will share this post eventually. Hindi ko na balak sabihin sa kanya. Iba na standards ko ngayon e hahahaha! Charot! Kabatch siya nung kuya ko. Elementary pa lang magkasama na kami sa iisang eskwelahan. Pera, pagkain at laruan lang ang nasa isip ko nung bata ako kaya dedma siya. Malay ko naman magiging machete pala siya paglaki namin. Kung alam ko lang di sana dinamba ko na siya noon pa. First year high school ako nung narealize ko ang yummy pala niya.

Lunch break. Me and my fans.. I mean friends hang out near their tambayan. Oo supportive ang friends ko, Isa sa kanila ang nakakuha ng number niya sa bahay. Ibang klase diba? High-end stalker. hahahaha! Marinig ko lang ang boses niya masaya na ko. Nauso ang caller ID kaya natigil ang pagpprank call ko sa kanya. Hahaha! Jessica pa nga ang ginagamit kong alias e. Isa sa mga friends ko ang ka-service niya kaya natunton ko ang bahay nila. Minsan, I had the opportunity to sneak  in to their classroom. Wala kaming locker nun kaya iniiwan lang ang gamit sa upuan. Pumilas ako ng isang papel sa notebook niya. Just to have something to look at kahit sa pagtulog. Lam mo yun... ayiiiiii! hahaha!

Naging crush ko siya from first year to .... ewan ko kung kelan natigil ang kahibangan ko sa kanya. Naging ex-crush ko na siya nung nalaman kong naging sila nung maharot kong classmate. Langya! Pilit akong nagpapacute tapos ganun pala mga tipo niya. Pakawala. Eventually hindi pa kami nakaka-graduate ng high-school e nag-break din sila. Buti nga. Ang nakakatuwa pinagpamigayan nung ex niya mga pictures niya sa classroom. Siyempre naki-agaw ako. Well at least hindi na kapirasong papel ang tititigan ko gabi gabi. hahahaha!

Meron lang akong isang forgettable unforgettable moment. Dahil sa ka-clumsihan ko nadapa ako eskasto empunto sabay litaw siya sa may hagdan kung san ako nadapa.. Hinahabol kasi ako nung classmate kong bakla ng eraser na kakabura pa lang sa blackboard. Namula ako. Freeze. Mahihiya ang makopa sa kin. Kung bakit ba hindi ko pa maitayo ang sarili ko. Nilapitan niya ako at tinulungan makatayo sabay tanong ng "okay ka lang ba? may masakit ba sa iyo?". Char! Wish ko lang no... sana nga ganun ang nangyari. Pinagtawanan niya lang ako sabay alis. LQ na kami.

Hanggang ngayon sinisilip silip ko pa rin siya sa FB. Wala lang. Pero naka recover na ko no. Ilang taon na kaya yun. Isa pa may girlfriend na ang mokong. Baka pag nakita niya ko e magulo pa buhay pag-ibig nila. Hahahah! Naguumapaw sa confidence. hahaha! Teka. This is supposed to be a movie review e. Bat ako ang naging subject. Just watch the film guys. Two thumbs up. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako.


Alam kong kating kati ka ng panoorin ang buong film. Eto link Full with Eng Sub. Enjoy and be in love once again.

15 comments:

Chyng said...

saan ko to mapapanood ng full version fren?
i like!!!!

Kura said...

open mo to. http://www.youtube.com/watch?v=l7NnfxGBz1U

I click mo lang dun sa description part or comment part nung nagpost na si qweKPOPrty2. nandun yung sunod sunod na link from part 1 to 8.

Hoobert the Awesome said...

Ang landi mo pala Ate! Hahahaha. Of course, I'm not kidding. :P

Pero ok lang yan. I remembered nung hs ako sobrang torpe ko (hanggang ngayon din naman). Kaya siguro isa lang naging gf ko. I believe kasi in destiny. Kung sa'yo, sa'yo.

Mukhang inlove ka pa sa kanya Ate. :)))

Anonymous said...

hahaha.. parang mas naging interesado ako sa story mo kesa sa movie... :) lol

gusto ko ung tagline..

"Based on a True Story.. of EVERYONE.."

sino ba kasing hindi dumaan sa ganyan?.. :P

Kura said...

@Enchong - hahaha! believe it or not, wala na talaga yung kahibangan ko sa kanya. Natutuwa lang ako pag binibisita ko FB nya at naaalala ko lahat ng gnawa ko para lang mapansin niya. I really thought it's not normal for a HS student to do such things. Now I know I belong! hahaha!

Ako din, naniniwala ako sa 'Destiny' noon. Pero kelangan pa rin mag effort. Mahirap ng umasa lang sa destiny sa edad kong to. hahahha!

@jeff- tamaaa! ang catchy ng tagline diba? Sarap lang balik balikan ng HS pag may mga ganyang eksena.

Hoobert the Awesome said...

At talaga Enchong. Hahaha. Swerte nga maiin-love sayo eh. Kung mas matanda na siguro ako eh tayo na lang. Hahahaha.

Kura said...

@Enchong- Hindi kaya ma-Bantay Bata ako pag nangyari yun?! hahahaha! Oh well, kaya hindi pa yan dumarating, coz we're not ready yet. Ganun yun. Nabasa ko lang. Enjoy ka lang muna. Sabi mo nga diba, at least wala kang pinagkakagastusan. Tama yun. =)

Hoobert the Awesome said...

Haha. So, aminado ka Ate Kura-ching na magastos ang mga girls?

Kura said...

Oo naman no. hahaha! Parang business kami. Kailangan mong mamuhunan. Isa pa naniniwala ako na pag pinag-hihirapan, mahirap pakawalan. Yun yun.. hahah!

Unknown said...

I recently watched the movie...IT WAS SUPER KILIG!!! XD

yeah..who would have thought na narerelate ko ang nagawa ko noong HS rin ako...papansin sa crush!!! ahaha like in the movie, my crush is 1 yr ahead of me, my senior...<3

at same thing with your Ms. Kura..nakikicheck rin ako sa FB niya kc friends din kami..hehe

The craziest thing I've ever done was nung inamin kong gusto ko siya sa text, email pati face to face talk..akala ko magiging snob siya sa akin after confessing such feelings..iniisip ko kasi baka maglookdown siya sa akin kc may ibang tao kc ang pananaw nila na mali pra sa babae ang magsabi ng feelings but in the name of taking care of this special feelings for that guy, I confessed and it turn out good...naging friends kami although hindi naging "Kami" talaga...hehe nung nagcollege na siya binigyan ko siya ng Christmas gift na spiderman pillow, handcrafted card with a special poem for him...haaayyy....SO HIGHSCHOOL! XD

Kura said...

Hi Avantgarde! natuwa ako sa comment mo. Nainggit ako sayo bigla. Kinaya mong mag confess OMG! Hindi ko talaga kaya yun. Kasi makita ko lang crush ko dati, kahit hindi ako magsalita namumula na ko e. Deny to death pero halatang halata naman hahaha! At least naging maganda ang outcome diba? Malay natin... ayiiii! Wala ng "what ifs" sa mind mo. Well, if given a chance, hindi rin naman ako magtatapat. Alam kong useless din. hihihi! Senior ko din siya. 1 year lang tanda niya sakin.

Super thank you for sharing your insights. Truly appreciate it. I'll add you to my blogroll.

Anonymous said...

super totoo ung byline nya na a true story about everyone. Parang lahat talaga tau, feeling natin tau si nam ng h.s. ang galing talaga ng writing at directing para mapa-feel sa ating lahat un. kahit ako ng pinapanood ko, sabi ko kamukhang kamukha ko ng high school (pero ung before ah, hindi ung after hehehe), may picture pa ako to prove it, pati hair and eyeglasses, maputi nga lang me!di nga din ako umamin sa crush ko nun, pareho kami torpe eh, sa kabagalan nya iniwan ko na sya bwahaha!

mike said...

This movie was definitely for all ages. Nakakatuwa at nakaka-inlove. Much different sa mga Philippine type of a kilig love story for young ones. I hope this movie has a sequel, nakakabitin kasi, hehehe. Sa movie lang ito ako kinilig at naiyak. Guys, sino sa inyo nakakaalam ng email address ng director of this movie? Coz I am planning to send a personal note na sana may sequel nga ang awesome na movie na ito.

This is my first time to create a blog and post my own saloobin about anything happens around us.

Ed said...

naks, mga highskul moments! hahaha.
haha, hinahabol ka ng classmate mo ng eraser. parang ano lang bata-bata lang... haha!

akala ko talaga movie review. hahahaha!

Kura said...

@anonymous - sensiya na. uber late na tong reply ko ha. Sorry. But thanks ha. Nakakakilig yung movie diba? Sobrang swak lang talaga sa HS moments. Hay naku hate ko din ang torpe no. Yung tipong ikaw pa magiisip kung ano ba ibig sabihin ng kinikilos niya. Tapos pa-fall effect. yung ganun.. affected? hahah!

@mike - wow! go do it. feeling ko meron e. Sana nga hindi lang hearsay yun. Sayang kasi super bagay yung mga actors sa film. Samantalahin nila habang bata at may kilig factor. hahah!

@ed - I'm sure mas marami kang kwentong ganyan. Ayaw mo lang ishare. hahah! Yung eraser? naku.. panakot talaga yan nung classmate kong beki lagi. E kesa masabuyan ako ng chalk ayun tumakbo ako. Minalas lang tlaga. hahah! Ewan ko ba, sobra kasi ako nakarelate so feeling ko ako na ang bida at nirelate ko na ang sarili ko sa entry na to. hahaha!