Wednesday, May 11, 2011

I just can't get enough: Puting Buhangin at Kwebang Lampas Island

Nagbabalik! Hihihi! I’ve always been excited to blog about something I’ve experienced recently… as in that same day. Malala na kasi memory gap ko. Ayokong may ma-miss. Ngayon lang ako tinamad ng ganito. Kalevel ng walang kakwenta-kwentang laban ni Pacquiao nung Sunday. Pinili ko pang matulog kesa panoorin siya.

So ito na nga.. sabi ko sa last post ko, I shall return to Quezon Province. Pero hindi ko akalain agad-agad pala mangyayari. Hahah! Again, thanks Lakwatsera de Primera for a very nice post about island hopping in Pagbilao.

Sneak Preview
Actually, dapat sa Bolinao, Pangasinan ang initial destination. Ang budget per person is 2,500 each kung iaavail namin ang package na nakita ng co-lakwatsador kong si Martyn. Hindi pa daw kasama ang food. Kamusta naman?! Ang layo at ang mahal no! Thank God hindi nakumpleto ang sampung katao para i-pursue ang planong to. So ako na ang nag-suggest na pumunta na lang sa Quezon since I missed out Puting Buhangin the last time I went there. That was 2 weeks ago lang mind you. Hahaha!

I contacted Kagawad Vic (again) of Padre Burgos (09129178637). He was very accommodating sa mga queries ko. He was in charge of the boat reservations on Laguimanok Port. By the way, Pagbilao is roughly 40 minutes away from Padre Burgos via boat. Why did I chose Padre Burgos as point of entry? Simple lang. Wala lang talaga kasi akong choice. Wala akong idea sa Pagbilao Wharf nilang tinatawag kung san man yun. Isa pa, tried and tested na si Kagawad kaya may tiwala naman ako sa team niya. He even suggested a place to stay near the Port. Guess what? Sa bahay ng isang Congressman kami nag stay. Oh ha! San ka pa?! hahahah! Mamaya iinggitin ko kayo kung anong meron dun.

Still remember my Canyon Cove Buddies last Feb of this year? Sila sila lang ulit. May dalawa lang na bagong recruit. Hanapin sila sa loob ng sampung segundo.. Timer starts now!

We prepared everything from food, car assignment, detailed map (na naiwan ko pa), place to stay, what to do… at lahat ng gastos naka-audit care of OCious of all, Madam Ella. Yung tipong, kung kasama sa budget ang toothpick, bibilangin ang naconsume at paghahatian ang natira.. Ganun! Sha ikaw na ang organized. Hahaha!

2 days before, nagtext si Kuya Vic na pupunta daw siya sa Bolinao sa araw kung kelan kami darating. O diba ang bongga ng coincidence. Kaya ipinaubaya kami kay Kuya Robert. Pati yung bahay ni Congressman, ipinahanda na sa pagdating namin. Hihihi! Curious na ba?


Ang map ni Martyn.. hindi ko alam kung kinulang sa ink or naubusan ba ng papel kaya hanggang Pagbilao lang ang nandun. Hindi niya nailagay ang Padre Burgos na point of entry. Lol! Kaya nung nagtext siya sa mga tao sa ibang car ng “Last leg na to!” nawala ang credibility niya. Inabot pa kami ng halos isang oras kakahanap sa Padre Burgos. Maya-maya pa’y may nag text “Ang haba naman ng leg na to ha!”. Sabi ni Martyn “Wala akong sinabing kay Mahal na leg yun. Kay Melanie Marquez yun no. Long Leggedness remember?” Taob! Hahahaha!

Stop Over muna sa Caltex (by the way Pau, I love your cam, nawawala ang blemishes ko! hahah!)
Finally we arrived. Sinasabi ko na nga ba may sa Pusa ako e. Hindi dahil sa mahaba ang buhay ko kung di dahil hindi ako matandain ng lugar. Kailangan mo kong dalhin dun not once nor twice para matandaan ko siya exactly. Kaya ayun, lumagpas kami ng onti. Luckily, yung nalagpasan namin na yun, e bahay na ni Congressman. Yahuuu! Tinext ko na lang si Kuya Robert na dun na kami mismo sunduin sa bahay. Super nice. Sabi ko nga dati, I love old places. Misteryoso. At mukang maraming natatagong kwento. Bihis mode na para makarating agad sa Puting Buhangin. We rented the boat for 1800.00. May mga lifevest din na available for P10.00 yun e...kung hindi pa kayo sawa sa buhay nyo.

Lovely rock formations along the way

Yipiii! That huge powerplant tower.. yan ang sign!

It was indeed a hidden paradise…(well siguro kung wala ang poo poo ng dogs) Kahit anong pananakot ang gawin ko sa mga asong yan ayaw akong lubayan. Oh PLLLeeeaaase!

We just put our things sa nipa hut and ate delisiyosong lunch. By the way P500.00 ang cottage rental. Uber sarap ng adobo ng Mommy ni Martyn. Actually sa car pa lang gusto ko ng sakmalin yang karneng yan sa bango. Ayaw nila ipakita sakin. Sabi ni Mart ubos na daw ni Joevert, hininga na lang niya ang naaamoy ko. Ewwness talaga. hahaha! We also have fried Spam, you can never go wrong with it, and mango as dessert. We started exploring the island. This is it na talaga!


The island deserves its name Puting Buhangin. Kailangan pa bang imemorize yan? Naman! Sand can either be fine or a bit coarse texture. Kanya kanya silang teritoryo promise. You can even feel yung mga basag basag na corals and sea shells by the sea shore. What's unique about the place is the cave on the other side.  We did not waste our time at nag attempt na kaaagad. Usisera kami e.

Forgive ate budda out there.. hindi niya alam ang kanyang ginagawa.

Ang linaw ng water. Kaya kitang kita din ang naglalakihang bato sa ilalim. Para kaming nasa obstacle course. Careful lang kasi Takeshi's Castle level ito. After kong marindi sa katitili ni Yuna tuwing sumasayad ang paa sa tubig, nakarating na kami at last. Let's check what's inside the cave.

Amazing View
Natuwa talaga ako kasi worth it naman pala ang long legs ni Melanie Marquez. hahaha! 

Bakit ba lagi na lang akong busy sa background habang kayo abot tenga ang ngiti sa picture. hmp!

There was a group inside the cave when we arrived. Nagmamadali silang lumabas kasi may ahas daw. How I hate snakes. Minsan na kong pinasok ng snake sa bahay mag isa kaya talagang phobia kung phobia. Kung 5 taong gulang siguro ako nung nangyari yun, makarinig lang ng word na sawa, kinukumbulsiyon na ko..

Hindi na ko nag attempt. Ok na ko sa may bungad lang. Heller?! Pano pag marunong palang lumangoy ang dyaskeng sawa!


Madam Ella on the other side

Ke mababaw yan o hindi...

Yaya mode!
Naisip namin magpakuha ng group pic kay kuya Bangkero. Sabi niya hindi daw kasya kaya pinaatras namin siya ng pinaatras. Walanjo! Ga-tuldok na ang mga mukha namin. Yung view pala ang hindi kasya. Nakalimutan kong may timer nga pala ang cam. hahaha!

Happy?

lol! Sha kayo na ang prepared sa continuous shot!

Nakakita sina Pau, Joevert at Mart ng chance mang-agaw ng mic sa slot machine type ng videoke. Sorry na lang sa mga tao dun, dupang kami. lol!! Honestly, while we were on our way, locals said "Ma'am, ang gagaling po palang kumanta nung mga kasamahan nyo no?" Naks! La na palakpak na tenga. hahaha!

performance level? hahaha! peace!
It's time to go back to Congressman's house. We taught of going to Borawan to witness the sunset but we've had enough. Dead tired.

I prefer sunset talaga over sunrise. I find it dramatic. Don't you agree?

When we reached the port, hindi muna kami umuwi. Sayang ang sunset moments.



Parang Astro boy lang si Papa P, lumutang basta basta. lol!

Mahal na inang bayan? ikaw ba yan? Poster-making contest

Papayag ba kong walang moment? Charot!

Eating time na. Konting tirang adobo, yummy pork chop BBQ, and Crab and Corn Soup. Great combination. Nagffluctuate ang kuryente. Nagbiro lang ako, sabi ko kay Pau "hala naku pano pag namatay ang ilaw, lumang bahay pa naman to, biglang sasara lahat ng pintuan at lalabas ang mga tao sa larawan!" Hindi ko alam na matatakutin pala siya. Hahaha! Akalain mong wala pang 5 minutes namatay nga talaga siya. Hindi talaga ako dumidilat. Baka magkatotoo kasi yung sinabi ko. Scary talaga. After 1 minute nabuhay na ulit. Ayun... magkakahawak kami nina Pau at Martyn. Duwakers! Actually inaantay na lang daw ni Martyn na sumara nga yung mga pintuan. hahaha! May dilang anghel pala ako minsan.


Sabi ko walang ngingiti e! huling huli ang mga pasaway!

Alam kong naiintriga na kayo kung sino si Congressman. Totoo siya. Dati siyang Mayor sa Padre Burgos but since napromote na nga ang postion niya, rest house na lang tong bahay niya. I'm not sure if I will be allowed to post his name e. I'll ask the care taker first. Baka biglang tambangan ako. hahaha! But the house really deserves to have a place on the net.  Its highly recommended by me. Luckily, we're the only guest. Solong solo namin ang bahay niya. Let me take you there..

Entrance. Great mood setter.
It seems like, hindi sila nagtatapon ng gamit. Iba ibang sala set but it blended well with the other furnitures. By the way, I saw 2 grand piano. Pang mayaman talaga. Old pictures were all over the place. Kahit san ka lumingon. Meron din mga banga sa may hagdan. Hindi lang ako sure kung may halimaw din na kasama sa package. Siguro kung praning ka lagi sa multo hindi ka dapat pumunta sa lugar na yun.

You will see another sala set pag akyat ng hagdan. may Veranda sa harap na overooking ang dagat.


nakita nyo ba yun?

eto pa o.
 Lol! wag takutin ang sarili. Epekto yan ng walang tripod.





The boys already went sleeping. Girls were still up. Halatang halata ang mga tomador. hahaha! 

Shempre special request ko si Vodka Cruiser! Thanks Pau!

Sinong lashing! hindi ako lashing! hahaha! Sorry girls! K.O. ako

The rain started to pour. We really thank God na pinagbigyan talaga kami. I heard may bagyong dumating that day. Nagkasya kami sa iisang room. Salamat sa libreng mattress. For 6 person yun supposedly. 9 kami FYI. P 3500.00 lang siya per night. Allergic kami sa gastos e. Keri na yun.

We just spent P1400.00 each. Kaya yan kung samin lang. 

Contact Persons:
Tour Guide Kagawad Vic - 09129178637
Caretaker of Congressman's house Ate Mayang  - 09162408359

How did we get there:
"From Manila take SLEX to its end at Calamba and follow the signs towards Batangas.You will see a fork road on the right a short distance after passing the entrance to the STAR expressway. The right fork goes to Lipa City and the left goes to San Pablo – take the left fork towards San Pablo.


You will pass the town of Alaminos and then San Pablo. Take the diversion road of San Pablo towards Tiaong. Just before Tiaong there is a left turn onto a road that goes through Candelaria and Sariaya. After Sariaya you turn right towards Lucena City and take a left turn onto the Lucena Diversion Rd a few km outside the city. Once the diversion road rejoins the main highway, it’s only a short distance to Pagbilao town. If in doubt, just follow the signs to Bicol."

-excerpt from lakwatsera de Primera's site. (sensha na.. tamad lang. Diba nga? hahaha!)

Please refer to Martyn's blog for more details. Congrats on you new blog. Love it!



14 comments:

John Marx Velasco said...

Welcome Back! Kaya pala antagal mong nawala eh, nasa galaan ka! Hehehe! Gusto ko din mapuntahan yang lugar na yan, dapat sinama mo ako! :)

Happy Feet said...

Nice blog as always... napapatawa mo ako sa blog mo... Pero as promised, I'll stick to my pure nosebleed form... hahaha...

Next blog... Boracay and Bohol... Sayang hindi tyo mag kasamang mag hahasik ng lagim, pero there's always a next time... :D

Chyng said...

Fren, dont tell me ikaw yung nagssnorkel sa likod while yung mga frens mo nagpipicture? hehe

Ang ganda ng cave! Magical yung tubig! Ay mali, enchanting!

May araw din sakin yang CanonD10 mo. Magpramis ka, papahiramin moko! hehe

ay wait, hiring ba jan? =)

eMPi said...

Ang ganda naman! Sarap ng tubig. Akala ko yong isang picture walang suot. Hehehe. Mejo madilim kasi di halata ng may suot. Sorry naman malabo na mata ko. Lol!

Ang tibay.... hawak hawak pa rin yong bote. lol!

Faye said...

Hi! Ung bahay ba ni COngressman pinaparent talaga?

Kura said...

yep! extra income na rin siguro sa mga care taker. 4 rooms yung available dun. 2 rooms good for 6 pax which cost 3500 pesos. I think the other two which can only fit 3-4 person costs 2500. you may text ate mayang na lang if you're interested.Thanks for visiting

Kura said...

OMG! bumalik na ang mga comments! huhuhu! ang tagal marecover a. I hate blogger na.

@marx - naku at mukang matagal ulit bago ako makapagpost ng bago. hahaha! basahin ko na lang kagi mga blogs nyo. lalo na yung sayo. nakatakam ha

@happy feet- i'm glad naaya kita gumawa ng blog. alam kong mas talented ka sa kin pagdating sa mga ganyan. nose bleed nga lang. hahaha! nice post (shempre nandun ako lol!)

@empi - antok na antok naman kasi ako talaga e. ayaw akong patulugin ng mga kasama ko. ayan! lashing mode. hahha! nmakita kita sa cubao minsan.. may dalang bag ng girl hihihi!

@chyng - hahaha! hindi naman nagsswak ang sked natin. nga pala, nakita ko ang wall mo. grabe sikat ka na nga talga. may GMA GMA interview na. Jessica Soho din ba yan? hihihihi!

ka bute said...

oh, i love that underwater shot! asteg! ^_^

pusangkalye said...

oi.tanduay ice!!!favorite!!aahaha.beer ang unang nkita.looks like you enjoyed the place,a t mukhang after ng post na to eh talagang magiging the next it thing na ang lugar na ito---teka.makahanap na nga rin ng group.saya kasi mga ganitong lakad pag kasama ang barkada.:D

Unknown said...

Ang mamacho ng mga kasama mo!

rdsean said...

ayown oh.. hehe I've heard of Puting Buhangin too.. So dalawa na pala pupuntahan ko sa Quezon, Pahiyas saka eto.. thanks for the tips.. :)

Kura said...

@ka bute -salamat sa pagsulpot! hihihi!

@anton - napadaan ka... salamat! oo malapit lang naman e. keri ng idrive. mga pang weekend getaway lang ako ngayon, busy mode. I'm sure you'll enjoy the place

@tim -lol! no comment

@rdsean - nagbabalik ka.. kmusta ka naman? meron pa kong gustong makita, yung cagbalete island. maganda daw sabi ni lakwatsero.com. Sa mauban naman yun.

missy s said...

wow ang ganda ng sunset. i love sunset! ayun nga.. kasi mi dramatic feel :P perfect png muni muni :))

gelaikuting said...

Ganda... Hope to visit this soon :)
Thanks for sharing! :)