Thursday, June 9, 2011

Bohol Day Tour (pinagisipan kong mabuti ang title na yan)

"6. Bohol Trip
Confidential kung sino ang kasama ko. Makikilala ko na rin ang pamosong Tarsier. Well, hindi naman ako pupunta dun para lang sa kanya. I’m a fan of snorkeling sites. Hindi ko palalagpasin ang Balicasag. Para san pa ang underwater cam. Hahaha! Sige na nga sama ko na rin ang Chocolate hills. You better be choco coated when I get there hmmp!"

-Excerpt from my goals of 2011.

Ang dami kong sinabi hahaha! Tarsier lang ang nakita ko e. Kaya naman, hindi counted ang Bohol trip kong ito. I'll be back next month para tuparin lahat yan. hihihihi!

August 24, 2010 when I luckily booked 6 round trip tickets to Cebu for only 214.00 each. But since I had Zac, my new baby, he became my priority so I failed to treat all my family members. Ako, my mom and my youngest brother na lang ang natuloy. I actually offered the 3 remaining tickets on FB but it seems no one interested. Muka ba kong manggagancho? Chura kong to.. Sayang lang tuloy. hay!

I planned to maximize our stay in Cebu lang. Ayoko na sana sa Bohol kasi doble doble pa punta ko, e kaya lang nandun na rin lang.. ay sha! ipaexperience ko na sa mom ko.


Going to the airport we saw this beautiful sunset na parang nagsasabing "Everything's gonna be alright"

Ayun delayed ang flight namin ng 1 hour.


June 2 when we arrived in Cebu almost 12midnight na. We stayed at Cebu Guesthouse para magpalipas lang ng gabi. By the way, I only spent 545.00 per night on that Guesthouse. Cool. We took the first trip of Supercat Ferry on Pier 4 going to Tagbilaran port the next day. 8:30am siya. Walanjo, mas mahal pa sa airplane fare ko ang one way ticket dun. P424.00 each on open-air class. One way pa lang yan a. Partida. We also booked a ticket pabalik, pero less na siya. Naging 399.00 na lang. May promo ata.


inenjoy ko na lang ang bumubulwak na tubig na yan...



At sinong may sabing van at car lang ang makakapagdala sayo sa hot spots ng Bohol?! Dahil dukha mode kami, we hired a tricycle instead for only P1000.00. Pabor pa sakin at favorite ko ang amoy ng usok niya. Oo adik ako. Diba nga? Nga pala, special thanks to jotan for sharing her experience in Bohol.

First stop, Blood compact Shrine. There's nothing much to see. Maganda lang ang backdrop.






What I love about Bohol is that, the main road is located on the sea side. Kaya que se hodang magkastiff neck ako kakatingin sa dagat, bonggang queber!

Almost 12pm na when we reached Loboc River. Kuya Jr asked if we're hungry already. Tapos sabay kwento na 10kms na lang yung Man made forest at mas mainam kung dumiretso muna kami dun. Pabalik ang gagawin namin trip.. Yun na kasi pinakamalayo next to Loboc River. Kaya kahit oo gutom na ko, sabi ko hindi, pero nagpprotesta talaga ang tiyan ko. Takam na takam. hahahha! Pero ok lang. Buti nga yun at madiskarte si kuya.  Matulog-tulog na ko nung huminto kami. Lalo akong inantok nung nakita ko siya... the place is sooooo relaxing and very pleasing to the eye. We can't help but take a lot of pictures kahit magkakamuka naman ang shot. hahaha!


That's my brother. Meron din akong shot na ganyan pero ang sagwa kaya ito na lang.

Mahogany trees on the road

Ang pinakahihintay kong portion..up next na...


I lurve the food. Sulit na sulit ang P400.00. Bentang benta ang pinya.

Grabe nun lang ako nakatikim ng masarap na pinya.. hindi pa makati sa dila. Kaya next time you visit the place.. say "Patikim ng Pinya!" please!


Buchog!
We passed by a lot of churches. When you visit Bohol, those can be found along the road.  Lakihan lang ang mata at talbugan ang Tarsier.

San Pedro Church. Found this relic just in front of Loboc River Cruise.

Next stop is Prony. The world's largest python in captivity can be seen in Bohol would you believe? Bumungad samin ang under wear na naka hanger at naka sipit sa pinto ng cage. Gawa sa balat ni prony. Sabay may babae sa loob na nagbabantay sa kanya. Ang sagwa tuloy ng impression ko. Feeling ko kinula lang ni Ate ang bra at panty nyang yun. Dugyot. hahaha! Binebenta siguro. Sana wallet na lang ang sinampay dun.  Baka natuwa pa ko.

Anyway, I've said this a thousand times that I have a phobia on snakes. Alam yan ng mga nagbabasa ng blog ko dati pa. Kinasusuklaman ko ang ahas dahil sa ginawa ng isa sa kanila sa akin. Same with my brother. Though wala naman siyang close encounter unlike me. So yun.. Si Ateng punong bantay niyaya niya kami sa loob. Ok lang naman daw kasi kakakain lang ni Prony ng goat na good for 20 days so no need to worry. Kung kinain man yun ng buhay o patay e hindi ko na alam. Ayoko at first pero napilit din niya ako. Isa pa muka namang hindi na gumagalaw. May atribidang babae ang nanguna then yung kapatid ko. Nung ako na, parang umurong ang lahat ng dapat umurong. Gusto ko ng bawiin na game ako. Mga 5 minutes din akong urong sulong sa tabi niya. Sabi ni ate hawakan ko daw para mawala ang takot... gusto kong sabihing walang ka-bearing bearing ang sinasabi niya. Kahit ano pang klaseng words of encouragement ni Ate, walang naitutulong sakin. Sarado na rin siguro ang puso't diwa ko pagdating sa snakes.... Tingnan nyo na lang kung muka ba kong nasisiyahan sa picture na ito...

Stressed.. heller! 24ft kaya yan! isang lunukan lang.

Albur church (can be found in Alburquerque,Panglao island)



Baclayon - one of the Oldest Stone Church in the Country (1596)

My mom was wearing a sando when we entered the church. Bawal pala kaya naharang siya. They are strictly following proper dress code inside the church. If you forgot this rule, don't worry, marami silang katcha dun. Yun e kung kaya mong tiisin na isinuot na yun ng iba. Tandaan.. kaya nila ginamit yun dahil expose ang mga underarm nila.

We also visited Baclayon museum.  P25.00 each. Picture taking is prohibited. Anyway, there's not much to see - damit ng pari, spanish liturgy, old and rustic piano, naaagnas na song book, inaanay na kahoy kahoy.. ganun. Sorry ah, I'm really not into it.

Dauis Church - 19th century

I can't help but appreciate its architecture.. combination of modern and classic design

For our finale... Hinagdangan cave. It is located in Panglao Island. We added 200.00 on what we agreed on initial rate. 800.00 lang kasi dapat yun e. May oras pa kaya sinama ko na to. It's just a simple cave. We just stayed there for only 10 minutes I think. Don't forget to buy guyabano shake outside the cave. The first stall on the left if you came out of it. It so damn good. Basta pagkain talaga...

reminded me of the movie "Scream".. I don't know hihihi!

Sha! ikaw na ang glow in the dark. That's my brother... Sorry taken na.


It's dark. And it's really hard to take a good shot. People can actually swim on the water. Local folks do. I didn't. Surprisingly, water is not freezing cold unlike all the caves I've been to. Pansin ko lang, may tagas siya. Parang bubong namin noon during rainy season. Napansin ako nung isang tour guide. He said "mainit po kasi. natutunaw po yung mga stalactite." I see, "kala ko kasi kanina pa ko naiihian ng bats." He smiled.


That ends my Bohol tour. We were able to catch the last trip to Cebu and slept on Cebu Guesthouse ulit. We badly need a good sleep for Malapascua the next day. Until next time...

Expenses:
Cebu guesthouse aka Aysha Lily   545 * 2 (2 nights) = 1090.00
Mango Avenue                             
09398297673
Taxi from Mango to Pier 4             70.00
Supercat ferry one way ticket    424 * 3 ( 3 pax) = 1272.00
                                                        399 * 3 (3 pax) = 1197.00
Loboc River Cruise Buffet 400 * 3 = 1200.00

Tricycle (Bohol countryside tour) 1000.00
Kuya Jr
09057754819

-------------------------------------------------------
Total:                                                 5829.00/3=P1943.00 each


*I'll update the expenses once I got home. Memory gap lang. Take it as it is for now. Bye!

Wednesday, June 8, 2011

Magtur man si Duray sa Bohol, Cebu, Liyte in just 4 days

Before I explored these islands, I mentioned in one of my FB status that I will cross out 3 of my 2011 goals. Unfortunately, it went down to two since I specifically stated there that I will dive in Balicasag, which did not happened. Well, it's intentional though, coz i'll be back there next month. I just want my mom and brother to experience, even just a glimpse, what Bohol can offer. If you're wondering about the 2 goals I accomplished, one is when I had Zac, which I'm still thinking if I would make a separate post, and the other one is my Cebu tour with family, if you can call the 3 of us a family already. Leyte was never part of my plan. And I'm really glad I chose to pursue it.

Forgive me for not sharing the details YET. Busy lang. Natambakan ng trabaho. hahahaha!


amazed by man-made forest


tried to conquer my fear on one of the most dangerous creature on earth

photo op with the world's famous smallest primate

prayed at old churches (and I mean the word OLD)

Went to Northern Cebu and hit the beach of Malapascua

explored the underwater world

played with fishes

stunned by this poisonous beast

discovered the WWII shipwrecks (yes you can touch it)

wowed by the picturesque sunset
got tanned on Leyte's hidden paradise


Dami ba? Hehehe! Can't wait to tell the whole story. Watch out for more soon. Stay tuned.

Wednesday, May 11, 2011

I just can't get enough: Puting Buhangin at Kwebang Lampas Island

Nagbabalik! Hihihi! I’ve always been excited to blog about something I’ve experienced recently… as in that same day. Malala na kasi memory gap ko. Ayokong may ma-miss. Ngayon lang ako tinamad ng ganito. Kalevel ng walang kakwenta-kwentang laban ni Pacquiao nung Sunday. Pinili ko pang matulog kesa panoorin siya.

So ito na nga.. sabi ko sa last post ko, I shall return to Quezon Province. Pero hindi ko akalain agad-agad pala mangyayari. Hahah! Again, thanks Lakwatsera de Primera for a very nice post about island hopping in Pagbilao.

Sneak Preview
Actually, dapat sa Bolinao, Pangasinan ang initial destination. Ang budget per person is 2,500 each kung iaavail namin ang package na nakita ng co-lakwatsador kong si Martyn. Hindi pa daw kasama ang food. Kamusta naman?! Ang layo at ang mahal no! Thank God hindi nakumpleto ang sampung katao para i-pursue ang planong to. So ako na ang nag-suggest na pumunta na lang sa Quezon since I missed out Puting Buhangin the last time I went there. That was 2 weeks ago lang mind you. Hahaha!

I contacted Kagawad Vic (again) of Padre Burgos (09129178637). He was very accommodating sa mga queries ko. He was in charge of the boat reservations on Laguimanok Port. By the way, Pagbilao is roughly 40 minutes away from Padre Burgos via boat. Why did I chose Padre Burgos as point of entry? Simple lang. Wala lang talaga kasi akong choice. Wala akong idea sa Pagbilao Wharf nilang tinatawag kung san man yun. Isa pa, tried and tested na si Kagawad kaya may tiwala naman ako sa team niya. He even suggested a place to stay near the Port. Guess what? Sa bahay ng isang Congressman kami nag stay. Oh ha! San ka pa?! hahahah! Mamaya iinggitin ko kayo kung anong meron dun.

Still remember my Canyon Cove Buddies last Feb of this year? Sila sila lang ulit. May dalawa lang na bagong recruit. Hanapin sila sa loob ng sampung segundo.. Timer starts now!

We prepared everything from food, car assignment, detailed map (na naiwan ko pa), place to stay, what to do… at lahat ng gastos naka-audit care of OCious of all, Madam Ella. Yung tipong, kung kasama sa budget ang toothpick, bibilangin ang naconsume at paghahatian ang natira.. Ganun! Sha ikaw na ang organized. Hahaha!

2 days before, nagtext si Kuya Vic na pupunta daw siya sa Bolinao sa araw kung kelan kami darating. O diba ang bongga ng coincidence. Kaya ipinaubaya kami kay Kuya Robert. Pati yung bahay ni Congressman, ipinahanda na sa pagdating namin. Hihihi! Curious na ba?


Ang map ni Martyn.. hindi ko alam kung kinulang sa ink or naubusan ba ng papel kaya hanggang Pagbilao lang ang nandun. Hindi niya nailagay ang Padre Burgos na point of entry. Lol! Kaya nung nagtext siya sa mga tao sa ibang car ng “Last leg na to!” nawala ang credibility niya. Inabot pa kami ng halos isang oras kakahanap sa Padre Burgos. Maya-maya pa’y may nag text “Ang haba naman ng leg na to ha!”. Sabi ni Martyn “Wala akong sinabing kay Mahal na leg yun. Kay Melanie Marquez yun no. Long Leggedness remember?” Taob! Hahahaha!

Stop Over muna sa Caltex (by the way Pau, I love your cam, nawawala ang blemishes ko! hahah!)
Finally we arrived. Sinasabi ko na nga ba may sa Pusa ako e. Hindi dahil sa mahaba ang buhay ko kung di dahil hindi ako matandain ng lugar. Kailangan mo kong dalhin dun not once nor twice para matandaan ko siya exactly. Kaya ayun, lumagpas kami ng onti. Luckily, yung nalagpasan namin na yun, e bahay na ni Congressman. Yahuuu! Tinext ko na lang si Kuya Robert na dun na kami mismo sunduin sa bahay. Super nice. Sabi ko nga dati, I love old places. Misteryoso. At mukang maraming natatagong kwento. Bihis mode na para makarating agad sa Puting Buhangin. We rented the boat for 1800.00. May mga lifevest din na available for P10.00 yun e...kung hindi pa kayo sawa sa buhay nyo.

Lovely rock formations along the way

Yipiii! That huge powerplant tower.. yan ang sign!

It was indeed a hidden paradise…(well siguro kung wala ang poo poo ng dogs) Kahit anong pananakot ang gawin ko sa mga asong yan ayaw akong lubayan. Oh PLLLeeeaaase!

We just put our things sa nipa hut and ate delisiyosong lunch. By the way P500.00 ang cottage rental. Uber sarap ng adobo ng Mommy ni Martyn. Actually sa car pa lang gusto ko ng sakmalin yang karneng yan sa bango. Ayaw nila ipakita sakin. Sabi ni Mart ubos na daw ni Joevert, hininga na lang niya ang naaamoy ko. Ewwness talaga. hahaha! We also have fried Spam, you can never go wrong with it, and mango as dessert. We started exploring the island. This is it na talaga!


The island deserves its name Puting Buhangin. Kailangan pa bang imemorize yan? Naman! Sand can either be fine or a bit coarse texture. Kanya kanya silang teritoryo promise. You can even feel yung mga basag basag na corals and sea shells by the sea shore. What's unique about the place is the cave on the other side.  We did not waste our time at nag attempt na kaaagad. Usisera kami e.

Forgive ate budda out there.. hindi niya alam ang kanyang ginagawa.

Ang linaw ng water. Kaya kitang kita din ang naglalakihang bato sa ilalim. Para kaming nasa obstacle course. Careful lang kasi Takeshi's Castle level ito. After kong marindi sa katitili ni Yuna tuwing sumasayad ang paa sa tubig, nakarating na kami at last. Let's check what's inside the cave.

Amazing View
Natuwa talaga ako kasi worth it naman pala ang long legs ni Melanie Marquez. hahaha! 

Bakit ba lagi na lang akong busy sa background habang kayo abot tenga ang ngiti sa picture. hmp!

There was a group inside the cave when we arrived. Nagmamadali silang lumabas kasi may ahas daw. How I hate snakes. Minsan na kong pinasok ng snake sa bahay mag isa kaya talagang phobia kung phobia. Kung 5 taong gulang siguro ako nung nangyari yun, makarinig lang ng word na sawa, kinukumbulsiyon na ko..

Hindi na ko nag attempt. Ok na ko sa may bungad lang. Heller?! Pano pag marunong palang lumangoy ang dyaskeng sawa!


Madam Ella on the other side

Ke mababaw yan o hindi...

Yaya mode!
Naisip namin magpakuha ng group pic kay kuya Bangkero. Sabi niya hindi daw kasya kaya pinaatras namin siya ng pinaatras. Walanjo! Ga-tuldok na ang mga mukha namin. Yung view pala ang hindi kasya. Nakalimutan kong may timer nga pala ang cam. hahaha!

Happy?

lol! Sha kayo na ang prepared sa continuous shot!

Nakakita sina Pau, Joevert at Mart ng chance mang-agaw ng mic sa slot machine type ng videoke. Sorry na lang sa mga tao dun, dupang kami. lol!! Honestly, while we were on our way, locals said "Ma'am, ang gagaling po palang kumanta nung mga kasamahan nyo no?" Naks! La na palakpak na tenga. hahaha!

performance level? hahaha! peace!
It's time to go back to Congressman's house. We taught of going to Borawan to witness the sunset but we've had enough. Dead tired.

I prefer sunset talaga over sunrise. I find it dramatic. Don't you agree?

When we reached the port, hindi muna kami umuwi. Sayang ang sunset moments.



Parang Astro boy lang si Papa P, lumutang basta basta. lol!

Mahal na inang bayan? ikaw ba yan? Poster-making contest

Papayag ba kong walang moment? Charot!

Eating time na. Konting tirang adobo, yummy pork chop BBQ, and Crab and Corn Soup. Great combination. Nagffluctuate ang kuryente. Nagbiro lang ako, sabi ko kay Pau "hala naku pano pag namatay ang ilaw, lumang bahay pa naman to, biglang sasara lahat ng pintuan at lalabas ang mga tao sa larawan!" Hindi ko alam na matatakutin pala siya. Hahaha! Akalain mong wala pang 5 minutes namatay nga talaga siya. Hindi talaga ako dumidilat. Baka magkatotoo kasi yung sinabi ko. Scary talaga. After 1 minute nabuhay na ulit. Ayun... magkakahawak kami nina Pau at Martyn. Duwakers! Actually inaantay na lang daw ni Martyn na sumara nga yung mga pintuan. hahaha! May dilang anghel pala ako minsan.


Sabi ko walang ngingiti e! huling huli ang mga pasaway!

Alam kong naiintriga na kayo kung sino si Congressman. Totoo siya. Dati siyang Mayor sa Padre Burgos but since napromote na nga ang postion niya, rest house na lang tong bahay niya. I'm not sure if I will be allowed to post his name e. I'll ask the care taker first. Baka biglang tambangan ako. hahaha! But the house really deserves to have a place on the net.  Its highly recommended by me. Luckily, we're the only guest. Solong solo namin ang bahay niya. Let me take you there..

Entrance. Great mood setter.
It seems like, hindi sila nagtatapon ng gamit. Iba ibang sala set but it blended well with the other furnitures. By the way, I saw 2 grand piano. Pang mayaman talaga. Old pictures were all over the place. Kahit san ka lumingon. Meron din mga banga sa may hagdan. Hindi lang ako sure kung may halimaw din na kasama sa package. Siguro kung praning ka lagi sa multo hindi ka dapat pumunta sa lugar na yun.

You will see another sala set pag akyat ng hagdan. may Veranda sa harap na overooking ang dagat.


nakita nyo ba yun?

eto pa o.
 Lol! wag takutin ang sarili. Epekto yan ng walang tripod.





The boys already went sleeping. Girls were still up. Halatang halata ang mga tomador. hahaha! 

Shempre special request ko si Vodka Cruiser! Thanks Pau!

Sinong lashing! hindi ako lashing! hahaha! Sorry girls! K.O. ako

The rain started to pour. We really thank God na pinagbigyan talaga kami. I heard may bagyong dumating that day. Nagkasya kami sa iisang room. Salamat sa libreng mattress. For 6 person yun supposedly. 9 kami FYI. P 3500.00 lang siya per night. Allergic kami sa gastos e. Keri na yun.

We just spent P1400.00 each. Kaya yan kung samin lang. 

Contact Persons:
Tour Guide Kagawad Vic - 09129178637
Caretaker of Congressman's house Ate Mayang  - 09162408359

How did we get there:
"From Manila take SLEX to its end at Calamba and follow the signs towards Batangas.You will see a fork road on the right a short distance after passing the entrance to the STAR expressway. The right fork goes to Lipa City and the left goes to San Pablo – take the left fork towards San Pablo.


You will pass the town of Alaminos and then San Pablo. Take the diversion road of San Pablo towards Tiaong. Just before Tiaong there is a left turn onto a road that goes through Candelaria and Sariaya. After Sariaya you turn right towards Lucena City and take a left turn onto the Lucena Diversion Rd a few km outside the city. Once the diversion road rejoins the main highway, it’s only a short distance to Pagbilao town. If in doubt, just follow the signs to Bicol."

-excerpt from lakwatsera de Primera's site. (sensha na.. tamad lang. Diba nga? hahaha!)

Please refer to Martyn's blog for more details. Congrats on you new blog. Love it!