Naku! Inamag na ang blog ko. hahah! I think this is the longest time na missing in action ako from cyberspace. After my birthday trip with my mom, natambakan ako ng work dahil sa 1 araw LANG na absent. Also, something great came up which I won't share. Baka maudlot pa e. hihihi! (at talagang nag explain e no. haha!) Anyway, I'm so back! I'll be spending my long weekend catching up with the other blogs as well. (Hi guys! Na-miss ko kayo. hihihi!)
I mentioned on my previous post, I've been traveling with my mom these past few months. And if you're going to ask why, well, let's just say namana ko ang pagiging madiwara ko sa kanya. Kung ano man ang ibig sabihin ng madiwara, assignment nyo na yan. hahah! Napulot ko lang yan sa mga tita kong nagchi-chismisan. "Ayan at umariba na naman ang madiwarang mag-ina!" hahah! ganun!
Anyway highway, we've been to Bacolod-Guimaras-Iloilo. Oh no, not to attend Maskarra Festival. I've been seeing a lot of bloggers posting entries related to that. Well bukod sa shu-shonga shonga ako sa mga ganyan dahil wala akong kamalay malay kung kelan sila nagaganap, ayoko rin kasi siguradong taob ang EDSA Revolution nun sa dami ng tao. Sadyang katakawan at purong katakawan lang ang dinayo namin dun. hahaha! (That's what I thought...)
For now I'll just give you a sneak preview of what we did... Here we go!
Umaapoy! Naglalagablab! Nagngingitngit sa galit! Hahaha! Kakaiba ang haring araw na yun. Ang Hot! hahaha! Anyway, I was happy at ganyan niya kami sinalubong at least maganda ang panahon.
Akala ko siya na ang Guisi Lighthouse. hahaha! Charot! Watch tower yan ng Iloilo Airport. I was surprised to see it. Honestly, I didn't expect na ganun pala kaganda ang airport dun. Sulit ang 200.00 terminal fee.
When you're not familiar with the place, it pays when you ask locals on how to commute from one place to another. Never kaming nag-taxi dun. Nakaka-aliw. At least it did not contribute much to my expenses.
Yum yum yum! Wala ng mas sasarap pa sa breakfast na to. I had 2 bowls of this best tasting La Paz Batchoy in La Paz Market. Yes. Dinayo ko pa talaga siya dun. For how many years na bang noodles na Batchoy flavor lang ang nakakain ko no. Aba malay ko bang sa Iloilo ko pala matitikman ang orig. hihihi! Great way to start your day!
Ang sarap mag buhay-baboy after. Kain-Tulog. hahaha! Ikaw ba naman makaubos ng dalawang servings no. Kung pwede lang akong pasanin ng nanay ko papuntang Muelle Loney wharf dahil hindi na ko makalakad sa kabusugan. We went directly to Bacolod to spend the rest of our day1.
You've never been to Bacolod if you haven't tried their Chicken Inasal. I ate one at Chicken House South.
Me: Ma order ka na ng part dali..
Mama: Kuya? Uhm.. Wala ba kayong baboy dito?
Me: Mama!? Chicken House ito remember? Might as well order the food they're known for.
Mama: Nangenge-alam? Gusto ko ng liempo ok?! Yun ang order ko kuya.
Me: Galit? Galit? hahah! Pitso kuya. Chaka.... uhmm.. pwet ng manok please. hihihi!
We waited for a while. I noticed the dirt on our table. Pwede ng tamnan ng kamote sa kapal promise. hahah! It's not the one located at Lacson Street. From our Inn, we rode a jeep bound to Mandalagan.
Unfortunately, hindi ko nagustuhan ang inorder ko at all. Pinaliguan ko na ng toyo ang manok. But I was impressed with the taste of their Liempo. Mouth watering. May naidudulot din pala ang pagiging pasaway ng nanay ko. hahaha!
After lunch, we headed straight to Lacson street. Baka sabihin nyo naman masyado kaming hayok sa manok e, hindi inasal ang hinanap namin dun no. Hihihi! Hindi ako papayag na may pakpak na ko pag-alis ng Bacolod.
We tried 3 flavors of the most raved cake in town - Calea. Simply irresistible. Special thanks to Marx for introducing it to me. Kabilin bilinan niya yan. hahaha!
Then we just strolled to check out some of the touristy spots..
..had a sumptuous dinner at 21
Kung pano nakasali sa exhaustion part ang Pension House namin, watch out for that. hahaha! All in all, though I was caught unprepared for this trip, I can say I had experienced the best of these destinations. Still wondering why 3 musketeers was included? Abangan din. hihihi! Ayus na ba ang come back entry na to? hahah! Feeling artista?! lol! Have a great day guys! Na-miss ko talaga mag-blog..